RED WATER

2829 Words
“What do you mean? She got poisoned?” tanong ni Nadia sa akin habang nakakunot pa ang kaniyang noo. Tinutulungan niya si Simon na asikasuhin ang babae na hanggang ngayon ay nangingisay pa rin. “Someone call the nurses in the clinic!” sigaw pa niya. Ang ibang estudyante ay nakiki-chismis lang sa amin ngayon at walang ginagawa kung ‘di ang magbulungan. Hindi ba nila alam na emergency ito? Pero wala man lang silang ginagawa. “I already saw some cases like this before. Ang paraan kung paano siya nangisay at bumula ang labi, inobserbahan ko kaagad kung ano ang ininom niya. Look closely at this bottled water. Mayroong kulay pulang liquid na nakahalo. Pakiramdam ko ay kalalagay lang nito at hindi pa tumatagal,” paliwanag ko sa tanong ni Nadia sa akin. “Oh my gosh! Does that mean na itong tubig din namin ay mayroon?” gulat na tanong ng isang estudyantr na nakapalibot sa amin. Nilingon ko siya saka mabilis na nilapitan at kinuha ang hawak niyang tubig. Inobserbahan ko ng mabuti iyon at naalala ko na may mini telescope ako sa bulsa ko. Palagi ko itong dala-dala dahil namo-motivate rin ako nito na mag-aral ng mabuti para makamit ko na ang pangarap ko na maging scientist. Pinasadya ko rin ito sa ibang bansa. Sinuri ko ang bottled water gamit ang mini telescope ko. Mas pansin na pansin ko ang kemikal na ginamit at ang pulang likido na nakahalo. “Sa lahat ng bumili ng water from the cafeteria, huwag na huwag ninyong iinumin! Pati ang isang ito ay may lason!” sigaw ko saka ipinakita ang hawak ko. Nataranta ang iba at mabilis na itinapon o binitawan ang mga hawak nilang tubig. Bigla ay may nagsigawan sa kanang parte ko kaya nilingon ko ito. May isa na namang estudyante ang bumulagta sa sahig! “Damn, Ark!” sigaw ng babae na mukhang kasintahan ng lalaki na bumulagta. Agad akong lumapit sa kanila para suriin ang lalaki na bumulagta. Katulad ng babae kanina ay nangisay din ang lalaki habang bumubula ang labi. Tumitirik din ang mata ng lalaki saka nakita kong may pula na rin ang mata niya. Tumakbo ako papalapit sa harap ng cafeteria. “Nasaan ang manager ng cafeteria na ‘to?! This is an emergency!” sigaw ko. “What’s with the commosion here?” smabit ng isang ma-awtoridad na lalaki. “I am the one managing the cafeteria. What happened to those two students?” tanong niya sa akin ngunit ang paningin ay nasa dalawang estudyante na ngayon ay inaasikaso na ng sariling ambulance ng HIU. “They were poisoned. There is a poison in the bottled water that they drank. Look at this red liquid inside.” Iniabot ko sa kaniya ang mini telescope ko saka ang tubig na hawak ko saka niya ito tinignan. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita rin ang nakita ko. “Who’s the supplier of our mineral waters?!” sigaw niya sa mga tauhan niya. “I’m sorry, Mr. Luage. Nakita na lang po namin ‘yan na nakalagay na sa loob ng cafeteria. Sakto rin po na ubos na ang mineral water natin kaya ngayong break time ay iyon ang ibenebenta namin sa mga estudyante. Hindi po namin alam na ganiyan ang mangyayari,” paliwanag ng isang tauhan. “Excuse me. Malieya, I just heard something from the other students. Marami pa raw na students ang nabiktima at nangisay sa ibang classrooms,” sambit ni Nadia sa akin. “What do you plan to do now? I think someone is ambushing the university. This is a serious crime. Those students can die if the poison is strong enough to kill them.” Bakas naman sa mukha ni Mr. Luage na hindi niya malaman ang dapat niyang gawin. Hinilot pa niya ang sentido niya habang nakatingin sa papaalis na ambulance. Ang ibang nurses ay nanakbo papunta sa ibang classrooms na tinutukoy ni Nadia kanina. Dahil wala pa ring sinasabi sa akin si Mr. Luage ay nagsalita muli ako. “For now ay alamin ninyo kung sino ang nagpadala ng mga mineral water na iyon. Let me have this. I will examine it give the result to the director or dean of HIU.” “What’s your name?” “I am Malieya Orson from Chemical physics first year college. I know something about this so you don’t have to worry about.” Hindi na siya pumalag pa saka tumango sa akin. Nilingon ko sina Simon at Nadia na nakatingin na sa akin. “Nasaan ang science laboratory dito? Pwede niyo ba akong dalhin doon?” tumango naman sila saka nauna nang maglakad kaya sumunod ako. “Sigurado ka ba na may alam ka tungkol diyan? I mean, hindi pa nga natin napag-aaralan ang tungkol sa chemicals dahil kakasimula lang ng pasukan natin,” nag-aalalang tanong sa akin ni Simon. “I already experimented something before and I saw some cases about this kaya kahit papaano ay may alam na ako. I will just check the poison used and show our dean the result. I also know how to use the machines in a laboratory.” Nang makarating kami sa laboratory ay naka-lock pa ito. “Wait, I will just get the keys sa management. Kailangan muna ng approval nila bago pumasok,” paalam ni Simon saka dali-daling tumakbo paalis. Mabilis lang din na nakabalik si Simon at binuksan ang pinto ng science laboratory. “Mabuti na lang at agad na nabigyan tayo ng pahintulot na gamitin ang laboratory ngayon. Kalat na sa management ng HIU ang kaganapan kanina kaya nagpatawag na rin sila ng mga doctor at scientists upang alamin kung saan ito nanggaling,” paliwanag pa ni Simon. Mabilis kong nilapitan ang mga machines saka sinimulan ang mga dapat na gawin. Naglagay ako ng kaunting tubig sa maliit na transparent card para makita ko sa telescope ang chemical na ginamit. Nang suriin ko ay sobrang bilis ng maaaring maging epekto nito sa mga estudyante na tinamaan ng poison. Inilagay ko ang natitirang tubig sa isa pang machine para malaman ang eksaktong tawag sa mga kemikal. Nakalipas ang kalahating oras ay tumunog na ang machine at hudyat na iyon na handa na ang resulta. Kinuha ko ang mga papel na lumabas saka binasa ang mga nakalagay. “It’s called the red water. Its immediate effects, coughing and constant fatigue, are not extremely dangerous, but prolonged exposure can lead to death. It means that those students can die if the medication took too long. Pero kapag nasimulan na ngayon na ma-cure sila ay maaari pang malabanan ang paglaganap ng poison sa katawan nila,” sambit ko. “What that does mean?” tanong naman sa akin ni Nadia. “It means that the one who give it here in HIU was just giving a warning. Hindi niya pa plano na may patayin sa HIU dahil sa poison na ginamit niya. Kung balak niya o nila na mang-ambush dito ay sana matinding poison talaga ang ginamit nila which can kill a person in just two to three minutes. Pero ang ginawa nila ngayon ay nagbigay pa ng ilang oras para maisalba ang mga magiging biktima nila,” paliwanag ko pa. Napatakip naman sa bibig si Nadia at kita ko ang takot sa mga mata niya. “Gosh, mabuti na lang at hindi ako bumili ng bottled mineral water kanina kung hindi ay muntik na rin ako. Hindi ako makapaniwala na ikalawang araw ng pasok natin ay may ganito kaagad na mangyayari.” “Pakiramdam ko ay may balak lang sila na sirain ang pangalan ng HIU kaya nila ito ginawa. As of now, iyon pa lang ang una kong naisip na posibleng dahilan lalo na at mga estudyante ang pinuro nila at hindi ang mga nagma-manage ng HIU,” sagot ko. “So what was the result that you have got?” Nilingon namin ang lalaking pumasok sa science laboratory. Isa siyang scientist, sigurado ako dahil sa postura at suot niya. Sa likuran niya ay may mga kasamahan pa siya. Mukhang sila na ang pinatawag ng management ng HIU para alamin ang resulta. Lumapit ako at iniabot sa kaniya ang nakuha kong resulta. “The result shows that the poison used was red water.” Sinuri niya ang papel na ibinigay ko. Ang isa naman ay lumapit sa machine na ginamit ko kanina para suriin sa telescope ang nakalagay na poison. “What do you think?” tanong ng scientist na kaharap ko sa babaeng sumilip sa telescope. “It’s true. The poison used was red water,” sambit nito. Mukhang sa isang tingin lang nila ay kaya na nilang malaman ang poison na ginamit. Kung sabagay ay hindi na iyon nakakapagtaka dahil mga scientist sila. Malamang ay alam at saulado na nila ang mga ganoong klaseng bagay. “Thank you for this. May I know your name?” tanong pa sa akin ng kaharap kong scientists. Tinignan ko naman ang apelyido niya na nakalagay sa gilid ng suot niya. Siya pala si Doctor Juarez. “I’m Malieya Orson taking up chemical physics from first year college, Doctor,” pakilala ko sa sarili ko. “You’re good for being just a first year college student. If I am not mistaken, you are just in introduction to chemicals,” puri pa niya sa akin. “Yes, Doctor. We just started our first lesson yesterday.” “Thank you again for this. Let’s go.” Niyaya na niya ang mga kasamahan niya na umalis saka kami iniwan sa loob ng science laboratory. Lumabas na din kami ng mga kaibigan ko saka ni-lock ni Simon ang laboratory. “Sana lang ay hindi lumala ang nangyari sa mga estudyante na ‘yon. Kasisimula pa lang ng school year ay may ganito kaagad na kaganapan. Kilalang university ang HIU kaya malamang ay ngayon pa lang, kalat na kaagad ang nangyaring insidente na ito,” sambit ni Nadia. Hindi na nakaka-pagtaka kung kumalat na agad ang balitang ito. Ang mga estudyante na nag-aaral dito ay hindi rin basta-basta dahil galing sila sa mga matataas na antas na pamilya. For sure ay mag-rereklamo ang mga magulang ng mga ‘yon sa pagiging pabaya ng mga namamahala sa HIU. Kung sa akin din naman iyon mangyayari ay ganoon din ang gagawin ng mga magulang ko. Kung may mas malala pa na mangyari sa mga estudyante na ‘yon ay baka kasuhan pa ang university. Bumalik na kami sa classroom dahil sinabihan kami na ang lahat daw ng estudyante ay bumalik sa kani-kanilang classroom. Mukhang suspended ang klase ngayon dahil sa naganap kanina. Ang lahat ng professors ay inaasikaso na ang bawat estudyante para kumalma sila. May ilan na akong rumors na narinig kanina na baka raw may mas malala pang mangyari sa HIU sa mga susunod na araw. Hindi ko naman sila masisisi na nakakaramdam sila ng takot ngayon. Miski ako ay kinakabahan dahil kung may gustong magpabagsak ng HIU, baka may mas malala pang magawa ang mga iyon. “For now, all of the classes are suspended because of what happened earlier. We will continue our class tomorrow. You are all dismissed. Where is Miss Orson?” Nagulat naman ako dahil tinawag ako ni Professor Sanchez, siya ang adviser namin. Nagtaas naman ako ng kamay, “I am here, Professor.” “Come with me at the dean’s office, please. The others may go home now.” Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko nang marinig namin ang sinabi ni Professor Sanchez. “Wait ka na lang namin sa parking lot. Magkatabi naman ang sasakyan ninyo ni Simon,” sambit sa akin ni Nadia. Tumango naman ako sa kaniya. “Sige. Thank you.” Mabilis akong sumunod kay Professor Sanchez nang lumabas siya ng classroom namin. Kinakabahan ako dahil mukhang kakausapin ako ng dean. Kinalma ko na lang ang sarili ko. Wala namang dahilan para kabahan ako dahil hindi naman ako ang may kasalanan. Pinagbuksan ako ng pinto ni Professor Sanchez at nang makapasok ako sa loob ay nakita ko ang dean ng college department na nakaupo at nakatingin na agad sa akin. Isinara ni Professor Sanchez ang pinto saka bahagyang nag-bow sa dean at ganoon din ang ginawa ko. Sinenyasan ako ni Professor Sanchez na lumapit ng kaunti sa dean namin. “She is Malieya Orson, the one who first noticed the poison. She is also under my class, Dean. She’s taking chemical physics course,” pakilala sa akin ni Professor Sanchez. “It’s nice to mee you, Miss Orson. Have a seat.” Isinenyas ni Dean Ramos na umupo ako sa upuan na nasa harapan niya sa gilid ng lamesa kaya naman ay sinunod ko ito. “Why did you call me here, Dean?” tanong ko nang makaupo ako. “I heard that you’re the one who noticed the poison in just a span of time. How did you know that it was a poison?” “I already encoutered and saw some cases like that even before, Dean. That was why I at least have any idea. If I didn’t discovered it that fast, many more students would have drink the water and be a victim,” I explained. Noong high school ako ay may nakita akong aksidente na na-poison sa isang restaurant so since mahilig akong mag-observe ay sinuri ko rin kung ano ang nangyari. Then, isang detective ang narinig kong nagsabi na poison ang nangyari. Narinig ko rin kung paano niya nasabing poison iyon at dinescribe niya kung ano ang mga napansin niya. After that ay naisipan kong manood ng mga real life investigation about poisoning and pinag-aralan ko ang mga chemicals na nagagamit sa bawat lason. Kaya nga kahit papaano ay may idea na ako at mas gusto kong maging scientist dahil ito talaga ang gusto ko. “HIU’s director wants to meet you in person. You will be our witness kapag nagpatawag ng meeting ang mga magulang ng mga biktima. Is that okay with you? You will have to say what you’ve observed and to clear things na hindi talaga sa HIU nanggaling ang mga mineral water na iyon.” “It’s fine with me, Dean. I will tell them everything that I have seen, observed and heard,” magalang na sagot ko. “Thank you so much for your cooperation. We will see each other again tomorrow. I feel like bukas agad magkakaroon ng urgent meeting with the parents.” Tumango naman ako at nang wala na siyang sasabihin pa ay nagpaalam na ako na aalis na. Magse-send na lang daw sa akin bukas ng email kung sakali na kakailanganin na ako bilang isang testigo. Inaasahan ko na rin naman na mai-involve ako sa insidente na ito dahil ako ang unang nakaalam na lason ang nangyari sa mga estudyante at ako rin ang unang kumausap kay Mr. Luage kanina. Dumeretso na ako sa parking lot kung saan hinihintay ako nina Simon at Nadia. Maaga pa naman at pwedeng hindi muna ako umuwi kaagad. Bago pa ako makarating sa sasakyan ko ay agad nang may humila sa akin. Tinakpan pa nito ang bibig ko at ikinagulat ko iyon saka ako hinihila papunta sa madilim na lugar ng parking lot. Hindi ko magawang manlaban kahit na sinusubukan ko na kumawala sa kaniya. Dumadagundong na ang puso ko dahil sa kaba na baka may masamang mangyari sa akin. “Calm down. I’m not a bad guy,” bulong nito sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko na tinignan ang lalaki na naka-suot ng cap at itim na mask. Mata niya lang ang nakikita ko ngayon. Iniharap niya ako sa kaniya kaya nakita ko ang kabuuan niya. Naka-suot din siya ng itim na jacket at itim na slacks. “Who are you? What do you need from me?” sambit ko. Binitawan niya ako nang mapansin na kumalma ako ng kaunti. “I need to tell you something important. Don’t be afraid of me because I won’t harm you.” “How can I be so sure that you’re not a bad guy, huh?” Kinunutan ko pa siya ng noo. Ano ba ang kailangan sa akin ng isang ito? Gusto kong makita ang mukha niya para kahit papaano ay mapanatag ako ngunit pilit niyang iniiwas ang mukha niya sa akin. Hindi dapat ako magtiwala sa taong katulad niya lalo na at hindi ko naman siya kilala. Balak ko na sana na manakbo palayo sa kaniya nang kusa akong mapatigil matapos marinig ang sinabi niya. “You are Malieya Orson, right?” Hindi ko akalain na kilala pala niya ako. Hindi pa ako nakakalayo sa kaniya kaya agad ko siyang nilingon at muling nilapitan. Wala na akong pakialam pa kung isa siyang mapanganib na tao. “Harrow International University is in danger. You better save yourself now before its too late. Your life is also in danger because you’re the one who first knew about the poison. I am giving you a tip of advice.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD