Mula nang araw ding iyon, desidido na si Reynold na maging fashion designer, particular na sa pagdedesign na gowns. Waring hindi panlalaki pakinggan pero natitiyak niya sa sarili niya na iyon ang gusto niyang gawin sa buhay. Pangarap niyang siya mismo ang gagawa ng wedding gown ni Renza balang araw. Nang makabalik na sila ng Maynila nang takip-silim ding iyon, kinausap niya ang mommy Carina niya. "Mom, alam ko na po ang gusto kong maging balang," excited na wika niya. "Talaga?" naiintrigang tanong ni mommy niya. "Opo. Gusto kong maging fashion designer gaya ni Tita Annie. Gusto kong ako mismo ang gagawa ng wedding gown ni Renza balang araw," masayang wika niya. Kaya lang mukhang nadismaya ang mommy niya sa narinig. Biglang nag-iba ang rehistro ng mukha ito. "Pambihirang bata 'to oh. H

