bc

My Stepbrother is a Mafia Boss

book_age18+
154
FOLLOW
1.3K
READ
forbidden
HE
brave
neighbor
heir/heiress
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Paano kung malaman ni Oriana na ang first love niya ay stepbrother na niya at isang mafia boss after ilang years na pagkikita nila?

chap-preview
Free preview
First love
Flashback... 17 years ago. Nakarinig ako ng tunog na nanggaling sa likuran ko kaya gulat akong lumingon sa aking likuran. Nakita kong nagkukumpulan ang apat kong kaklaseng lalaki. Huminga ako ng malalim nang ma-realize ko kung ano na naman ang ginagawa nila. Lahat kami ay nakuha nila ang atensyon. Break time rin namin ngayon. "Hoy Julian! Akala mo ba hindi kita nakita kanina ah! Pinagtatawanan mo ako habang nagre-recite ako," galit na wika ni Joshua. Dahil tumabi si Alex kay Joshua sa right side ni Julian, nakita ko kung ano ang nangyayari. Nasa harap lang kasi ako nito kaya nakatingin lang ako sa likod ko kung nasa'an nakaupo si Julian. Nakita ko kung paano tumingin ito kay Joshua na boring na boring. "What are you talking about? Wala akong pakialam sa'yo, sa inyo. So, paano mo naman masasabing tinatawanan kita?" "Nakita kita!" sigaw naman ni Joshua. "Oo nga, narinig nga rin kita e," singit na wika ni Alex. "I don't even look at you," iritang sabi ni Julian sabay iling nito. Kinuyom niya ang kamao niya at tinapat kay Julian na nakatingin lang sa kan'ya na walang gana. "Alam mo ikaw..." Hindi na niya nasabi ang gusto niyang sabihin nang tumunog na ang bell senyales na tapos na ang break time namin. Natigilan si Joshua sa kung anong gusto niyang gawin kay Julian. Nakita ko naman ang bag ni Julian na nasa sahig at medyo malayo sa kan'ya na sa tingin ko ay sinipa ito at iyon ang narinig naming ingay kanina. Pinuntahan ni Joshua at ng tatlo kasama niya sa bag ni Julian at muli niya itong sinipa na sinundan din naman na gawin ng tatlo. Napakunot ang noo ko habang pinapanood ko sila. Itong si Julian naman ay hindi na nag-abala pang tingnan kung anong ginagawa sa bag niya at tinuloy na lang niya ang pagsusulat sa kan'yang notebook. Kinuha ni Alex ang bag ni Julian at napansin ko na madumi na rin iyon. Bigla niyang hinagis kay Julian at natamaan naman ito sa balikat niya at sa kamay niya. Sabay sabay silang tumawang apat habang papunta sila sa kani-kanila nilang upuan. Nakita ko ang notebook niya na may mahabang sulat na galing sa ballpen niya na alam kong rason no'n ay dahil natamaan ni Alex ang kamay ni Julian ng bag nito habang nagsusulat. Inayos na lang ni Julian ang bag niya at inilagay iyon sa likod ng upuan niya at muling tinuloy ang kan'yang ginagawa. Parang wala siyang pakialam sa mahabang sulat sa napakalinis niyang notebook. Natigilan na rin akong tingnan siya nang dumating na si Ma'am Martinez ang next teacher namin sa susunod na subject after break time. I feel so bad for him. Hindi talaga niya pinapatulan sila Joshua kahit anong gawin nila sa kan'ya. Nabu-bully siya ng mga kaklase ko lalo na ang apat na iyon dahil nayayabangan daw sila kay Julian kahit wala naman itong ginagawa. Walang kaibigan si Julian sa aming magkaklase, as in wala kahit sa ibang section o ibang grade. Hindi ko lang maintindihan ang mga kaklase ko kung bakit ganito ang turing nila sa kan'ya. Okay naman siya e, ayaw lang talaga niya makipagkaibigan at iyon din ang hindi ko maintindihan kay Julian. Hindi naman ako nayayabangan sa kan'ya tulad ng mga sinasabi nila. Wala lang talaga siyang pakialam sa mga nakapaligid sa kan'ya. Si Julian Remington ay matalino, gwapo, at mayaman. Nasa kan'ya na ang lahat kaya halos lahat din ng mga babae dito sa school namin ay may gusto sa kan'ya at sa tingin nga namin ni Eunice na aking bestfriend at kaklase ay iyon din ang dahilan kung bakit naiinis din sila Joshua kay Julian. UWIAN na namin at habang inaayos ko ang mga notebook at gamit ko na nasa desk ko, napansin ko ang notebook ni Julian na nasa desk niya pa. Mabilis kong inayos ang gamit ko at sabay suot ko ng backpack ko. Napatingin ako sa paligid ng classroom para hanapin si Julian pero wala siya doon. Nandito pa kasi ang mga gamit niya at pati ang kan'yang notebook ay nakabukas pa kasama ang ballpen na nasa gilid ng notebook niya. Ang bag niya ay nasa upuan din niya. "Oriana, ano tara na? Baka nandiyan na rin 'yong sundo natin," wika ni Eunice nang makalapit ito sa akin. "Wait, hinahanap si Julian," sagot ko habang hindi ako mapakali. Hindi siya makapaniwalang tiningnan ako. "B-bakit? Anong meron?" Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa gamit ni Julian. "Mauna ka na, kapag nakita mo si Kuya Robert, pakisabi na lang na may ginagawa pa ako at hintayin na lang niya ako, okay?" "Sure ka? Ano ba kasi 'yon? Bakit hinahanap mo si Julian?" nagtataka niyang tanong. "Hindi ko rin alam e pero gusto ko siyang hanapin ngayon." Biglang nagbago ang hitsura niya. Binigyan niya ako ng nakakaasar na tingin. "Aysus! May gusto ka lang sa kan'ya e! First love mo siya dito?" Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Shhh!" Tinanggal naman niya ang kamay ko sa bibig niya. "Okay, I'm sorry, okay? Hindi na mauulit." "Sige na mauna ka na," sambit ko. "Fine. Mag-ingat ka, okay? Message me when you get home!" sigaw niya dahil sinasabi niya iyon habang palabas ng room namin. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at kinuha ko ang bag ni Julian. Nang liligpitin ko na ang notebook niya, nakita ko na may dalawang marka na bilog doon at nang hawakan ko iyon ay medyo basa pa kaya sa tingin ko ay luha niya iyon. Mabilis ko nang niligpit iyon at nilagay sa bag ni Julian at binitbit habang palabas ng room namin. Ayaw ni Julian na hinahawakan ang gamit niya pero wala akong choice kundi bitbitin ito dahil baka mamaya ay pagdiskitahan na naman ng apat. Madami pa mga tao dito sa school namin kaya medyo hirap din akong hanapin si Julian. I remember na nagpaalam siyang pupunta ng restroom bago ang uwian namin at hindi na ito bumalik. I think 1 minute na lang yata no'n ay uwian na namin. Dumiretso ako sa restroom na malapit lang sa room namin at dahil hindi ako makapasok sa panlalaki naghintay ako ng lalaki na lalabas galing doon at sakto naman na may lumabas na isa. "Hi, kilala mo ba si Julian? Julian Remington?" tanong ko na sa tingin ko ay grade 6 din siya pero ibang section. Tumango siya. "Oo, bakit?" Hays halos kilala nga pala siya dito sa school. "Nandiyan ba siya sa loob?" tanong ko. "Wala e." "Gano'n ba? Sige, salamat." Tumango na lang ito at lumakad na palayo sa akin. Naghanap ako sa ibanv restroom at wala talaga siya doon hanggang sa makarating ako sa lumang playground hindi kalayuan sa classroom namin. Walang mga tao doon pero parang may humihila sa akin na puntahan ko iyon kaya hindi talaga ako nagdalawang isip na puntahan iyon at hindi naman nila ako napansin na nandoon ako dahil nagtago pa ako sa poste. "Iyan! Sige pa!" rinig kong sigaw ni Ian. Agad akong napatakbo papunta doon at nakita kong nakaupo si Julian sa sahig habang tinatakpan niya ang ulo niya gamit ang dalawa niyang kamay. Nakayuko siya sa may tuhod niya habanag si Matthew at Joshua ay sinisipa ito sa magkabilaang hita niya. "Pasensya na Julian, naiinis kasi kami sa'yo e, napakayabang mo kasi kaya tama lang sa'yo ito!" bulalas ni Matthew. Inis ko silang pinuntahan. "Hoy! Tigilan niyo na 'yan!" sigaw ko. Natigilan naman sila at sabay sabay silang napatingin sa akin. "Oriana, bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ni Alex. Hindi ko siya sinagot. Tumingin lang ako sa kan'ya pero iniwas ko rin. "Tigilan niyo na si Julian." "Bakit mo kami inuutusan?" masungit na tanong ni Joshua. "Kapag hindi niyo pa hininto 'yan at hindi niya tinigilan si Julian ako na mismo ang magsasabi sa principal ang pinaggagawa ninyo. Alam niyong bawal 'yan!" sambit ko sa sobrang inis. "Baka gusto niyong ipatawag mga magulang niyo?" Biglang napaatras si Ian at bakas sa mukha niya na natakot siya sa sinabi ko. Kahit tigilan o hindi pa rin nila tigilan si Julian, sasabihin ko na talaga ang ginagawa nila. "Tara na!" sigaw ni Joshua sabay takbo niya at agad din naman siya sinundan ng tatlo. Nang hindi ko na sila matanaw, tinuon ko na ang atensyon ko kay Julian na gano'n pa rin ang posisyon niya. Lumapit ako sa kan'ya at naupo sa gilid niya. "Julian?" "Hmm?" "Sorry ah, niligpit ko 'yong mga gamit mo... ito oh 'yong bag mo," wika ko. Unti-unti naman niyang inangat ang ulo niya at agad niyang tiningnan ang bag niya na hawak ko at kinuha na iyon sa akin. "Thank you." "Wala 'yon... by the way, okay ka lang ba?" Tumango siya. "Yes." Napatingin ako sa palad niya habang nilalaro ang isang pirasong dahon na napulot lang niya sa baba. Nakita ko na may gagas iyon kaya hinawakan ko ang kamay niya sa gulat ko at na pansin ko rin na gulat siyang napatingin sa akin. "What's this? Sila rin ba ang may gawa?" nag-aalala kong tanong. Mabilis niyang inalis ang kamay niya sa kamay ko. "Don't mind that." "Sabihin mo sa akin kung anong nangyari," saad ko habang kunot noo akong nakatingin sa kan'ya. Ngumiti siya ng pilit habang nakatingin sa nilalaro niyang dahon. "Pagkagaling ko ng restroom, saktong uwian na pala at nakita kong inaabangan na ako nila Joshua sa labas at bigla na lang ako hinila ni Matthew at Alex papunta rito... Tinulak nila ako kaya may gasgas ang palad ko dahil iyon 'yong ginawa kong pangsuporta sa katawan ko. Naabutan mo rin sila kung anong ginagawa nila sa akin after nang itayo nila ako sa pagkakadapa." Hindi ko inaasahan na makukuwento niya sa akin iyon. Tipid lang kasi siya magsalita at ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng ganito karami kaya sobra kong na-appreciate iyon. "Nagsabi ka ba sa parents mo kung anong ginagawa nila sa'yo?" Umiling siya. "Never. Ayaw ko na sila bigyan pa ng problema." "Pero kailangan nilang malaman." Muli siyang umiling. "Okay lang naman ako." "You're not okay, Julian," sambit ko. Muli siyang ngumiti ng kaonti at kasabay no'n ay ang pagpatak ng luha niya na sa tingin ko ay matagal na niyang pinipigilan. Mabilis niyang pinunasan iyon gamit ang kamay niya. "I'm so sorry." Umiling ako. "It's okay. Mas maganda kung ilabas mo 'yan kaysa kinikimkim mo, masakit 'yan sa dibdib." Nilabas ko ang panyo ko sa aking bag. "Here, hindi ko 'yan nagamit." Kinuha naman niya iyon at pinunas sa luha niyang patuloy ang pagpatak. "I can't tell my parents what's happening to me at school, they already have a lot of problems and I don't want to add more, especially since they both don't seem okay anymore. I just become brave every time Joshua's group bullies me, but deep inside, I am really hurt," sabi niya habang pinupunasan ang luha niya. Hinawakan ko ang balikat na never ko pang nagagawa simula nang lumipat siya dito. "Huwag kang mag-alala, titigil na rin sila lalo na sasabihin ko na rin sa mga teachers natin kung ano 'yong mga mali nilang ginagawa." Umiling siya. "No need, hindi ko na itutuloy ang pag-aaral ko rito, pupunta na rin kasi kami ng New York next day kaya ito na 'yong last day kong pumasok dito sa school," wika niya sabay tingin sa akin. Inaamin ko na nagulat ako sa sinabi niya at nalungkot at the same time. Kung kailan nakakausap ko na siya doon naman siya aalis. Tumango ako sabay ngiti. "Mag-iingat ka." "You too." Tumayo na siya kaya napatingala ako. Inilahad niya ang kamay niya dahilan para hawakan ko iyon at napatayo na rin ako. Kung alam ko lang na aalis na pala siya edi sana matagal ko na rin pala siyang kinausap. Nahihiya kasi ako at baka ayaw din niyang makipag-usap pero mali ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook