Gaia's P.O.V
Araw ng sabado, wala kaming pasok, naka upo ako sa sofa sa loob ng aking silid nag iisip ng paraan upang payagan nila Mommy at daddy na umattend ng birthday party at mag overnight sa mansion ng mga Montalban. Bukas na ang kaarawan ni Maria at hindi pa ako naka pag paalam at kahit damit na susuotin sa party at pang regalo ay wala ako, s**t sabi ko sa aking isip, nakalimutan kong bumili ng damit at pang regalo sa sobrang busy ko sa school, isa ako sa mga representative ng aming departamento sa aming paaralan upang mag organisa sa nalalapit na araw ng aming unibersidad at graduating student pa. Tumayo ako sa aking kina uupuan at lumabas ng silid, napagpasyahan ko nang humingi ng permiso sa mga magulang ko. hinagilap ko ang kinaroroonan ng mga magulang ko, alam kong naririrto lamang sila at walang lakad, minsan nalang kasi umaalis si dad sa mansion dahil ang kapatid ko na ang pumalit sa posisyon ni dad sa kompanya bilang isang CEO, kompanyang tinatag pa ng lolo ko, ama ng aking ama ang Chavez mining company, isa doon ang coal mining na matatagpuan sa isang isla ng antique, sa zambales naman naka locate ang nickel mining na pag aari din ng aking ama at sa cebu naman ay ang copper mining. Natagpuan ko si mommy sa kusina naghahanda ng pagkain para sa tanghalian kasama ng mga katiwala namin dito sa Mansion
"hi mommy" bati ko sa kanya sabay upo sa bakanteng upoan na matatagpuan sa ilalim ng kitchen island countertop
"anak, gutom kana ba? sandali nalang ito" sabi ni mama habang abala sa pag halo ng mga sahog sa niluluto nito, nilanghap ko ito, ang bango, kumulo bigla ang aking tyan
"Hindi pa naman po ako gutom" pagsisinungaling ko "gusto ko lang po sanang mag paalam" pagsisimula ko
"Paalam? bakit? may plano ka bang umalis?" sunod sunod na tanong ni daddy, naka fucose ako sa pakikipag usap kay mommy kaya hindi ko namanlayan ang pag pasok ni daddy sa loob ng kitchen area.
bigla akong kinabahan "Birthday kasi ng isa sa mga matatik kong kaibigan dad, at bukas na magaganap ang selebrasyon, invited ako at doon sa mansyon nila gaganapin ang party, hiniling niya din po na mag overnight kami doon sa mansyon nila" kabado kong pahayag sa aking ama. nakayuko ako at hinahanda ang sarili sa magiging sagot niya, alam kong magagalit ito
"bestfriend? at kaninong mansyon?" kalmadong tanong niya, tiningnan ko si ito at nagtaka kung bakit walang kahit konting galit na makikita sa expression ng mukha niya.
"Si Maria Montalban po dad, at sa mansyon ng mga montalban po kami planong mag overnight" sagot ko sa kanya habang kinakabahan pa din.
"Montalban ba kamo?" kalmado niyang tanong sa akin, nabigla ako sa inakto ng aking ama, anong nangyayari kay dad? hindi ko napigilang tanungin ang aking sarili.
"Opo dad" tipid kong sagot at yumuko, hindi pa din ako sigurado kung papayagan ako ng aking mga magulang, kahit hindi ko nakitaan ng galit si dad ay hindi ibig sabihin na papayagan niya ako.
Medjo matagal bago ito nag salita " Kaninong anak ba yan? kay Charles o kay Carl?" tanong niya habang pumipiknit ng bagong lutong pagkain ni mommy na inilagay sa ibabaw ng center island countertop
"kilala mo ang pamilya ni Maria dad?" gulat kong tanong sa aking ama, alam kong malaki ang chansa na magkakilala sila ng pamilya Montalban dahil hindi nalalayo ang industriyang ginagalawan nilang pareho.
"Oo naman anak, Matalik kong kaibigan ang magkapatid na iyon, simula pa noong nag aaral kami sa koleheyo, sa katuyan ay inaanak ko ang panganay na anak ni Charles na si Cole Montalban at matalik na kaibigan ng kuya Rorke mo at tulad mo ay imbitado din ako sa kaarawan ng batang iyan kaso nga lang ay kailangan kong i decline ito dahil aalis kami bukas ng mommy mo" mahaba niyang pahayag sa akin.
Mag bestfriend pala ang ama ni maria at ang ama ko.
"Saan po ang punta nyo ni mommy dad?" tanong ko dito
"Aalis kami papuntang Antique anak, Nagka problema ang minahan natin doon, kailangan ng agarang atensyon" sagot ng aking ama.
"Pero nandoon naman si kuya Rorke dad" malungkot na sabi ko, ayaw kong umalis kahit sino man sa kanila ni mommy.
"Nasa zambales ang kuya mo anak inaasikaso ang bago nating mining site doon" sagot ng aking ama
"A ganon po ba?" matamlay kong tanong
"o, bakit ka malungkot, dapat nga maging masaya ka at makaka attend ka sa birthday party ng kaibigan mo"
masayang saad ni dad
"ibig sabihin ay pinapayagan mo na ako dad?" tanong ko nang may mga ngiti aking labi
"Syempre naman anak, nasa tamang gulang kana. alam mo na kung ano ang tama at mali, at isa pa ang kuya mo lang naman ang mahigpit sayo" sabi niya sabay kindat kay mommy.
Sobrang higpit nga nman talaga ni kuya, isa din sa rason kung bakit hindi ako nagpapaligaw, nakakatakot harapin ang galit ng aking kapatid. Naalala ko noong nasa Second year college palang ako, pauwi na ako noon nang lumapit sa akin ang kaklase kong lalaki upang tanungin ako tungkol sa group assignment, sa mga panahong iyon si kuya Rorke ang nagsisilbing taga hatid at sundo ko sa school, na abotan niya kaming nag uusap nang kaklase kong lalaki nang bigla niya itong sinunggaban hindi niya ito tinigilan na bugbugin hanggang sa mawalan ito ng malay, huli na nang dumating ang mga pulis at sa presinto dineretso si kuya. nag sampa ng kaso ang pamilya ng kaklase ko laban kay kuya ngunit na areglo ito dahil sa pakikiusap ni dad sa pamilya nila at dahil na din sa pera. Simula noon ay iniiwasan ko na ang mga lalaki na magbabalak na kausapin ako kahit patungkol pa ito sa klase or activities sa school.
"Salamat dad" pagpapasalamat ko kay dad sabay yakap sa kanya ng mahigpit.
"mag iingat ka doon anak ha?, Lalong lalo na sa mga kapatid at pinsan ng kaibigan mo" paalala niya sa akin,
at napa isip ako ,Hindi naman siguro mamamatay tao ang pamilya montalban
"Mag iingat po ako dad, Promise" pangako ko sa aking ama habang naka taas ang kanang kamay.
"Honey, Anak, handa na ang pakain" Sigaw ni mommy Mula sa dining room
"Anjan na" si dad ang sumagot at sabay kaming humakbang ni dad mula sa kitchen area patungong dining area.
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay dumiretso na ako sa aking silid upang mag bihis napagdisisyunan kong mag tungo sa mall upang bumili ng pang regalo at ng damit na susuotin sa party na gaganapin bukas nang gabi. Nang maka pag paalam ako kila daddy at mommy ay dali dali kong hinagilap ang susi ng aking sasakyan sa loob ng aking bag at pinaandar ito. habang minamaneho ko ang sasakyan at binabaybay ang daan patungong mall ay may nag salpukan na dalawang sasakyan sa aking unahan dahilan upang mag karoon ng traffic, maya maya ay may dumating na mga traffic enforcer at nahanapan nila ng paraan upang maka daan ang mga sasakyang naipit sa traffic. bago ko pinatakbo ang aking sasakyan ay lumingon muna ako sa katabi kong sasakyan, bigla ang aking pagka gulat nang makita ang taong nagmamaneho dito, ang estrangherong naka alitan ko noong nakaraang araw,
hindi tinted ang windshield at window glass ng aking sasakyan kung kaya kitang kita ako sa loob.. kabaliktanran nang sa kanya, tinted ang kanyang sasakyan ngunit parang sinadya itong buksan upang makita ko siya, halatang kanina pa ito naka titig sa akin. Nagkakatitigan kaming dalawa nang biglang bumusina ang sasakyan na naka sunod sa aming likoran kaya agad kong pina sibad ang aking sasakyan. ang gagong yon? Sabi ko. Naalala ko ang nangyari noong isang araw, Uminit bigla ang aking ulo nang maalala kung gaano ito ka hambog at ka arogante "kung ikw lang din naman ay wag nalang!" sigaw ko habang nagmamaneho.
Nang makarating ako sa mall ay agad akong nag hanap nang magandang pang regalo para kay Maria, HOMEY PERSON si Maria kaya napagdisiyunan kong mag hanap sa Home decor. Nang maka pasok ay bumungad agad sa akin ang nag gagandahang mga home ornaments. Una kong sinuri ang isang Mounionsalusta Metiorite slice, napaka ganda nang bawat detalye ng ornament na ito tiyak magugustuhan ito ni maria, binalik ko muna ito at naisipang mag hanap pa nang iba, Nakita ko ang isang Gold Decorative tortoise maganda din ito ngunit hindi mahilig si maria sa isang animal figurine ang kasunod dito ay ang Gold pineapple storage, maganda itong gawing lagayan ng mga jewelries, ngunit hindi din mahilig si Maria sa mga jeweleries, ang panghuli kong nakita ay ang Ceramic Copper Apple Ornament, tulad ng Mounionsalusta Metiorite slice ay napaka ganda din nito kumikinang ito kapag nasinagan ng araw o ilaw, sa Huli ay napagpasyahan kong ang Mounionsalusta Metiorite slice na lamang ang aking irerego. Pagkatapos kong mag bayad ay nagsimula na akong maghanap ng isusuot sa party. Apat na mga kilalang boutique ang napuntahan ko ngunit wala akong nagustohan sa mga naisukat ko. Napagpasyahan kong umuwi na lang at pipili na lamang ako sa mga luma kong gowns and evening dress na naka tago sa aking cabinet, marami pa akong hindi naisusuot sa mga nabili ni mommy para sa akin.
Pagkalabas ko ng mall ay tutungo na sana ako sa parking lot kung saan naka park ang aking sasakyan nang maagaw ang aking attention ng isang glittery long gown sa isang botique na matatagpuan sa harap lang mismo ng Mall. Dali dali kong tinungo ang botique, nang naka pasok ako sa loob ay binati ako nang isang babae na sa tingin ko ay isang sales lady "Good afternoon mam, ano po ang sa atin" bati niya sa akin habang may malapad na ngiti sa kanyang labi, ngiti lang ang isinagot ko dito at tinungo ang kinaroroonan ng long gown at sinuri ito, Ombre ang style ng kulay nito dark maroon ang sa pang itaas na bahagi ng gown hanggang maging lighter shade ng maroon ang kulay nito hanggang sa pang ibabang bahagi ng gown, meron itong beads na naka palibot at humumulma bilang isang belt ng gown, dinulas ko ang ang mga kamay ko sa gown, Napaganda ng fabric na ginamit dito
Maari ko bang isukat ang gown na ito?" tanong ko sa isang sales lady na kanina pa naka buntot sa akin
"Opo mam" kinuha niya agad ito at binigay sa akin, tinuro nya kong saan ang fitting room at agad kong tinungo iyon. Nang Maisukat ko na ang evening gown ay namangha ako, pagakaganda nito at sukat na sukat ito sa aking katawan na para bang tinahi ito para lamang sa akin, na aaccentuate nito ang hubog ng aking katawan mayroon itong slit sa ibaba at kanang bahagi ng gown na umabot hanggang sa aking hita, kitang kita ang kabuoan nito sa oras na ihakbang ko ang aking kanang paa, may slit din sa gitnang bahagi ng dibdib ng gown, makikita ang gitnang bahagi ng aking clevage, kasyang kasya sa malulusog kong dibdib, medjo revealing ang likorang bahagi ng gown dahil semi backless ito. Pagkatapos kong sukatin ang evening ay binayaran ko na ito.
Pagkatapos kong mag bayad ay tinungo ko ang parking lot at deritsong umuwi. Madilim na nang makarating ako sa mansion, dumiretso ako sa dining room at doon naabutan ko sila mommy at daddy na naghahapunan, humalik ako sa kanila at naupo sa may bakanteng upuan.
"kamusta ang lakad mo anak? naka hanap kaba nang pang regalo?" tanong sa akin ng aking ina.
"Opo mommy, naka hanap po ako" masaya kong sagot habang kumukuha ng pagkain sa platter
"Ano naman iyon anak?" tanong naman nang aking ama
"isa pong Mounionsalusta Metiorite Slice ornament" sagot ko habang nginunguya ang pagkain.
"Nabili mo din ba sa home decor?" tanong ni mama, meron din kasi itong kaming Mounionsalusta Metiorite ornament na nabili niya din sa home decor, ang pinag kaiba ay bilog ang sa amin.
Marami pa kaming napag usapan nila mommy at daddy bago ako umakyat sa aking silid upang maligo.
nang matapos akong maligo ay mag bihis ako nang pang tulog at nahiga sa aking malapat na kama, sa pagod ay naka tulog ako agad.