Mall

1803 Words
While checking my schedule for this week, nakita ko na may meeting pala ako mamayang lunch na mukhang nakalimutan ko na naman. Paano 'yan? Mukhang hindi ko pa mabibilhan si Kylo ng mga gusto niya. Umalis na rin ang secretary ko at muli akong nagbabad sa aking trabaho. Sobrang busy ko sa araw na ito, nagbabalak pa naman ako na hindi pumasok bukas para makapagpahinga dahil ilang buwan na rin akong sobrang babad sa work ko na kailangan ko naman talaga at kung matatapos ko ito kaagad ay baka naman pwede muna ako mag day off kahit isang araw lang. HINDI ko akalain na magtatagal itong meeting, after namin kumain ng lunch ay muling tinuloy ang meeting pero okay lang naman iyon. Nakita ko rin naman sa schedule ko na wala akong kailangan gawin bukas kaya talagang nasusulit na ngayong araw. Pagkalabas ko ng meeting room, biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Kylo ang tumatawag pero hindi ko na muna iyon sinagot at pumasok na muna ako sa aking opisina at dahil namatay na ang tawag, ako na mismo ang tumawag. "Hi, love. Sorry ah? Ngayon ko lang nasagot katatapos lang kasi ng meeting namin," paumanhin ko pagkasagot niya ng tawag. "Nabili mo na ba 'yong pinapabili ko sa'yo?" bungad niyang tanong. "Shocks! Oo nga pala! Pasensya na hindi ko na rin naalala." "Ano ba 'yan! Ang sabi mo sa akin kahapon bibili ka ngayon tapos ngayon sasabihin mo sa akin nakalimutan mo?" Bakas sa boses niya ang pagkainis. "Sorry talaga... hindi ko naman sinasadya na makalimutan ko. Madami kasi talaga akong ginagawa, busy ako." "Sabihin mo lang kasi sa akin kung ayaw mo, madali lang naman akong kausap," sagot niya. Napailing ako. "Don't worry, mabibili ko rin naman iyon e." Tumingin ako sa relo ko. "Hindi nga lang siguro ngayon kasi ang dami ko pang kailangan gawin. Bukas na lang ako bibili ng umaga pagkagising ko, okay? Total hindi naman ako papasok bukas." "Sige," sagot niya sabay patay ng tawag ko. Mukhang nagtampo na nga siya dahil hindi ko natupad ang pangako sa kanya. Bibilhin ko naman e pero dahil nga busy ako malabong makabili ako ngayong araw. "Are you okay, Ms. Oriana?" tanong ni Secretary Jean pagkatapos nitong kumatok sa pinto ng office ko. Nakabukas pa kasi iyon. Napaupo ako sa upuan ko at napa-face palm pa. "Nagtatampo yata sa akin si Kylo." "Bakit naman po?" tanong niya nang isara niya ang pinto at naupo sa may gilid ng table ko. "Hindi ko pa kasi nabibili 'yong mga gusto niyang ipabili sa akin... alam mo naman, busy ako, right?" Tumango siya. "Kung gusto niyo po ako na lang ang bumili sabihin niyo na lang sa akin ang mga kailangan bilhin," nakangiti niyang wika. Umiling ako. "Huwag na, ako na lang bibili bukas. Parehas lang din naman tayong madaming ginagawa e." "Sure po kayo?" Tumango ako habang nakangiti ng matamis. "Oo naman." "Sige po." Ngumiti rin siya. "By the way, I won't go to the company tomorrow, okay? When someone looks for me, just say that I took a day off." "Noted po," sagot niya sabay tayo niya. Lumabas na siya ng office ko at ako na ulit ang naiwan dito. Ginawa ko na lahat ang kailangan kong gawin, I'm trying my best para matapos ito kaagad para naman makapunta ako kaagad sa mall at makabili ako ng dapat bilhin. Napahawak na ako sa batok ko dahil sa ngawit habang nagtatrabaho ako. Halos mapataas na ang dalawa kong kilay dahil na rin sa hilo at pagod ko. Patapos na rin naman na ako sa mga ginagawa ko. "Anong oras na ba?" tanong ko sa sarili ko sabay tingin ko sa suot kong relo. Magsi-six na pala ng gabi at hindi ko namalayan ang oras. Bukas pa naman ang mall ngayon sa oras na ito pero hindi naman na ako makapunta doon dahil sa nararamdaman kong pagod at pagkahilo ko. Nang matapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin napasubsob na ang mukha ko sa table ko sa sobrang pagod. Napapikit na nga muna ako dahil wala pa ako sa mood para tumayo at umuwi na. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto ng office ko pero hindi konpa rin inaangat ang ulo ko at nanatili sa gano'ng posisyon. "Oriana? Hindi ka pa ba uuwi?" rinig kong tanong ni Tito Edward. Sa pagkakataon na iyon ay doon ko naman inangat ang ulo ko. Nakita ko itong papasok sa office at ngumiti naman ito. "Pauwi na rin po ako niyan, nasa'an po si mama?" tanong ko. "Ano pa nga ba? Nag-iikot na naman dito sa hotel," sagot niya. "Pauwi na rin po ba kayo niyan?" Tumango siya. "Oo, after mag-ikot ikot ni mama mo, uuwi na rin kami. Ikaw ba?" "Hindi ko nga po alam kung paano ko maida-drive ang kotse ko, nahihilo po kasi ako ngayon," wika ko na parang nanghihina pa. "Gano'n ba? Kung gusto mo ipa-drive na lang natin ang kotse mo pauwi sa bahay mo tapos sa amin ka na lang sumakay." "Mas maganda nga po 'yan," sagot ko sabay ngiti. Pumayag ako sa suggestion niya dahil ko na nga kaya mag-drive kilala ko rin naman ang sinasabi niyang magda-drive ng kotse ko. Okay pa naman ang lakad ko kaya nakasakay ako sa kotse ni Tito Edward ng walang umaalalay sa akin. Uminom ako ng tubig bago ko sinandal ang ulo ko sa upuan. "By the way, Oriana... bukas ng umaga nandito na si Julian." Napatingin ako sa rare mirror ng kotse niya at nakita ko ang mga mata niyang nakangiti at doon ko na nga rin nakita na nakangiti siya na labas ngipin. Napatingin naman si mama sa akin dito sa likod habang nakangiti ng matamis. "It's good dahil magkikita na ulit kayo," sabi naman ni mama. "Mas maganda kung mag-stay ka na lang din muna sa bahay kahit for two weeks lang para naman makapag-bonding ulit kayo." "For two weeks? Hindi ba napakatagal naman no'n ma?" "Saglit lang ang two weeks, Oriana lalo na kapag matagal kayong hindi nagkita ni Julian syempre mas mananabik talaga kayong makapag-usap o mag-bonding kaya saglit lang iyon para sa'yo niyan," sagot ni mama. "Tama si mama mo, mas maganda kung mag-stay ka na lang muna sa bahay." "Pag-iisipan ko po," sagot ko. Hindi ko talaga alam kung papayag ako sa gusto nilang mag-stay muna ako doon ng dalawang linggo. Ang totoo naman kasi talaga niyan e hindi naman talaga kami close ni Julian. Nakapag-usap lang kami isang beses lang kaya medyo nag-aalangan din naman ako lalo na stepbrother ko siya ngayon. Binaba nila ako sa bahay ko at sakto naman na dumating na rin ang kotse ko na pina-drive pauwi dito sa bahay. "Mag-message ka sa akin kung gusto mong mag-stay sa bahay para malinis namin ang isang kuwarto doon, okay?" sambit ni mama. "Opo," sagot ko. "Ingat po kayo." Sabay wave ko ng kamay ko sa kanila. Ngumiti naman sila ng matamis at tuluyan na nga silang umalis at pagka-park din ng kotse ko ay dumiretso na kaagad ako sa loob ng bahay. Hindi na nga ako nakakain ng hapunan dahil gusto ko nang matulog at makapagpahinga. KINABUKASAN... Nagluto ako kaagad ng pagkain ko dahil nakaramdam ako ng gutom at habang kumakain ako bigla akong napaisip sa sinabi sa akin nila mama tungkol sa pag-stay ko sa bahay nila. Sa tagal kong mag-isip sa huli ay parang nakumbinsin rin ako na mag-stay doon. Parang kailangan ko nga rin makipag-close sa kan'ya dahil magkapatid na nga kami. Alangan naman kasi iwasan ko siya e iisang pamilya na nga kami. Sana nga e okay lang sa kan'ya na kinasal ang papa niya sa iba at magkaroon ng kapatid. Kinuha ko ang cellphone ko na nakalapag lang din sa dinning table ko at mabilis na tinext si mama. To: Mom Hi, mom. I have thought of staying for two weeks like you said. I think that would be better for Julian and I to be close. Ilang minuto lang ay nag-reply na rin ito. That's great! Matutuwa rin si Tito Edward mo. By the way, nakalapag na si Julian and sa tingin ko papunta na siya dito. From: Mom Hindi na ako nag-reply. Ihahanda ko na lang ang sarili ko na muli kaming magkita. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na ako ang stepsister niya. Kumain na ako at naligo na rin dahil pupunta na rin ako sa mall dahil hindi nga rin ako tinatawagan o tine-text ni Kylo at alam kong nagtatampo talaga siya. Mabilis kong pinatakbo ang kotse ko papunta sa mall. Pumunta ako kaagad sa bilihan ng relo at nakita ko kaagad ang gustong-gusto ni Kylo hindi na rin ako nagsayang pa ng oras at dumiretso na rin ako sa bag. Medyo natagalan ako sa pagpili doon pero bigla ko na lang nakita ang isang bag na nagpa-heart sa mga mata ko kaya kinuha ko na iyon. Naalala ko na iyon din pala ang picture na gusto niyang ipabili sa akin nang i-check ko ang picture na sinent niya sa akin no'ng nakaraan na araw. Naging masaya na ako dahil isa na lang ang kailangan kong bilhin. Dumiretso na ako sa bilihan ng sapatos. To be honest wala talaga akong alam kung anong gusto niya sa sapatos dahil hindi naman siya nagbigay ng example sa akin. Alam kong dito na ako mahihirapan kaya napawi rin kaagad ang ngiti ko sa labi ko. Habang pumipili ako, sa sobrang focus ko sa pagpili hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. "S-sorry po," paumanhin ko. "It's okay," sagot niya sabay alis din nang pulutin na niya ang nalaglag na sapatos na mukhang napili na niya. Hindi ko makita ang hitsura niya dahil napayuko naman na ito kaagad dahil sa pagpulot ng sapatos at umalis din siya kaagad... pero nakasuot siya ng black na plain na tshirt na medyo fit sa kan'ya, itim na pants at black na sapatos. Halata pa ang maganda niyang pangangatawan dahil fit ang mga suot nito. Napansin ko rin na maugat ang kamay niya. Bigla akong napailing dahil sobra na akong napapatitig sa kan'ya. Muli akong nag-focus sa pagpili nang makalipas ang ilang minuto nakarinig ako ng boses ng lalaki sa likod ko. "Are you having trouble choosing your boyfriend's shoes? Try to get the light brown shoes on the right side next to the red one. I think he will love that," sambit nito. Napatingin ako sa left side ko kung saan nanggaling ang boses niya at sa pagtingin ko naman ay siya naman ang pagtalikod niya. Nagmadali siyang umalis ng store at hindi ko na siya mamataan. Pinakuha ko ang light brown shoes na may puti na sinasabi niya, sinuri ko iyon at maganda nga siya. Iyon na nga mismo ang binili ko at kaagad naman akong nagbayad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD