To the rescue

1469 Words
Walang gana akong bumababa ng hagdan ngayon. Para akong nakatulala dahil sa nangyari gabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala parang gusto ko siyang sugurin sa bahay nila at hampasin ko ng walis. Naiinis ako. "Oh? Anong nangyayari sa'yo? May problema ba?" sunod sunod na tanong ni mama sa akin. Binagsak ako ang sarili ko sa sofa at muling nahiga. Nakatingin lang ako sa kisame para na nga akong nababaliw sa hitsura at kinikilos ko ngayon. "Ugh!" rinig kong ungol ng isang lalaki na parang nahihirapan. "Julian, bakit ngayon lang pinasok 'yang luggage ni Oriana? Hindi ba kagabi niyo pa kinuha 'yan?" nagtatakang tanong ni mama. "It's because..." Agad akong napabalikwas ng bangon dahil baka mamaya ay biglang magsalita itong si Julian at sabihin pa kay mama ang talagang nangyari kagabi. Ayaw ko naman na baka pati siya ay sugurin na rin si Kylo sa bahay nila. Napatingin si Julian sa akin kaya kinuha ko na ang chance na iyon na umiling at sumenyas na huwag sabihin kay mama. Ngumisi naman siya kaya hindi ko talaga alam kung anong iniisip niya baka mamaya ay bigla na lang nga niya itong sabihin edi malalagot ako kay mama. "It's because we were both tired last night, so we didn't bring her suitcases into the house," pagsisinungaling nito. Tumango naman si mama at mukhang naniwala nga ito. "Is that so? Okay." Biglang binalik ni mama ang tingin niya sa akin. "What happened to you ba? Bakit gan'yan ka ngayon?" Napatingin ako kay Julian at tiningnan din niya ako pero umalis din siya kaagad papunta sa may kusina. "Don't mind me, ma, okay lang ako. Napagod lang talaga ako," sagot ko. "Edi magpahinga ka na muna, huwag ka na muna pumasok sa opisina ngayon," wika ni mama. Umiling ako. "Hindi puwede ma, hindi na nga ako pumasok kahapon e." "Oh siya, sige bahala ka. Puwede ka naman mag-rest doon kapag wala ka nang masyadong ginagawa." Tumango ako. "Opo." Umaga na nga at nang tingnan ko ang relo ko ay magse-seven na ng umaga. Bakit ang aga naman nagising ni Julian o sadyang ganitong oras nga talaga siya gumigising? Kumuha ako ng bacon, hotdog, toasted bread at ng fresh milk. Nilagay ko iyon sa tray para sa may pool area kumain. Nagulat naman ako nang makita ko si Julian doon na nakaupo sa may outdoor couch na nakaharap sa may swimming pool. "Can I sit?" tanong ko. "Just sit, no need to ask," masungit niyang sagot. Sungit naman oh ang aga aga. Dito rin pala siya nag uumagahan hindi ko man lang napansin na wala siya sa kusina. Tahimik lang kaming dalawa nang bigla itong magsalita. "Bakit hindi mo sinabi kay Tita Ivy ang totoong nangyari kagabi?" tanong niya. Napatingin ako sa kan'ya habang kinakagat ko ang toasted bread. Hindi naman ito nakatingin sa akin. Nagkibitbalikat ako. "Ayaw ko lang kasi na mag-alala sila at magalit kay Kylo." "They have the right to be angry with your ex-boyfriend for using you." Gulat ko siyang tiningnan. "How did you know about that?" "Hindi ako bingi para hindi ko marinig ang usapan nila ng kasama niyang babae kagabi, baka nakakalimutan mong nasa kotse ako kagabi kung saan dinaanan nila 'yon." Hinarap ko siya at binaba ang toasted bread na hawak ko lang kanina. "Huwag mong sasabihin kay mama at kay Tito Edward 'yon, ah?" "Why not?" Nagtataka niya akong tiningnan. "Ayaw kong magalit sila, lalo na si Tito Edward," wika ko. Ngumisi siya. "You also know what dad can do." "Of course! Takot nga rin si Kylo sa kan'ya." Muli siyang napangiti at sumubo naman siya ng hotdog habang nakatingin sa akin habang ang mga mata niya ay walang emosyon na nakatitig sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko. Actually, first love ko si Julian pero wala na akong nararamdaman sa kan'ya, hindi ko na siya gusto at tinuturing ko na talaga siya bilang kapatid ko kahit na kabaliktaran sa kan'ya. Hindi naman nawawala sa isip ko na first love ko siya e, pero syempre magkapatid na kami ngayon at saka wala na akong gusto sa kan'ya kahit na may taglay itong kagwapuhan. MAKALIPAS ang tatlong oras nandito na ako sa opisina ko. Late na akong nakapasok pero wala naman akong schedule ngayong umaga kaya okay lang. Bigla na lang akong napaisip sa business niya, ang pagkakasabi kasi sa akin ni Tito Edward na ang anak niya raw ay may sariling business maliban sa pamana sa kan'ya ng kan'yang mama. Natigilan ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ko at dahil kitang-kita ko ang nasa labas, nakita ko na ang secretary ko pala iyon. "Good morning, ma'am!" nakangiti niyang bati. "Good morning." "Ummm... nandito po si Sir Kylo ngayon at gusto ka raw niya pong makausap," wika nito. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kan'ya sabay iling. "Don't let him..." Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko nang bigla na itong pumasok sa office ko habang nakangiti ng matamis na parang may halong pang-aasar din. "Umm... sige po ma'am, maiwan ko na po kayo," saad ni Secretary Jean. Hindi na nga ako nakaangal dahil nandito na siya sa loob kaya wala na akong choice kundi ang hayaan siya rito. "What do you what?" walang gana kong tanong sa kan'ya habang busy akong maglipat ng mga folders sa kabilang side ng table ko. "Nandito ako para sabihin sa'yo na hindi pwedeng lumabas na magkahiwalay na tayo, I need this promotion, Oriana! Pagbigyan mo naman ako sa gusto kong mangyari," wika nito. "Kahit ilabas mo na ang break up natin after ng promotion ko at sabihin mo na lang na nagdesisyon tayong dalawa na maghiwalay at walang third party na naganap." Napatawa ako habang nakayuko at unti-unting inangat ko ang ulo ko at matalim siyang tiningnan. "Kylo, hindi ako t*nga para sundin ka, hindi mo na ako kailangan diktahan sa gagawin ko. Hindi na ako magpapauto sa'yo, never! At saka... gusto mong pagbigyan kita? Bakit kailan ba kita hindi pinagbigyan? Hindi ba ikaw lagi ang pinagbibigyan ko? Ni hindi ko na nga mapagbigyan ang sarili ko sa mga gustusin ko kasi gusto mo ikaw ang nasusunod, pero ngayon hindi na ako papayag na gamitin mo pa ako... kaya please lang, umalis ka na rito. Ayaw na kitang makita, ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo rito! Umalis ka na!" bulalas ko sa pagkainis ko ng sobra sa kan'ya. Lumapit siya sa akin at akmang hihilain ako nang dumating si Julian kaya natigilan siya. "What are you trying to do?" "Sino ka ba, ah? Ikaw ba ang bagong boyfriend ni Oriana?" galit niyang tanong. "Anak siya ni Tito Edward, Kylo! Huwag mo akong itulad sa'yo na isang cheater! Mahiya ka naman." Sa inis nito ay bigla siyang humakbang para maabot niya ako pero muli siyang natigilan nang magsalita muli si Julian. "Touch her and your d*ad," kalmado niyang pagbabanta. Hindi na nga ito nakapalag at napatingin na lang ng masama kay Julian. "Please lang Kylo umalis ka na. Huwag mo na akong guluhin pa," saad ko. Huminga siya ng malalim at kinagat niya ang lower lip niya at tumingin muli siya kay Julian. Ilang segundo lang ay tuluyan na nga siyang naglakad palabas ng opisina ko habang sinusundan niya ng tingin si Julian pero hindi naman nagpatalo si Julian at gano'n din ang ginawa niya rito. Padabog kong pinatong ang dalawang kamay ko sa lamesa ko habang nakatayo at nanggigil sa galit sa sobrang kapal ng mukha ng lalaking 'yon. Naupo si Julian sa couch ng opisina ko at nakatingin lang siya sa akin habang hindi umiimik. Ang nakapatong ang ulo niya sa kamay niya na nasa bandang gilid ng noo niya. Parang nakakaloko ang tingin nito. "Bakit nandito ka?" tanong ko. Nagkibitbalikat siya. "I just want to tour your hotel, Tita Ivy told me the location." "You should have just come with me earlier if you are planning to come here too." "Hmmm?" Inayos niya ang upo niya. "If I go with you, I won't be able to stop what your ex-boyfriend is planning to do to you. It's good timing for me to come here." May point naman ang sinabi niya. "Siguro nga kung hindi ka dumating baka kung ano na ang ginawa sa akin no'n kasi ramdam ko ang galit niya. Hindi ko naman matatawagan kaagad ang mga security guard kapag bigla na lang niya akong saktan." "Iyon nga ang sinasabi kong good timing," taas noo niyang sagot. "Thank you," sambit ko. Ngumiti lang siya, akala ko ay hindi na siya magsusungit sa akin pero nagulat na lang ako nang iikot niya ang mga mata niya sa akin. Gulat ko siyang tiningnan pero mukhang hindi na niya iyon napansin dahil kinuha na niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya busy na kinalikot iyon. Bakit may paikot ng mata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD