Chapter 7

1427 Words
Sofia: Wala ka talagang kwenta, Gelo! Gutom na kami rito ‘to oh?! Napabuntonghininga ako noong mabasa ko ang text ni Sofia. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Mag-aanim na buwan na noong matanggap ako sa factory na pinapasukan ni Kuya Daniel. Akala ko nga noong una ay hindi ako makapapasok dahil sa hindi naman ako nakatapos. Ngunit kagaya nang sabi ni Kuya ay tinulungan niya ako. Hindi na masyadong tiningnan ang mga requirements ko at deretso na ako sa pagpasok. Sa loob ng anim na buwan din ay akala ko magiging madali na ang lahat sa amin dahil andito na ako. Ngunit mali pala ako. Kada kinsenas at katapusan ay sumusweldo ako ng walong libo. Noong unang buwan ay pinapadala ko kay Sofia ang limang libo. Ang natitira ay sa akin na para may panggastos ako rito. Hindi naman malayo sa tinitirahan namin ang factory kaya madalas ay naglalakad na lang ako. Bali ang nagiging gastos ko na lang ay ang ambag sa upa namin ni Kuya Daniel at ibang mga bills. Ayaw na nga sana akong pahatiin pa ni Kuya Daniel ngunit nagpumilit lang ako. Nakakahiya naman kasi, ‘di ba? Ipinasok na nga niya ako sa trabaho. Libre pa sa pagkain. Tapos hindi pa ako mag-aambag sa gastusin. Kaso nitong mga nakaraang buwan ay hindi na ako makapagbigay sa kanya. Halos ipadala ko na kasi nang buo kay Sofia ang sweldo ko. Paano, kapapadala ko pa lang ay wala pang isang linggo nagti-text na si Sofia sa akin na wala na raw silang pera. Kaya nga heto ako at papasok na sa karenderyang pinagpa-part-time-an ko tuwing kabi. Tumigil ako sa paglalakad noong tumapat na ako sa Tere’s Canteen. Ito ang nag-iisang canteen dito sa loob ng factory na pinapasukan ko. Noong malaman ko na naghahanap sila ng dishwasher ay pinilit kong makapasok. Tuwing pagkakatapos ko ng shift sa trabaho ko ay rito naman ako napasok. Hanggang alas-onse lang dahil nagsasara na rin sila. “Gelo!” Agad akong napasimangot noong marinig ko ang boses ni George. Humarap ako sa kanya. “Ano?” “Samahan mo na ako!” “Saan na naman? Doon? Ayoko!” Tumalikod ako sa kanya. “Alam mo naman na may trabaho pa ako eh,” may halong inis na sabi ko. Ilang gabi na kasi niya akong inaaya na pumunta sa LiquidDoze. Iyong club para sa mga mayayaman. Hindi ko nga alam kung bakit nagtatrabaho pa rin ‘to sa factory. Gayong siya na mismo ang nagsabi na may kaya naman pala ang pamilya nila. “Come on, Gelo! It is fun!” Inakbayan ako ni George at hinila palayo sa canteen. “Hoy! Teka!” “Babayaran ko ang araw mo. Samahan mo lang ako.” Pinilit kong makawala sa kanya. “Ano ako bayaran? Gago ka ba?” Tumawa si George. “Pumayag ka na kasi! Sige na!” Huminga ako nang malalim. “Wala akong panahon para sa mga ganyan, George. Kailangan ng pera ng mag-ina ko.” “Sus! Sigurado ka bang anak mo ‘yon?” Hinawakan ulit ni George ang braso ko. “Sumama ka na lang sa akin. Malalasing pa tayo!” Napailing ako. “Ayaw ko nga!” “Bakit ba?” Hinila ko ang braso ko at tumigil sa paglalakad. Muli kong na alala ‘yong babae na muntik nang makipag-away sa bar noong una kong tungtong sa LiquidDoze. Magulo pala talaga sa lugar na gano’n. “Basta! Kailangan ko na pumasok.” Umiling si George. “Hindi! Tingnan mo nga ‘yang sarili mo? Halos patayin mo na sarili mo kakatrabaho eh. Nakausap mo na ba anak mo mula noong dumating ka rito? Hindi, ‘di ba? Kaya hayaan mo sila. Maging masaya ka naman paminsan-minsan!” pagpupumilit nito. Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Alam kasi ni George ang tungkol sa mag-ina ko. Nakikita rin siya na madalas ay tumatawag ako kay Sofia pero hindi naman ako sumasagot. Mula noong tumuntong ako rito sa Maynila ay hindi ko pa nakausap si Jay-jay. Napabuntonghininga ako. Nami-miss ko na ang anak ko. Kumusta na kaya siya? Sana ay kilala niya pa rin ako. Hindi na ako nakaangal pa noong hinila ako ni George palabas ng factory. Magpapaliwanag na lang ako kay ate bukas. Dumeretso kami sa apartment na tinutuluyan ni George para magbihis. Pinahiram niya ulit ako ng rubber shoes at damit. Simpleng pantalon at t-shirt na may malambot na tela iyon. Tinulungan niya rin akong ayusin ang buhok ko kahit ayaw ko. Para daw dagdag pogi points. Tsk! Wala akong pakealam sa mga ganyan. May pamilya na ako. “Ayan! Kung babae lang ako ay niligawan na kita!” natatawang sabi pa ni George habang nakaharap kami sa salamin. “Ulol!” tugon ko habang kunyari ay sinuntok siya sa balikat. Agad namang umiwas si George. Muli akong napatingin sa repleksyon ko. Oo. Ilang buwan pa lang akong nandito sa syudad pero medyo lumiwanag na ang kulay ko. Maitim pa rin naman ako pero hindi na gano’n ka sunog. Dahil sa pagbubuhat din ng mga mabibigat na kahoy ang trabaho ko ay mas lalong lumaki ang katawan ko. Siguro ay dahil na rin sa mga training ko noon kaya ganito. Sabi nila ay lapitin daw ako ng mga babae. Hindi ko naman napapansin. At kung meron man ay hindi ko pa rin papansinin. Wala akong balak na magtaksil kay Sofia. Hindi na kami nagtagal sa apartment ni George. Medyo may kalayuan pa kasi sa amin ang LiquidDoze kaya bumyahe na kami agad. Ewan ko ba rito kay George. Ang dami ko naman nakikitang mga club na malapit sa amin pero dito pa talaga sa mahal gustong magpunta. Hindi kagaya noong una kong pasok dito ay mabilis kaming pinapasok ng guard. Muli kong na alala iyong babae. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makakapasok. Paano kasi? Kahit naman magbihis ako nang maayos ay mukha pa rin akong walang pera. “Tara, sayaw!” yaya sa akin ni George. Umiling ako at inangat ang isang bote ng alak na binili niya. Iinom na lang ako rito at papanoorin siyang makipagsayaw sa mga babaeng halos makita ko na ang kaluluwa. Napailing ako. Ibang-iba talaga ang mga babae rito sa probinsya. Tapos ang ingay-ingay pa. Pakiramdam ko ay mababasag na ang tainga ko dahil sa lakas nang patugtog. “Hi, pogi! Are you alone?” Napatingin ako sa tapat ko noong may biglang umupo sa table namin. Tipid akong ngumiti at tinuon ang tingin sa mga taong nagsasayaw. “Ay, ang sungit naman,” mahina ngunit rinig ko pa rin na sinabi niya. Sandali ko siyang tinapunan ng tingin. Napangiwi na ako agad sa isipan ko noong makita kong nakasando lang ito at kitang-kita na ang pisngi ng mga dibdib. Muli akong napainom. Kaya ayaw kong pumunta sa ganitong mga lugar eh. Nagulat ako noong biglang tumayo ang babae at lumipat sa tabi ko. Agad akong sumiksik sa gilid ngunit pader na iyon. “I can spice up your night if you want,” mapang-akit na sabi nito. Napangiwi ako. “Ah… eh… Ha?” nag-aalangang sabi ko. Nanigas na ako noong maramdaman kong humawak sa hita ko ang babae. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero kinindatan niya lang ako. Tatayo na sana ako at aalis ngunit bigla akong may nakita pigura sa likuran niya. “Excuse me? Get your filthy hands out of his pants!” sigaw ng isang babae. Lilingon sana ang babaeng nasa tabi ko pero bago pa man nito iyon magawa ay bigla na lang itong umirit at napahawak sa ulo. Sinabunutan kasi ito ng babaeng bagong dating at hinila patayo. “You! b***h!” “What?! Get lost!” Nanlaki lang ang mga mata ng babae habang nakikipagtitigan sa babaeng bagong dating. Hindi ko alam kung dahil sa alak ba iyon pero medyo malabo ang tingin ko sa babaeng bagong dating. Nakasuot siya ng isang bestida na hapit na hapit sa katawan. Mahaba ang manggas ngunit hanggang kalahati lang ng hita ang haba ng suot na bestida. Kita ko rin ang likod nito. Ngunit hindi kagaya ng ibang kababaihan dito ay nagmukha pa rin itong elegante. Umupo na ang babae sa tabi ko at ngumiti sa akin. “I’m right! It’s you!” nakangiting sabi ng babae. Napakunot ang noo ko. Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin kaya natitigan ko na siya nang mabuti. Napanganga ako noong maalala ko kung sino ito. “I-Ikaw?” Ngumiti nang malapad ang babae. “Yes! I’m Ingrid. What is your name?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD