Kinuha ko ang medical kit namin at kinuhaan siya ng temperature. 39 ang lagnat niya. Tingin ko mas mainit siya ngayon compare kaninang hinawakan ko siya sa school. Siguro dahil sa naulanan siya. Pinainom ko siya ng paracetamol. Humiga uli siya matapos niyang uminom ng gamot. Kahit masama ang pakiramdam niya nababakas pa rin sa mukha niya ang saya. Ganito naman kasi ang gusto niya. Ang pansinin ko siya. "Magre-review na muna ako Ninong, magpahinga ka muna diyan!" Sabi ko matapos kong ibalik ang medical kit sa lagayan. Ngumiti naman siya at pumikit. Inayos ko ang kumot niya at binalot siya ng hanggang leeg. Umupo na ko at nag aral sa study table. Pinilit ko mag focus kahit nawawala ako sa sarili ko dahil nandito ngayon si Ninong sa kwarto ko. Feeling ko binadya talaga ng tadhana na umulan

