MAAGANG nagising si Maxine kinabukasan kahit halos hindi siya nakatulog buong gabi. Paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang nangyari sa bar, ang paghabol sa kanya ni Adriano Morello, at ang tawag nito kagabi. Ngunit higit sa lahat, iniisip niya ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang imbitasyon ng mayor. Hindi para sa sarili niya ito. Kundi para sa kanyang ama.
Tahimik siyang nakaupo sa harap ng maliit na salamin sa kanilang apartment habang inaayos ang kanyang buhok. Maingat niyang pinili ang susuotin niyang damit. Hindi ito dapat sobrang mapang-akit na magmumukha siyang desperada, ngunit hindi rin puwedeng sobrang simple na mawawala ang atensyon ng mayor.
Sa huli ay pinili niya ang isang eleganteng cream-colored dress na simple ngunit mamahalin ang dating. Sinabayan niya ito ng magaan na make-up na lalong nagpatingkad sa natural niyang kagandahan. Paglabas niya ng kanyang kwarto ay nadatnan niya ang ina na tahimik na nakaupo sa mesa. Alam din nito ang ginagawa niya pero walang magawa dahil sa kalagayan nila ngayon.
Nang makita siya nito ay tila lalong bumigat ang ekspresyon ng mukha nito.
“Saan ka pupunta?"
Hindi agad sumagot si Maxine. Sa halip ay kinuha niya ang kanyang bag.
"Maxine."
Napahinto siya.
"Mag-ingat ka, anak."
Napapikit si Maxine sandali bago tumango at hinalikan ito sa ulo bago umalis.
"Okay lang po ako.."
Hindi na siya naghintay ng sagot. Mabilis siyang lumabas ng apartment bago pa mas humirap ang pag-alis. Habang nasa taxi ay mahigpit niyang hawak ang folder na naglalaman ng lahat ng dokumento tungkol sa kaso ng kanyang ama. Mga lumang records. Mga affidavits. Mga dokumentong ilang taon na niyang pinanghahawakan bilang pag-asa. Alam niyang hindi madali ang laban. At alam din niyang hindi simpleng tao si Adriano Morello. Isa itong mayor na kilala sa buong probinsya. Makapangyarihan. Mayaman. At higit sa lahat...Kilalang babaero.
Maraming kwento ang narinig niya tungkol dito. Mga artistang naging karelasyon. Mga negosyanteng babae. Mga modelong nakitang kasama nito. At kahit hindi niya gustong aminin, kinakabahan siya. Hindi dahil natatakot siya sa lalaki. Kundi dahil alam niyang nasa disadvantage siya. Kapag nakaharap niya ang mayor, siya ang nangangailangan.
At si Adriano ang may kapangyarihang tumulong o tumanggi. Pagdating niya sa restaurant ay agad siyang sinalubong ng staff.
Isa iyong eksklusibong lugar kung saan madalas magmeeting ang mga pulitiko at negosyante.
Tahimik ang lugar. Eleganteng tingnan. At napakamahal.
"Ms. Maxine?" magalang na tanong ng receptionist.
Tumango siya.
"This way, please."
Dinala siya nito sa isang private dining area. At doon niya nakita si Adriano. Nakaayos ito sa isang dark gray suit habang tahimik na nakatingin sa bintana. Kahit nakaupo lamang ay kapansin-pansin ang presensya nito.
Nang maramdaman nito ang pagdating niya ay agad itong lumingon. At sa loob ng ilang segundo ay hindi nagsalita ang mayor. Tila sinusuri lamang siya ng tingin. Pagkatapos ay bahagyang ngumiti.
"You're even more beautiful in daylight."
Sanay si Maxine sa mga papuri. Ngunit mula kay Adriano, parang natural lamang ang pagkakasabi nito. Hindi pilit. Hindi rin bastos. Hindi niya maintindihan pero kinilig siya.
Kaya ngumiti lamang siya nang magaan bago umupo sa tapat nito.
"Good afternoon, Mayor."
Hindi agad sumagot si Adriano. Sa halip ay pinagmamasdan lamang siya nito na para bang may sinusubukang alamin.
"Do you always make men wait for you?"
Bahagyang ngumiti si Maxine. "Depende kung worth waiting for sila."
Napatawa si Adriano.
Pareho nilang alam na hindi simpleng tanghalian ang naghihintay sa kanila. Si Adriano ay interesado sa babaeng nasa harapan niya. Samantalang si Maxine naman ay may layuning mas mahalaga kaysa sa anumang atraksyon o laro ng damdamin.
Kailangan niyang ilaban ang kalayaan ng kanyang ama. At kung si Adriano Morello ang maaaring maging susi para mangyari iyon… Handa siyang makipaglaro sa pinakamapanganib na lalaki sa siyudad.
“Alam mo, Maxine,” sabi ni Adriano..“Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na naghihintay sa isang babae na parang ako pa ang nagmamakaawa para sa oras niya.”
May bahagyang ngiti sa mga labi nito ngunit seryoso ang mga mata. “Sayo lang nangyari ito.”
Bahagyang natawa si Maxine habang inaabot ang baso ng tubig.
“Oh, sorry, Yorme,” biro niya. “Hindi ko alam na ganoon pala kalaki ang epekto ko sa isang sikat na mayor.”
Napailing si Adriano. “You're enjoying this.”
“Maybe.”
“I knew it.”
Napangiti si Maxine bago siya sumandal sa kanyang upuan. “But I'm flattered.”
Ilang segundo silang nagkatitigan.
May kakaibang kumpiyansa si Maxine na hindi makita ni Adriano sa ibang babae. Hindi ito nagpapapansin. Hindi rin ito nagpapa-impress. At marahil iyon mismo ang dahilan kung bakit lalo siyang naaakit dito.
Tumayo si Adriano at dahan-dahang umikot sa likod ng upuan ni Maxine.
Bahagyang kumunot ang noo ng babae ngunit hindi siya gumalaw.
“Yorme?”
Huminto si Adriano sa likuran niya. Mula roon ay mas lalo niyang napansin ang elegante nitong tindig at ang mahinang pabango na suot nito.
Napapikit siya sandali. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kalakas ang epekto ng presensya ni Maxine sa kanya. Hindi ito ang pinakamagandang babaeng nakita niya. Hindi rin ito ang unang babaeng nagpukaw ng interes niya. Pero may kakaiba rito. Napansin niya rin na biglang nabuhay ang kanyang p*********i ng maamoy niya ang halimuyal ng buhok nito.
At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, pakiramdam niya ay hindi siya ang may hawak sa sitwasyon.
“Dangerous ka pala,” mahina niyang sabi.
Napalingon si Maxine sa kanya. “Excuse me?”
Bahagyang ngumiti si Adriano.
“Most women try to get my attention. Ikaw naman parang wala kang pakialam kung mapansin kita o hindi.”
“Baka dahil marami akong ibang iniisip.”
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
At sa pagkakataong iyon ay nawala ang mapaglarong ekspresyon sa mukha ni Maxine.
Naalala niya kung bakit siya naroon.
Hindi para makipagbiruan. Hindi para makipaglandian.. Kundi para sa kanyang ama.
Tahimik na napatingin si Maxine kay Adriano. Nasa likuran pa rin niya ang mayor, at ramdam niya ang matinding titig nito. Ngunit hindi siya natinag. Sa trabaho niya, sanay na siyang makita ang paghanga sa mga mata ng lalaki. Ang hindi niya sanay makita ay ang pagiging diretso ni Adriano.
Dahan-dahang bumalik ang mayor sa kanyang upuan ngunit hindi inalis ang tingin sa kanya.
“Ayoko ng pagpaligoy-ligoy pa, Maxine.”
Bahagyang tumaas ang kilay ng babae. “Talaga?”
“Yes.”
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Adriano bago sumandal sa upuan…“I want you.”
Kumabog ang dibdib ni Maxine sa narinig…
“I like you so much.”
Bahagyang napangiti si Maxine. “Yorme, ang bilis mo naman.”
“I'm serious.”
“Mas lalo tuloy akong kinakabahan.”
Napangisi si Adriano. “You? Nervous?”
“Yes.”
“Hindi ako naniniwala.” Natawa si Maxine.
“Kasi hindi mo pa ako kilala.”
Mas lalo siyang pinagmasdan ng mayor.
“Tama ka. Hindi pa kita kilala. Pero gusto kong makilala ka.”
Sandaling natahimik si Maxine. Sa totoo lang, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit delikado si Adriano. Hindi dahil mayaman ito. Hindi dahil makapangyarihan ito. Kundi dahil alam nitong sabihin ng direkta ang gusto nito ng hindi nahihiya.
At para sa isang babaeng katulad niya na sanay sa mga lalaking puro laro at pagpapanggap, nakakalito iyon.
“Mayor.”
“Adriano,” sagot agad ng lalaki sa kanya..
“Okay, Adriano.”
Bahagyang ngumiti ang lalaki nang marinig ang pangalan niya mula sa labi ni Maxine.
“Hindi mo ba naisip na baka interesado lang ako sa'yo dahil mayor ka?”
Umiling si Adriano. “No.”
“Ang taas naman ng confidence mo.”
“Because I know the difference.”
“Difference of what?” tanong ni Maxine..
“The difference between a woman who's pretending and a woman who's trying to stay away.”
Bahagyang natigilan si Maxine. At hindi iyon nakaligtas sa pansin ni Adriano.
“See?”
“See what?”
“Every time I get closer, you change the topic.”
Napailing si Maxine habang natatawa. “Napaka-observant mo pala.”
“Occupational hazard.”
Muling natahimik ang dalawa. Sa labas ng private dining room ay maririnig ang mahinang tunog ng mga kubyertos at usapan ng ibang bisita. Ngunit sa pagitan nilang dalawa, parang sila lang ang tao sa lugar.
“May boyfriend ka?”
Biglang tanong ni Adriano kaya napakagat sa labi si Maxine…“Direct question.”
“Direct answer.”
“Meron,” sagot niya..
Sa unang pagkakataon mula nang magkita sila, bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Adriano. “Serious?”
“Oo.”
Humugot si Adriano ng hangin. “That's unfortunate.”
Hindi napigilan ni Maxine na matawa. “Unfortunate para kanino?”
“Para sa akin.”
Napailing siya. “Hindi ka talaga sumusuko, ano?”
“No.”
Muling nagtagpo ang kanilang mga mata.
At sa pagkakataong iyon, nawala ang mga biro. Naging seryoso si Adriano.
“Hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa akin, Maxine.”
Bahagyang kumabog ang dibdib ng babae.
“Pero sa dami ng babaeng nakilala ko, ikaw lang ang hinabol ko palabas ng bar.”
Natahimik si Maxine. “That's not a compliment.”
“Maybe.”
“Or maybe sanay ka lang na makuha ang gusto mo.”
Ngumiti si Adriano. “Then maybe ikaw ang unang babaeng hindi ko basta makukuha.”