Cole's P.O.V.
"Jane" Tawag ko sa aking sekretarya gamit ang intercom, di nag tagal ay narinig kong may kumatok sa pintuan ng aking opisina, maya maya ay bumukas ito at iniluwa ang aking sekretarya,
"Yes sir?" tanong nito
"Nasaan na ang monthly statement expenses na dapat ay pinapasa sa akin kada bwan mula sa accounting department?" sigaw ko dito, ngayon ang skedyul ng pasahan nito, nakapagtataka at hindi pa ito nakarating sa akin ngayong napaka lapit lamang ng department nila sa aking opisina, ni minsan hindi umaabot ng 10:00 oclock ng umaga ay nandito na ang monthly statement expenses. Makikita ko naman ito sa aking computer dahil ini email nman ito sa aking outlook at iniincode din ito sa B2B ng mga encode sa accounting department, ngunit kaylangan ko ang printed na statement na mula mismo sa accounting department upang mai kompara ko ito sa naka encode, kailangan kong masiguro na walang nawawalang pera sa kompanya namin, ayaw ko nang maulit ang nangyaring nakawan, kailangan kong maging maingat lalo na at may traidor na nagtatrabaho dito sa loob ng kompanya ko.
"Aasikasohin ko po sir" Sagot niya
"Matagal mo nang alam ang schedule ng pasahan, hindi bat naging routine mo na ang pag tanggap niyan kada katapusan ng bwan? bakit hindi mo naasikaso iyan kanina?" Sigaw ko sa kanya, "Ang pina ka ayaw ko sa lahat ay ang tanga" dagdag kong sigaw
"Kanina ko pa po sila tinatawagan tungkol po sa statement na iyan sir ngunit pinapahintay po nila ako" kabado niyang sagot
"Sino ang nagpapahintay?" galit kong tanong
"Ang sekretarya po ng head ng Accounting Department" sagot niya habang naka yuko.
Malaki ang tiwala ko sa head ng accounting department, pamangkin ito ng asawa ni tito Carl na si tita cindy at sila mismo ang nag refer nito sa akin at naging malapit na din ito sa akin dahil pinsan ito ng mga pinsan ko. Tumayo ako sa aking kina uupoan at humakbang palabas ng opisina, napagpasyahan kong ako mismo ang pupunta at magtatanong sa kanila.
"follow me" utos ko sa kanya, dali dali itong sumunod sa akin. Nang maka pasok kami sa loob ng accounting department ay naabutan kong nag nag kompulan ang ang mga empleyado oras ng trabaho at nag chismisan sa isang table sa bandang gilid sa loob ng accounting department, sinadya kong magpakawala ng ubo upang ma pansin nila ang presensya ko, nanlaki ang kabilang mga mata at natataranta ng makita nila ako na naka tayo sa kanilang likoran, dalidali silang bumalik sa kani kanilang table at bumati sa akin "Goodmorning sir" nanginginig na bati nila, hindi ko sila sinagot at dumiretso sa kinaroroonan ng opisina ni Kent Villarama ang head ng accounting department. derederetso akong pumasok sa kanyang opisina at naabutan kong abala ito sa pag aanalisa ng mga papeles, halatang abala ito sa kanyang ginagawa hindi man lang alintana ang aking pag pasok sa kanyang opisina, Tumikhim ako at tumingala siya ,
"Pare, pasensya kana nagka problema kasi, nagpalabas ng pera ang kompanya noong isang araw naka state sa proposal na para ito sa bago mong proyekto ang pinagawa mong bagong barko na kinontrata mo sa isang shipbuilder company which is the JSC United Shipbuilding Corporation sa mascow russia at permado mo ito" pagpapahayag niya
"what" Napasigaw ako sa aking narinig mula sa kanya. kakatapos lang ng barkong pinagawa ko sa BAE SYSTEM MARITIME NAVAL SHIP sa scotland" dag dag kong sigaw, alam kong hindi ko perma ang nasa proposal.
"Pasensya kana pare, alam mo namang isang linggo akong naka leave dahil kasal ng pinsan ko kakabalik ko lang sa trabaho kanina" sabi niya
"Hindi bat si Ela ang pumalit sayo pansamantala" tanong ko dito, kung gayon ay si Ela ang nakaka alam kung sino ang gumawa at nag pasa ng proposal.
"Si Natasha pare dahil natyempohang inatake si Ela nang mga panahong iyon" Sagot niya
"s**t, paanong hindi ko nalaman na siya ang pumalit sayo pansamantala?" Irita kong tanong
"Ang iyong ama ang nag appoint sa kanya, nasa ibang bansa ka noon dahil sa isang business meeting na gaganapin sa france at ang iyong ama ang pansamantalang pumalit sayo bilang CEO" Mahaba niyang Sagot nito
"Sino sino pa ang pumerma" Seryoso kong tanong, Binigay niya sa akin ang proposal at nakita kong permado din ito ni Dad at ni Tito Carl. Alam kong peneke lahat nang perma namin sa proposal na ito
"Pina track ko ang account na naka transact ng kompanya ukol sa pera na pinalabas noong isang araw, ang pera ay pumasok sa account nang nagngangalang Elvira De Jesus" Pahayag nito
"Elvira De Jesus" Pilit kong inisip ang pangalan ngunit wala akong matandaang kakilala na nagngangalang Elvira De Jesus "I have to talk to my father about this, Gawin mo ang trabahao mo at papaimbistigahan ko ang kasong ito kay Aries, Also paki bantayan ang galaw ni Natasha I know she's up to something at malamang isa siya sa mga dahilan kung bakit ito nangyari" mando ko sa dito
"kopya pare" sagot lamang nito
Nagtungo ako sa pabaliksa aking opisina at agad kong tinawagan ang kapatid kong si Aries, ilang beses din itong nag ring bago nito sinagot ang aking tawag, Ungol nang isang babae ang una kong narinig bago ito nag salita sa linya.
"Ano kuya?" Iritang tanong sa akin ni Aries, Halatang nabitin ito sa ginagawa dahil sa aking pag tawag. kahit kaylan talaga ay hindi na mababago ang pagka Babaero nito.
"Pumunta ka dito, may mahalaga akong sasabihin sayo" Utos ko dito
"Pwede mamaya nalang may..." pinutol ko ang sasabihin niya
"Ngayon na Aries, Importante ito kaysa sa libog mo" agad kong pinatay ang tawag at tinawagan ang numero ni detective fernadez ang private na pinagkakatiwalaa ng aming pamilya ngunit maka ilang ring na ito ay wala pa ring sumagot sa linya, kaya pinatay ko na lamang ito
"Para ka yatang nabagsakan nang langit at lupa? wag mong sabihing hindi kapa rin naka move on kay miss ganda? ano kuya ipapahanap mo na ba sa akin? o baka naman kulang sa jakol kaya mabilis uminit yang ulo mo?" pang aasar ni Aries sa akin, dali daling nakuha nang aking kamay ang lagayan ng aking Rayban at itinapon ito sa kanya, naka tingin ito sa orasan sa likoran ko kaya hindi nita ito nailagan at Sapol ang kanyang kaliwang mata
"Ouch" Ungol niya habang namimilipit sa sakit at tinatakpan ang kanyang kaliwang mata.
"Ninakawan na tayo ng billiones ay nang aasar kapa" Reklamo ko dito
"What?" Gulat niya "billiones? ang laki nman non?" dagdag niya
binigay ko sa kanya ang kopya ng proposal dahilan upang manakawan kami uli nang mas malaking halaga, sinuri
"Si Natasha Celo ang pansamantalang pumalit kay kent sa panahong nangyari ito, Naipasok ang pera sa account nang nagngangalang Elvira De Jesus. Kailangan mong imbistigahan ito, makipag cooperate ka kay detective Fernandez, kasalukuyan na siyang naghahanap ng impormasyon tungkol kay Natasha" Mando ko sa kanya, Alam kong magaling ito sa pa iimbistiga at sa pakikipag laban na rin dahil dati itong police at naging myembro ng US military Airforce noong mga panahong pinalayas ito ng aking ama dahil lamang sa ginawa nilang prank ng pinsan kong si Eros na muntikan nang ikinamatay ng aking lola. pina layas silang dalawa nila dad at tito carl. Si Aries ay pumasok sa US Military Airforce at si Eros naman ay pumasok sa Marine Air-Ground task force
"copy kuya, akala ko gusto mo nang ipahanap si miss ganda" pang aasar nito, Nakuha ko ang Mug na ginamit ko sa tinimpla kong kape para sana ibato ito sa kanya ngunit naka takbo na ito palabas ng aking opisina.
Kakatapos ko lang kumain ng tanghalian sa loob ng aking opisina at kasalukuyang nagpapahinga nang biglang may kumatok sa aking pintoan at iniluwa doon ang aking secretarya na si jane " Sir kaylangan ka daw maka usap ni sir george" Sabi niya
"Bakit hindi mo naiconnect sa telepono dito sa loob ang tawag niya?" Galit kong tanong
"Sir, Kanina pa po naiconnect ang tawag ngunit busy po ang inyong linya" Sagot niya, tiningnan ko ang aking telepono at nakita kong hindi ito naka lagay ng maayos sa lagayan nito, hindi na lamang ako umimik at agad tinawagan ang numero ni george gamit ang aking phone, si George Sevilla ang Head ng Operarion department ng aming kompanya, nag ring ito at agad niya itong sinagot
"Yes george?" Bungas kong tanong dito sa linya
"Good afternoon boss, Nasira ang Barko magdadala Sana nang Coal Mula Antique pa puntang Greece" Pahayag niya
"Pupunta ako jan" sagot ko at pinutol ang tawag, dali dali akong nagmaneho pa puntang peir para personal kong makita ito, habang nagmamaneho ay biglang may nag salpukan na sasakyan na sa unahan lamang nang aking dinadaanan rason upang magkaroon ng pansamantalang traffic, tiningnan ko ang aking wristwatch 1:30 pm pa lamang ngunit kaylangan kong umuwi nang maaga dahil ngayon gabi gaganapin ang kaarawan ni Maria, habang naghihintay ng traffic enforcer upang umusad ang traffic at para makalusot ang mga naipit sa traffic ay napatingin ako sa aking katabing sasakyan na tulad ko ay naghihintay din na umusad ang traffic, napatingin ako sa taong nagmamaneho nito, nagulat ako nang makita ko ito, ito ang babaeng naka alitan ko, kitang kita ko ito sa loob dahil transparent ang window glass at windshield nang kanyang aasakyan, ibinba ko ang ang bintana nang aking sasakyan upang makita niya ako plano kong aasarin ito nang ma aliw ko din ang sarili ko habang nag hihintay na umusad ang traffic.
Maka lipas ang tatlumpong minuto ay dumating din ang traffic enforcer ngunit hindi man lang ako tinapunan nang tingin nang babae, Maya maya ay nabigyan kami nang daan upang maka lusot sa traffic, tumingin ako dito ulit nang dahan dahan siyang lumingon sa direction ko, halatang nabigla ito at nagka titigan kaming dalawa nang biglang bumusina ang sasakyan na naka sunod sa aming likoran, pinasibad niya ang kanyang sasakyan at ganon din ang ginawa ko ngunit ma una na siya sa akin, gus2 ko itong ma abutan ngunit lumiko ito. natakot ko yata, sabi ko sa aking sarili at ngumiti. Nang makarating ako sa peir ay inaayos na ito ng mechanical engineers na nagtatrabaho bilang isang maintenance nang makina sa mga malalaking barko, nagka aberya ang makina nito at kaylangang palitan ang ibang pyesa nito.
Alas singko nang hapon nang natapos ang pag aayos ng makina ng barko kaya nag mamadali akong umuwi, kailangan ko pang mag ayos dahil ngayon gaganapin ang kaarawan ng pinsan kong si Maria at 7pm magsisimula ang party. 6:00 o'clock na nang hapon nang maka uwi ako sa mansyon, naligo ako agad at nag bihin, nang matapos ay umalis na ako patungon mansyon nila tito Carl kong saan gaganapin ang party ni Maria. hindi pa nagsisimula ang party nang makarating ako sa mansyon nila, kumuha ako ng isang glass ng wine mula sa lalaking nag bibitbit ng isang malaking tray na may lamang glasses of wine.
Naglalakad ako pa puntag gilid nang pool para hanapin ang pinsan at mga kapatid ko nang di sinasadyang mabangga ko ang isang babae, medjo may kalakasan ang pagka bangga ko dito rason upang mawalan ito ng balanse at muntikan nang matumba kayat dali dali kong hinagip ang kanyang baywang napakapit siya sa magkabila kong balikat upang kumuha nang suporta, Nagulat ako nang makita ko kung sino ito.
"Ikaw na nman?" sigaw niyang, habang naka palibot padin sa baywang niya ang aking braso
"I can ask you the same thing" sagot ko dito, gus2 kong matawa sa expression nang mukha niya
"Sinusundan mo ba ako?" Taray niyang tanong
"Bakit naman kita susundan? ano ka diamond?" Taray ko ding sagot dito,
Dumilim ang expression nang kanyang mukha, Damako ang aking paningin sa may slit sa kanyang dibdib, kitang kita dito ang kanyang cleavage ng malulusog niyang dibdib, napalunok ako
"Gusto mo buksan ko nang makita mo nang buo" Sarkastiko niyang sabi.
Isang pilyong ngiti ang humulmansa aking mga labi
"kung willing ka namang gawin iyan, why not? gusto mo humanap tayo nang bakanteng kwarto nang matulungan kitan buksan iyan?" malandi kong sabi dito
"Bastos" sigaw nita Sabay sampal sa kaliwa kong pisngi, hinawakan ko ang bandang sinampal niya "Panget" dagdag niya sabay talikod at dali daling humakbang palayo sa akin