May something?

1839 Words
Kinuha ang cellphone ko sa aking pouch para tawagan si Kylo. Hindi siya nakapunta sa simbahan dahil may work siya at alam ko kasi na hahabol siya dito sa reception kaya tatawagan ko na siya habang hindi pa kami kumakain ni Eunice. Agad din naman niya itong sinagot. "Love, nandito na ako. Saan ka banda?" tanong nito pagkasagot ng tawag. Napatingin ako sa paligid ko para makita siya. "Nandito kami ni Eunice sa pinakaharap na lamesa sa may left side." "Sige, nakita ko na kayo. Papunta na ako diyan." Agad din naman niya pinatay ang tawag. Patingin-tingin ako para makita ko na siya pero hindi ko pa rin siya nakikita. "Sure ka na ba talaga kay Kylo?" biglang tanong sa akin ni Eunice. Agad akong napatingin sa kan'ya sabay ngiti. "Oo naman, bakit?" "As in sure na sure?" "Ano ka ba? Malamang sure na sure na talaga." Inikot ko ang mga mata ko. "Kahit na ikaw na lang lagi ang gumagawa ng paraan para magkita kayo, ikaw ang gumagastos sa lahat at ikaw pa ang nagbibigay ng kung ano ano katulad ng mga gusto niya?" Ngumiti ako ng matamis. "Oo naman, ang saya ko nga kapag binibigay ko mga gusto niya e. Gusto ko kasi talaga na maging masaya siya gano'n." Magsasalita palang sana nang matanaw ko na si Kylo na papalapit sa amin kaya agad kong nilagay ang hintuturo ko sa bibig niya dahilan para hindi niya matuloy ang nais niyang sabihin. "Love!" masaya kong bati. Lumapit siya sa akin kaagad at hinalikan ako sa labi. "Sorry ah? Ngayon lang ako nakahabol." Todo iling naman ako. "Okay lang 'yon, tara kuha na tayo ng makakain." Napatingin siya kay Eunice. "Hi, Eunice." "Hi," walang ganang bati nito sa kan'ya. Saktong napatingin si Eunice sa akin kaya pinagdilatan ko siya ng mata kaya ayon bigla siyang ngumiti kay Kylo. Sa totoo lang, ayaw na ayaw talaga ni Eunice si Kylo para sa akin dahil may rason daw siya, ang sinasabi naman niya sa akin ay parang ginagamit lang ako nito para mabili ang mga gusto niya at parang may something. Kapag tinatanong ko naman 'yong something na sinasabi niya, hindi pa naman daw niya masabi kung ano ba talaga 'yon. Hays ewan ko sa'yo Eunice. Okay naman si Kylo e. "Kylo!" masayang wika ni mama. "Hello po tita and tito, congratulations po!" nakangiti niyang bati kaya kahit ako ay napangiti. "Thank you! Kain lang kayo diyan ah?" sabi naman ni mama. "Opo, thank you po." Tumango naman si mama habang nakangiti sabay alis ulit sila ni Tito Edward. Talagang inaasikaso nila ang mga bisita. Habang kumakain naman kami ay nagkaroon ng konting program para sa kanilang dalawa at may pa-games pa. "Ah love, alam mo ba... sabi sa akin ng head chef, ako na raw ang magiging bagong head chef niyan, ako raw napili nila," masaya niyang wika. "Talaga? Wow congratulations! Hindi ba iyon ang pangarap mo?" Ngumiti ako ng malawak. Tumango siya. "Thank you! Dahil nga sa'yo mas naging kilala ako kaya heto unti-unting tumataas ang posisyon ko." "Ginagamit," wika ni Eunice. Agad kaming napatingin sa kan'ya. "What do you say?" tanong ni Kylo sa kan'ya. "Ginagamit... ginagamit ko ang cellphone ko ngayon para ipaalam sa mga kaibigan namin ni Oriana na Head chef ka na," nakangiti niyang wika. Duda talaga ako sa ngiti niya e. Alam kong hindi iyon ang ibig niyang sabihin pero pinalagpas ko na lamang dahil baka kung ano na naman ang sabihin niya patungkol kay Kylo. "Ah..." Nakangiting tumatango-tango si Kylo. "Thank you." "Congratulations!" Ngumiti si Eunice ng peke. Mahina kong sinagi ang paa niya sa baba ng lamesa para manahimik na siya. Mapang-asar din kasi itong si Eunice e at medyo prangka rin siya lalo na pagdating kay Kylo, gano'n niya ka-hate si Kylo. Kahit anong suway ko sa kan'ya ayaw pa rin makinig e kaya hinahayaan ko na lang siya. Napakasaya ng kasal at talagang napaka-memorable lalo na kila mama. Nagkakilala sila ni Tito Edward sa hotel namin nang mag-stay ng isang linggo si Tito Edward sa hotel namin galing New York. Nakakabigla pa rin ang mga nalaman ko, isang taon nang magkarelasyon si mama at Tito Edward pero sa mismong kasal pa talaga nila doon ko malalaman na anak pala ni Tito Edward si Julian na kaklase ko dati at syempre... ang first love ko. First love ko na isang beses ko lang nakausap. Nang matapos na ang party, nagsiuwian na ang mga bisita at kami nila mama ay nandito pa rin nagpapahinga saglit habang inaayos na ang ayos sa venue. Umalis na rin si Eunice dahil napagod daw kakadaldal I mean... napagod siya dahil ilang beses ba naman siyang sumali sa pa games. "Hatid kita?" tanong ni Kylo. Napatingin ako sa kan'ya habang nakaupo pa kami. "Sure. Hindi ko rin kasi dala ang kotse ko, nakisakay lang ako kay Eunice kaninang pumunta ng simbahan hanggang dito sa reception." Tumango siya. "Tara na ba?" Tumingin ako kila mama at tito Edward at mukhang paalis na rin sila. "Alis na rin ba kayo, ma?" Tumango si mama. "Oo, gusto ko na rin magpahinga e." "Sige, magpahinga ka na muna pagdating sa bahay tapos pagsapit ng gabi... alam mo na ah? Mapapagod ka ulit?" natatawang wika ni Tito Edward habang nakatingin kay mama. Napatawa naman si mama. Aba! Kinilig! "Ano ka ba! Tara na." Mabilis siyang inakbayan ni Tito Edward habang palabas ng venue. "Mag-iingat kayo ah?" "Opo, kayo rin po," sagot ko. "Saan ka ba didiretso, anak? Sa bahay o sa bahay mo?" tanong ni mama. "Sa bahay ko na muna ma." "Okay, sige." Sabay sabay na kaming lumabas ng venue. "Ikaw ba? Kailan mo kaya maibibigay sa akin?" tanong naman ni Kylo sa akin ng pabulong habang nakangiti rin. Agad akong napatingin sa kan'ya habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. "What do you mean, Kylo?" "Alam mo naman na 'yon kung ano ang tinutukoy ko." Natatawa pa rin siya habang sinasabi niya iyon. "Ano ba 'yon?" kunot noo kong tanong sa kan'ya. Wala talaga akong ideya kung anong tinutukoy niya. Wala akong maisip o sadyang pagod lang talaga ako kaya wala ako sa mood para hulaan ang sinasabi niya. "Never mind," walang gana niyang wika. Napahinto ako dahil sa biglang pagbago ng mood niya at kinikilos niya. Agad siyang sumakay sa kotse niya at hindi na nag-abala pa para pagbuksan ako ng pinto sa passenger seat niya na lagi naman niyang ginagawa everytime na sasakay ako, hindi lang sa kotse niya kundi sa kaninong kotse pa basta doon ako sasakay. Anyare? Napakibitbalikat na lang ako at huwag na lamang gawing big deal iyon dahil ayaw ko pa mas masira ang mood niya. Agad na rin ako sumakay sa kotse at wala siyang imik kaya ako na lang gumawa ng paraan para mabasag ang katahimikan. "Love, bukas na lang ako bibili ng mga gusto mo, ah? Maybe during lunch break or pagkauwi ko galing work. Basta bukas." Tumingin sa akin habang nagda-drive siya pero agad din naman siyang tumingin sa kalsada. "Yes, hihintayin ko na lang." Tumatango-tango ako. Wala na akong maisip pang sabihin sa kan'ya dahil napag-usapan naman na namin ang mga gusto namin pag-usapan kanina habang kumakain kami. Sa buong byahe namin pauwi sa place ko, ang tahimik. Hindi ako sanay. "Are you okay? May nagawa ba akong mali or may sinabi ba akong mali?" nagtataka kong tanong sa kan'ya nang makatapat na kami sa bahay. Umiling siya. "Don't mind me, mayamaya magiging okay na rin ako. Sige na, magpahinga ka na. I'll call you later." Tumango ako. "S-sige. Ingat ka sa pagda-drive." Lumabas na ako ng kotse niya at nanatiling nakatayo habang pinapanood itong umalis bago ako pumasok sa bahay ko. Naligo ako kaagad bago ako nahiga. Napagod din ako kaya bigla na lang din ako dinapuhan ng antok. NAGISING ako na mag-uumaga na. Sh*t! Umaga na pala? Ang naalala ko mga 3pm na ako nakauwi sa bahay at after kong maligo ay nakatulog ako kaagad, naalala ko rin na nagising ako mga bandang 7pm para kumain ng hapunan at nanood lang ako sandali ng tv ng dalawang oras at pagkatapos no'n ay natulog ako muli. Tumingin ako sa oras ng cellphone ko na malapit na mag 6 am kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras at nagmadali na ako mag-ayos ng sarili ko. Ni hindi na nga rin ako kumain ng breakfast at naisip na lang na kumain na lang sa hotel. Nakita ko na may apat na missed calls si Kylo sa akin at may isang text message na sinent niya lang kagabi. How are you? Bakit hindi ka nagre-reply sa akin? I'm so sorry sa nangyari kanina, pero don't worry okay na ako ngayon. From: Kylo Hindi ko na muna siya nireplyan at nagmadali na akong ipatakbo ang kotse ko papunta sa hotel. Ang office ko kasi ay nasa may main hotel, mas malaki iyon ng kaonti kumpara sa mga ibang hotel namin. Pagkadating ko palang sa office ko ay nakatanggap na kaagad ako ng tawag. I have no idea kung sino iyon ang tumawag pero nang isipin ko na baka si Kylo iyon ay napangiti ako ng abot tenga. Mabilis kong tiningnan ang cellphone ko para sagutin na iyon pero nakita kong si Eunice iyon kaya napawi ang ngiti ko sa labi. "What?" boring kong sagot sa tawag niya. "Ano? Binili mo na ba ang mga gusto ng magaling mong boyfriend?" tanong nito sa mataray na tono. Ang aga aga mang-iinis na naman oh. Napansin ko sa background niya na nasa office na rin siya sa kompanya nila. "Hindi pa, I'm planning to buy later mga lunch siguro o after work na. Ang dami ko pa kasing kailangan gawin e." "Bakit kasi ayaw mong sabihin kay Kylo na next time mo na lang bibilhin ang mga gusto niya kapag hindi ka busy." Sabay ikot niya sa mga mata niya. "Hayaan mo na, minsan lang naman siya humiling." Gulat siyang nakatingin sa akin. "Really?! Minsan lang? Minsan ba ang araw-araw for you?" Bigla pa siyang natawa. Natawa rin ako sa reaksyon niya. "Really, Eunice? Tumawag ka talaga para diyan? Unbelievable!" "Hindi talaga ako okay kay Kylo para sa'yo e, alam mo naman 'yan." Nilapit ko ang mukha ko sa cellphone ko. "Don't worry. darating din naman ang panahon na magugustuhan mo na rin siya para sa akin." "Kailan pa?" Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin. "Malay naman natin... mamaya?" Bigla siyang natawa ng malakas. "As if!" Natigilan ako sa pagtawa nang may kumatok sa pinto ng office ko at napatingin doon. "Yes?" "Ms. Oriana, ibibigay ko lang po 'yong schedule ninyo ngayong week," rinig kong wika nito. Napatingin ako sa cellphone ko. "Oh sige na, mamaya na lang. Let's work muna mamaya na 'yang usap usap." "Okay, bye!" "Bye." Agad ko naman pinatay ang tawag. "Come in, Secretary Jean," sambit ko nang maibaba ko na ang cellphone ko sa desk ko. Agad naman siyang pumasok na may hawak na isan folder at nakangiti ng matamis. "Good morning, Ms. Oriana!" "Good morning!" masigla kong bati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD