bc

Suddenly, I Know Nothing

book_age18+
120
FOLLOW
1K
READ
time-travel
second chance
twisted
sweet
lighthearted
mystery
ambitious
male lead
realistic earth
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Victor Difabio, he was perfect in any aspects. Famous, smart, talented, ambitious and he can carry himself with pride and grace.

Victor was in the middle of his dreams of becoming an awarding actor after a few years of working in the entertainment industry when his father told him about his father's wish to marry him to a woman Victor had never seen and met in his life — this is Phineas Lawson.

Hindi sang-ayon doon si Victor lalo na ng ipakilala ng ama nito ang ipapakasal sa kaniya. Si Phineas Lawson. 

Wala man lang ito sa kalingkingan ng mga tipo niyang babae. Hindi makapaniwala si Victor na iyon ang sinasabi ng ama niya na babaeng perfect para maging asawa ni Victor. 

Hindi pumayag si Victor ngunit wala din nagawa ang binata dahil ayaw niya mawalan ng mana at ng karapatan sa pamilya. Pumayag siya sa gusto ng pamilya niya. 

Sa kasal doon niya nakilala si Peregrine Lawson ang twin sister ni Phineas. Total hotty at talagang type ni Victor. 

Ganoong babae ang gusto pakasalan ni Victor ngunit wala na siyang nagawa dahil kasal na siya. 

Akala ni Victor iyon na ang huling pagkakataon na makikita niya si Peregrine ngunit mukhang mapaglaro ang tadhana. Naging katambalan niya ito sa isang movie series na project niya. 

Iyon ang naging rason sa paulit-ulit na away nila ni Phineas hanggang sa mismong awarding ceremony. Pag-uwi ni Victor nakita niya si Phineas na umiiyak. 

Sinabi nito lahat ng hinaing niya kay Victor at sa relasyon nito kay Peregrine na hindi alam ni Victor kung saan mga nanggaling. 

Bago pa makapagpaliwanag si Victor. Biglang bumagsak si Phineas. Doon nakita ni Victor ang napakaraming pills. 

Puno ng dugo ang sahig na kinauupuan ni Phineas. Sa huling pagkakataon— ang huling mga sinambit ni Phineas ay sana hindi na lang niya nakilala si Victor at minahal ito. 

Walang kaalam-alam si Victor sa nangyayari— misunderstanding ang lahat at hindi siya hinayaan ni Phineas magpaliwanag bago ito nagpasyang tapusin ang sariling buhay.

Hanggang sa bigyan nga siya ng panginoon ng isa pang pagkakataon. Bumalik siya sa nakaraan 2 months bago maisipan ni Phineas mag-suicide.

chap-preview
Free preview
01
Chapter 01 3rd Person's POV "Ano!" Napangiwi si Victor matapos ilayo ang phone sa tenga nang biglang sumigaw ang manager niya sa kabilang linya. "For god's sake! Alam mo ba kung anong sinasabi mo! Victor! Patuloy na tumataas ang rating ng movies niyo dahil sa inyo ni Peregrine. Gosh! Victor! Nandito na ang pangarap mo. Kapag natapos ang movie na ito 100% sure ako na magiging isa ka sa mga awarding actor!" Hindi umimik si Victor dahil alam niya iyon. Lumingon si Victor kay Phineas na nakaupo sa lamesa sa dining area at walang buhay na kumakain. "Alam ko iyon, manager. Ngunit naniniwala ako na may ibang pagkakataon na darating sa akin. Mabubuhay ako ng walang trophy ngunit hindi ng anak at asawa," bulong ni Victor bago binaba ang phone. Tumingin si Victor sa ilabas ng glass door kung saan nakikita niya ang sarili niyang mukha sa billboard. Nasa 6th floor sila ng condo unit na inakupahan niya para sa kanila ni Phineas sa sobrang busy niya sa trabaho hindi niya napansin na may billboard nakikita mula doon kasama si Peregrine Mula doon kitang-kita ang mga nagtataraasan na building at naririnig ang mga ingay ng sasakyan sa baba. "Phineas," ani ni Victor. Napatingin si Phineas. Walang buhay ang mga mata nito at malayo talaga ang features nito sa tunay na edad nito. Mukhang nasa 40+ na ito kahit ang totoo ay nasa 26 lahat ito. Aware si Victor na isa siya sa mga dahilan kung bakit ganito ngayon ang asawa. "Last week bumili ako ng villa. Malawak doon at maraming mga puno. Gusto mo ngayon pumunta?" tanong ni Victor. Ngumiti si Victor at lumapit sa asawa. Doon nakita niya ang kaunting kislap sa mata ni Phineas. Nakitaan iyon ni Victor ng kaunting pag-asa. "Pe-pero— may trabaho ka at si Peregrine—" Bahagyang napatigil si Victor matapos marinig iyon. Walang t.v sa condo nila, wala din itong phone at hindi lumalabas si Phineas sa condo— paano iyon nalaman ng asawa. Lumingon si Victor ngayon naisip niya iyon walang laman ang condo na iyon. Napasapo sa noo si Victor— nandoon na si Phineas simula ng ikasal siya dito. "Magkatrabaho lang kami ni Peregrine," ani ni Victor at humila ng upuan sa tabi ng asawa. Umupo si Victor at inabot ang phone niya kay Phineas. Tumingin si Phineas sa kaniya then inabot niya ang phone ni Victor. Binuksan iyon ni Phineas at nakita niya ang wedding picture nila doon ni Victor. Bahagyang napatigil si Phineas matapos makita iyon. Walang locked iyon kaya nabuksan agad ni Phineas. Pinakita ni Victor ang ilang episode ng movie nila ni Peregrine na dinownload niya para i-review. "Katrabaho ko siya sa isang movie," ani ni Victor. Napatingin si Phineas "Ba-bakit mo ngayon ito sa akin si-sinasabi?" tanong ni Phineas. Ilang minuto na hindi umimik si Victor. Gusto sabihin ni Victor na iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit magagalit si Phineas at papatayin nito ang sarili niya pati ang baby nila. "Gusto ko lang linawin dahil bigla mong ini-open about kay Peregrine," ani ni Victor na ilang metro na lang ang layo sa mukha ni Phineas. Namula ang tenga at pisngi ni Phineas matapos ma-realize na sobrang lapit ng mukha nila. Natawa si Victor at medyo lumayo. Ayaw niya maging awkward muli iyon sa pagitan nilang dalawa ni Phineas. "Wa-wala ka bang pasok ngayon?" tanong ni Phineas. Anong oras na kasi hindi pa naghahanda si Victor. "Aalis nga tayo diba? Pupunta tayo sa bagong bahay natin. Isa pa hindi ko kailangan ngayon pumasok— pina-paterminate ko na ang contract ko sa movies namin ni Peregrine," ani ni Victor habang kumukuha ng makakain niya. "Co-contract? Bakit? Ayaw mo ba sa trabaho mo?" tanong ni Phineas. Tinungkod ni Victor ang siko sa lamesa at tumusok ng steak. "Nah, mahalaga sa akin ang trabaho ko ngunit may isang bagay na ayaw ko mawala dahil sa trabaho na iyon. Kailangan ko pumili ng isa— so? Binitawan ko ang movie na iyon," balewala na sambit ni Victor. Almost 3 years niya pinaghandaan ang movie na iyon. Hindi niya akalain na dahil lang sa insidente na iyon at sa babaeng biglaang pinakasal sa kaniya ng ama niya. Magagawa niyang bitawan ang matagal niya ng pangarap. Humalumbaba si Victor. Marami pa siyang taon hindi niya kailangan magmadali. Sa ngayon kailangan niya muna ayusin ang sa kanila ni Phineas. Nilingon niya ang asawa na ngayon ay medyo magana ng kumakain. Tiningnan niya ang wedding ring nilang dalawa hanggang sa mapako ang mata ni Victor sa braso ng asawa. "Phineas, ginagamit mo ba iyong allowance at credit card na binigay ko sa iyo?" tanong ni Victor. Tumingin si Phineas. "Hi—hindi ako lumalabas kaya hindi ko iyon nagagamit. Wala din naman akong gustong bilhin," bulong ni Phineas. Tiningnan ni Victor ang katawan ng asawa. Kahit payat ito ay maganda pa din ang kutis nito at napaka-natural. Noong unang gabi nila malaya niyang natitigan ang katawan nito kaya— Nasampal ni Victor ang sarili kaya nabitawan ni Phineas ang kutsara sa gulat. "A-ayos ka lang ba!" ani ni Phineas at mabilis na hinawakan ang pisngi ni Victor na bahagyang namumula. Ginawa iyon ni Victor para magising siya sa mga pantasya na naman niya sa asawa. Hindi niya akalain na makikita niya ang isa pang side ni Phineas para sa kaniya. Ang pagkakakilala ni Victor kay Phineas ay laging kalmado, walang buhay at walang expression. Maliban na lang kung pareho silang nasa kama. Parang gusto yata ni Victor sampalin ulit ang sarili kaso baka kapag ginawa niya iyon mahimatay na ang asawa sa takot. Kalaunan natawa ito kaya napatigil si Phineas. Tumingin si Victor at nagtama ang mata nilang dalawa. Dahil sa paggalaw bigla ni Phineas— ang mga bangs nito na humaharang sa kalahating mukha ng asawa ay nawala sa pwesto. Malinaw na nakikita ni Victor ang maamong mukha ni Phineas at ang berde nitong mga mata. "Kung hindi ko nasaktan ang sarili ko hindi mo ako titingnan sa mata diba?" ani ni Victor. Napatigil si Phineas at naalis naialis ang kamay. Yumuko si Phineas at bahagyang nilayo ang sarili kay Victor. Nahihiya siya kay Victor parang gusto niya na lang muli ibaon ang sarili sa lupa. Napangiti si Victor. Mukhang malayo-layo pa ang kailangan niya marating para magawang i-improve ang relationship nilang dalawa. Hindi siya makapaniwala na sa loob ng 6 years na kasal nila. Ito ang pinakamahabang oras na nakasama niya si Phineas sa isang lugar at sa bahay na ito. Uuwi siya ng 9pm then aalis din ng 3 am. Hindi niya nakakausap si Phineas. Ngayon pumapasok sa isip niya iyon— paano nagawa ni Phineas na manahimik at magtagal sa ganoon na sitwasyon. "Bakit hindi ka nagsalita," bulong ni Victor. Lumingon si Phineas. "Wa-wala naman akong gustong sabihin," bulong ni Phineas. Napangiti si Victor— kung pipilitin niya si Phineas na magsalita about doon. Alam ni Victor na mas lalayo lang sa kaniya ang loob ni Phineas. Sa ngayon kailangan niyang gawin muna ay maghintay na kusang buksan ni Phineas ang puso nito para sa kaniya at magtiwala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
175.3K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
27.2K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
59.8K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
48.6K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
77.0K
bc

The Don's Auctioned Bride

read
6.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook