Oh my gosh! Is this for real? I got a perfect score on this big event? I mean, I just can’t imagine it! I can’t believe that I was the top one! Halos hindi na mag-process sa utak ko na nakasama ako sa top ten na magpapatuloy sa final round. Miski ako ay hindi ko akalain na nasagot ko nang tama ang lahat ng itinanong sa akin kanina. Sa totoo lang ay hindi madadali ang mga tanong na ‘yon at very rare questions ang mga iyon. Ang inaasahan ko nga ay hula na lamang ang iba sa isinagot ko o ‘di kaya ay umasa na lang ako sa tiyamba. Pumunta ako sa harapan at pinalakpakan kami ng maraming tao na nanood ngayon sa live event. Karamihan sa lahat ng mga narito ngayon ay mga business agencies na namimili kung saan nila gustong mag-invest. Lalo na ngayon na na-anunsyo na ang mga kasama sa top ten sa f

