I am daze for a moment. Hindi 'ko alam kung anong nararamdaman 'ko-but it's not pangingilabot. I am sure about it. It's really weird. ..A weird feeling. How can I point this out?
Napalunok ako habang tinitignan ang sariling mukha. Am I that narcissist to feel this way towards my face? Sa sobrang ganda ko ba ay kumakabog ang dibdib ko ng sobra?
Nakatingin ito sa'kin. His forehead is knotted-almost angry. Mukhang hindi niya nagustuhan ang katangahan na ginawa ko kanina. Seeing my own face looking worried about me is weird. Itsura ko ang nag-aalala, but I can see something straight to his face.
"Celeste. .." Mahina pero may diin niyang singhap. "What are you thinking?!" Sita nito.
"What?" Takang tanong 'ko. I was flustered for a moment.
Mukha naman itong naiinis. I wonder why? Saan? Bakit siya naiinis? Anong ginawa ko? Nag-alala kaya siya sakin? Eh ano naman, Celestial? Why will your heart thump for a petty move?
Malamang ay mag-aalala siya kasi katawan niya ito!
"Alam mo bang nasa katawan mo ako ngayon?" He smiled.
"Yes!" Tumango ako ng ilang ulit. "Of course I know! N-Nagkapalit nga tayo ng katawan at ito ang dahilan kung bakit tayo pumunta sa ganitong lugar?"
He smiled. "Then alam mo na ang katawan ko ngayon ay pangbabae?"
"Why are you asking dumb questions?" Hindi ko maiwasang mainis. Pinapamukha niya ba na nasa loob siya ng katawan ko? Is this sort of another his kamanyakan again?
"So babae ako, ano?" Tanong niya.
"Duh, oo! Babae ka sa paningin nila?!" I told him.
"Then alisin mo na ang kamay mo sa leeg 'ko! Ang bigat mo!" He hissed. "We are getting attention! Yakap na yakap ka sakin! Akala mo ikaw iyong babae ha!" Bulong niya habang namimilog ang mata.
Nanlaki ang mata 'ko sa sinabi nito at agad napabitaw. Oo nga pala! Hawak pa rin niya ang beywang 'ko at tinulungan maka-balanse. Ngayon 'ko lang din napansin ang tingin ng mga tao. Mayroong mga tumatawa at mukhang hindi makapaniwala sa nakita nila.
My face heated up. Nakakahiya! Ang lakas ko pa-ifeel ang aura na sinalo niya ako, eh ako ang lalaki sa paningin ng iba!
"Grabe, iyong lalaki ata ang babae sakanila..." Bulong ng isang ginang at tinignan ako mula ulo hanggang paa!
This is really humiliating!
"Tignan mo, mukha akong kahihiyan sa iba! Ayusin mo naman kasi, Celestial! Nagmumukha na akong bakla sakanila oh!" Reklamo pa nito.
Pinandilatan ko siya ng mata. "Kasalanan ko ba!? Sa nakakabanas ka kausap!?"
"Anong nakakabanas? Wala pa nga akong ginagawa! Ikaw 'tong banasin, Celestial! God, you should do something about your anger issues."
Napaamang ang labi ko sa sinabi niya. "Mukha ba akong may anger issues?"
"Oh my god! Hindi mo alam?" He reacted. "Tanggapin mo na lang!"
Sasagot pa sana ako pero may sumuway sa'min.
"Hoy. ..kayong mga bata!" Sigaw ng isang lalaki, nasa sasakyan. "Kung mag-aaway kayo, huwag sa kalsada! Pagbabayarin niyo pa ako!" The driver hissed before going.
Nakatingin sa'min ang ibang tao! Hinila 'ko si Javier. Nakakahiya! Of course, I am in a man's body! Anong iisipin nila? Sinalo ako ng isang babae! Mukhang kaming nasa drama with romantic scene, pero baliktad! Nakakahiya!
Marami ng nangyari sa'kin na nakakahiya ngayon! I can't take this anymore! We need to exchange souls immediately! Hindi ko na talaga kaya na manatili sa katawan niya!
Napahinto ako ng tumigil sa paglalakad si Javier. Nilingon 'ko siya. Ano namang problema nito?
"What?" Tanong 'ko, nakakaramdam pa rin ng pagkahiya.
Nakakunot ang noo nito. "What are you thinking? Muntik ka ng masagasaan!" He sounds very disappointed.
I shook my head. "Nothing. .." I just said. Siguro nga ay kasalanan ko kasi masyado akong padalos-dalos. Pero never ko aaminin sakanya na ako ang mali, ano!
Lalong nalukot ang mukha nito. "Nothing? Celestial, you need to take care of my body! Paano kung mamatay ka diyan? Hindi na mababalik sa dati ang buhay 'ko-so stop being unreasonable for a while!"
Natawa ako. Unreasonable!? Ako pa ang nagmukhang unreasonable sa'ming dalawa? I wouldn't be in this mess kung hindi dahil sakanya!
"Do you think I am not afraid in our situation? Excuse me? You're being rude, f*****g b***h! This also scares me, confuse me-and not let me sleep at night! The stares of people is stressing me! Paano ako aakto na lalaki? I am not a man! Hindi 'ko alam! And how can we explain this?" I said on him, frustrated. "Hindi mo naiintidihan talaga ano!?"
"Paanong hindi maiintindihan, Celestial!? We have the same situation! Hanggang ngayon pa rin ba ay talagang hindi tayo magkakaintindihan?"
"We will not fight if we understand each other! Pero ano ito? We are always fighting! Aasa pa ba ako na maayos 'to kung ikaw ang kasama ko!?"
Tinitignan 'ko siya. Tahimik lang din ito, at sa wakas lumambot na ang expresyon. If he's thinking that I am cool about this and I am just being a b***h for nothing-he is so wrong! Normal ba 'to? Paano pala kung delusyon ko lang 'to at mamaya, baliw na pala ako?
I am so scared at hindi niya malalaman kung gaano kasi I am just a b***h girl for him!
"Mukha lang ako laging galit, or act like I don't care! But it actually matter to me... This is big for me..." Pinigilan ko ang luha dahil sa inis.
Tinalikuran ko si Javier at pinalis ang tubig sa mata. Nakakainis. Tumingala ako para tignan ang langit.
Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko.
"Okay fine. I am so sorry for scolding. But you should do something about your anger."
Nilingon ko siya at tinignan ng masama. "I am trying!"
He sighed. Hinawakan nito ang kamay ko. "Okay, okay. But please. ..take care of yourself. I don't want to say this, pero ikaw lang ang kakampi 'ko ngayon. ..I am still sane because I am with you. .."
Napahinto ako. He's right. I can't believe that I don't have any choice but to lean on my number one enemy. ..Before, we are cursing each other to death, ngayon ay kailangan na namin ang isa't-isa. This is very ironic. I hate this.
"May choice ba ako? I can only work with you!" Reklamo ko dito.
Tumango-tango ito at natawa sa'kin.
"Let's help each other. Until we find answers." Aniya. "Okay? Don't just shout on me. Para hindi tayo mag-away." He offered.
Tumaas ang kilay ko.
Tinignan 'ko ito ng masama. "Fine. .. basta hindi mo rin ako sisigawan ay ayos lang."
He chuckled on me. "Hindi ka talaga magpapatalo huh?"
"Syempre. Do I look like I love losing?" Irap ko dito.
Umiwas ako ng tingin. Again, I feel embarrassed. Pakiramdam 'ko ay ang tanga 'ko dahil kailangan pa ako sabihan ni Javier before I realize it. Tumahimik na ako.
"Let's go. ..Let's start." Aniya. Tumango naman ako at sumunod naman sakanya.
Habang ginagawa ang nangyari sa mga araw ni Javier ay wala naman akong napansin na kakaiba.
"Ang baboy mo! Hindi mo naman kailangan sabihin na tumae ka ng ganitong oras!" Gigil na sabi ko sakanya.
Pumunta pa talaga kami ng banyo para sabihin na iyon ang ginawa niya!
Nagtataka itong tumingin sa'kin. "Sabi mo lahat ng bagay susundan natin?"
Gusto kong pigain si Javier. "Pero may kakaiba bang nangyari sa pagtae mo? Ha?"
Napanguso ito. "Hmm..."
At talagang nag-isip pa siya ha!
"Tigilan mo nga, Javier!"
"Yes babe." Tango niya. "Syempre pagkatapos kumain.. Pwede ba magbanyo? Tutal nandito naman tayo." He smiled on me.
Napairap ako. "Oo na! Bilisan mo at mag-hugas ka ha!?"
"Oo naman..." He winked on me.
Namula ang mukha ko. "Bastos ka talagang hayop ka!" Inis na sigaw ko dito at ibinato sakanya ang plastik na bitbit.
Hindi ito sumagot at nagtatatakbo sa loob ng banyo. Habang ako naman ay tahimik lang na tinitignan ang paligid. It will be nice here if... you know? Everything is all right at hindi si Javier ang kasama ko.
"Aray-"
"Oh... hijo." An old woman said. "Kumusta ka na?" Ngumiti ito sa'kin.
Kumusta ka na? Does Javier know this old woman?
Para hindi magmukhang bastos ay tumango ako.
"Buti naman. Nawawala ka na naman ba?"
I shook my head. Hindi ko talaga alam ang isasagot.
"H-Hindi po... May kasama ako."
"Mabuti naman! Wag mo iwala ang kasama mo ha! Makabalik sana kayo!" Tawa nito. "O siya... Ako'y magpapahinga pa..."
"Sige po, thank you po."
Javier and his outgoing attitude. Hindi talaga ako sanay na maraming kinakausap. I cannot get use to it. Kahit saan ka ata lumingon ay maraming kakilala ang mokong na 'to!
"Hoy!" Dinamba ako ni Javier. "Tapos na? Ano? Tara na?"
"Ang daldal mo talaga..." I sneered on him before going.
"Luh!? Anong ginawa ko!" Habol nito sakin. "Ang liit naman ng bias na 'to!"
Before going peacefully, nakipag-away siya sa'kin. After that, pumunta siya ng fastfood chain para kumain. Then he sleep until lunch time. Um-attend din ito ng activities ng university simula 1PM hanggang five. Then university dinner. .. He party with Candy starting at eight. ..then they fight again.
"What are you fighting about?" Usisa 'ko. Tinignan naman ako nito.
"Bakit kailangan mo 'yon malaman?"
I clenched my jaw. "Nagtatanong lang ako?"
"Nag-away nga kami." Balewala niya sa tanong 'ko. "Dito sa tabing dagat."
Hapon na ngayon, the sun is kissing the horizon. Saglit akong natulala 'don dahil sa kumikintab na dagat. Why I didn't see this one when everything was fine?
"You're always chasing Candy like a fool, huh?" Iyon na an gang sinabi 'ko habang nakatingin sa dagat.
"Of course." Mabilis na tugon niya. "She's worth it. .."
Napanguso ako at nilingon siya. Hindi ba niya alam na simula ng aksidente, Candy didn't reach him out? Not even once?
"You're so stupid." I told him. Tinignan naman ako nito ng masama. "It's obvious. Candy doesn't care about you."
"She's just angry." Tanggi pa niya. I sighed. Hindi 'ko alam na may ibang level pa pala siya ng katangahan.
"Whatever, Celestial." He sighed. "Let's fix this fast. Para maayos 'ko na ang problema namin ni Candy."
Tumango na lang ako. Pero parang gusto 'ko pa nga humindi. It's obvious that Candy is wasting Javier's time. Hindi 'ko maintindihan kung bakit siya nagpapa-uto sa babae. ..He's not bad after all. May utak naman pala siya. He's a scholar and mukhang stable. Bakit pagdating sa babae, hindi siya nag-iisip?
"Iyon lang. May sumita sa'min, after that, she walked out. Hindi 'ko na siya ma-contact after that. She drive away. Hindi naman sanay si Candy mag-drive so. .."
Napangiwi ako sa kwneto niya. He's such a loser. Hindi nga kami binisita ni Candy! Siya ang dahilan kung bakit kami nagkaganito. Kung hindi lang sana nag-pabebe ang Candy na 'yon ay okay pa kami! Walang nangyaring ganito.
"After that, umakyat ako. ..then hinanap kita to get help-"
"Tingin mo ba, tutulungan kita?" Putol 'ko sakanya. Tumango naman ito.
"Yes. It's your responsibility too." Diretsong sabi nito. "Ano na lang sasabihin ni Daddy pag nalaman niyang you failed your work-"
Napanganga ako at hinarap siya. "Bakit parang kasalanan 'ko pa!?"
Sila itong nag-away! Bakit nadamay ako!? He just chuckled. Nangitngit naman ako sa galit. Bwisit!
"Yes. ..then tayong dalawa naman ang nag-away. Then may sumita." Aniya.
I sighed. "Bakit ang daming naninita dito?" Iyon na lang ang nasabi 'ko. Nakaramdam ako ng pagka-irita ng maalala ang naninita sa'kin simula kaninang umaga.
Humarap naman sa'kin si Javier at lumapit. "What?"
"Kaninang umaga, may matandang nanita sa'kin. Kanina sa resto, sinita din ako-noong nag-away tayo, may sumita rin-lahat na lang!" I said, very irritated. "Nakita ko rin ang matanda kanina habang nagsi-CR ka! She asked me if nawawala ka!"
"What?!" Gulat na sambit nito. "Bakit hindi mo naalala ang mukha noong matanda habang nasa harapan mo na!?" He asked.
Napahinto naman ako. ..Oo. ..That old lady. .. I am sure she have magic... Sigurado akong may ibang ginagawa ang matandang iyon!
"It's the same person, right?" Tanong niya. Hinawakan nito ang balikat 'ko. "It's the same, right? The old woman?"
Napanganga ako ng maalala ang mukha ng matanda. Oo. Siya iyong sumita sa'min ni Javier! Siya rin ang sumisita sa'kin simula ng pumunta kami dito! Siya!
"Siya rin ang sumita sa'min ni Candy. ..habang nag-aaway kami." Aniya. Napanganga naman ako. Kinabahan.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Sigurado ako. ..may alam siya dito." Agarang sagot niya. Kumabog ang dibdib 'ko.
Our answer. Finally.
Nagkatinginan kami ni Javier, kasabay 'non ang pagsikip ng dibdib 'ko. Ito na. ..We got our clue-not a clue. ..baka ang matandang 'yon ang sagot sa lahat ng 'to. ..This is so scary-ayokong umasa but I really can't help it! I don't want to get disappointed. ..
"We need to find her!" Aniya. Hinila ako nito. "Let's go!" Nakangiti ito. Umaliwalas ang mukha.
Hindi ako sumunod. I stand still. "Paano kung hindi siya? How can we be sure?"
Javier sighed. "Celestial, we need to go. ..to find out. If not then.. ."
Napaiwas ako ng tingin. Nakakakaba. Pero he's right. "Fine. ..You're right. I really hope. ..we can get answers. .."
Tinignan ako nito. "I hope so too." Aniya.