|•|
RYA
"This will be your room." A month ago, single pa ako. Ngayon, getting married na. Kung iisipin ko ang mga pangyayari, masyado talagang mabilis, pero eto na e kaya paninindigan ko nalang.
Hindi ko talaga makalimutan yung mukha ni mama noong unang beses na bumisita si Adam sa bahay, halos atakehin siya sa puso dahil sa gulat at si papa naman kaunti nalang ay ilalabas na niya ang itak niya dahil hindi manlang daw pormal na nagpakilala si Adam sakanila bago nanligaw at ayain akong magpakasal. Paano naman kasi siya magpapakilala para magtanong ng ligaw at para mamanhikan e hindi nga nangyari ang mga 'yon.
"Bakit ka naman nanggugulat, Rya! Aba'y noong pasko hindi mo man lang nabanggit sa akin si Adam!" Tamang ngiti lang ako kay mama na halos gusto na akong kurutin sa singit kahit na 27 na ako.
"Napakapogi, mukha pang mayaman. Saan ba kayo nagkakilala? Ilang taon na kayong magkasama? Akala ko talaga ay wala ka na balak magkaroon ng kasintahan, aba'y palihim ka palang kumakarengkeng!" Nagtatawanan lang kami ni mama sa kusina habang si papa naman ay kausap si Adam sa sala, ng iwan namin sila ay naguusap sila tungkol sa trabaho.
Walang kaming ibang detalye na sinabi, kahit tanong ng tanong si mama tungkol kay Adam at bakit hindi ko manlang siya kwinento sakanya ay hindi ko sinasagot.
When it was my turn to go their mansion, gusto kong magpakain sa lupa kakapasok palang ng kotse ni Adam sa loob ng gate nila. Sobrang ganda ng bahay nila, parang nakakahiya pa ngang ipasok yung sapatos ko sa loob ng bahay nila.
"Hija! You look so beautiful!" Sobrang bait at jolly ng mommy ng Adam. Kabaliktaran sa mga iniisip ko noong nasa daan palang kami papunta sa bahay nila.
"Saan kayo nagkakilala, sa trabaho ba?" Habang kumakain kami ay sunod sunod ang tanong ng mommy niya sa akin. Palihim ko namang tinatadyakan ang paa ni Adam para humingi ng tulong.
"Mom, let her eat. Napre-pressure asawa ko sayo." Muntik akong mabulunan sa sinabi na iyon ni Adam, hindi pa naman kami pumipirma ng marriage contract, hearing him say to his mom that I'm his wife is too much.
"I just want to know my daughter-in-law, Adam! Kasalanan mo hindi mo siya pinakilala sa akin noong girlfriend mo palang siya." Umirap ang mommy niya sa anak at ng lumingon sa akin ay nakangiti na ito.
"Eat more Rya, you're the answer to my prayers. Akala ko talaga puro lang fling itong anak ko e, hindi ko naman alam na may girlfriend naman pala all this time. Akala ko hindi pa nakakamove on kay..." Bago pa matapos ng mom niya ang sasabihin ay pinutol na ito ni Adam. Hindi ko nalang iyon pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.
After that dinner, umuwi rin naman kami agad. Kagaya ng dati hinatid niya ako sa apartment dahil hindi pa ako nakakalipat sa condo niya.
"Rya, are you listening to me?" Tsaka lang napabalik ang isip ko kay Adam ng sabihin niya iyon, natulala na pala ako kakaisip sa mga nagdaang pangyayari.
"Ah, yes." Pumasok ako sa kwarto, parang hindi naman 'to guestroom e. When I surveyed the room may queen sized bed sa gitna, may sofa at TV rin, may pintuan na siguro ay banyo, there's also a vanity mirror at isang sliding door na sa tingin ko ay walk in closet.
"About the marriage contract, I have it delivered today. Nasa kwarto ko, we only need to sign it tapos tsaka ko ipapadeliver sa secretary ko sa office ng best friend ko. Siya na bahala mag-process ng papers."
Tumango lang ako sakanya, nagpaalam siyang magpapalit lang daw siya sa kwarto niya. Agad ko namang inayos ang mga damit ko, hindi ako mahilig sa mga damit kaya naman sobrang dami pang space ng closet kahit na naiayos at nailagay ko na lahat ng damit ko. Sunod kong tiningnan ang uniforms ko na nilagay ko sa ibang bag para di malukot. I'm not sure kung may iron ba si Adam, itatanong ko nalang sakanya mamaya.
After ilang minuto, naiayos ko na ang mga gamit ko kaya naman naisipan ko nalang ang lumabas, magkatapat ang kwarto namin ni Adam. Sinubukan kong kumatok sa kwarto niya pero walang sumasagot, maybe he's already in the kitchen. Nagsimula akong maglakad patungo sa hagdan ng marinig ko ang boses ni Adam sa isang kwarto, dahil nakauwang ng kaunti ang pinto ay nakita ko agad siya sa loob. Nakatalikod siya sa pinto kaya naman hindi niya ako agad napansin, pinalibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at napansin ko ang mga libro sa shelf, may computer rin sa gitna kaya naman I assumed that this is his mini-office.
"Chill, we don't have feelings for each other. We both know our limitations even before we made the deal." He had a long pause, pinili ko nalang ang umalis at dumaretso na pababa sa kusina.
Habang wala pa siya ay naisipan ko muna ang magikot ikot sa unang palapag ng bahay. Pansin ko na halos puro dark ang kulay ng mga gamit ni Adam, karamihan sa mga ito ay may shade ng black, dark brown at grey na kulay. Very bachelor type, sa tagal ko atang nagiikot ay nagutom na ako, hindi pa rin bumababa si Adam. Hindi naman siguro masamang kumain, tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at tiningnan ang laman ng fridge niya, gusto kong maiyak ng makitang puro beer ang laman. Hindi ba siya kumakain? Nakakita ako ng isang chocolate bar sa at halos tumalon sa tuwa ang tiyan ko.
|•|
|•|
|•|
|•|
|•|
ADAM
"Adam, you don't get my f*****g point! I promised you uuwi ako agad by June hindi ba?" Napahilot ako sa sentido ko ng marinig ang sunod sunod na sigaw ni Grace sa kabilang linya.
"Grace, we're over. Ano pa ba ang hindi mo makuha sa tatlong salita na yon? Pinaikli ko na nga para maintindihan mo." Just like Rya, I once believed in childhood promises. Grace was my childhood sweetheart, she's a family friend and they always visit our home when we are kids.
"Paano kapag nagustuhan mo talaga yang babae na yan? Adam, what about me! We promised, that we will marry each other!"
"Chill, we don't have feelings for each other. We both know our limitations even before we made the deal." Pero kahit wala namang Rya, hindi pa rin kami magpapakasal. Oo, nangako kami sa isa't-isa na magpapakasal kami. I loved her, and I know she loved me too.
"Adam, please don't do this to me. Uuwi rin ako ng June, siguro naman hindi pa naipapasa ni Lec ang marriage contract ninyo hindi ba? Pwede mo pa bawiin iyon!" Agad kong hinilot ang sentido ko, hawak ko sa kamay ang marriage contract na pipirmahan namin ni Rya.
"Adam, I know you still love me at hanggang ngayon mahal pa rin kita. I just needed to go abroad para ayusin ang business nila dad diba?"
"Pero hindi ka na umuwi," I stated a matter of fact, "sabi mo aayusin mo lang, hindi ima-manage, Grace."
Hindi siya nakaimik sa kabilang linya, kaya naman kahit pinipigilan ko ay sunod sunod lumabas sa bibig ko ang mga salita at hinanakit na kinimkim ko sa nakaraang limang taon.
"I waited for you, kasi sabi mo uuwi ka after a year. Then, sabi mo isang taon pa kase medyo tagilid pa rin business ninyo. And because I was so in love with you, I agreed and yet again waited for another year." Hindi siya nagsalita, maybe she realized that it's her fault.
"Grace, we were about to get married the day you flew to Switzerland. I was waiting for you at the altar, tapos tatawag ka lang sa akin nasa airport ka na at boarding na ang eroplanong sinasakyan mo. Pero, guess what? Dahil mahal na mahal kita, hinayaan kita sa gusto mo."
"Adam, please babawi ako promise uuwi na ako ngayong June. I already told mom about this, she's gonna let Fernan handle our business," she said pertaining to his younger brother, "pagkauwi ko, we can marry each other. Just please, huwag ka muna magpakasal kay Rya, call Lec tell him to not process the papers. Adam, are you giving up on us?"
I got triggered by her last remarks, am I giving up on us? Mahina akong natawa.
"Grace, you gave up on us." Binaba ko ang tawag at dumaretso sa kwarto ni Rya. Nakita ko itong nakabukas kaya naman naisip kong baka nasa kusina na siya. Hindi nga ako nagkamali, nakaupo siya sa high chair at kumakain ng chocolate bar.
"Are you hungry? Sorry may kinausap lang." She just nodded and smiled. Sa huli, pinili naming kumain muna ng pinadeliver kong pagkain mula sa restaurant sa baba lang ng condo building.
"Asan na yung marriage contract para mapirmahan na natin?" Pagkatapos naming kumain ay dumaretso kami sa sala, she asked if she can use the TV, medyo natawa naman ako dahil hindi naman niya kailangan magpaalam pero ginawa niya pa rin.
"You can use any of the things here in this condo unit Rya, you don't have to ask for permission." Habang tumatagal na nakakasama ko siya, isa sa napansin ko ang pagiging careful niya sa lahat ng ginagawa niya, she's also easy to adapt. She nodded and smiled.
"Here are the papers," saad ko bago nilapag sa coffee table ang mga papeles, "I already signed them, kanina sa kwarto ko bago ako bumaba dito."
Hindi niya man lang tiningnan ang mga nakasulat sa marriage contract, basta pinirmahan niya nalang ito at tumingin agad sa pinapanood niya.
"There, married." Matapos niyang sabihin iyon ay mahina akong natawa.