Chapter 4

1211 Words
Mag-iisang oras na akong nakatambay sa court ngunit hindi ko pa rin makitang lumabas si Sofia at ang anak namin. Gusto ko lang naman sana magpaalam sa kanila dahil bukas na ang alis ko papuntang Maynila. Agad kasing nakausap ni Coach ang kamag-anak niya at sinabing ipapasok ako sa trabaho. Hindi ko pa alam kung ano iyon pero agad ko itong tinanggap. Kailangan kong umalis kahit wala akong kaalam-alam sa pupuntahan ko. Para naman may mapatunayan ako sa asawa ko’t magulang nito. “‘Tol. Sabing h’wag ka nang umasa eh. Hinding-hindi ka papayagan ni Manang na makausap sila Sofia,” ani Moises na panay ang pagpapatalbog ng bola. “Kailangan ko silang makausap. Alam mo naman na aalis na ako bukas,” tugon ko habang hindi inaalis sa gate nila Sofia ang tingin. “Alam mo, p’re.” Naramdaman kong umupo sa tabi ko si Moises. “Total ay pupunta ka na naman sa Maynila. Mas maganda pa siguro kung maghahanap ka na lang doon ng magiging asawa mo. Kalimutan mo na lang ‘yan si Sofia. Kahit pinsan ko ‘yan ay na iinis ako riyan.” Tiningnan ko nang masama si Moises. “May anak kami. Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” “Nag-aalala lang ako para sa ‘yo.” Muli akong tumingin sa bahay nila Sofia. Kahit naman makaalis ako ay hindi ko kakalimutan ang pamilya ko. Hindi ako kagaya ng tatay ko na basta-basta na lang kaming iniwan. Hanggat maari ay gusto kong buo ang pamilya namin. Tanghali na pero hindi ko pa rin nakitang lumabas si Sofia. Kumakalam na rin ang tiyan ko kaya na isipan kong umuwe muna para ihanda ang mga gamit ko at kumain. Madaling araw pa lang daw ang mag-aabang na ako sa kalsada para sa pagdaan ng bus. Doon na nga ako pinapatulog nila Coach sa bahay nila para masamahan ako. Nakakahiya man ay si Coach na rin ang nagbigay ng pamasahe ko at pang-apply ko sa Maynila. Wala na kasi akong kapera-pera. Pagkatapos kong maghanda ay umalis na rin ako sa bahay. Ni-lock ko na ang munti naming kubo at naglakad na papunta sa bahay nila Coach. Isang malaking backpack lang na hiniram ko pa kay Coach ang dala ko. May eco bag din ako na lalagyan ng sapatos ko. Hindi naman kasi gano’n karami ang mga damit ko. Gusto ko lang talaga makausap muna si Sofia bago ako umalis. Napatigil ako sa paglalakad. Paliko na ako noong makita ko ang pigura ni Sofia na naglalakad papunta sa kung saan. Bigla akong nabuhayan at agad na tumakbo papalapit dito. “Sofia!” tawag ko sa kanya. Tumigil naman si Sofia at lumingon sa akin. Malayo pa ako pero kitang-kita ko na sumimangot siya kaagad at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Kaya naman ay binilisan ko na ang lakad ko. “Sandali, Sofia!” “Ano?” inis na sabi nito noong maabutan ko na siya. Kahit na nakasimangot siya ay nginitian ko pa rin siya. “Kanina ko pa kayo hinahantay lumabas eh. Gusto sana kitang kausapin.” “Gelo. Ano ba sa salitang tapos na tayo ang hindi mo maintindihan, ha?” Napakamot ako sa ulo. “Sofia naman. Asawa mo pa rin ako. Ang mag-asawa ay hindi basta-basta naghihiwalay.” “Hindi kita asawa, Gelo. Hindi tayo kasal!” “Kahit na. May anak tayo.” Umikot ang mga mata niya. “Ewan nga sa ‘yo!” aniya at akmang maglalakad na ulit pero pinigilan ko. “Teka! Mag-usap muna tayo,” pakiusap ko. Tumigil naman siya pero pinagkrus ang dalawang braso sa may dibdib. “Aalis ka?” Tiningnan ko ang dala ko. “Oo.” Ngumiti ako sa kanya. “Pupunta akong Maynila, Sofia. Magtatrabaho ako para sa atin.” Umarko ang isa niyang kilay. “Buti kung makakahanap ka ng trabaho?” “Ipapasok ako ng kamag-anak ni Coach sa trabaho.” “Edi good.” “Sofia. H’wag kang mag-alala. Hindi ako makakalimot. Kahit malayo na ako sa inyo ay hindi kita ipagpapalit sa iba. Kayo ang pamilya ko.” “Ang drama mo naman, Gelo! Wala akong pakealam!” Huminga ako nang malalim. Kanina pa ako nasasaktan sa mga sagot sa akin ni Sofia pero tinatibayan ko ang loob ko. Ganyan lang naman siya eh. Pero mabait pa rin naman siya. “Yung… yung suswelduhin ko ipapadala ko ng buo sa ‘yo. Para sa inyo ni Jay-jay. H’wag kang mag-alala. Makakabawi na ako para sa inyo, Sofia. Gagawin ko ang lahat para magkaroon na kayo nang magandang buhay.” Biglang napangiti si Sofia. “Talaga lang ha? Well, dapat lang kasi anak mo pa rin si Jay-jay. Nakakahiya naman kung nagtatrabaho ka roon tapos yung pamilya mo hindi mo bibigyan?” “Yun na nga eh. Pwede ko bang makita si Jay-jay?” “Tulog. Sige na. Mag-ingat ka na lang.” Napatungo ako. Gusto ko talagang makita muna sana si Jay-jay. Pero ayos na siguro kahit si Sofia muna ang makausap ko. Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Tatawag ako palagi.” “Okay.” Naglakad na ulit si Sofia. “Gusto mo ihatid na kita?” Hindi sumagot si Sofia. Bagkus ay iwinagayway lang ang kamay at nagmamadaling naglakad papalayo sa akin. Napabuntonghininga ako. Hindi naman ganito si Sofia noon eh. Noong mag-boyfriend girlfriend pa lang kami ay mabait siya sa akin. Kaya nga lalo ko siyang minahal dahil kahit hindi ako nakatapos ay minamahal niya pa rin ako at hindi hinihiwalayan. Hindi ko lang alam kung bakit bigla siyang nagbago. Pero kahit na gano’n ay mahal ko pa rin siya. Silang dalawa ng anak namin. Muli na akong naglakad papunta kila Coach. Pagkarating ko roon ay agad akong sinalubong nila Coach. Wala na akong magulang kaya parang magulang ko na rin silang dalawa. Hanggang sa huli ay hindi nila ako iniiwan. Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung excited ba ako na luluwas ako o ano. Na mimiss ko na ang anak ko ngayon pa lang. Tulog na sila Coach noong lumabas ako sa kwartong pinahiram nila sa akin. Sabi ko sa sala na lang ako matutulog pero hindi naman pumayag si Aling Lita. Kaya kahit na nakakahiya ay doon ako sa kwarto natulog. Naupo ako sa terrace at tumitig sa kalangitan. Wala manlang kaulap-ulap kaya kitang-kita ko ang mumunting mga bituin sa langit. Bilog na bilog din ang buwan na nagsisilbing liwanag ko lang. Maghahating-gabi na kaya sobrang tahimik sa barangay namin. Agad na nanuot sa ilong ko ang malamig na simoy ng hangin noong huminga ako nang malalim. Isinandal ko ang sarili ko dingding ng bahay nila Coach Kiko at ipinikit ang mga mata. Hindi ko maiwasang kabahan sa pagluwas ko. Ito ang unang beses kong aalis sa probinsya namin kaya medyo nag-aalala ako. Hindi ko alam kung ano ang sasalubong sa akin sa lungsod. Sabi nila ay maingay raw doon. Magulo. Napangiti ako sa aking isipan. Kahit saan naman magulo. Muli kong idinilat ang mga mata ko. Pero kahit na ano pa man ang naghihintay sa akin ay sigurado ako sa sarili ko na pagsisikapan ko. Gagawin ko ang lahat para maibigay ko ang buhay na gusto ni Sofia. Hinding-hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na sinong babae pa riyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD