Maliligo na sana ako nang buksan ko ang wardrobe ko ay walang kalaman laman na mga damit ko.
Napakamot ako sa ulo ko. "Sh*t, hindi nga pala ako nakakuha ng mga damit ko."
Agad akong bumaba ng kuwarto ko at pumunta kaagad sa kuwarto nila mama. "Ma, uwi muna ako sa bahay, kukunin ko lang mga damit ko."
"Huh? Gabi na. Bukas mo na lang kunin."
"I need to take a bath, saglit lang naman ako e."
"What's the problem?" tanong ni Tito Edward pagkapasok niya sa kuwarto nila.
"Itong si Oriana kasi gustong umuwi e gabi na nga e," sagot naman ni mama.
"I'm home!" rinig kong sigaw ni Julian mula sa sala.
Nagkatinginan si mama at Tito Edward sa isa't isa. Parang nag-uusap silang dalawa sa kanilang mga mata ko kaya hindi ko rin alam kung ano ang pumapasok sa isip nila ngayon.
"Julian?" tawag ni Tito Edward habang palabas siya ng kuwarto.
Bumangon naman sa pagkakahiga si mama at lumabas na ng kanilang kuwarto kaya sumunod ako sa kan'ya. Nakatayo si Julian sa may hagdan habang nakatingin kay Tito Edward at nang makita niya ay ako ay tumingin siya sa akin.
"Are you tired?" tanong ni mama.
Umiling siya. "No, why?"
"Can you go with Oriana? She needs to go home now to get her things."
"It's already late kaya mas maganda kung samahan mo na ang kapatid mo, para makapag-bonding din kayo," sambit ni Tito Edward.
Napatawa pa ng mahina si Julian kaya hindi ko maiwasan na hindi mapakunot ng noo.
"Please?" wika muli ni Tito Edward.
"Hindi na po kailangan. Kaya ko naman kasing umuwi mag-isa. Babalik din ako kaagad," sagot ko.
Umiling si mama. "Gabi na nga."
"Ano naman? I'm going to use my car, mom."
"Oriana, makinig ka na lang sa amin, okay? Sasamahan ka ni Julian," sambit ni Tito Edward.
"She said she can go home alone, so let her."
"Julian." Nilakihan ng mata ni Tito Edward ito. "Go with her."
Tumingin si Julian sa akin. Huminga siya ng malalim. "Fine."
Walang gana siyang lumabas ng bahay kaya lumabas na lang din ako kaagad ng bahay kahit na naiilang ako. Wala naman kaming choice kundi ang sundin sila. Ayaw na kasi akong pinapa-drive ni mama ng gabi. Nakatulog din kasi ako kanina kaya hindi ko na nakuha ang mga gamit ko sa bahay.
Sumakay ako sa likod ng kotse niya. Tiningnan niya ako ng seryoso mula sa driver seat. "Seriously? You're going to sit there?"
"Maybe you didn't want me to sit in the passenger seat, so I sat here." Nagkibitbalikat ako.
"Sit here. I'm not your driver," masungit niyang sagot.
Tinaas ko ang dalawa kong kamay. "Okay, fine. Ang sungit mo."
"Masungit talaga ako kaya better stay away from me."
"Stay away from me? E pinapalapit mo nga ako ngayon sa'yo," inis kong bulong sa sarili habang palabas ng kotse niya.
"What did you just say?" nakakunot noo niyang tanong sa akin.
"Wala!" sagot ko sabay sara ko ng pinto ng kotse niya at napalakas ko nga ito.
Sinalubong niya ako ng matalim na tingin pagkasakay ko sa passenger seat pero nagkunwari na lamang ako na hindi ko iyon nakita dahil baka mamaya ay hindi na nga niya ako samahan makauwi ngayong gabi.
Kailangan ko talagang habaan ang pasensya ko sa lalaking ito. Hindi ko akalain na napakasungit pala niya. Nanggigigil ako e.
"Sabihin mo na lang kung saan ang bahay mo," wika niya.
"Malamang. Alangan naman hindi ko sabihin?" bulong ko.
Tumingin ito sa akin pero hindi ko siya tiningnan at binago ko ang hitsura ko na parang inosente habang nakatingin ng direksyon sa daan. Siguro umusok na ang ilong nito sa pagkainis sa akin. Naiinis din ako sa kan'ya napakasungit niya daig pa ang babae. My god! Tapos titira pa ako kasama siya ng dalawang linggo?!
Nanahimik ang buong byahe namin papunta sa bahay. Nang makarating na kami doon ay mabilis akong bumaba ng kotse niya para makuha ko na ang mga gamit ko. Naayos ko naman na iyon at nakalagay lang iyon sa kuwarto ko.
"Grabe. Hindi ba talaga siya bumaba para tulungan ako?" tanong ko sa sarili habang pasilip silip sa may bintana na tanaw ang itim niyang kotse niya.
Mabuti na lamang ay sa maleta ko nilagay ang mga gamit ko kaya hila-hila ko na lang ito. Mukhang wala nga talagang balak na tulungan ako nito. Hingal na hingal akong lumabas ng bahay at ni-lock na nga ito.
Hila hila ko pa rin ang dalawang maleta hanggang sa makalabas ako ng gate at matapat sa kotse niya. Huminto ako sandali at sumilip sa loob ng kotse niya pero hindi ko ito makita kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Bakit kasi aasa pa akong tulungan niya?"
Muli kong hinila ang dalawang maleta at binuksan ang compartment ng kotse sa likod. Hirap na hirap kong buhatin ang dalawang maleta para mailagay doon. Padabog ko naman iyon sinara.
Pinunasan ko ang noo ko dahil sa pawis bago muling sumakay sa passenger seat. Huminga ako ng malalim pagkaupo ko.
"Mabuti naman at tapos na," wika niya na parang nang-aasar pa ako.
Hindi ko siya pinansin at diretso lang ang tingin ko. Mayamaya lang ay muli siyang nagsalita sa seryosong tono.
"I saw your boyfriend with another woman."
Agad akong napatingin sa kan'ya habang nakakunot ang noo ko. "What are you talking about?"
"If you want to know the truth, I can accompany you to where I saw them. I'm just not sure if they're still there," sagot niya habang hindi nakatingin sa akin.
Napatawa ako. "Alam mo gumagawa ka lang ng kwento e, hindi naman magagawa ni Kylo 'yang sinasabi mo."
Tumingin siya sa akin sandali bago mi g nag-focus na tumingin sa kalsada. "Do you think I'm making up a story? Hindi ako naninira ng relasyon o ng tao, I'm just telling you what I saw. Pasalamat ka nga dahil sinabi ko pa sa'yo."
"Alright, dumiretso ka kung saan mo sila nakita," sagot ko.
Hindi siya sumagot. To be honest, hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya pero hindi rin naman kasi ako sure kung talagang loyal ba talaga sa akin si Kylo dahil para may napapansin na rin akong kakaiba sa kan'ya. Hindi na siya madalas mag-message o tumawag sa akin at he's always busy kapag gusto kong makasma siya kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit nakakapag-isip ako ng ganito.
Ilang sandali lang ay gumilid kami sa isang coffee shop. Inikot ko na ang mga mata ko para makita si Kylo kung totoo man ang sinasabi ni Julian.
"Puwede kang bumaba," wika niya.
Walang imik na bumaba ako ng kotse niya. Dahan-dahan akong naglakad habang tumitingin sa paligid, madami pa rin kasing tao sa labas kaya sinisigurado ko talagang iikot ko ang mga mata ko ng maayos.
Hanggang sa, may lumabas na isang lalaki at babae mula sa coffee shop. Namukhaan ko kaagad si Kylo, nakaakbay siya sa babae habang masaya silang nag-uusap. Humakbang ako ng isa pero agad din akong napahinto.
Pasimple akong nagtago sa isang puno at doon ko narinig ang kanilang usapan. Halos manlumo ako sa mga narinig ko.
"Hanggang kailan mo ba kasi siya pakikisamahan?" tanong ng kasama niyang babae sa kan'ya.
Nagkibitbalikat ito. "Siguro kapag natuloy na ang promotion ko, at saka ko siya iiwan. Kailangan ko pa kasi siya para makuha ko ang gusto kong promotion."
"Okay, hindi na kasi ako makapaghintay sa araw na malaya na tayong makalabas." Halata sa boses ng babae ang lungkot.
"Don't worry, love, malapit na 'yon. Alam mo naman na I'm using Oriana para umangat at makuha ko ang mga gusto ko. Nabibigay ko na rin naman sa'yo ang mga gusto mo, right?"
Naiinis na ako kapag nakikita ko siyang ngumingiti ng abot tenga. Grabe! Ginamit lang pala niya ako? Ang kapal ng mukha niya, sobra.
"I love you."
"I love you more," masiglang sagot ni Kylo.
Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil tuluyan na nga silang nakalayo. Napaupo ako ng dahan-dahan dito sa upuan na semento sa likod ng puno.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha sa nakita at narinig ko. Isang taon kaming nagsama tapos malalaman ko ginamit lang pala niya ako para makuha ang mga gusto niya. May mali rin naman ako sa part na iyon dahil binigay ko sa kan'ya lahat at hinayaan kong humingi siya sa akin ng gusto niya.
Ang akala ko kasi ay totoo ang pagmamahal niya sa akin at sobra ko rin siyang mahal kaya gano'n na lang din ako kung magbigay ng gusto niya. Nabulag ako sa pagmamahal sa kan'ya na kahit kailan ay hindi ko naisip ang sarili ko.