"Halika pumasok ka na muna sa bahay," yaya ko sa kanya.
Umiling siya sabay kuha niya ng cellphone niya sa pantalon niyang suot. "Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako."
Bigla akong nalungkot. "Ah gano'n ba? Saan ka naman pupunta?"
"Nagkita kasi kami no'ng classmate ko no'ng college, ayon nagyayaya na kumain sa labas kaya pumayag ako... papunta na nga ako ngayon e."
"Sige, punta ka na baka hinihintay ka na," wika ko.
Ngumiti siya at sabay na hinalikan ako sa pisngi. "Punta na ako ah. Update na lang kita mamaya, okay? Bye! Thank you ulit dito, love! The best ka talaga."
Ngumiti naman ako ng matamis. "No worries. love basta ikaw."
Muli siyang ngumiti at sumakay na siya sa kan'yang kotse. Hinintay kong makaalis siya at nang hindi ko na siya matanaw ay masaya naman akong pumasok sa bahay.
Nakita ko kaagad si mama at Julian na nakaupo sa malawak na sala. Agad silang napatingin sa akin nang maramdaman nila ang presensya ko.
"Where's Kylo?" tanong agad ni mama.
"May pupuntahan daw po e kaya hindi na siya nakapasok dito sa bahay," sagot ko.
Nakita ko ang pag ngisi ni Julian.
"Gano'n ba? Oh sige, halika na rito para makapag-usap na muli kayo ni Julian," tawag sa akin ni mama.
Mabilis akong umupo sa tabi nito at ngumiti nang matamis nang tumingin ako kay Julian pero walang emosyon siyang nakatingin sa akin.
"Julian, this is your sister Oriana," nakangiting wika ni mama.
Biglang naningkit ang mga mata nito at naging focus ang tingin niya kay mama. "O-oriana? Oriana Zobel?"
Tumango si mama at nakangiti ng malawak. "Yes, she was your classmate when you were in grade 6. I hope that you two can bond so that you can be close to each other. I know this revelation is really surprising for you guys."
"My dad never told me about this. I'm not expecting this." Bakas sa boses niya ang pagkairita.
"Because he wants to surprise you." Tumingin sa akin si mama. "Kahit naman si Oriana ay walang alam tungkol sa pagiging magkapatid ninyo dahil gusto ko rin naman na masurpresa siya."
Hindi na pa nasagot si Julian at alam kong naiirita siya sa rebelasyon na ito pero wala na siyang magagawa e. He just needs to accept the truth.
"I will rest first," wika nito at agad na kinuha ang leather jacket niya at tumayo na.
Pinanood namin siya ni mama na umaakyat papunta sa kuwarto niya. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni mama.
"Parang ang hirap niyang pakisamahan ngayon katulad no'ng grade 6 kami, ma. Mukhang mahihirapan akong makipag-usap sa kan'ya."
Umiling si mama. "Don't say that, Oriana. Just do your best para maging close kayong dalawa. Magkapatid na kayo e."
"How can I if he acts like that?" nakakunot noo kong tanong kay mama.
"Basta huwag kang susuko, okay? Alam mo naman kung gaano kami kasama ni Tito Edward mo kapag nakita namin kayong dalawa na okay at close sa isa't isa."
Tumango naman ako. "I'm going to my room, mom, to rest as well."
Ngumiti siya ng matamis sabay haplos sa buhok ko. "Sure, anak. I'm going to stay here kasi magluluto rin kami mamaya ng meryenda ni Ate Rose mo."
"Okay po."
Tumayo na rin ako at umakyat na sa taas para makapagpahinga na rin sa kuwarto ko. Pagkaakyat ko ay sakto namang lumabas ng kuwarto si Julian kaya naglakas loob akong kausapin siya.
"Hi?" bati ko.
"What do you want?" suplado niyang tanong.
"Ummm... I'm happy because we met again and unexpectedly when we met again, we became siblings." Ngumiti ako ng matamis.
He raised both of his eyebrows. "Let me tell you, I won't consider you my sister, okay?"
Nagkibitbalikat naman ako. "Alam ko darating ang araw na matatanggap mo rin ako bilang kapatid mo. Actually, even I was surprised when they said that you are the son of Tito Edward, who will be my stepbrother. I also felt happy because of that."
"I didn't feel happy. I felt irritated. May nalalaman pa silang i-surprise ako, and I wasn't surprised at all. I was only disappointed when dad kept it a secret from me for a year."
"Wala naman na tayong magagawa e kasi kasal na sila kaya dapat tanggapin mo na lang kaysa naman magreklamo ka diyan."
Lumapit siya sa akin. "But remember this, I will never consider you as my sister."
Nilagpasan niya ako. Napatingin ako sa kan'ya at sinundan siya ng tigin pababa naman na siya ngayon. Hindi ko alam kung siya pupunta pero wala naman na akong balak para alamin pa iyon.
Dumiretso na lang ako sa kuwarto ko kung saan magkatabi lang kami ng kuwarto. Nakakagulat naman itong si Julian, akala ko ay sa unang pagkikita namin ay ngiti ang sasalubong sa akin pero walang emosyon na tingin ang sinubulong niya sa akin.
Hindi naman kasi talaga kami close, katulad nga ng sinabi ko, isang beses lang kami nag-usap at iyon din ang last bago sila pumunta ng New york. Kahit na hindi niya ako ituring kapatid ay okay lang, gagawa pa rin ako ng paraan para matanggap niya ako.
Pagkahiga ko palang ay tumawag na kaagad si Eunice sa akin kaya inabot ko ang cellphone ko sa may paanan ko kung sana ko nilagay kanina.
"Hello?"
"Ano na? Kwento naman diyan," bungad niyang wika.
"Nagkita na kami at.."
"OMG! Anong sabi niya? Natuwa ba siya kinilig ba siya? ano?" Bakas sa boses nito ang tuwa niya.
"Puwede bang patapusin mo muna ako?"
"Oo naman, of course."
"Nagkita na kami at hindi siya naging masaya at never daw niya akong ituturing bilang kapatid niya."
"What?" gulat niyang tanong sa kabilang linya. "Iyon agad? Unang kita tapos ayaw ko na kaagad ituring kapatid?"
Tumango ako. "Pero alam mo tama naman si mama e, gawin ko 'yong best ko para maging close kami kasi magkapatid na kami e ang pangit naman kasing tingnan kung hindi kami magkasundo, right?"
"Tama ka diyan! Ikaw na lang gumawa ng way kung ayaw niya pero alam ko naman na lalambot din ang puso niyan sa'yo."
"Sana nga pero parang iba na kasi siya ngayon. Alam mo 'yong napakasuplado niya tapos hindi na siya weak katulad no'ng grade 6 tayo," saad ko.
"Hello? Syempre mga bata pa kasi tayo noon, e iba na ngayon. Matanda na siya kaya talagang magiging matapang na siya unlike before."
"Sabagay may point ka naman," sagot ko.
"Pero ano? Gwapo ba ah? Gano'n pa rin ba hitsura niya?" sunod-sunod na tanong nito.
Nagkibitbalikat ako. "Sobrang gwapo, as in. Iba nga ang datingan niya e katulad nga ng sinabi ko mukha na siyang malakas."
"OMG! Hindi na tuloy ako makapaghintay na hindi pumunta diyan sa bahay nila tita parang gusto ko na rin kasi siya ma-meet." Halata sa boses niya ang pagkasigla niya.
"Pero i-ready mo rin sarili mo kasi masungit siya," natatawa kong wika.
"Okay lang!"
Natawa ako sa lakas ng boses niya. Bigla na lang nga siya nag-set ng araw para pumunta rito para makita niya raw si Julian. Excited na nga siya at paulit-ulit na lang ang sinasabi niya at nang mapagod na nga siya magsalita ay siya na mismo nagpatay ng tawag dahil katulad ko ay magpapahinga rin daw siya.