POISON

2810 Words
Nagulat ako nang may tumawag sa akin sa messenger app. Naghahanda na ako ngayon para pumasok sa HIU. Maaga na ako nagising dahil ayoko nang ma-late na naman sa klase. Masungit pa man din ang unang professor namin at nakakahiya na rin naman kung male-late na naman ako sa pangalawang araw. Baka parusahan pa ako ng professor namin dahil late na naman. Nakita ko na si Nadia pala ang tumatawag sa akin ngayon. Na-add friend na nga pala niya ako kahapon pero hindi naman kami nag-chat pa kagabi nang makauwi ako sa bahay. “Hello?” sagot ko sa tawag. “Hey, where are you? Gusto mo ba na sumabay sa amin mag-breakfast bago pumasok? If ever na hindi pa hindi ka pa kumakain,” sambit nito sa kabilang linya. “Hindi pa nga ako kumakain. Saan ko ba kayo kikitain?” tanong ko. “Sa restaurant malapit sa HIU. I will chat you the exact location.” “Okay, sige. See you and ingat sa biyahe!” “Ingat ka rin!” Pinatay na niya ang tawag kaya bumaba na rin ako sa salas. Nakita ko naman si Mom and Dad na nasa kusina ngayon at kumakain na ng breakfast. Pinatawag nila ako kanina sa isang maid namin para kumain na kami pero mabuti na lang at hindi na ako sumabay sa kanila dahil sakto lang ang pagyayaya sa akin ni Nadia. “Good morning, Mom and Dad,” bati ko sa kanila saka ko sila hinalikan sa pisngi. “Good morning, Malieya. Come and join us now habang mainit pa ang mga pagkain,” pag-aalok sa akin ni Daddy. “I will have breakfast with my friends, Dad. Nadia called me asked me if we could have breakfast together.” “Oh, your Mom told me that you already have friends in HIU at anak pa sila ng mga ka-business partners namin. That’s great, then. You must be friends with people who have influences in life,” Dad said. Ngumiti lang ako ng bahagya. “I will get going now,” paalam ko. Bago pa ako tuluyang umalis ay pinigilan na ako ni Mom. “Malieya, get your car keys. From now on, you will have your own car. This is also your license.” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang susi at lisensya na inilapag ni Mommy sa lamesa. Mabilis akong lumapit sa pwesto niya at hinawakan ang susi. “Is this for real, Mom?” natutuwang tanong ko. “Yes. Your Dad told me na hindi ka na dapat pang hinahatid sa university mo. And also, hindi ka rin naman pwede na mag-commute dahil kilala kang anak ng mga may-ari ng InvestSpend Company. Kaya naman ay binilhan ka na lang ng Dad mo ng sarili mong sasakyan,” she explained. Mabuti na lang at naturuan na akong magmaneho bago pa ako maka-graduate ng high school kaya naman hindi na ako mahihirapan ngayon na magmaneho. Tuwang-tuwa naman ako na niyakap si Dad saka si Mom. “Thank you so much, Dad!” “Just make sure na dahan-dahan ka lang sa pagda-drive at umiwas ka sa accients, okay? You know how much we love you,” paalala pa sa akin ni Mom. “Yes, Mom! I will!” Tuluyan na akong lumabas ng bahay at nakita ko sa garage namin ang isang kulay maroon na sasakyan. Napaka-ganda sa mata ng kulay at gustong-gusto ko ang kotse na napili ni Daddy, Mukhang balak nila ako na i-surprise sa unang araw ng pasok ko as a college student pero ngayon lang dumating ang sasakyan na ito. Pinindot ko ang remote na hawak ko kaya hindi na naka-lock ang sasakyan ko. Mabilis akong sumakay doon at tinignan ang kabuuan sa loob. Manual ang kotse ko at hindi automatic. Dahan-dahan ko munang pinaandar ang sasakyan saka ko nasaulo ang mga dapat kong galawin. May kaibahan lang ito ng kaunti sa sasakyan ni Mommy pero hindi naman na ako nahirapan pa na imaneho ito. Nakita ko na rin ang chat ni Nadia kung saan kami kakain kaya binilisan ko na ang pagmamaneho ko dahil mukhang naroon na sila ni Simon. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko pa sila. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa tabi ng sasakyan ni Simon na nakita ko sa labas. Nang makababa ako ay nakita ko na kaagad sina Nadia, Simon at Zinnia na naka-upo sa isang table sa loob ng restaurant. Glass wall naman kaya kahit nasa labas pa lang ako ay nakita ko na kaagad sila. Tuluyan akong pumasok sa loob at agad akong kinawayan ni Zinnia nang makita niya ako kaya ngumiti ako at naglakad papunta sa kanila. Wala pa masyadong tao sa restaurant ngayon, siguro dahil maaga pa kaya wala pang ibang customers bukod sa amin. “Good morning, guys!” bati ko sa kanila. Lumapit pa ako kina Nadia at Zinnia para makipagbeso sa kanila saka umupo sa tabi ni Zinnia at kaharap ko ay si Simon. “Good morning, Malieya! Parang bago ang sasakyan mo, a?” ani Nads. “Yeah. Kanina lang ibinigay sa akin nina Mom and Dad. They surprised me,” sagot ko. “Woah! Sana all may new car. Mabuti naman at marunong ka na talaga na magmaneho kaya madali na lang sa iyo,” sambit naman ni Zinnia. “What’s your order? They are already preparing ours since regular customer na kami rito,” ani Simon. Kinuha ko naman ang menu nila at naghanap ng breakfast ko. Pinili ko na lang ang bacon and pasta since ayoko muna ng heavy breakfast meal. “It’s my treat,” sambit pa ni Simon. Hindi na ako pumalag pa at nagpasalamat na lang. May isang oras pa naman kami bago magsimula ang first subject. “Mabuti na lang at hindi pa ako nakakakain kanina noong tumawag ka. Sakto lang ang pagtawag mo sa akin,” sambit ko para naman may mapag-usapan kami ngayon. “Palagi kasi kaming sabay-sabay na kumain ng breakfast bago pumasok noon pa. Lalo na dahil wala namang nakakasabay na mag-breakfast itong si Zinnia sa bahay nila. Kaya naman ay niyaya ka na rin namin na sumabay sa amin. Every morning ay dito kami kumakain. But pwede ka naman na hindi sumama sa amin at sumabay kung kasabay mo naman kumain ng breakfast ang parents mo sa bahay ninyo,” sagot ni Nadia. “It’s okay. Minsan ko lang rin naman makasabay kumain ng breakfast ang mga magulang ko dahil maaga silang naalis ng bahay namin mostly para pumunta sa company. Pwede naman na simula ngayon ay sumama na rin ako sa inyo na kumain ng breakfast,” sagot ko. Minsan ko lang naman talaga na makasabay sila Mom and Dad. Kadalasan nga ay tuwing dinner time lang. “That’s great, then! At least apat na tayo na kakain simula ngayon. Masyadong maliit lang ang circle of friends namin at kami-kami lang talaga ang magkakasama madalas. Ayaw namin na makipag-kaibigan sa iba at ayaw din namin na marami dahil ang iba naman ay hindi totoo at mga plastic. Mas ayos na ‘yong iilan lang na magkakaibigan at least alam natin sa isa’t-isa na totoo tayo,” ani Zinnia. Agree naman ako sa sinabi niya. Noong high school nga ako ay wala rin ako masyadong kaibigan. Apat lang ang naging totoong kaibigan ko sa dati kong school. Kaya naman ay masaya ako na nagkaroon ako kaagad ng mga kaibigan kahit na ikalawang araw pa lang ito ng klase namin. “May hinuhugutan ka ba niyan, Zinnia?” pang-aasar naman ni Simon ngunit inirapan lang siya ni Zinnia. Dumating naman na ang mga orders namin at agad itong sinerve sa table namin. “Can you please take a photo of us? Thank you,” utos pa ni Nadia sa waiter saka iniabot ang phone niya. Agad naman kaming kinuhanan ng litrato ng waiter. Ang komportable ko nang kasama sila at natutuwa ako dahil magaan ang loob ko sa kanila kahit na ikalawang araw pa lang namin na nagkakasama. Pakiramdam ko naman kasi ay mababait silang tao. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa ilang bagay habang kumakain. Napagdesisyunan din na ililibot nila ako sa buong HIU sa sa vacant time namin. Nang matapos kaming kumain ay agad na kaming pumasok sa klase. Sa sasakyan ko na sumakay si Zinnia dahil wala siyang dala na sasakyan niya. Tinatamad din naman daw siya na magmaneho kaya nag-commute na lang siya kanina. Mas gusto rin daw niya na mag-isa siyang nagko-commute dahil pakiramdam niya ay nakakapag-isip siya ng ayos at may peace of mind siya. Hindi pa rin daw kasi siya nakakapag-desisyon kung itutuloy na talaga niya ang Chemical Physics na course o pipilitin pa rin niya na kunin ang kurso na gusto niya. Kaya lang naman siya pumasok ngayon ay dahil sa aming mga kaibigan niya. Nang makarating kami sa klase ay sakto ring papasok na ang aming unang professor na si Professor Kren. Umupo na kami sa kaniya-kaniya naming pwesto matapos namin siyang batiin. “What is chemistry again? According to what we tacle yesterday. Give me at least three explanations about chemistry,” tanong kaagad ni Professor Kren. Napansin ko sa kaniya na hindi niya gusto ang nagpapaligoy-ligoy pa at hindi rin siya nagsasayang ng oras. Agad naman na nagtaas ng kamay si Nadia para sumagot kaya sinenyasan siya ni Professor Kren na tumayo para sumagot. “Chemistry is sometimes called as the ‘central science’, because of it bridges physics with other natural sciences, such as geology and biology.” “Very good. Another answer?” Sunod naman na nagtaas ng kamay ay si Simon. Hindi ko akalain na active at matatalino pala talaga ang mga ito. Kung sabagay ay hindi na rin naman nakakapagtaka dahil galing sila sa mga kilalang pamilya at mukha rin namang hindi sila nagpapabaya sa studies. “Yes, Mr. Keanu?” “Chemistry is the study of matter and its properties. Sub-domais of chemistry includes analytical chemistry, biochemistry, inorganic chemistry, organic chemistry, physical chemistry and biophysical chemistry.” “Very good answer, Mr. Keanu. You said it all detailed. Thank you. Last answer?” Nahihiya man at kinakabahan ay sinubukan ko na itaas ang kamay ko para sumagot. Naalala ko na mataas ang expectation sa akin ng mga magulang ko. Major subject din namin ito ngayon kaya naman ay hindi ako pwede na pabasic-basic lang. “Yes, Miss Orson?” “Chemistry is the study of matter and the chemical reactions between substances. Matter i essentially anything in the world that takes up space and has mass. There is also an history of chemistry. It started with a basic chemical hypothesis first emerged in classical greece when aristotle defined the four elements of fire, air, earth and water.” Napapalakpak naman si Professor Kren matapos kong sumagot. “I love your answers! That’s exactly the student that I want. Active and also focusing on every words that I’m saying. I want accurate answers in every recitation, understood?” “Yes, Professor!” Nagsimula muli na mag-turo ng panibagong lesson si Professor Kren. Ngayon naman ay tungkol na sa history ng chemistry. Doon kasi kami huling natapos sa discussion kahapon kaya naman ay ngayon niya ipinagpatuloy. Nang matapos ang klase ay may limang minuto pang natira bago ang kasunod na subject namin. Nilapitan naman ako ni Zinnia. “Naiinggit ako sa inyong tatlo.” Bumuntong-hininga pa si Zinnia matapos niyang banggitin iyon. “Bakit naman?” tanong ko. “Interesado kasi kayo sa course na kinuha ninyo kaya naman active kayo sa klase at nakakasagot. Samantalang ako ay walang naintindihan ni isa sa itinuro kanina dahil hindi ko naman gusto ang itinuturo. Hindi ako interesado kaya pakiramdam ko ay babagsak talaga ako rito. Naisip ko nga na ibagsak ko na lang ang lahat ng subjects ngayon para naman maisip ng mga magulang ko na hindi talaga ito ang para sa akin. But then again, naisip ko ang reputasyon ng parents ko. Hindi ko sila pwedeng ipahiya lalo na at kilala silang scientist dito,” paliwanag niya. Bahagya ko naman siyang nginitian. “Kailangan mo na mag-desisyon habang maaga pa kung ipagpapatuloy mo ang course na ito o ipaglalaban mo sa mga magulang mo ang kurso na gusto mo. Kung sakali naman na piliin mong ipagpatuloy ito, ibig sabihin ay wala ka nang ibang choice kung ‘di ang makinig ng mabuti at gustuhin ang lahat ng itinuturo tungkol sa chemical physics,” sagot ko. Muli siyang napabuntong-hininga kaya tinapik siya sa likuran ni Nadia. “Malieya was right. College na tayo at hindi na madali na magpabasic-basic pa tayo ngayon. Kaya habang hindi pa gaanong mahirap ang mga itinuturo sa atin ay dapat nakapag-desisyon ka na. Expected ko naman nang mahirap ang mga subjects natin sa course na ‘to,” sambit naman ni Nadia. “I will try my best para makapili na ako kung ano talaga ang gusto ko. Mabuti pa talaga kayo at nakuha niyo ang gusto ninyo talaga sa buhay. Tapos ako naman ngayon ay nahihirapan pa rin.” “Mag-inom na lang tayo ulit para makapag-desisyon ka na ng maayos,” biro naman ni Simon kaya sinamaan siya ng tingin ni Zinnia. “Isa ka pa, puro ka kalokohan pero ang dami mong alam na isagot kanina. Mukha ka lang talaga na loko-loko pero matalino naman.” “That’s my man. Mamanahin pa ng magiging anak namin in the future ang talino namin kaya kailangan naming mag-aral ng mabuti,” sabat naman ni Nads para asarin si Zinnia. “Sana ay lalaki ang maging anak ninyo in the future para manalo ako sa pustahan!” Hindi na nila naituloy pa ang pag-aasaran nila nang dumating na ang susunod naming professor kaya nagsibalikan na sila sa kani-kanilang mga pwesto. Mathematics ang subject namin ngayon kaya naman ay mas natuwa ako dahil gusto ko rin ang subject na ‘yon. Sa totoo lang ay halos lahat naman ng subject ay gusto ko at interesado ako na matuto. Gusto ko kasi na may mga bago akong kaalaman tungkol sa mga bagay-bagay kaya hindi ko kinatatamaran ang makinig sa klase. Active ako noon pa man kaya sa klase kaya mataas din ang naging expectations sa akin ng mga magulang ko. Nang matapos ang morning classes namin ay lunch break na. Napag-desisyunan ni Zinnia na mag-cutting classes na naman siya at pumunta na lang sa bar nina Simon. “Are you sure? Why don’t you try to finish all the classes for today?” tanong pa ni Nadia kay Zinnia habang papunta kami sa cafeteria. Umiling naman si Zinnia, “Hindi ko na talaga kaya. Sobrang tinatamad na ako magpanggap na nakikinig ako sa klase. Besides, pinilit ko naman talaga na makinig pero wala pa rin akong maintindihan sa itinuturo at lumilipad lang ang isip ko sa kung ano-anong mga bagay.” “What if magalit ang parents mo kapag nalaman nila na absent ka?” tanong ko. Hindi ko naman kilala ang parents niya kaya naman ay concern lang ako at naitanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat naman siya bago sumagot. “I don’t care kung magalit sila sa akin kapag nalaman nila. I am doing this because of them. Anyways, I will get going now. Uuwi na rin ako mamaya dahil mabo-bored ako mag-isa sa bar ni Simon.” “Take care,” paalam ni Simon sa kaniya. Nakipag-beso naman si Zinnia sa aming dalawa ni Nadia. “Ingat ka, Zin. Just chat me if nasaan ka, okay?” Tumango naman si Zinnia sa amin saka siya tuluyang umalis. Hindi ko alam kung paano siya makakalabas sa gate ng HIU. Mahigpit kasi ang mga guwardiya doon dahil hindi sila nagpapalabas ng estudyante lalo na at oras pa ng mga klase ngayon. May mga nagmo-monitor din ng mga estudyante na nagka-cutting classes. In-orient na kami kahapon tungkol sa mga rules and regulations ng HIU kaya kahit papaano ay may alam na ako. Kumain na kami ng lunch at medyo maraming estudyante ang nasa cafeteria ngayon. Bigla ay nagulat ako nang may mag-collapse sa harapan namin matapos uminom ng mineral water na nasa bote. Nangisay ito sa harapan namin habang may lumalabas na bula mula sa bibig niya. Agad naman na tumayo si Simon at tinulungan ang babaeng estudyante dahil sa harap namin mismo ito nag-collapse. “Oh gosh, what happened to her?” gulat na tanong ni Nadia. Inobserbahan ko ang babae na nanginginig pa rin sa harapan namin saka ko napansin ang parang kulay pula sa mineral water na hawak niya. Agad ko iyong kinuha mula sa kamay niya at tinignan ng malapitan ang tubig na nasa loob. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realized ang kulay pula na nakita ko. Hindi ako maaaring magkamali dahil nakita ko na ang ganoong klase ng liquid dati. Tinignan ko muli ang babae na bumubula ang bibig. “May lason sa ininom niyang tubig.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD