Cole's P.O.V. Gabi na nang maisipan kong umuwi at bumisita sa Mansyon ng aking Lolo at Lola sa probinsya ng Aurora, matagal na din na hindi ko nabibisita ang mga ito. Habang nagmamaneho ay nakakita ako ng isang stall na puno ng klase klaseng mga prutas sa gilid ng kalsada, naagaw ang aking pansin ng mga nakahelerang Mansanas at peras sa gilid ng stall, nalala ko si Gaia, ito ang palaging dala niya tuwing pumapasok ito sa trabaho, Napangiti ako nang malala ang itsura nito habang ngumunguya ng apple, ang cute niya, Pag balik ko sa bukas ay dadalhan ko ito ng maraming prutas. Iniisip ko si Gaia ng bigla akong makarinig ng isang putok ng baril mula sa likuran ng aking sasakyan, napatingin ako sa rearview mirror at nakita ang tatlong sasakyan na naka sunod sa akin, nakita kong inilabas ng isa

