Pinagkaguluhan ako ng mga reporters nang matapos na ang event. Halos hindi ako malapitan ng mga tauhan ng direktor dahil sa sobrang daming reporters na humaharang sa harapan ko. Miski ang mga guards ng venue ay hindi mapigilan ang mga reporters na gusto akong interview-hin. “Miss Orson, can we have a couple of words from you?” “Can you tell us how you feel right now after winning this big event?” “How did you manage to win in this kind of event at a young age?” Sobrang daming tanong ang ibinabato nila sa akin at halos hindi ko na sila maintindihan pa. Sobrang dami ring flash ng camera ang tumututok sa akin kaya nananakit na ang mga mata ko sa sobrang liwanag. “I am sorry, but I am kind of tired right now. I will release a proper interview tomorrow. Please understand me, thank you,”

