Hindi agad bumalik ang mundo. Parang nagpasya muna itong maghintay—hinayaang manatili ang katahimikan sa loob ng suite, hinayaang humupa ang init hanggang sa maging lambing, hanggang sa maging payapang paghinga at marahang pagtibok ng dalawang pusong magkatabi. Tahimik ang kwarto. Hindi iyong katahimikang nakakailang, kundi iyong katahimikang may laman—may bigat, may kahulugan. Ang tanging maririnig ay ang mahinang hampas ng alon mula sa dagat sa labas at ang sabay na paghinga nilang dalawa, parang hindi sinasadya pero perpektong magkatugma. Nakatagilid si Althea sa kama, ang pisngi ay nakadikit sa dibdib ni Sebastian. Ramdam niya ang init nito, ang steady na t***k ng puso, ang banayad na pag-angat at pagbaba ng dibdib sa bawat hinga. Ang isang braso ni Sebastian ay nakapulupot sa bewa

