He's here

1462 Words
Excited na akong ibigay ito kay Kylo, I'm planning na ibigay ito sa place niya kaya tinawagan ko siya. "Yes?" sagot nito pagkasagot ng tawag ko. "I already bought it, nasa'an ka? Can I come over to your place?" tanong ko habang nakangiti. "I'm sorry pero wala ako sa bahay, if you want puwede naman na ako na lang ang pumunta sa bahay niyo para makuha ko 'yan," sambit niya. "Oh, sige puwede naman," sagot ko. "Okay, sige. I'll just text you later kung nasa bahay niyo na ako. Give me 10 minutes," wika niya. Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Sure. Ingat ka." "Thank you." Pinatay ko na ang tawag at bigla ko na lang naalala na didiretso nga pala ako ngayon sa bahay nila mama. Nasa daan na kasi ako at ginilid ko lang ang kotse ko para matawagan siya at malapit na rin ako sa bahay nila mamaya kaya wala akong choice kundi doon na lang siya papuntahin. To: Kylo Dito mo na lang kunin sa bahay nila mama. I forgot na dito na nga pala ako didiretso. Hindi ko na hintay ang reply niya at nag-drive na nga ako papaunta sa bahay nila mama. Pagkadating na pagkadating ko nag-park na ako ng kotse ko dahil malaki naman itong parking area ng bahay nila. Sa sobrang laki ng bahay nila parang maluluwa pa nga ako. "Hi, dear!" masiglang salubong sa akin ni mama. Agad ko siyang nilapitan habang nakatayo sa may pinto. Hinalikan ko ang pisngi niya at niyakap naman ako nito. "It's good, dahil pinagbigyan mo kaming dito ka mag-stay." "Yes, mom." "Ayaw mo bang mag-stay dito ng ilang buwan pa? O dito ka na lang kaya tumira?" natatawang wika ni mama. Umiling ako habang nakangiti. "No way." Hinaplos niya ang buhok ko. "Malapit na si Julian, I'm sure excited ka na." Ma, kung alam mo lang kung anong nararamdaman ko ngayon. Naiilang ako at hindi ako excited. Tumango na lamang ako sabay ngiti ng matamis. "Halika pumasok na tayo," wika ni mama. "Kumain ka na ba ng breakfast?" "Opo, galing po ako ngayon ng mall. May binili lang." Bumaba ang tingin niya sa kamay ko. "Nasa'an?" "Nasa kotse ko pa po." "Anong binili mo? Baka naman bumili ka na naman para kay Kylo, ah?" Hindi ako sumagot at alam ni mama ang ibigsabihin no'n kaya napahinto siya at hinarap ako. "Oriana ah, hindi ko na gusto ang gan'yan. Bakit ang laging gumagastos? Hindi ba dapat give and take kayo?" Halata sa boses ni mama ang pagkairita nito. "Ano ka ba ma? Syempre mahal ko siya kaya gusto ko rin ibigay 'yong mga gusto niya para maging masaya naman siya," confident kong sagot. "Tigil tigilan mo nga ako sa mga gan'yan na rason mo, Oriana. Hindi dapat ikaw ang laging nabibigay... Oh sige ganito, ang sabi mo binibili mo ang gusto niya para maging masaya siya, tama?" Tumango ako at ngumiti ng matamis. "Siya ba naiisip niya 'yan? E simula nga no'ng naging kayo ni hindi ka nga niya binibigyan ng kung ano-ano e, kahit sa may mga special occasion kayo, wala talaga... never!" Napahawak na si mama sa noo niya. Hinawakan ko siya sa balikat. "Hayaan mo na, ma. Okay lang naman sa akin 'yon e." "Hay naku! Sige na nga, bahala ka... halika na para makapagmeryenda tayo." "Opo," sagot ko. Naglakad na nga kami papasok sa bahay. Totoo naman ang sinabi sa akin ni mama pero nabilag na nga ako sa sobrang pagmamahal ko sa kan'ya. Okay lang naman sa akin kung hindi niya ako nabibigyan ng mga gusto ko, ang mahalaga kasi sa akin ay iyong maging masaya siya at mabigay ko lahat ng gusto niya. Okay lang din naman si Kylo sa akin e, mabait naman siya. Hindi naman ako umaasa na mabibigay niya ang gusto ko. Iyong mga binibigay niyang flowers ay galing din sa pera ko iyon. I'm giving him money na rin at sa pera ko rin galing lahat ng binibigay niya sa aking bulaklak pero okay lang sa akin iyon. Ilang beses ko na rin sinasabi kay mama na nagbibigay din naman siya sa akin pero hindi naniniwala e kaya wala na akong magawa kaya alam na alam na talaga niya, hindi ko na siya maloloko pa pagdating doon. Nakaupo na ako ngayon sa napakahabang sofa nila mama. Akala mo naman ay ang daming tao dito sa bahay at ganitong sofa pa ang nandito. Well, okay lang din para kapag may bisita e kasyang kasya. "Oh, kumain ka na muna ng gawa kong cookies, baka sakaling magising ka," wika nito sabay palag niya ng platito na may mga chocolate cookies at may kasama pang apple juice. "Ma, gising na gising ako." Nilakihan ko na nga ang mga mata ko. "Kulang pa!" bulalas niya at sabay tawa niya. Ang totoo kasi niyan, medyo okay naman si mama kah Kylo e pero no'ng may mga napapansin na siya about nga doon sa ako ang laging gumagastos sa date namin ay parang nainis na nga ito sa boyfriend ko. "Nasa'an pala mga gamit mo?" tanong sa akin ni mama. "Oo nga pala." Natigilan ako sa pagkain ko nang maalala kong wala pala akong dalang gamit ko. Kamamadali ko nga ito kanina pumunta ng mall. "Nakalimutan mo na dahil sa mga binili mo kay Kylo." "Hindi ah..." pag-deny ko. "Kunin mo na lang mamaya." Tumango ako. "Opo." Muli akong kumain at sa sobrang sarap ay parang napapasayaw na ako sa kinauupuan ko. "Nasa'an pala si Tito Edward?" "Nasa work." Tumango-tango naman ako sabay kagat ko muli sa chocolate cookies na ginawa ni mama. Mayamaya lang ay tumunog ang cellphone ko kaya kinalkal ko na muna ito sa hand bag na dala ko. Nandito na ako sa harap ng bahay niyo. From: Kylo Mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko kaya gulat akong tiningnan ni mama. "Bakit?" "Nasa labas po si Kylo, puntahan ko lang siya," sagot ko. "Bakit hindi mo ba papasukin dito?" "Yes, I will." Masigla akong lumabas ng bahay at nang makarating ako sa parking area, kinuha ko na kaagad ang mga pinamili ko para kay Kylo sa aking kotse. Pumunta na ako kaagad sa gate at nakita ko kaagad doon ang silver na kotse na pagmamay-ari ni Kylo. Pagkabukas ko ng gate ay lumabas na ito sa kotse niya. Sinalubong ko siya ng matamis na ngiti. "Hi!" Mabilis ko siyang niyakap. Pansin ko na may pumaradang itim na kotse sa kabilang kalsada pero hindi ko na masyadong pinansin iyon. "Bakit pala nandito ka?" tanong nito. Kumalas ako sa pagkakayakap namin. "Kinausap kasi ako nila mama na dito na muna ako mag-stay ng dalawang linggo." "Gano'n ba?" Tumango ako. "Here." Inabot ko sa kan'ya ang pinamili kong tatlong paper bag. Ngumiti siya ng malawak. "Thank you so much, love." Ngumiti ako ng matamis. "No worries... halika pasok ka muna sa loob." "Hindi na, nagmamadali rin kasi ako e. Pupunta pa ako ng trabaho." "Sayang naman, gusto ka pa naman makita ni mama." "Sa susunod na lang," sagot niya. Tumango ako. "Okay." Binuka na niya isa isa ang mga paper na binigay ko sa kan'ya kitang kita ko ang ngiti niya na umaabot na sa tenga niya... hanggang sa bigla na lang napawi ang ngiti niya nang buksan ang sapatos. Bigla akong kinabahan baka kasi hindi niya gusto ang nabili ko. "B-bakit?" kinakabahan kong tanong sa kan'ya. "Kulang naman... akala ko pa naman dalawa ibibili mo aa akin," sagot niya. "Ha? Dalawa ba? Pasensya na hindi ko kasi alam na dalawa pala." Ngumiti ako ng awkward. Kumunot ang noo niya. "Dapat alam mo na 'yon. Nakalimutan mo na ba ang sinasabi ko dati sa'yo? Hindi ba sabi ko gusto kong makatanggap ng dalawang sapatos mula sa'yo? Ano nakalimutan mo na naman ba?" Napangiti ako sa hiya. "I'm so sorry, mukhang nakalimutan ko nga. Hindi bale babawi ako sa'yo sa susunod... bibili na lang ako ulit, okay?" "Ikaw na nga itong nagpapabili, ikaw pa may ganang magalit kong bakit isa lang binili sa'yo. Tss!" rinig kong wika ng isang lalaki na malalim ang boses. Napatingin ako sa likod ni Kylo at nakita ko ang lalaking nakasabay kong bumili ng sapatos kanina sa mall dahil sa pananamit nito doon ko siya naaalala. Halos mapatulala ako sa taglay niyang kagwapuhan at sobrang attractive niya pa pero iniwas ko rin ang tingin ko nang magsalita si Kylo. "Sino ka ba?" masungit na tanong ni Kylo sa kan'ya. Huminto siya sa gilid ni Kylo at tiningnan lang niya ito ng walang emosyon sabay ikot niya ng mga mata niya bago tuluyan pumasok sa gate ng bahay. Pinanood namin itong pumasok sa loob. Siya na ba si Julian? Julian Remington? Ang first love ko? "Sino 'yon?" nakakunot noo na tanong niya. Nagkibitbalikat ako. "Baka siya ang anak ni Tito Edward."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD