Caring

1507 Words
|•| ADAM "Good morning! Oh my god, I think may tinatawag tayong magsuot muna ng maayos na damit bago lumabas ng kwarto!" Natawa ako sa sinabing iyon ni Rya, don't tell me she haven't seen a topless man. "Good morning, my beautiful Rya." I laughed as I went beside her to get a glass. Hinawakan ko siya sa waist at ramdam ko ang ang paninigas ng katawan niya, lalo lang akong natawa. Agad ko rin naman siyang binitiwan para kumuha ng tubig na maiinom. I looked at her and she acted like I was not there. Napansin ko na nakadamit na siya pang-alis and if I remember correctly she's a teacher. "Gusto kong magluto kaso wala akong maluto dahil wala namang laman na stock ng pagkain ang fridge mo. Siguro dadaan nalang ako sa market mamaya para bumili ng kaunti," She said as she sipped on her coffee, "anyways, do you want coffee? Ipagtitimpla kita." "Sure, thank you." Agad siyang tumayo para magtimpla ng kape, maaga pa naman pero ready na siya umalis. "Ihahatid na kita sa school," natawa ako sa naiisip dahil para akong nagmukhang tatay sa sinabi kong iyon, "and here's one of my cards, use this later when you buy groceries." Hindi na rin naman siya tumanggi at tinanggap ang card, binilisan ko ang pag-inom sa kape dahil kailangan ko pa maligo at magbihis para maihatid siya. "Dahan-dahan lang sa paginom ng kape, pwede naman kasing huwag mo na akong ihatid. Magje-jeep nalang ako." As if I would let her. "Anong oras ba start ng first class mo?" Sinabi niya naman sa akin na seven-thirty ang first class niya pero kailangan mas maaga siya dahil magta-time in pa siya sa office. I looked at the clock and we still have an hour and half before seven, I quickly went to my room took a bath, and changed. Pagkababa ko ay naka upo na sa sofa si Rya at naghihintay sa akin. I got my car keys at sabay na kaming bumaba sa elevator. We still have time kaya naman dumaan muna kami sa isang store na nagtitinda ng pancakes, agad siyang nagtaka ng magpark kami sa labas nito. "Why are we here?" I only answered her that I'll buy her some pancakes and asked her if she wants another coffee instead. "I'll buy you pancakes. I won't let you go to work with an empty stomach. Do you want another hot coffee, or an iced coffee?" |•| |•| |•| |•| |•| RYA He is a very caring and thoughtful type of person. I mean, he doesn't have to buy me pancakes and iced coffee pero ginawa niya pa rin. I looked at him as he exit the store holding a box and an iced coffee in his hand. Hindi talaga ako naniniwala na wala siyang girlfriend, sobrang pogi, mayaman tapos caring at gentleman pa, wala talagang magkakagusto sa lalaking 'to, or baka naman maraming pumipila pero ayaw lang niya pansinin. "Here, pwede mo yan kainin habang papunta tayo or you can eat it before you start your first class, maaga pa naman you still have enough time to eat." I thanked him and had sip on my iced coffee, hindi ko mapigilan ang mapadaing sa sarap sa lalamunan ng lamig. He coughed a bit, tumingin ako agad sakanya pero diretso naman ang tingin niya sa daan. After niya akong maihatid sa gate ay umalis din siya kaagad papuntang trabaho, nagtalo pa kami dahil gusto niya akong ihatid hanggang sa office, sabi ko naman ay okay na ako sa gate. Sa huli ako ang nanalo. "Ma'am! Ako na magbuhat sa dala ninyo!" One of my students approached me, laging ganito tuwing umaga maguunahan pa nga sila minsan sa pagkuha ng mga bitbit kong bag. "Ay nako, Clarence hindi na okay na ako kaya ko naman buhatin." Saad ko sa estudyante ko, pero dahil mapilit siya ay ang box nalang ng pancake ang pinahawak ko dahil hindi naman iyon mabigat. Pagkadating sa teacher's office ay kinuha ko na ang box ng pancake kay Clarence at agad siyang pinapunta na sa classroom nila. Maaga pa naman kaya matapos ko mag time in ay binuksan ko ang pancake at sinumulang kainin. Matapos ang maghapon na iyon ay dumaretso ako sa market para mag-grocery. Agad akong kumuha ng cart at nisip ko ang mga pwedeng bilhin. Nakapaglagay na ako ng ilang bilihin sa cart ng mag vibrate ang cellphone ko. "Hello?" Tanong ko kay Adam, kung bakit siya tumatawag ay hindi ko alam. "Where are you? Sasama ako sayo mag-grocery." Sinabi ko naman agad sakanya kung nasaan ako at na kasalukuyan na akong naghahanap ng mga bilihin. I reached for a can of spam pero masyadong mataas iyon, maghahanap na sana ako ng pwedeng tumulong sa akin na staff ng may humawak sa bewang ko at bumuhat sa akin, tama lang para maabot ko ang mga can ng spam. Agad akong kumuha at nilagay iyon sa cart bago bumaling sa kung sino mang bigla nalang bumuhat sa akin, nakita ko si Adam na agad humawak sa bewang ko para ipagilid ako dahil may dadaan na ibang bumibili. "Ang bilis mo naman makarating dito." Sabi ko bago maglagay ulit ng mga bilihin sa cart. "Nasa kabilang kanto lang ako, I had a meeting at maaga natapos." Simpleng sagot niya na agad ko lang naman tinanguan. "Gusto mo ba ng sweet corn?" sabay turo ko sa mga sweet corn na nakalagay sa can, "Lagyan natin condensed milk or cheese powder." He looked at me in confusion. "Ano yun? Isn't that unhealthy?" Natawa ako dahil sigurado na ako ngayon na siguro ay marami siyang hindi alam na tindang streetfood sa mga side walk sa school. "Paborito ko yun, lalo na noong highschool ako. Naglalakad ako pauwi tapos yung dapat na pamasahe ko binibili ko ng ganon." He only laughed at bit and shook his head dahil sa kwento ko na naglalakad ako pauwi, sa huli ay hindi nalang ako kumuha ng sweet corn na naka-can dahil sabi nga niya, unhealthy daw iyon. Nasa meat section na kami ng makita ko ang isang estudyante ko kasama ang nanay niya, siguro ay bibili rin. "Ma'am! Ang dami niyo naman pong bibilhin." Ang mataas na energy kanina ni Liezel ay humina ng makita si Adam na nasa likod ko. "Ah, oo stocks sa bahay," ngiti ko sakanya bago nilingon si Adam, "Adam, si Liezel estudyante ko, Liezel si Adam, uhh—" hindi ko sigurado kung anong sasabihin ko at hindi ko rin alam kung dapat ko bang sabihin na asawa ko si Adam pero inunahan na ako ni Adam sa pagsagot. "I'm her husband, nice meeting you Liezel." He answered, agad nanlaki ang mata ni Liezel at hindi na napigilan ang sarili. "Ma'am may asawa ka na?! Paano na yung ship namin sainyo ni sir Eric! Sabi mo po single ka?" Ako ang nahiya sa sinasabi ni Liezel, sir Eric is my co-teacher. Masyado lang talagang ma-issue ang mga estudyanteng ito kaya kung sino sinong pinagpapareha sa mga teachers nila. Matapos makabawi ni Liezel ay agad siyang lumingon kay Adam at ngumiti ng medyo awkward. "Hi po sir Adam, estudyante po ako ni ma'am Rya, sorry po na-overwhelmed lang sa sinabi ninyo asawa kayo ni ma'am." Tumango lang si Adam at tipid na ngumiti. Tinawag rin naman agad si Liezel ng kanyang nanay kaya naman nagpaalam rin siya sa amin. Pinagpatuloy namin ni Adam ang pamamalengke at ng matapos ay agad nagbayad sa counter. Hindi ako gumagalaw dahil habang nasa counter kami ay nakahawak sa bewang ko si Adam, alam kong normal lang naman ito pero hindi lang ako sanay. "Breathe." Hindi ko alam na nahalata niya palang pinipigil ko pala kahit ang paghinga ko dahil sa hawak niya sa akin. "Humihinga naman ako e." Irap ko sakanya para kahit papaano ay mabawasan ang kahihiyan sa akin. Ibinigay ko sakanya ang card na binigay niya sa akin kaninang umaga pero hindi niya iyon tinanggap at sinabing hawakan ko lang iyon at gamitin kung kailan ko kailangan. Nagdesisyon nalang kami na kumain sa labas dahil napagod kami pareho sa araw na iyon, Monday kaya naman hectic talaga ang schedule at sa hindi malamang dahilan ay nakakapagod palagi ang lunes. Pagkatapos ng dinner ay umuwi rin naman kami agad. Paguwi ay dumaretso ako sa kusina para iayos ang mga pinamili namin ni Adam, nagpaalam naman siya na aakyat na sa kwarto. Pagkatapos ko mag-ayos sa kusina ay umakyat na ako, nalagpasan ko pa ang office niya na medyo nakabukas ng kaunti ang pinto at naka-open ang ilaw, siguro ay nasa loob pa si Adam at may tinutuloy na trabaho. Dumaretso na rin naman ako kwarto ko para magbihis at maligo, pagkatapos ay umupo ako sa sofa at humarap sa lamesa at inumpisahan na ang pagcheck sa mga papers kanina ng mga estudyante ko sa ibinigay kong quiz. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay pinili ko ang matulog na dahil nakakapagod ang araw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD