“Congrats, Malieya! I am proud to have you as the representative of Harrow International University. You will bring new light to that university,” puri sa akin ng direktor matapos kong manalo sa versus two rounds. Hindi naman na naging mahirap sa akin na i-demo at gawin ulit ang smart sutures na ‘yon dahil nagawa ko na naman noon. Inulit ko lang ang proseso at mas pinaganda ang ginawa ko dahil mga bagong gamit na ang ginamit ko kanina sa event. “Thank you so much. I wouldn’t be here without your help too, Director,” sambit ko. Pwede na nga akong matawag na plastic dahil sobra-sobra na ang acting na nagagawa ko. Ni hindi nga rin ako sanay na sobra ang pagpupuri sa akin ng direktor. Napapaisip pa rin ako kung totoo ba o sincere ang pagpupuri niya sa akin. Miski naman ako ay hindi makapaniw

