Meet Up

1525 Words
|•| RYA Kahit nanginginig ang kamay ko dahil sa kaba ay nagawa ko pa rin ang pumasok sa napagusapan naming restaurant, hindi masyadong marami ang tao gaya ng inaasahan ko, siguro dahil weekdays at ang ibang mga regular customer dito ay may mga pasok. Agad kong pinagmasdan ang buong paligid, trying to find someone. Siguro ay napansin ako ng waitress na halos limang minuto nang nakatayo at walang balak dumaretso sa mga lamesa ay nilapitan niya na ako. "Good afternoon ma'am, how can I help you?" "Uhm, actually I have a reservation under the name of uhh Mr. Adam Diaz" Halos hindi ko pa maibigkas ang pangalan niya, kanina niya lang sinabi sa akin ang apelyido niya at dahil sa masyado kong pagka-curious sakanya ay sinearch ko siya sa social media. He barely updates his socmeds pero pansin ko na ang daming nagfo-follow sakanya. I even saw some known artists following him! Masyadong marami ang circle of friends niya at take note, halos lahat mayayaman at mga may pangalan talaga sa industry! On my side, halos puro workmates lang ang kaibigan ko. Itinuro sa akin ng waitress ang isang lamesa kung saan nakita ko ang likod ng isang lalaki. Lalong mas lumakas ang harumentado ng puso ko dahil sa kaba, pwede pa naman siguro ako mag-back out diba? Agad akong tumalikod sa lalaki at handa na rin tumakbo palabas ng restaurant pero nabunggo ko ang isang waitress, agad gumawa ng ingay ang mga kutsarang nahulog. Napapikit ako agad dahil sa kahihiyan, mabuti nalang at kutsara lang ang dala ng waiter dahil kung hindi ay baka napabayad pa ako dito ng wala sa oras. "I'm sorry! Oh my god, really I'm so sorry!" Tutulong sana ako sa pagpupulot ng mga nahulog na kutsara but the poor waitress insisted that she can do it. Baka mapagalitan pa siya dahil sa katangahan ko. I can almost see everyone on the other tables eyeing me. s**t nakakahiya talaga! "Clumsy." Rinig kong bigkas ng tao sa likod ko na gustong gusto kong takasan. |•| |•| |•| |•| |•| ADAM She's f*****g 20 minutes late and I don't know if she's coming. I hate unpunctual people, akala ba nila hawak nila lahat ng oras sa mundo? Kanina pa ako nag-message sakanya pero hindi pa siya nagrereply, subukan lang niyang hindi ako siputin ipapahanap ko siya kahit nasaan man siyang lupalop ng bansa. It's my nth time checking the time when I heard a commotion right in my back. Tiningnan ko kung anong nangyari at nakita ko ang isang babae na nakabunggo ng isang waitress. "Clumsy." I checked my phone again, inangat ko ang tingin ko ng mapansin ko ang taong nakatayo sa harapan ko, at kung nakamamatay lang ang tingin paniguradong pinaglalamayan na ako ngayon. "What?" I asked her with a boring look. I was taken aback when she sat down on my front. Now, with curious eyes, I looked at her not saying anything. "Hi, I'm Rya. I'm sorry I'm late." She said with serious eyes. "You're clumsy and unpunctual." Matapos kong sabihin iyon ay agad nanlaki ang mga mata niya, sigurado akong nainsulto siya sa sinabi ko at wala akong pakealam. "I ordered already. Let's eat first before proceeding to talk about our contract." I looked at her, this time longer. She looks like an angel porcelain doll, with paperwhite skin, a petite body, and those siren eyes that somehow looked familiar. We ate our food without talking, and I can feel her gaze every time. I bet he's curious or she is already creating scenarios in her mind like me kidnapping her and such. "Alam kong gwapo ako kaya huwag mo akong titigan ng ganyan." Basag ko sa katahimikan na nakapagpagising rin sakanya na kanina pa titig ng titig sa akin. "Ang pangit mo." I looked at her in disbelief as she spit those words right in front of me. "What?" Hindi ko napigil ang sarili sa pagtatanong, ayaw tanggapin ang narinig mula sakanya. I have dozens of people telling me how handsome I am, agencies are lining up for me to model their brands, some celebrities are even recommending me to their management, and here is this lady, telling right in front of my face that I'm f*****g ugly! "Sabi ko ang pangit mo" I know I asked her but, I can't believe she even said it twice! Agad akong nakabawi at tumingin sakanya ng diretso. I know I'm not ugly just what she is telling me, I shouldn't be affected. "And you look like an angel, baby" Kung akala niya ay lalaitin ko siya kagaya ng ginawa niya sa akin, well I won't. I'll be spitting facts here. Her cheeks turned red and I can tell that she got shy with what I just said. "But, unfortunately, that's not my type." I continued, nalaglag ang panga niya sa huling sinabi ko, agad din naman siyang nakabawi at tinapunan lang ako ng masamang tingin. |•| |•| |•| |•| |•| RYA Ang pogi, yun agad ang pumasok sa isip ko ng magangat siya ng tingin sa akin. Jusko po, bakit naman ganito ang pagmumukha ng isang ito? Siguro bang hindi artista ang lalaking 'to, ang gantong mukha dapat naga-artista o hindi naman kaya ay modelo! Thick brows, deep set of eyes, day old beard, pointed nose, broad shoulders at kahit natatakpan ng kanyang suot na suit ay alam kong may abs siya. Habang kumakain ay hindi ko mapigilan ang tingnan siya, hindi naman siya nakatingin kaya naman malakas ang loob kong titigan siya, grabe kung sakali nga na magpapakasal kami kahit sa papel lang, hindi na rin masama. Agad kong winala ang iniisip ko tungkol sa kasal dahil halos hindi ko pa nga alam ang tungkol sa background niya, mamaya totoo pala ang iniisip ko na kidnapper. "Alam kong gwapo ako kaya huwag mo akong titigan ng ganyan." Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sakanya kung hindi niya iyon sinabi. Iniwas ko ang tingin ko at nagpanggap na hindi ko ginawa ang tumitig sakanya kanina lang. "Ang pangit mo." I only said that to save face but It's f*****g obvious that he's not! I think I caught him off guard because he almost dropped his mouth open and shock is very evident on his face. "Sabi ko ang pangit mo." Ulit ko ng wala sa sariling tinanong niya ako to make sure if his ears aren't playing with him. God knows I'm lying because he clearly is God's masterpiece! Akala ko nakaligtas na ako sa kahihiyan ngunit halos maibuga ko ang kinakain ko ng sabihin niyang mukha akong anghel. Alam kong namumula na ang pisngi ko ngayon, sino ba naman ang hindi kikiligin kung marinig mo galing sa isang gwapo na mukha kang anghel. "But, unfortunately, that's not my type." My mouth dropped open with what he just said. I glared at him and is ready to curse at him when the waiter went to us to give us our last course. Pinili ko nalamang ang tumahimik hanggang sa matapos kaming kumain. Nag-request pa siya ng wine kaya alam kong matagal pa matatapos ang dinner namin, we haven't talked about our contract yet! "Tell me something about you." Inangat ko ang tingin ko sakanya, siguro ay nakita niya ang kalituhan sa mukha ko kaya naman ay agad siyang nagsalitang muli. "Hindi naman tayo magpapakasal agad ng hindi alam ang kahit ano tungkol sa bawat isa sa atin hindi ba? I don't even know your birthday" Well may point naman siya, akala ko nga ay paguusapan namin agad ang kontrata, hindi ko naiwasan ang matawa sa sarili ko, sira ka ba Rya? Malamang ay getting to know each other muna. "Dapat pala nagdala nalang tayo ng birth certificate, resume at autobiographies natin." Pabiro kong sagot, hindi naman siya natuwa sa joke ko kaya agad kong tinuloy ang sinasabi ko. "Rya Jimenez, 27 and a teacher. Only child kaya sobrang prine-pressure na ako nila mama mag-asawa." Simpleng sagot ko, we continued asking questions with each other alternately hanggang sa makalahati na namin ang wine. Medyo nahihilo na rin ako dahil hindi ko namalayan na naparami ang inom ko. Marami rin akong nalaman tungkol sakanya, kagaya nalang ng pareho kaming only child, ang pinagkaiba lang ay kaya siya nagmamadali humanap ng asawa ay dahil sa hiling ng mommy niya na may sakit. He owns a law firm, he has shares and investments in different companies and that explains why he is quite popular and his social circle. He has the money the looks, popularity, a very respectable image at hindi na ako magugulat kung pati babae meron siya. Pero bakit kailangan niya pa ang humanap ng babae na pwede niyang mapakasalan without feelings attached sa isang dating app kung marami naman siyang babae? We ended our dinner because it's already late, the good thing about the date is we got to know each other more. We exchanged our phone numbers and agreed to have another dinner on Thursday, and then maybe we'll finally talk about the contract.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD