Cole's P.O.V "Baby timplahan mo ako ng kape please?" malambing kong utos kay Gaia, "Limang basong kape na ang naubos mo ngayong araw" Pag papaalala nito sa akin, "Nakaka addict kasi ang timpla mong kape baby" sabi ko sa kanya habang kinikindatan ito, ipinaikot nya ang kanyang mata bago tumayo patungo sa kinaroroonan ng coffee maker upang mag timpla ng kape. Ganito ang naging routine namin sa araw araw magmula sa loob ng dalawang linggo namin pagsasama sa trabaho, araw araw ko itong nilalambing kahit hindi nito ako pinapansin, minsan naman ay nagbabangayan kami dahil sa isang maliit lamang na bagay, at minsan ay nag aaway kami dahil sa selos na aking nararamdaman kapag kinakausap ito ng mga lalake kong empleyado, mga kapatid at mga pinsan ko, hindi ko rin maintidihan ang sarili kong bak

