|•|
RYA
"Hindi ako arabo" was his reply. Inabot pa ako ng halos limang minuto na nakatayo habang nakatakip ng bunganga dahil sa gulat. I didn't expect him to reply right away! Isa pa wala rin akong alam na ireply dahil una sa lahat, hindi ko rin inisip na magre-reply siya!
Dahan dahan akong lumapit sa cellphone ko na kasalukuyan pa rin nasa ibabaw ng kama ko, halos lumundag muli ang puso ko ng makitang typing siya.
"?" He sent me another message and it was only a question mark pero grabe na agad ang kaba ko. Asan na ang kalokohang iniisip mo Rya?
"Congratulations! Your account registration was successful! Your initial password is MGNDAQOEH" Hindi ko na napigil ang tawa ko sa kung ano anong iniisip ko na pwede niyang i-reply. He might be very pissed by now.
"Crazy." Crazy? Crazy? What the hell? Ang kalokohang iniisip ko kanina ay napalitan na ngayon ng kaseryosohan. And without even thinking, I replied something na kahit ako hindi makapaniwala sa reply ko.
|•|
|•|
|•|
|•|
|•|
ADAM
"I'm up for conventional family" I don't know if I should take her reply seriously or it's just another nonsense reply. The f**k is this woman thinking? She even had the guts to tell me to save her from drowning under na water. Hindi ako pinanganak kahapon para hindi malaman ang mga bagay na iyon. May mga arabo na kumakausap ng mga babae dito sa Pilipinas, at ang ibang babae ay ginagawang katatawanan ang mga sinasabi ng mga arabo.
"I don't know if I can trust your words." That is the only reply I managed to think of, plus I'm not sure if she's serious. I again looked at her profile, she looks innocent, prim, and proper. She has this very beautiful smile that will make everyone who looks at her think that she is this sweet girl. Kung hindi lang puro kalokohan ang mga naunang sinabi niya sa akin, baka pati ako inisip ko na rin na mukha nga siyang inosente.
"My parents are pressuring me to find a husband, because they all think I'm a lesbian. So, you're conventional family is not a bad idea." Oh, so we both suffer from our parent's pressure, and, lesbian? I can't stop myself from laughing because of her parent's way of thinking about her identity.
"Or maybe you really are a lesbian?" I joked
"Well, maybe it is better if I am indeed lesbian rather than talking to you here" Okay, maybe she is taking everything seriously. Damn, the jolly girl I was talking about earlier is nothing to be found.
"Okay, let's talk about this conventional family we both want." Alam kong hindi madali ang iniisip namin pareho, una hindi ko pa gaano kilala ag babaeng ito, bukod sa mukha niya at sa pangalan niya. We will marry, it is safe to tell na pwede naman kaming mag-divorce anytime we want.
"We marry each other, right?" Tumaas ang kilay ko sa tanong niya.
"Yes." Simpleng sagot ko, I know we have so much things to compromise.
"Mukha na siguro akong tanga para sayo pero, I'm also really up for it." She said, and I'm also up for it miss.
"Don't you think it is better if we meet and talk this over dinner, maybe next Tuesday?" I asked. This is a big leap for both of us. She simply replied that she is up for dinner and before ending the conversation I gave her the place and time, she didn't reply after that.
|•|
|•|
|•|
|•|
|•|
RYA
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatungaga sa kisame bago ko napagdesisyonang lumabas muna para makita kung ano na ang nangyayari sa labas. Rinig na rinig ko pa rin ang ingay ng kantahan ng mga tito ko kahit na halos di na maintindihan dahil sa kalasingan. Looking back, ganto rin ang eksena kanina bago ko naisipang pumasok sa loob ng bahay at nakita ang mga pinsan na nagtatawanan sa gilid, out of curiosity I went to them and asked about their agenda. Wala pa rin halos isang oras simula noong naginstall ako ng dating app, nag-swipe right at sa susunod na Martes ay may ka meet up na ako agad!
Halos pukpokin ko ang ulo ko sa katangahan, ngayon lang nagsink in sa akin na hindi ko pa nga kilala ang taong iyon! Ganun ka na ba ka pressured Rya?! Hindi ko na naiwasan ang sabunutan ang aking sarili. Paano pala kung manyak ang lalaking iyon? Or paano kung hindi talaga niya picture yung gamit niya, tapos sa totoo lang matanda na pala yon na uugod ugod tapos naghahanap ng sugar baby? Gipit lang ako pero hindi ako kumakapit sa patalim!
"Rya, pakiabot nga itong pulutan sa lamesa ng mga tito mo" kaya naman kahit noong utusan ako ng tita ko ay wala sa sarili kong kinuha ang pinggan na may lamang pulutan at inilapag sa lamesa ng mga umiinom. Paano pala kung kidnapper iyon, tapos way niya ng panloloko iyong pakikipag meet up pagkatapos ay kikidnapin? Kakatayin at ibebenta ang laman loob sa black market?
Ano ba 'tong pinapasok mo Rya, oo na at 27 ka na pero kahit papaano gusto ko pa rin namang mabuhay! Kahit hindi na ako makapag-asawa, basta mabuhay lang ako! Agad akong bumalik sa kwarto para bawiin ang sinabi ko sa lalaking 'yon pero nakita kong may sinend siyang location at oras don. On second thought, isang mamahaling restaurant ang ibinigay niya na address, kung tutuusin nga hindi pa ako nakakakain doon dahil wala akong pera na budget para kumain sa mga mamahaling restaurant kagaya nito.
"Okay" Pagkapindot na pagkapindot ko nito ay agad akong nagsisi, bakit parang ang bilis ko naniwala dahil lang sa mamahaling restaurant niya ako niyayaya? Wala tuloy kwenta ang pago-overthink ko kanina dahil sa mabilisan kong pagpayag!
Handa ba ako para sa meet up? Wala pa akong sahod pero may kaunting ipon naman ako dito, siguro naman sapat na 'to para sa bayad ng makakain ko sa restaurant na iyon. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatungaga sa kisame hanggang sa makatulog ako. Nagising na lamang ako sa kalabog ni mama sa pinto ko, pinapabangon na ako dahil magsisimba pa raw kami. Pasko nga pala!
Kahit na inaantok pa dahil kulang sa tulog ay bumangon na ako, naligo at nagbihis. Pagdating sa simbahan halos di na kami makapasok dahil sa dami ng tao na nagsimba ngayong araw. Kung normal na linggo naman ay hindi ganito karami ang tao. Dahil wala na kaming ibang pwedeng pwestuhan sa loob ng simbahan ay minabuti nalang namin na tumayo sa labas, ang iba ay nasa b****a na ng pintuan kaya kaming mga nahuli ay nasa malapit na sa daan.
"Napakatagal kasing kumilos nitong si Rya! Hindi tuloy tayo makapwesto ng maayos!" Kung magalit si mama sa akin para pa rin akong teenager, minsan iniisip ko nakakalimutan niya ata na twenty-seven na ako.
"Ay gag—!" muntik na akong mapasigaw sa mura dahil sa biglaang pagbusina ng kung sinong sasakyan sa akin, kung wala lang ako sa simbahan ay talagang minura-mura ko na siya panigurado! Alam kong nasa daan na kami pero pwede naman siya bumusina ng kahit mahina lang, tinitigan ko ang plate number pero sa bilis ay ang naunang tatlong letra lang ang nakita ko "ADD".
Pagkatapos ng simba ay umuwi rin kami agad dahil ang ibang kamag-anak namin ay nasa bahay pa rin. Kahit ako ay uuwi na rin sa Lunes dahil balik trabaho, siguro ay sa apartment nalang ako magne-new year or kung sisipagin ako muling umuwi ay sa bahay ulit nila mama at papa ko sasalubungin ang bagong taon.
I removed my necklace with a flower pendant. Ito yung pendant na nalalagyan ng picture sa loob. Sinusuot ko lang ito kapag may espesyal na occasion kagaya na lamang ng pasko or birthday. Natatakot kase ako na kapag inaraw araw ko ang pagsuot nito ay masira ko or mapigtas. I treasure this necklace so much.
Kung hinihintay mo ang araw sobrang tagal pero kung ganito na iniiwasan o hindi mo pinapansin ay mas mabilis pa sa pagkawala ng usok. The next thing I knew, it's already Tuesday, at mamaya na ang napagusapan naming pagkikita ni Adam.
Iniisip ko ang hindi na pagpunta, pabalik balik ako sa kwarto ko nagiisip kung pupunta ba ako o hindi, hindi pa ako naliligo at kahit ang maghanap ng damit na susuotin ko mamaya ay hindi ko pa ginagawa. My decision was final, hindi na dapat ako pupunta ng tumunog ang cellphone ko. And to my surprise it was a message coming from the last person I want to text me!
"I'm on my way, I hope you didn't backed out." My mouth dropped open at his text, and it's only fifteen minutes left bago ang napagusapan naming oras! Hindi ko alam kung anong klaseng hipnotismo ang dulot ng message niya pero agad kong natagpuan ang sarili sa ilalim ng shower.