Wedding day

1556 Words
17 years later. Natigilan ako sa pag-iisip ko nang may kumatok sa aking opisina kaya agad akong napatingin doon. "Yes?" Bumungad sa akin ang boyfriend ko na si Kylo na nakangiti ng matamis, isang taon na kami. "Hi, love." May hawak siyang isang bouquet ng sunflowers. Agad akong napatayo at pinuntahan siya. Hinalikan niya ako sa labi sabay abot niya sa akin nito. "Thank you so much!" Nakangiti pa rin siya ng matamis. "Ano? Dinner tayo mamaya sa place mo?" Tumango ako habang nakangiti. "Sure." Agad din siyang lumabas ng opisina ako. Ako nga pala si Oriana Everett Zobel, isang CEO sa hotel chains ng aming family. Namatay na ang papa ko and si mama ko naman ay ikakasal na sa isang kilalang tao rin, mayaman din ito. Siya si Tito Edward, patay na rin ang kasama niya tatlong taon na ang nakakalipas, at sa isang taon na pagsasama nila ni mama, gusto na nilang magpakasal. At first, tutol ako pero kung masaya naman si mama doon, bakit ko ipagkakait ang kaligayahan niya, 'di ba? Kaya pumayag din naman ako. Okay din naman si Tito Edward para sa akin at iyon din naman ang laging sinasabi sa akin ni mama. Pauwi na ako sa mga oras na ito, gusto ko na rin muna makapagpahinga bago kami mag-dinner ni Kylo sa bahay ko. Wala naman special occasion pero nagplano lang talaga kami na mag-dinner ngayon. Sa susunod na araw ay kasal na rin ni mama, kaya hindi na rin muna ako papasok bukas para makapagpahinga ako. Pagkauwi ko sa bahay, natulog na muna kaagad ako. MAKALIPAS ang dalawang oras, nagising ako nang haplusin ni Kylo ang buhok ko kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nakangiti itong nakatingin sa akin. "Kanina ka pa ba?" tanong ko. Umiling siya. "Hindi naman, halos kararating ko lang." Agad akong bumangon at tinali ang aking buhok. "Tara na," wika ko habang palabas ng kuwarto ko. Agad din naman siyang sumunod sa akin. Pinagluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain at ako rin mismo ang nag-ayos ng table namin habang siya ay naliligo. Masaya akong ginagawa ko ito para sa kan'ya, siya rin kasi ang first boyfriend ko, nakilala ko siya sa isang restaurant kung saan siya nagwo-work bilang assistant chef. Nang matapos na ay tinawag ko na siya kaagad para kumain na. "Wow! Mag paborito ko talaga niluto mo? Thank you!" nakangiti niyang tanong habang umuupo siya. Nandito kami sa loob ng bahay. Tumango ako. "Yes." "Sabi ko kasi sa'yo ako na lang ang magluto para makapagpahinga ka rin," wika niya. Umiling ako. "Okay lang 'yon, masaya nga ako dahil napagluluto kita e at saka alam kong pagod ka rin sa work mo." Hinawakan niya ang kamay ko. "Thank you so much, love." "Wala 'yon... tara kain na tayo." Sumandok na ako ng pagkain namin. Sa kalagitnaan ng pagkain namin muli siyang nagsalita kaya agad akong napatingin sa kan'ya. "Love, baka makalimutan mo 'yong sinasabi ko sa'yo ah?" Bigla akong napaisip. "Ano ba 'yon? Sorry ah ang dami ko kasing iniisip kaya nakalimutan ko na." Binatawan niya ang hawak niyang tinidor at hinawakan niya muli ang kamay ko. "Iyong bagong relo, sapatos tapos 'yong bag na gusto ko rin? Iyong pinakita ko sa'yo kahapon?" Oo nga pala, may gusto nga pala siyang ipabili sa akin. Sa sobrang pag-iisip ko ay nakalimutan ko na ang tungkol doon. "Ah oo nga pala! Pasensya na, love nakalimutan ko pero huwag kang mag-alala, after nang kasal ni mama bibili na ako, okay?" nakangiti kong sambit. Ngumiti siya ng malawak. "Salamat! Napakasuwerte ko talaga sa'yo!" Ngumiti ako ng matamis. "No worries, love." Muli naman tinuloy ang kaming dinner date habang nagkukuwentuhan tungkol sa aming trabaho. Sisiguraduhin kong makakabili ako ng mga gusto ni Kylo pagkatapos ng kasal ni mama katulad ng sinabi ko sa kan'ya kanina. Masaya rin ako kapag nabibigay ko ang mga gusto niya. He deserves it naman e. NANDITO na ako ngayon sa simbahan kasama ang bestfriend ko na si Eunice. Ngayong araw na ang kasal ni mama. Madami na rin tao at ilang minuto na lang din ay magsisimula na ang kasal. Excited ako dahil alam ko kung gaano kasaya si mama na makasal kay Tito Edward. Si Tito Edward ay may isang anak na lalaki, hindi ko lang alam kung anong pangalan dahil ang totoo naman niyan ay wala naman akong pakialam kung sino iyon basta ang mahalaga sa akin ay maging masaya si mama. "Friend, hindi ba may anak si Tito Edward?" tanong ni Eunice habang nakaupo kami sa loob ng simabahan. Sakto pa na ang anak ni Tito Edward ang iniisip ko kanikanina lang. "Oo, meron." "Pupunta siya, right? Imposible naman na hindi e kasal din ng papa niya," wika niya. Nagkibitbalikat ako. "I'm not sure. Ang alam ko kasi nasa ibang bansa iyon." "Hindi mo pa siya nakikita 'di ba? Ni hindi mo nga rin alam ang pangalan," natatawa niyang sambit. "Gano'n talaga kapag walang pakialam," natatawa kong sagot. "Paano kung gwapo siya tapos pasok na pasok pa sa standard mo, kaya mo bang kalimutan na stepbrother mo siya at maging lover na lang?" natatawa niyang tanong. Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "Hindi mangyayari 'yan ano! Never! Syempre anak siya ni Tito Edward na mapapangasawa na ngayon ni mama kaya dapat ituring ko siya bilang kapatid." Tumango-tango ito. "Sabagay may point ka naman." "Mabuti naman at nakuha mo kaagad ang pino-point ko." "Hello? Ako pa ba?" Tinuro niya ang kan'yang sarili. Napailing na lang ako habang natatawa sa kan'ya. Ilang sandali lang ay nagsimula na ang kasal. Lahat kami ay napakasaya lalo na ako para sa dalawang kinasal. Ngayon ko na lang ulit nakita si mama na ganito kasaya. Five years na rin kasi simula no'ng nawala si papa. Nagpunta na rin kami sa reception at talagang napakaganda ng ayos parang gusto ko na rin tuloy makasal. Hoy! Pinagsasabi mo diyan, Oriana? Huwag muna. Madami rin bisita at may mga reporter sa labas ng reception pero hindi nila nakitang pumasok sila mama dito dahil sa likod sila dumaan dahil kapag sa harap sila ay baka matagalan sila bago makapasok dito. "Congratulations, mama and Tito Edward!" masaya kong bati sa kanilang dalawa. "Thank you so much!" masigla nilang sabay na bati. "Tito, hindi po ba darating 'yong anak ninyo ngayon?" tanong ni Eunice. Sa gulat ko sa tanong niya ay kinurot ko ang hita niya kaya napatingin ito sa akin. Nilakihan ko siya ng mata at umiling ng pasimple. Umiling din naman siya habang nakakunot ang noo niya. Aba! Parang siya pa ang galit ah. "Ah, Julian ba?" nakangiti niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin nito ang pangalan ni Julian. Bigla kong naalala ang first love ko na si Julian. "Nasa New York pa siya ngayon, pauwi palang siya. Mamayang gabi palang ang flight niya papunta dito sa pinas." "N-new york?" gulat na sambit naman ni Eunice sabay pa kaming nagtinginan sa isa't isa. "Yes, bakit? Kilala niyo siya?" tanong ni Tito Edward sa amin. Sabay pa kaming tumango ni Eunice. "Ano na po kasi ang apelyido niyo?" tanong ni Eunice. "Remington." Ngumiti siya ng matamis. "R-remintong?!" sabay muli naman wika na hindi makapaniwala. "Nakwento ko kay Edward kung saan ka nag-aral no'ng elementary ka at sinabi niya sa akin na parehas kayo ng school na pinag-aralan ni Julian pero 'yon nga hindi na niya natapos ang pag-aaral doon dahil pumunta na ng New York... I guess, ikaw 'yong Oriana na palagi raw niyang kinukuwento kay papa niya dati," wika ni mama. "Naging kaklase nga namin siya ma," sagot ko. Bigla naman akong siniko ng mahina ni Eunice dahilan para makuha niya ang atensyon ko at bumulong sa akin. "Lagi ka raw kinuwento kay papa niya." "Shhh..." Nilakihan ko siya ng mata dahilan para mapaatras siya. "Tama! Ikaw nga 'yon. Don't worry magme-meet na ulit kayo niyan pagkadating niya galing New York doon ko siya papadiretsuhin sa bahay namin ni mama mo." Tumango na lamang ako habang nakangiti. "Oh sige na, mamaya na lang ah? Asikasuhin namin mga bisita," sabi ni mama. "Sige po," sagot ko at agad na nga silang umalis para puntahan ang mga bisita. Pumunta na rin kami ni Eunice sa bakante pang upuan na nasa may harap at nakita ko na doon nga pala kami papaupuin. Sakto pa. "Ready ka na ba para makita muli si Julian Remington na first love mo?" Bakas sa boses ni Eunice na inaasar niya ako. "Actually, ready naman talaga ako kung sakaling magkikita kami dahil matagal ko rin naman siyang hindi nakikita kaya nakaka-excite rin pero iba na kasi ngayon e, lalo na siya pala ang stepbrother ko," sagot ko sa kan'ya habang nilalaro ang hawak kong wine glass na wala pang laman. "OMG! Stepbrother mo ay ang first love mo?" natatawa pa niyang saad. Kumuha ako ng dalawang marshmallow na nasa tapat ko at pinakain kay Eunice sa inis ko sa kan'ya kaya matalim niya akong tiningnan. "Ang hilig mong mang-asar e." "Okay, okay." Tinaas niya ang dalawa niyang kamay. "Sorry, okay? Natatawa lang kasi ako." Tiningnan ko siya ng masama para matigilan siya muli at kumuha pa siya ng marshmallow at siya na mismo ang naglagay sa bibig niya para manahimik siya pero unti unti rin naman niyang nginunguya. Natatawa ako sa mukha niya kaya iniwas ko na lang ang tingin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD