Si Hope Ryker Lee ay kilalang masiyahin, pinakakalog, mapagbiro at masarap kasama. Kaya ang ideal type niya ay iyong katulad niya rin sana. Masiyahin at kayang sakyan lahat ng paandar niya sa buhay. Ngunit nang ipakilala sa kaniya ng kaniyang mga magulang ang babaeng nakatakda niyang pakasalan ay tila gusto niya na lamang bumalik sa sinapupunan ng kaniyang ina. Sapagkat ang natapat sa kaniya ay kabaligtaran niya.
Si Elisse Garcia, isang hot and cold heiress, mainitin ang ulo at malamig makitungo. Idagdag pa na introverted ito at may social anxiety. Take note, may pagkamataray pa. Ngunit dahil ayaw ni Hope ma-disappoint sa kaniya ang mga mahal na magulang, hindi siya tumutol na pakasalan ito.
Elisse, on the other hand, did not want the wedding. Wala lang siyang choice dahil nakataya sa pagpapakasal niya rito ang mamanahin niyang kompanya. Kaya ang plano niya ay once na maikasal na sila at nakuha na niya ang kaniyang gusto ay saka siya kikilos para sipain paalis sa buhay niya si Hope.
But there's a catch: whoever ends the marriage will have to pay billions to the other. And when Hope too, discovers what Elisse is into, the two of them go head-to-head in a battle of pranks, sabotage, and all-out emotional warfare while living under the same roof.
ARRANGED MARRIAGE SERIES: Second Generation [HOPE]: THE FUNNY HUSBAND AND THE COLD WIFE. A wickedly funny, enemies-to-lovers romantic comedy novel by Miss Ahyenxii.