TRANSFER TO OTHER SCHOOL

2735 Words
Halos hindi mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. “W-what do you mean that I am in danger? Why would HIU be in danger? Why would my life be involve?” naguguluhan na tanong ko sa lalaking kaharap ko. “I came here just to warn you. I got to go now.” Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang braso niya. Ako naman ngayon ang pumigil sa kaniya sa pag-alis niya. “Stay here. I need to know the reason why would we be in danger. I need an explanation for me to understand what you’ve said better,” I said. Tumingin-tingin pa siya sa paligid na para bang nag-aalala siya na baka may makakita sa amin dito. “I don’t have much time to explain further to you. I have to go now. It depends on you if what decision will you made. I suggests that you must transfer to other university.” Mabilis niyang hinila sa akin ang braso niya at tumakbo na paalis. Hahabulin ko pa sana siya ngunit ang bilis niyang nawala sa paningin ko dahil sa bilis niyang tumakbo. Lutang ako sa kakaisip kung ano ang ibig niyang sabihin doon nang makarating ako sa harap ng sasakyan ko. Nakita ko naman na bumaba si Nadia at Simon mula sa katabing sasakyan at nilapitan ako. “Hey, Malieya. Are you okay? What happened? You look so pale,” tanong kaagad sa akin ni Nadia. Hindi ko naman gusto na mag-alala pa sila sa akin kaya bahagya akong ngumiti. “Kinausap lang ako ni Dean Ramos na maging testigo kapag nagpatawag ng meeting ang mga parents ng biktima," sagot ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba na sabihin sa kanila ang sinabi sa akin ng lalaki kanina. Pero sa ngayon ay siguro sa akin na lang. "Do you want to go sa club house nina Simon? Maaga pa naman and I told Zinnia about what happened and she's waiting for us," tanong sa akin ni Nadia. Gusto ko sana na sumama sa kanila pero parang nawala ako sa mood dahil sa lalaking iyon. Pinilit ko naman na ngumiti sa kanila para hindi sila makahalata. "Gusto ko sana na sumama sa inyo pero tinawagan na ako ni Mom kanina. Nabalitaan kasi niya ang nangyari sa HIU at ang balita na na-involved ako kaya naman ay pinapauwi na niya agad ako," sagot ko. "Oh, is that so? Ayos lang naman sa amin. It's reasonable and normal lang na mag-alala sa iyo ang parents mo. I will just tell Zinnia that you can't come." Totoo rin naman na nag-text sa akin si Mom kanina dahil gusto niyang malaman kung ano ang nangyari sa HIU at totoo na nag-alala siya sa akin. Pero sinabi ko naman na ayos lang ako. Tumango naman ako ng bahagya kay Nadia, "Thank you for waiting me. Babawi na lang ako sa inyo sa susunod. See you tomorrow!" paalam ko sa kanila. Nakipag-beso ako kay Nadia samantalang tinanguan ko lang si Simon saka sila naunang sumakay sa sasakyan ni Simon. "Ingat kayo!" dagdag ko pa saka kumaway. Nang makaalis sila ay sumakay na rin ako sa sasakyan ko at mabilis itong pinaharurot paalis ng parking lot. Hindi ako dumeretso sa bahay namin dahil gusto akong makita ni Mommy. Mukhang kakausapin nila ako para mai-kwento ko sa kanila ang buong detalye ng nangyari sa HIU. Nang makarating ako sa InvestSpend Company na pagmamay-ari namin ay sinalubong ako ng secretary ni Daddy sa lobby. Ang iba ay nag-bow sa akin ng bahagya nang makasalubong ako. "Good afternoon, Miss Malieya," bati ng ilan sa akin. Kahit naman madalang ako na pumunta rito ay kilala naman ako ng mga empleyado rito na anak ako ng may-ari ng company na ito. "Where's Mom and Dad?" tanong ko sa secretary ni Daddy. "They are in a middle of an important meeting, Miss Malieya. But they will be done in twenty minutes." "Okay, thank you. I will just wait for them at Mom's office." Tumango na lang ang secretary ni Daddy saka ako inihatid sa office ni Mom. Nang pumasok ako sa loob ay nagbago na pala ang office niya. Ilang buwan na rin noong huling nakapunta ako rito. Wala naman kasing dahilan para pumunta ako rito. Isa pa ay pinapapunta lang ako rito nina Mom and Dad kapag may event ang company or kailangan ng exposure ko sa mga business partners nila. Kumuha na lang ako ng isang libro mula sa bookshelf ni Mom para pampalipas ko ng oras habang naghihintay sa kanila na matapos sa meeting. Kinuha ko ang isang book na tungkol sa pag-iinvest sa isang company. For beginners only ang book na ito at mukhang lumang libro na ni Mommy pero mukhang bago pa rin dahil maalaga talaga siya sa mga gamit niya. Sinubukan ko na mag-basa ng tungkol sa business. Ngunit hindi rin ako tumagal. Matapos ang sampung minuto na pagbabasa ko sa libro ay tinigilan ko na. Tulad ni Zinnia ay wala rin akong maintindihan sa binasa ko dahil hindi ko gusto ang libro. Hindi talaga ako ineteresado sa business kahit na anong pilit ang gawin ko. Ganito rin siguro ang nararamdaman ni Zinnia habang pinipilit niya na makinig sa klase kanina pero wala talaga siyang maintindihan. Kinuha ko na lang ang phone ko at nag-scroll sa social media. Saglit lang din ay pumasok na sa loob ng office sina Mom and Dad kaya pinatay ko muna ang phone ko at umayos ng upo. “What happened?” bungad agad sa akin ni Dad nang umupo siya sa harapan ko. “There was an incident earlier at HIU and I discovered that some students was poisoned using red water,” panimula ko agad. “How?” “I saw some red liquid in the bottled water that they’ve brought in the cafeteria. Nangisay, bumula ang bibig at tumirik ang mga mata ng mga estudyante na naging biktima. After that, in-examine ko ang mineral water sa science laboratory at ang resulta ay red water poison. It can kill a student but not that fast. I thought it was an ambush but then I realized that the one who brought that to HIU was just giving a warning,” paliwanag ko para mas maliwanagan sila. “Are you sure you’re okay? You should stay out with those kind of situation. It can be dangerous, Malieya,” pangaral sa akin ni Mommy. Bigla ay naalala ko ang sinabi ng lalaki sa akin kanina. Nasa panganib na rin daw ang buhay ko dahil sa nangyari kanina. Hindi ko malaman kung totoo ba talaga iyon o hindi. Dapat ko bang paniwalaan ang sinabi niya sa akin? Pero nakakapagtaka dahil bakit naman ako mapapahamak at malalagay sa peligriyo ang buhay ko dahil lang nalaman ko kaagad ang poison na iyon? Kahit naman hindi ko sabihin ay malalaman din agad ng mga scientists ng HIU ang poison na ginamit ng kalaban. “I’m fine, Mom. You don’t have to worry about me. Besides, simple lang naman ang ginawa ko at hindi iyon big deal. I just observed the students then napansin ko na na-poison nga sila dahil fresh pa ang chemical na nailagay sa mineral water,” sagot ko. Napabuntong-hininga naman siya at hindi na nakipagtalo pa sa akin. “I am planning to transfer you to other university. Mabuti na lang at kasisimula pa lang ng school year ninyo kaya hindi ka mahihirapan kapag inilipat kita,” sabat naman ni Daddy. Agad ko siyang nilingon at umiling. “Dad, I don’t want to transfer. Malaki ang magiging opportunities ko kapag sa HIU ako nakapag-tapos ng pag-aaral. Besides, I already have friends there and comfortable ako kasama sila. Maganda ang turo sa HIU at mas matututo ako ng ayos tungkol sa pagiging scientist kapag doon ako nag-aral. You all know how much I dreamt of studying in HIU ever since I was in high school. And ngayon na dumating na ang panahon na nakapag-aral na ako ngayon sa HIU, wala nang makakapigil pa sa akin,” angal ko. Matagal ko nang pangarap na sa HIU ako magtatapos ng pag-aaral ko. Kilala talaga ang HIU sa buong mundo at maswerte pa ako dahil malapit lang sa amin ang HIU at hindi sa ibang bansa. Kaya kahit ano pa ang gawin nina Mom and Dad ay hindi ako papayag na ilipat nila ako. “But its dangerous there. I heard that the parents of the victims will sue Harrow International University for lack of security and for the damage that has been done to their children. Some parents also want to transfer their children to other university now because of this issue. Habang maaga pa ay ililipat na rin kita. All I want for you is your safety, Malieya,” pagpupumilit pa ni Daddy. Kahit ano pa ang sabihin niya sa akin ay hindi magbabago ang isip ko. Mananatili ako sa HIU ano man ang mangyari. Alam ko naman na walang mangyayari na masama sa akin doon. Ang gusto ko lang ay mag-aral ng mabuti at tahimik. Wala naman akong balak talaga na sumali sa anumang gulo. Sadyang nagkataon lang kanina na nalaman ko kaagad ang sanhi kaya ako ang nagasikaso sa resulta ng poison. Pero sa susunod naman ay hindi na dapat ako makialam pa dahil isang hamak na estudyante lang naman ako. “I’m sure that the university will tighten their security from now on, Dad. Besides, kung may nakalusot man sa security nila ay paniguradong taga loob lang din ng HIU ang umaatake.” “And what if that’s the case? Hindi ba ay mas delikado kapag mismong taga-loob ng HIU ang kalaban?” sabat na naman ni Mommy. Napabuntong-hininga na lang ako dahil kung ano-anong mga negatibo ang naiisip ng mga magulang ko. “Mom, Dad, I’m fine. Kung iniisip niyo ang nangyari kanina ay hindi na ulit iyon mangyayari. I am well aware that what happened earlier was a serious matter but I assure you that it won’t happen again and I will not be involve again. If something like this happens again in HIU, then I will transfer to other university. Is that a deal?” I asked. Wala naman na silang nagawa pa kung ‘di ang pumayag sa sinabi ko. Ayoko rin naman na mag-alala sa akin ang mga magulang ko kaya naman kung sakali na maulit muli ang ganitong pangyayari ay lilipat na ako mismo sa ibang university. Pero sa tingin ko naman ay wala nang mas malala pa na mangyayari matapos ang insidente kanina. Naisip ko na lang na huwag nang alalahanin pa ang sinabi sa akin kanina noong lalaki sa parking lot. Baka nga mamaya ay prank lang pala iyon. May ilang estudyante pa man din sa HIU na mukhang mga maloloko at mahihilig mang-trip ng kapwa estudyante nila. Mostly naman ay mga lalaki talaga mahilig sa mga ganoong bagay. Nagpaalam na ako kina Mom and Dad na mauuna na akong umuwi. Napagod din kasi ako ngayon kaya gusto ko nang magpahinga kahit papaano. Magdi-dinner din ako mag-isa mamaya sa bahay dahil male-late raw ng uwi sina Mom. Mukhang sobrang busy nila ngayon sa company dahil may problem na nag-occur. Base sa narinig ko kanina ay dahil sa stocks ng company ang problema kaya nagkaroon sila ng emergency meeting kanina. Nang maka-uwi ako ay nakita ko na gumawa na pala si Nadia ng group chat naming apat. Nag-backread naman ako ng mga pinag-uusapan nila doon. Nadia: I’m home now. Thank you, Simon! Zinnia: Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na may nangyari na ganoon kanina sa HIU. Sayang lang dahil hindi ko man lang nasaksihan. Gusto ko kasi makasaksi ng nga ganoong klase na pangyayari. Simon: It’s a serious crime so don’t have fun with what happened earlier. Zinnia: I know! I’m just shock and I can’t believe until now what you’ve just told me earlier. Besides, totoo ba na si Malieya ang nanguna kanina na malaman ang poison? Nadia: Yeah. Kahit kami nga ay nagulat din kanina dahil sa bilis ni Malieya na malaman na poison ang cause ng pangingisay ng ibang students. Zinnia: How I wish that I was there earlier. E ‘di sana ay nakita ko kung gaano kaangas si Malieya. Nadia: True, girl! Kung hindi nga lang seryoso ang nangyari kanina ay baka naisipan ko nang i-videotaped si Malieya. Miski kami ni Simon ay nagulat at humanga sa mga kaalaman niya. Hindi na nakakapagtaka kung bakit gustong-gusto niya ang maging scientist dahil may potensyal talaga siya sa propesyon na iyon. Napangiti naman ako sa papuri na natanggap ko mula kay Nadia. Kahit papaano ay nafa-flattered ako dahil kahit kakapasok ko pa lang ng college ay kay dami ko nang papuri na natanggap. Mula pa sa isang ganap na scientist kanina ay napuri na rin niya ako. May maganda rin talagang dulot kapag nag-advance study para kahit papaano ay may kaalaman na higit pa sa mga itinuturo ng kasalukuyan. Malieya: Wala lang naman ang ginawa ko kanina. I just stated the fact that I have observed. Pero sa totoo lang ay natakot din talaga ako kanina dahil akala ko mamamatay na ang mga nabiktimang estudyante. Mabuti na lang at late na tayo na makabili ng mineral water natin. Baka isa rin tayo sa naging biktima kanina kung sakali. Sumali na ako sa usapan nila. Mukhang kanina pa ako hinihintay ni Zinnia na mag-online para makausap din niya. Zinnia: Ang mahalaga naman ay safe kayo. By the way guys, I decided to continue taking chemistry physics. Nalaman din ng parents ko ang nangyari at mas gusto nila na mag-focus ako sa studies ngayon. And mukhang mag-eenjoy din ako sa experiments and suchs na ‘yan kapag nag-bigay ako ng atensyon para makinig sa klase. Kaya naman ay makakasama niyo na ako sa buong klase every day hanggang sa makapagtapos tayo! Natuwa naman ako sa naging desisyon ni Zinnia. Hindi naman siya nagkamali na sinunod niya ang gusto ng mga magulang niya para sa kaniya. Alam ko na maraming matututunan si Zinnia sa course na kinuha namin. At isa pa ay masaya naman na mag-aral kapag may mga kaibigan kang kasama na tutulungan kang umangat at hindi bumagsak. Matatalino sina Simon at Nadia at nasisiguro ko na pati si Zinnia ay matalino. Malieya: Magtutulungan naman tayong apat para pumasa at makapagtapos tayo ng pag-aaral. Kahit na mahirap talaga ang kinuha natin na kurso, makakapagtapos naman tayo in no time. Nadia: Fighting!! Anyways, I will have a nap first. Nakakaramdam ako ng antok ngayon dahil maaga nagising kanina. See you tomorrow guys! Zinnia: See you! Oh gosh, I’m so excited. I will make sure na makikinig na talaga ako sa mga classes tomorrow. Simon: Love, I will just play a game since matutulog ka naman and wala akong makakausap. Zinnia: May private message naman kaya bakit dito ka pa sa group chat natin nag-paalam kay Nads na maglalaro ka?! Respeto naman sa single na narito! Natawa naman ako sa reply ni Zinnia. Nag-send na lang ng emoji si Simon na nakadila para mas lalong asarin si Zinnia. Nagpaalam na din ako sa kanila na magpapahinga na muna saka ako nag-offline. Matapos kong mag-shower at magbihis ay humiga ako sa kama ko. Napatitig naman ako sa kisame. Muli kong naalala ang sinabi ng lalaki sa akin kanina sa parking lot. Expected ko naman nang masyado ring mapanganib ang maging isang scientist pero matagal pa naman bago ako maging isang ganap na scientist. Isang estudyante pa lang ako at nagsisimula pa lang ako na kamitin ang pangarap ko, ngunit bakit naman may natanggap agad akong threat? Hindi ko maiwasan na hindi isipin ang sinabi ng lalaki na iyon. Kung tutuusin ay madadamay talaga ako dahil ako ang unang nakaalam ng poison kanina. Kung hindi ko sana inanunsyo agad na may lason ay mas marami pa sanang biktima ang madadali. To make it short, pinigilan ko na agad ang paglaganap ng lason kanina para mapigilan ang pagdami ng magiging biktima. What if totoo pala ang sinabi ng lalaki kanina? What should I do? Ayoko na i-risk ang buhay ko lalo na at nag-uumpisa pa lang ako na kamitin ang pangarap ko. Bata pa ako para mapahamak. Ayoko na madamay sa kahit anumang gulo kaya hangga’t maaari ay iiwas ko ang sarili ko. Kailangan ko nang pigilan ang sarili ko na maging kuryoso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD