14. Surprise

2046 Words
Nang makarating kami sa lugar ay hinawakan 'ko siya sa braso. Nakakabanas talaga! Kalalaking tao, mahina ang sikumura sa biyahe? May itatanga pala talaga siya?  Mukhang hinang-hina siya kaya't napairap ako. Mukhang lantang gulay ang katawan ko na hindi naman talaga dapat. Hay. Kung hindi lang katawan ko ang nasa loob niya, malamang ay kanina ko pa siya tinalikuran dahil sa kahihiyan.  "T-Teka lang naman. Masakit ang hawak mo," reklamo nito sa mahinang boses. Naaawa talaga ako sa katawan!  Inakbayan ko ang aking katawan. Wow, that sounds very Ironic, pero totoo lang na inaaalayan ko ang mahinang katawan.  "Lagi ka bang ganito?" Iritadong tanong ko sakanya.  Malumanay ako nitong tinignan. Nakakairita. "Anong ganito?" "You look so week and fragile ha. Para akong babasagin oh!" I pointed out. "Tignan mo nga? Para akong lantang gulay!"  Sinamaan ako ng tingin nito. "Ang baho ng amoy ng bus! Sabi sayo, sumakay na lang tayo sa sasakyan!" Pinandilatan ko siya ng mata. "At ano? Magpasagasa at mamatay na lang sa katawan mo?"  "Bakit? Pag napunta ba tayo sa langit, ganito pa rin ang katawan natin?" Hamon na tanong nito sa'kin.  Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Natulala at napaisip. Oo nga naman. Siguro naman ay pag napunta kami sa langit ay back to normal na ang lahat? "Uy nag-isip talaga siya..." Tawa nito. "Mukhang lahat talaga dinadaan mo sa pag-iisip ah?" Natigilan ako sa sinabi niya at nahiya. Oo nga!  "Eh kung mauna ka ngayon sa langit ng malaman mo?" Inambahan ko siya, pero mabilis din na umayos kasi sa paningin ng lahat siya ang babae sa'min! Napangiti ito dahil hindi na niya kailangan umiwas sa hampas ko. "Ikaw ata ang mauuna sa init ng ulo mo." Halakhak niya sa'kin. "Hindi naman ako pwede mauna. Baka gusto mong makulong sa katawan ko habang buhay?"  He is making a point again! Binitawan ko ito ng hindi nagsasabi. Dahil doon ay muntik na siyang matumba. I straight my body and looked at  the place.  "Mukhang ayos ka naman na. Ano bang gagawin?" Sarkastikong sabi ko. Minsan, gusto ko masubsob ang lalaki sa kung saan. Pero pag naaalala ko na katawan ko ang pinag-uusapan, napapailing na lang ako sa iniisip. Nakakagigil talaga... na hindi ko siya ma-gantihan! "Banasin ka talaga 'no?" Sinamaan ako nito ng tingin. Mabilis akong tumawa at inirapan siya bilang sagot. "Parang hindi mo naman ako kilala?" I hissed. "Saan ba tayo pupunta?" "Tumanda ka sanang dalaga." Hindi talaga ako tatantanan nito kakaaasar! Hindi ko siya pinansin at naunang naglakad. "Hindi ka sana tumanda." Sana, pagkatapos nito ay kunin na lang siya ng mga alien.  "Tsk... Ang panget ng mga hiling mo ano?" Sumunod na ito at yumakap sa beywang ko.  Natigilan ako at tinignan siya ng masama.  "Oh ano? Bawal yumakap sa sarili kong katawan? Akin 'to oh!" He state the obvious. "Pahawak, nahihilo pa din ako. Damn, kahit naalala ko lang ang amoy, gusto ko na lang masuka." He told me.  I rolled my eyes on him. Hinayaan ko siyang nakayakap sa'kin. Mahirap na at baka kung saan pa siya dumausdos. Mahirap pa naman pagallingin ang sugat sa katawan.  "Hiluhin." Asar 'ko habang naglalakad. "Magdala ka ng plastic sa susunod!" Sita ko sakanya.  Javier glared back. "What? Sino ba kasing may sabi na mag-commute tayo? Ikaw!" Duro niya sakin.  Sumimangot ako. "Sa susunod talaga pag nagsuka ka ay bahala ka sa buhay mo!" Humalakhak ito. "Anong susunod? May susunod pa dito!? Ayoko na! I want my body back on me! Itong katawan mo, kaunting pitik lang grabe ang sakit sa bangs! Ang bilis-bilis makaramdam ng sakit!" "Ang dami mong reklamo! Alagaan mo na lang ang katawan ko kasi ganon ang ginagawa ko sayo!" Napailing ang lalaki sa sinabi ko. "Alagain ka pala 'no? Masungit ka na nga tapos alagain ka pa..." He sighed. Akala mo ay isang malaking problema iyon.  "Ano ba? Kailan mo ako tatantanan?" Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya. "We should be talking about our problems... but your just loud ano? Bakit ka ba nangingialam kung alagain ako!?" Tumaas ang kilay niya. "Malamang, aalagaan kita!"  I stilled. Kinabahan at ninerbyos ata ako sakanya. What the hell? Gusto pa rin ba ako ng mokong na 'to? Ayoko sanang isipin pero... iyon kasi ang nararamdaman ko? Oh my gosh, ang cringe naman ni Javier! Posible kayang may feelings pa rin siya sakin hanggang ngayon?! Yuck! "Oh!?" Napalayo ito sa'kin, nanlalaki ang mata. "Anong iniisip mo? Na aalagaan talaga kita hanggang dulo? Yuck! Kilabutan ka nga!?"  Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ba talaga?"  "Heck no!" Mabilis itong umiling. "Wag ka sanang assumera."  Hah. He is really funny. Mukha siyang clown sa paningin ko talaga.  "Alam ko, pero baka mamaya may gusto ka na pala sakin." I hissed at him. "Let's start. Anong ginawa natin ng makarating tayo dito?" Kinuha 'ko ang notebook sa bag. Nalukot ang mukha ni Javier. "Anong mamaya may gusto sayo? Alam mo ba kung bakit tayo nagkapalit ng katawan? Dahil sa pagiging devoted ko kay Candy!" I snorted. "Anong devoted? Baka pagiging tanga."  Akmang sasagot pa ang lalaki pero mabilis kong inilagay ang daliri sa labi niya.  "Ano na? Magsasagutan na lang ba tayo dito? Anong gagawin natin? Umaandar ang oras!"  "Tsk..."  Sagot niya at tinabig ang daliri ko. "Let me think about it first." I nod my head. "Nag-iisip ka pala-" "Kumain muna tayo." Sagot niya. Napasimangot naman ako. Ano nga ba naman ang makukuha 'ko sakanya?! "What? Hindi tayo makakapag-isip ng gutom!" depensa niya. "Really? Iyon na ba talaga ang pinaka-the best mong naisip? Wala ng iba?"  "Wala na eh. But of course, in order to think a plan, we must eat first to function."  Sarkastiko akong natawa. "Wow. You really have your ways huh." Muli itong yumakap sakin habang naglalakad kaming dalawa. "Alam mo, ang laki pala ng katawan ko?" "Tigilan mo nga ang kakapisil? Nagmumukha akong manyak!"  He just laughed.  I sighed. Wala na talaga akong magagawa sa kabalastugan niya. Ginugutom din naman ako. So hindi na ako nakipag-away. Habang kumakain ay nagsimula na kami mag-usap. Buti nga ay sumunod lang siya nong sinabi 'ko saan kami kakain. Tumaas ang kilay nto. "Talagang nagdala ka ng notes ha?"  "Of course." Sabi 'ko. "Isinulat 'ko na yung ginawa 'ko buong araw. Ilista mo ang sayo." Ibinigay 'ko sakanya ang ballpen. "What? Natulog ka lang?" He reacted while reading my notes. "Ang boring naman ng mga ginawa mo. This is a trip! Bakit naging katulong ka dito?" "What are you talking about?" Iritadong sabi 'ko at hinila ang notes. Totoo naman, wala akong ginawa masyado noong trip. At kailangan 'ko rin asikasuhin ang mga tao. I am the president! What will he expect? Have fun? "Katulong your ass." I hissed. "Kumain ka nga diyan. Sa ating dalawa, mas marami ka'ng ginawa. So we will start with your day." "Okay." Pagpayag niya habang kumakain. "Let's fight." Dugtong niya habang kumakain. My forehead knotted. "At bakit naman tayo mag-aaway tanga ka?" Talagang hindi pa kami nagsisimula pero hina-highblood na ako sa pinagsasasabi niya! "Bakit? Sabi mo we will do what we did that day! Eh ang simula nang araw na na-aksidente tayo ay ikaw!" Ay. I was taken a back at nag-flashback ang bangayan namin ni Javier. Umagang-umaga pa lang noon ay nag-aaway kami... Matigas din ang bungo niya kasi! Napailing ako. "Grabe, kasalanan mo pala talaga..."  "Ano? Mag-aaway na ba tayo?" Itinaas baba niya ang kilay.  "Stop acting like a fool. Let's not do that." I told him. Tinusok ko ang isang salad sa harapan. "This one is good."  "Hindi ako kumakain ng gulay," sinandok niya ang isang hipon sa harapan at steak. Wow. "Maaga siguro akong magkakasakit sa batok kung tatagal ka sa katawan ko. Eat your vegetables," sabi ko at pinatungan ng gulay ang pagkain niya.  "Veggies are nasty... Lasang papel na dinawdaw sa tubig."  Hindi ko na lang siya pinansin at kumain. Bahala na siya sa buhay niya. Kumakain ako at ayokong magdabog sa harapan ng pagkain. Nakakabanas pero kaunting tiis, Celestial. "Isa pa, bakit ayaw mong mag-away tayo?"  "Mr. Castell said I should stop fighting with you. No scandals daw." Kwento 'ko sakanya sa usapan namin ni Mr. Castell kagabi. "Pag may scandal daw ulit ikaw, he will kick me out from the school." Tumaas ang kilay nito. He whistle. "No more scandals na talaga. You're the one who is spreading that anyway." Aniya. I snorted. Tama siya. Paano 'ko ipagkakalat ang scandal ni Javier kung ako ang nasa katawan niya? Ako lang 'din ang maba-bash! This is making me so hopeless! Hindi pa ako nakakaganti sakanya! "Whatever." Iyon na lang ang sinabi 'ko. "You're a scholar, huh?" Tinaasan 'ko siya ng kilay. "Yes." He nodded. Parang wala lang iyon sakanya. "Bakit hindi 'ko alam?" Akala ko talaga ay isa siyang malaking gago sa isang prestigious university, at nagawang maki-epal kasi anak siya ng may ari ng school! Pero mali pala ako huh. Javier, being an athlete scholar really surprised me.  Napahinto ito sa pagkain. "Bakit kailangan mo malaman?" Balik na tanong niya sa'kin. Napasimangot ako. What a b***h! I was about to ask him why, pero naunahan ako nito magsalita. "Nag-usap kayo ni tanda?" Tukoy niya sa ama niya. Napairap ako bago tumango. "Yes. Nakiusap ako sakanya na papasukin ka. Pumayag naman si Mr. Castell. Pumasok ka!" I hissed at him. "Babantayan kita." Sinamaan 'ko ito ng tingin. Tumingin ito sa'kin. Then he sighed. "Celestial, don't you think we should stop first? It will be hard-" "Nag-usap na tayo tungkol diyan!" Tumaas ang boses 'ko ng kaunti. Nakita 'ko naman na napalingon ang iba sa'min. Hindi 'ko sila pinansin. "I'm done eating. Nasayo ang card. Pay for the food." At tumayo ako para iwan na siya. Bwisit! I can't stop. ..I am absent for two months. ..That's enough already. Isa pa, ayoko mag-sayang ng oras. I want to get out in my mother's life. I want to be successful. Ayoko na sakanya. ..Life is suffocating with her. ..at nahihirapan na akong huminga sa tuwing nakikita ang sariling ina. "Hijo." Nagulat ako ng may kumalabit sakin. "Grabe ka naman sa girlfriend mo. Sinigawan mo na nga, siya pa ang nagbayad ng pagkain niyo." Aniya at umiling pa. My eyes widened. What!? "Huwag mo na uulitin 'yon, kalalaki mong tao. .." Iling pa nito bago umalis. Napanganga naman ako. Gusto 'ko sumigaw ng pakialamera, pero baka magmukha na talaga akong masama. My fist turned into a ball. This is really pissing me off! Hindi babae ang nasa loob ng katawan 'ko! Ugh! This is so hard! Our situation is so hard kasi pabor lahat kay Javier! Ano bang meaning ng kalalaki mong tao? Someone who needs to pay? Someone who needs to be understanding? Someone who needs to be gentle? Excuse me, everyone can do that! A girl can be understanding! A girl can pay for what she buys! A girl can treat his boyfriend! Teka, hindi naman niya ako boyfriend! Babae ako na nasa loob ng katawan ng isang gago! Kanina pa ako nasasabihan! It's pissing me off! Nakita 'ko si Javier na lumabas. "Ang una 'kong ginawa noong araw na 'yon ay nakipag-away sa'yo." Tumabi sa'kin si Javier. Hindi 'ko siya pinansin. "I'm done paying for food. Should we start the throwback acting?" Nakabalik na ito galing sa kainan. Nang hindi 'ko siya pinansin ay dumungaw ito. "What's the problem again, Celestial? Stop frowning! You're making my face ugly!" Bulong niya at hinila ang braso 'ko. "Our situation. ..is really pissing me off." Bulong 'ko. His forehead knotted. "What?" Lumapit pa ito sakin. "This is pissing me off. .." "What? Pissing? What happened?" Usisa pa niya. I sighed. "Bwisit!" I marched forward, leaving Javier behind. Wala akong magagawa kung hindi pagtiisan ang mga tingin ng tao sa'kin dahil parang hindi ako lalaki kung umakto! I am not a man! I am in a man's body! "Celestial!" Napalingon ako sakanya. "Wha-" Then I heard the beeping sound. Nagulat ako ng hinila niya ako papalapit, matutumba na sana ako pero hinawakan niya ang aking beywang. Napahawak naman ako sa leeg niya. Nag-aalala itong nakatingin sa'kin. ..Seeing my own self with worried expression. ..is weird. "f**k, Celestial. .." He shook his head. "Mag-ingat ka nga." And hearing my own sweet voice saying that. ..is also a weird feeling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD