The Guess

1053 Words
Maan’s pov Lumalalim ang mga yakapan namin ni pinsan kaya ako na mismo ang humiwalay nang yakap kay pinsan. Ayaw kong kung saan madala ang yakapan na’yon. Nakaalis na si pinsan sabi niya ay babalik siya. tatlong araw lang daw siya mawawala kasama ang kanyang ina. Aayaw-ayaw pa ni pinsan umalis kung ‘di ko pa pinagtulakan siguro’y hangang ngayon ay narito pa ‘yong isang ‘yon. Tumunog ang aking mobile phone nagtext si mama pauwi na raw sila ni papa at may pag-uusapan daw kaming apat. Tungkol saan kaya ang aming pag-uusapan. Kilala ko si Mama mahalaga pa sa importante ang mga ‘yon.” Bigla kong naalala ‘yong nakita kong mensahe ni Tita Stella sa mobile phone ni mama noong minsan napadaan ako sa salas nag pop-up lang na message na galling kay Tita. “Ma. Anne Dela Robles” Tungkol kaya doon? Kung tama ako ng kutob at hinala ko ay parang may kaugnayan sa akin ang nakita kong pangalan na ‘yon. Noong bata pa ako madalas kong marinig sa mga Marites kong kapitbahay na hindi daw ako anak nina mama. Madalas din akong tinutukso ng mga kaeskwela ko. Nawala lang ang panunuksong ‘yon ng makinig minsan ni Kuya na inaapi ako ng mga malalaki kong kaeskwela. Ipinaliwanag niya na ako ay galing sa tummy ni mama kaya mula noon nabawasan hanggang sa nawala na ang usaping iyon hangang sa nalimutan ko na lang. Pero nang mabasa ko ang mensaheng iyon sa mobile phone ni mama ay parang bigla akong kinabahan na hindi ko maintindihan. Pinilig ko na lamang ang aking ulo sa mga naiisip ko. Hindi naman mala-tele-nobela ang buhay ko para sa ganoong pangyayari. Nagpasya na lamang akong maglinis-linis ng aming tahanan habang ako’y mag-isa. Pati sa labas ay aking nawalisan na rin. Malinis naman sa labas at nasa ayos ang mga kagamitan sa pagggawa ng mga kama. Mahusay ang aking ama sa pagpapalakad sa kanyang mga tauhan. Nasa sampong taon nang negosyo ito ni papa. Sumusikat na rin siya sa bayan sa mga gustong mag pagawa ng mga gamit na gawa sa bakal. Minsan nakakakuha siya ng malaking proyekto at napakalaking tulong naman sa amin. Hindi kami maluho sa mga bagay-bagay. Ang mahalaga mayroon kaming ipon para may magamit kung sakaling mayroong sakuna. Kringggg. Kringgggg. Kinuha ko kaagad ang aking mobile phone dahil sabik kong makita kung sino ang tumatawag. At naunsyami ang aking ngiti nang makita kong si Kristen ang tumatawag. Akala ko pa naman si pinsan na. “Hello. Gayak ka na ba magkita na lang tayo sa kanto bukas ng alas singko ha.” Si Kristen “okay” ako na walang kabuhay-buhay ang pagresponse sa kanya. Ibinaba ko na ang tawag at mukha namang wala na rin sasabihin pa si Kristen. Nasa banyo na ako naliligo nang marinig kong nag bukas ang aming pintuan. Dumating na siguro sina Mama. Dali-dali ko nang tinapos ang paliligo at nagbihis na rin ako.. Paglabas ko ng banyo nasa kusina na si Mama at papa. Agad akong lumapit upang magmano. “Kumusta kayo dito? Nasaan ang kuya mo? Si Mama na nghahain ng mga dala nilang pagkain ni papa “Nakina ate Bevs po si Kuya ‘Ma.” “Kain na anak dami binili ng mama mo kakanin sa terminal” si papa na kumakain na ngayon. “Sarap nga po yan” ako na hindi napaghahalatang matakaw sa kakanin, sa pasalubong pala. Gusto kong itanong kay Mama kung ano ang pag-uusapan naming pero ayaw naman magsalita ng aking bibig. ‘Di bale nan ga lang hayaan ko na lang na mag-umpisa silang magsalita. Narito na ulit ako sa aking kwarto wala naming sinabi si mama at papa kumain lang kami. At nang dumating si kuya kumain na din siya. Tawanan at kwentuhan lang kami kagaya ng dati pag ganoong nagkakasalo-salo kami sa hapag kainan naming. Normal lang ang aming sitwasyon. Pero ako hindi ako mapakali parang pusa lang. Kumusta na kaya si pinsan hindi man lang natext ‘yong lokong ‘yon ah. Titig na titig lang ako sa mobile ko at naghihintay sa pagtext man lang ni pinsan pero nag-alarm lang ang mobile ko tapos chineck ko ulit pero wala man lang miscall. Kaya naisipan kong itext na siya at kumustahin. Wala akong natanggap kaya napagpasyahan ko nang maligo sapagkat konting minuto na lang at mag aalas-singko na.. usapan naming ni Kristen ay doon na lamang kami magkikita sa kanto. Paglabas ko nang banyo inaya na ako ni Mama na magagahan. Kahit wala pa naman akong gana kumain ay pinilit ko na lang kumain kasi alam kong nagluto si mama ng maagap para akin. Kung titingnan ko si Mama ay parang may bahid ng lungkot ang kanyang mga mata. O dahil sa maedad na rin si Mama. Halata mong may kulubot na ang kanyang mga balat. Simple lang ang mama ko . Konting pahid ng polbo ay ok na. Hindi sa nagtitipid minsan tinanong ko siya kung bakit hindi s’ya katulad nang ibang nanay na kapitbahay naming ‘yong tipong hindi lumalabas nang wala kahit lipstick sa labi. Sabi namn ni mama sa ganoong postura siya nagustuhan ni papa. At kinilig namn si ako. “Ma alis na po ako pasabi na lang po kay kuya at kay papa” ako na nakabagpack at may isang bag na hand carry lang. “Nandiyan na ba lahat ng kailangan mo anak? Parang kaunti namn niyan? Diba tatlong araw kayo ro’n?” mga tanong ni mama. “Okey na po ‘to mama.” Naghalik lang ako sa pisngi ni mama at lumabas na ako ng aming bahay. Habang naglalakad ay naiisip ko lang ‘di na binanggit ni mama na may pag-uusapan kami. Basta ang tingin ko kay mama may gusto siyang sabihin sa akin. Napagpasyahan kong huwag nang alalahanin pa ang mga ‘yon. Siguro naga ay hindi ganoon kahalaga ang sasabihin ni mama. Nakasakay na kami sa van. Magkaratig kami ni Kristen. Bale walong barangay kami s aloob ng van. May ilan akong nakikilala sa mukha. Karamihan ay lalaki ang kasama namin. ‘yong iba dito sa loob nang sasakyan ay mga Nakita ko na kapag dumadayo kami ni pinsan ng larong basketball na enter barangay. Kinuha ko ang aking mobile para mag scroll sa sss ko. Magpapaantok ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD