Wala na akong pakialam kung anong iisipin ng mga tao sa akin kapag nakita nila ako rito na mag-isa at umiiyak. Sobrang sakit kasi e, sa pagsasama namin ng isang taon lahat pala nang iyon at fake. Ako lang pala ang nag-iisang nagmamahal ng totoo sa isang taon naming pagsasama.
"Get up," rinig kong wika ni Julian.
Umiling ako habang nakasubsob ang mukha ko sa dalawang kamay ko. "Ayoko."
Huminga siya ng malalim. "I said, get up."
"Ayoko nga e!" sigaw ko sa inis. Tumingin ako sa kan'ya ng masama bago muli sinubsob ang mukha ko sa dalawa kong kamay.
"Okay," rinig kong sagot niya.
Ilang segundo lang ay bigla na lang niya akong binuhat habang gano'n pa rin ang posisyon ko. Alam mo 'yong posisyon ng ibang bata kapag umiiyak sa sahig? Iyong nakataas ang dalawang paa, nakapatongvdoon ang dalawang kamay at nakasubsob ang mukha sa kamay.
"Hoy! Ibaba mo ako!" sigaw ko.
Napapatingin na rin ang mga taong nakakasalubong namin. Parang wala siyang narinig at patuloy pa rin sa paglalakad habang buhat ako. Ang awkward lang ng posisyon ko kasi gano'n niya ako buhat. Parang napalitan ng inis ang lungkot at sakit na nararamdaman ko.
"Ibaba mo ako."
"Shut up. Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan ka ng mga tao," sambit niya.
"I don't care!" muli kong sigaw.
Mas binilisan niya ang lakad niya at parang nahihiya na itong kasama ako sa sobrang ingay ko. Binuksan niya ang pinto sa may passenger seat at mabilis akong pinaupo doon. Nakataas pa rin ang dalawang paa ko sa upuan at doon umiyak ng malakas at agad niyang sinara ang pinto.
Sumakay na rin siya at napansin ko na tinakpan niya ang tenga niya. May kinuha siyang tissue sa compartment ng kotse niya at inabot niya sa akin. Tiningnan ko ito at medyo natigilan ako sa pagluha pero napalakas muli nang maalala ko ang ginawa sa akin ni Kylo. Ang sarap niyang sabunutan!
"Can you please stop crying? Nakakarindi ka na ah. Ang ingay ingay mo! Lalaki lang 'yan, madami pang lalaki diyan. Don't cry for someone like him. Wake up!" bulalas niya.
"You don't know what it feels like to be cheated. That's why you say that. Napakasakit!"
Huminga siya ng malalim at muling tinakpan ang tenga niya. Inaamin ko naman na ang ingay ko, pero hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko parang gusto ko na lang talaga ilabas ang sama ng loob ko.
Halata ko ang pagkairita niya kaya binuksan na lamang niya ang music sa kotse niya at makailang pindot sa volume para hindi marinig ang boses ko pero kahit anong gawin niya ay mananaig ang kaingayan ko.
"F*ck! You're so loud!" bulalas niya sa inis.
Natigilan ako sa pag-iyak ko nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. Bakit gano'n? Parang nakaramdam ako ng butterflies sa tiyan ko? Parang na-turn on ako sa pagkakasabi niya no'n.
F*ck, you're so loud? Hindi ba parang sinasabi rin iyon kapag? Napailing ako dahil sa iniisip ko. No, hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Ang hot niya kasi habang sinasabi iyon.
Hindi ko alam kung anong naiisip niya sa akin dahil bigla bigla na lang akong iiyak muli, hihinto at biglang iiling. Kung ano ano kasi ang pumapasok sa isip ko ngayon, naghalo-halo pa.
Napatingin ako sa bintana at parang nahismasmasan ako pero patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Sa pagkakataon na iyon ay mabilis na pinandar na niya ang kotse niya habang ako ay nagmumukmok pa rin dito. Hininaan na rin niya ang tugtog sa kotse niya. Muling tumahimik.
Ilang minuto ang nakalipas, napansin kong nag-park siya sa isang coffee shop. Muli ko na naman naalala ang nangyari lang kani-kanina.
Lumabas siya ng kotse niya at ilang sandali lang din ay lumabas siya sa coffee shop na may hawak-hawak na kape sa magkabilaang kamay niya. Pagkapasok niya sa kotse ay inabot niya sa akin ang isa. Dahan-dahan ko naman iyon kinuha habang nakatingin sa Iced coffee.
Pagkahigop niya ay tumingin siya sa akin at parang may naalala. "Ops! I'm so sorry, nakalimutan ko. Ibigay mo na lang sa akin."
Umiling ako. "No, it's okay."
"Sige na, give it to me na lang." Hinawakan niya iyon at pilit na agawin sa akin.
"Okay lang talaga."
Hindi pa rin niya inaalis ang kamay niyang nakahawak sa kapeng inabot niya sa akin kani-kanina lang at pilit pa rin inaabot sa akin. Hindi naman ako nagpatalo sa kan'ya kaya inaagaw ko rin ito sa kan'ya at ayaw ibigay sa kan'ya.
Nang bigla na lang dumulas ang kamay ko at naitapon sa kan'ya. Nabasa ang suot niyang damit pero konti lang na parang talsik lang pera sa may pantalon niyang suot ay doon tumapon lahat. Mabuti na lamang ay Iced coffee iyon.
"S-sorry," wika ko.
Sa sobrang taranta ko ay nahawakan ko ang alaga niya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang pantalon niya kahit alam ko naman na laba na ang kailangan doon. Natataranta ako at kinakabahan sa kung anong sasabihin niya dahil si Julian Remington nga ay napakasungit na lalaki.
Habang pinupunasan ko iyon ay bigla na lang akong napahinto nang ma-realized ko kung ano ang pinupunasan ko. Bigla akong napasandal sa upuan ko at parang nanigas sa kinauupuan ko at nakatingin ng diretso. Nakakahiya! My god, Oriana!
"I-I'm so sorry, I didn't mean it, promise," wika ko habang nakatingin ng diretso. Parang bigla akkng hindi makagalaw sa hiya.
"I-it's okay," nauutal niyang sagot.
Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil hindi na nga ako makatingin ng diretso sa kan'ya. Napagilid ako nang parang may kukunin siya sa likod. Nakita ko sa peripheral vision ko na ang kinuha niyang maliit na itim na unan ay pinatong niya sa legs niya sa may ano niya... alaga niya.
Biglang bumalik sa isip ko ang nakita ko kanina. Hindi ko alam kung gising na ba iyon o hindi pa. Ang laki kasi bakat na bakat. Hmmp! Bakit naman ganito? Kanina lang ay umiiyak ako dahil niloko ako ng boyfriend ko pero ngayon napapaisip naman ako sa alaga ng kasama ko. Hays!
PAGKARATING namin sa bahay ay agad akong umakyat sa kuwarto ko. Hindi na ako nag-abala pang kuhanin ang maleta ko sa kotse niya dahil wala na nga akong lakas. Bahala na kung ibababa niya iyon o ako na lang bukas pagkagising ko. Wala rin kasi akong mukhang ihaharap sa kan'ya dahil sa ginagawa ko kagabi. Hindi naman talaga sinasadya pero kasi nakakahiya.
Nakahiga ko ay mabilis kong kinalikot ang cellphone ko para tawagan si Kylo. Sa dalawang tawag ko sa kan'ya, hindi niya sinasagot pero hindi ako sumuko at muli siyang tinawagan at sa pangatlong pagkakataon ay sinagot na niya ito.
"Yes? I'm busy, nandito pa ako sa opisina," sagot nito sa kabilang linya.
"Kylo, don't make me st*pid, okay? Nakita kita kanina may kasama kang babae. Alam ko na ang totoo, you're just using me for one year, You already have a girlfriend before me."
"What are you talking about?" tanong nito.
"Don't you dare deny it. Hindi mo na ako maloloko dahil ako mismo ang nakakita... Gusto ko na makipaghiwalay."
"Okay, fine, gusto mo makipaghiwalay? Sige." Natigilan siya. "Ginamit lang kita, totoo iyon, pero sana huwag mo munang sabihin sa iba na ang tungkol dito, hintayin mo munang ma-promote ako," wika nito.
Ang kapal din talaga ng mukha ng lalaking ito.
"Why should I? Bukas na bukas din ilalabas ko ang kalokohan mo, hindi mo na ako mauuto. Nagising na ako na matagal nang hinihintay ng iba lalo na si mama at si Eunice!" inis kong wika.
"Ang pakiusap ko lang sa'yo ay huwag mo munang ilabas ito, mahal mo pa rin naman ako 'di ba? Syempre alam ko naman na gusto mo pa rin na maging successful ako kaya please lang hayaan mo muna akong ma-promote, masisira ang image ko at hindi matutuloy ang promotion ko kapag nilabas mo ito," saad niya.
Napatawa ako. "Ang kapal talaga ng mukha mo, ano? Gusto pa rin akong gamitin kahit hiwalay na tayo... hindi ko na hahayaan 'yan. Nagpakat*nga ako sa'yo ng isang taon."
"Bahala ka! Makipaghiwalay ka kung 'yan ang gusto mo!" bulalas niya sa kabilang linya.
"Oo, talaga. Makikipaghiwalay na ako. Thank you!"
Mabilis kong pinatay ang tawag at huminga ng malalim. Nakahiga ako sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Muli na naman tumulo ang luha ko.