‘Di ko na namalayan na nakatulog ako. Teka nagpaantok naman talaga ako. Nagising lang ako sa yugyog ni Kristen sa aking tabi.
“Narito na tayo tara na.”
“Bilis naman”
“Natulog ka lang naman”
Muli tiningnan ko ang mobile ko. Dati pa rin walang response si pinsan sa mga text ko. Kaya naisipan ko nang tawagan ang kanyang telepono. Pero tanging operator services lang ang sumasagot. “Ano na kayang nangyari ‘don dati-rati naman siya itong nag kakanda-ugaga sa pag text o pangungulit sa ‘kin sa telepono kapag ‘di kami magkasama. Kung kailan ngayong nagkaaminan kami nang aming nararamdaman parang lumalabo kami. Nagpasya na akong bumaba sa sasakyan dahil masama na ang tingin sakin ni manong driver. Ako na lang pala ang nasa loob nitong sasakyan.
“Akala ko naman sasama ka na miss pagbalik ng Tayabas.” Sabi ni Manong driver na nginitian ko na lang at nag tungo bilang paggalang sa kanya.
Narito na kami sa malawak na hall na pagdaraosan ng nasabing seminar kapansin-pansin ang malaking tarpaulin na nakabandera sa harap ng hall. “Iboto!! Iboto !! para Congressman Andrew “Anding” Kalupi” Sa nabasa kong iyon ay napangiti ako dahil alam ko na kung para saan ang seminar na ito para sa aming mga kabataan. Kung bibilangin ko ang mga dumalo siguro ay kami’y nasa isangdaan at limampu katao. Malaking boto nga naman kung lahat kami ay boboto sa may paraos nang seminar isama na pati ang pamilya namin na mayroon ding botante.
“Good morning ladies and gentlemen may I call your attention please. In behalf of our re-electing Cogressman Anding. Welcome to our humble house.” Isang masigabong palakpakan ang kasunod sa pagbati ng speaker bilang pagtugon sa kanyang pag welcome sa aming mga kabataan. Nasa isang meeting lang po ang ating butihing Congressman pero mamaya po ay makakausap at makakasdaupang palad ninyo si congressman. For now alam ko kayo ay mga gutom na. By the way just call me Kuya Mark ako ang magiging host ng mga gaganapin sa hall na ‘to hanggang naririto kayo.”
Muli isang malakas na palakpakan at hiwayan ang nanaig sa kapaligiran. Ako man ay nakiisa sapagkat pati sikmura ko ay nakiisa na rin.
“Bago kayo dumulog sa ating hapag na ngayon ay inihahanda na ay maari na muna kayong magtungo sa nakalaan na room para sa inyo. Check it out! Outside of the rooms there’s your baranggay name. Please be quiet I know all of you are not a kid and matured enough to knows what should do in this kind of situation. And kapag nailagay n’yo na ang mga gamit n’yo maaari na kayong kumain and then 1:00 pm sharp let’s start our agenda on this day. Okey? Go go go.!! pagtataboy ni Mr. Host.
Parang PBB house lang ang peg. Kami naman ni Kristen ay magkasamang naghahanap ng aming baranggay. Swerte naman na nasa malapit lang ang aming kwarto. Mayroong limang double deck at may nakapaskil na pangalan mismo nang kanya-kanyang barangay sa deck. Kaya madali naming nalaman kung alin ang aming pwesto. Matapos naming ilagay ang aming mga gamit ay nagpasya na kaming magtungo sa hall para kumain. Wala nang hiya-hiya ito at talagang gutom na mga bulate ko!
Tanging isang beltbag lang ang aking dala. Ganoon din si Kristen isang body bag na kakasya lang ang wallet, telepono at konting abubot niya.
“Ow nakatingin ka sa bag ko?” ako na nakita ko si Kristen nakatingin sa beltbag ko.
“’Di ko pa naranasan mag suot nang beltbag kaya napatingin ako.” sabi niya
“Try mo paminsan-minsan komportable siya sa katawan.” ibinagay ko lang naman kasi ang beltbag sa sout kong six pockets na khaki shorts na hanggang tuhod at isang slight loose black t-shirt and matching sandals. Ano naman ang iba eh ganito lahat ang gamit ko.
“Mas bagay naman sa iyo ang body bag na dala mo sa sout mo. Naka bestida ka pa. May binyagan ka bang pupuntahan? Biro ko kay Kristen. Infairness kahit ano naman ata isuot nang bababeng ito bagay sa kanya.. maganda ang kanyang katawan 'di mo aakalain na seventeen pa lang siya. Mag kaedad kami ni Kristen. Maganda rin naman siyang magdala ng damit katulad ngayon isang dress na slevee less pero may mataas na tahi sa bandang dib-dib kaya ‘di bastosin tingnan ang sout niya. Karamihan naman ng mga kabataan na nkikita ko madalas ang ganoon ang outfit na sinamahan ng white rubber shoes uso na yata ‘yong ganoon na attire. Bestida tapos rubber shoes sa paa. Ako tamang sandals na parang pupunta sa beach gan'un. Sa iyon nga ang attire ko na komportable ako.
“Salamat. Hala kain na tayo. Boyish ka kasi kaya gusto mo ang beltbag.” Si Kristen na lumapit na sa pinggan.
“Di naman sa gan’on. Nasanay lang ako” Sabi ko na lang. Dati-rati ko nang naririnig sa kahit na sino na boyish ako. Oo sa panlabas na anyo ko lang ‘yon. At syempre pusong babae pa rin naman ako. Bigla naisip ko ulit ang pinsan ko. Sinilip ko lang ang telepono ko to check again. At laking tuwa ko na may isang mensahe. Pero unregistered number naman. Nasa lamesa na kami nang buksan ko ang text. Galing pala kay pinsan ang text. Naki-text lang siya Kay Tita Maddy. Naiwala daw niya telepono niya kaya ngayon lang siya nakapangumusta. Hindi ko na nareplyan pa si pinsan mamaya na lang siguro tatawag ako!
Binigyan kami nang 2 hours sa pagkain ng meryenda kasama na tanghalian dahil pasado alas dyes na rin naman nang magsimula ang lahat kumain. Tapos after na magluch may isang oras na pahinga. Masisimulan na rin ang seminar pinaghahanda lang naman kami ng isang papel at isang ballpen as usual ‘yon na nga ang gagawin.
Unti-unti napupuno na ang hall ng mga kabilang sa seminar at nasa ganoong kami sitwasyon ‘di ko na lang namalayan na patapos na pala ang nasabing pag seseminar parang nagbabalik aral lang sa kabutihan na dapat gawain ng isang tao or bilang isang nanunungkulan sa isang komunidad dahil na rin sa kami ay may mga tungkulin sa aming sari-sariling baranggay. Tumayo ako at nag-inat nag aking mga braso feel ko para akong bumayahe mula sa bayan namin ng Tayabas to Manila na nasa apat na oras kang uupo. Pagkatapos no’n ay umupo na ulit ako.
“O bakit umupo ka uli?” sabi ni Kristen na gulat na gulat na nakatingin sa akin.
Ako nakatingin lang kay Kristen. “Tapos na po mamaya daw tayo babalik na 6pm”
“Ahh akala ko kasi ‘di pa tapos” Lumakad na kami papunta sa aming mga kwarto. Feel ko napakainit nang paligid kaya nagpasya akong maligo. Napakalagkit na ng aking mga balat dahil na rin siguro sa simoy nang hangin dito sa hall malapit lang kasi kami sa dagat, ‘yong singaw ng dagat kapag humangin parang nadikit na lang sa balat naiiwan. Si Kristen nakahiga lang sa taas ng deck. Pa chill-chill lang siya habang hawak ang kanyang mobile phone. Doon siya at ako ang sa baba. Nakipag unahan pa ‘yon sa’kin kanina. Napapatawa na lang ako minsan sa inaasal niya. Parang bata.