Ang sarap lamang sa pakiramdam na marinig na magiging maunlad ako na scientist pagdating ng panahon. Sa murang edad ko ay naipakita ko na sa buong mundo ang kakayahan ko. Ano pa kaya kapag nakapag-tapos na ako sa pag-aaral at maging propesyunal na akong scientist? Masaya ako sa mga nakakamit ko ngayon gamit ang sarili kong kakayahan at wala akong balak na sayangin ang mga oportunidad na nakuha ko. Kung naging traydor man ako sa kaibigan ko ay hindi naman iyon malaking kasalanan dahil hindi naman kontrolado ni Kien ang mga desisyon ko sa buhay. Habang tumatagal at lumilipas ang panahon ay mas lalo kaming nagfo-focus sa pag-aaral namin. Hanggang sa dumating sa punto na nagiging kakompetensya na rin namin ang bawat isa. Bigla na lamang kaming nausuhan na walang kaibi-kaibigan kapag magkakal

