Tatlong araw na ang nakalipas, nanatili pa rin sa resort si Reynold mula nang nagwalkout siya sa madamdaming komprontasiyon na iyon. Kailangan niya ng bagong kapaligiran, maibsan man lang ang kaniyang sakit na pinagdadaanan. Para hindi mag-alala ang mga magulang niya, tinawagan niya ito. Pero kabilin-bilinan niya na huwag ipalaam sa kahit kanino ang kinaroroonan niya, kahit pa kay Pete o kay Jenna. Gusto niyang mapag-isa muna at makapagnilay-nilay sa mga nangyayari sa buhay niya. Habang nakababad sa pool, nanariwa sa kaniya ang mga bagay-bagay. Sariwang-sariwa pa rin sa isipan ni Reynold ang mga pangyayari noong mga bata pa lang sila. Noon pa naman espesyal na talaga ang pangtingin niya sa kababatang si Renza. Tandang-tanda niya pa pati ang suot ni Renza noong araw na iyon. [FLASHBACK] 1

