Nasa hall na ulit kami. Iba na ngayon ang ayos ng lugar may mga lights sa bawat paligid ng stage. Parang club. Ay teka 'di pa nga pala ako nakakapunta sa club. Ano ‘to may gaganapin yatang concert?
“Good evening guys” Kuya Mark said.
“’Yong mga nagugutom puwede nang kumuha nang inyong makakain at para masimulan na ang ating program this evening”
Biglang naging slow rock ang music sa paligid.
“Kain na tayo” aya ko kay Kristen.
“Mamaya pa ako busog pa naman ako kaninang meryenda natin” sabi niya na hindi nakatingin sa akin habang umiimik.
“Nagmeryenda ba tayo?” Nasapo ko na lang noo ko nang maalala ko na may meryenda nga pala.
“Gutom na kasi ako ulit eh. Paano mauna na ako sa’yo” sabi ko kay Kristen. Pero si Kriten ay ‘di pa rin nakatingin sa akin na parang hindi ako naririnig. Nang tingnan ko kung saan siya nakatingin. Sa mesa ng anim na lalaki nakatingin si Kristen. Kumakain na ang mga lalaki. Mukhang kaedad din namin ang nasa kabilang mesa. Napatingin ako sa lalaking nakita kong nakatingin sa akin.Teka sa akin? Napalingon ako sa likod ngunit wala naman ibang tao sa gawing likuran ko kaya tiningnan ko ulit ang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay ako ang tinitingnan niya. Do I know him? Kumoot ang aking noo. He looks familiar!
Hindi ko na inisip ‘yon. Uunahin ko pa ba ‘yon sa nagagalit na bulate sa t’yan ko? Syempre hindi. Nang hahakbang na ako patungo sa buffet table ay nasa tabi ko na si Kristen.
“O akala ko ba mamaya ka pa?” Untag ko sa kanya.
“Sabay na tayo.”
Hindi maiiwasan na hindi kami mapadaan sa anim na lalaki na nasa kabilang mesa dahil naroon sila sa malapit sa pwesto nang mga pagkain.
“Kris is that you?” tawag pansin nang isang lalaki na medyo may pagka chinito ang mata.
“Sabi ko na nga ba ikaw yan, Carl?” si Kristen.
“It’s been a long time Kris” nakalahad na kamay ni Carl. Iniabot ‘yon ni Kristen at nakipagkamay siya . Ang mga lalaki naman ay nakaupo lang hawak-hawak ang kani-kanilang mga kutsara at tinidor.
“And who is this beautiful lady?” si Carl na nakatingin sa akin habang hawak pa niya ang kamay ni Kristen.
“This is my friend Maan” pagpapakilala ni Kristen sa akin.
“I’m Carl, and these are my friends. Vince, Carlo, Kim, Henry and Tristan” pagpapakilala naman ni Carl sa mga kasama niya sa mesa. Isa-isa silang ngumiti sa‘min ni Kristen. “Nice to meet you all” sabi na lang namin ni Kristen at umalis na kami sa harapan nila para kumuha ng aming kakainin. Hindi ko alam kong ako'y namamali sapagkat ‘yong tinukoy na ang pangalan ay Henry ay ‘di inaalis ang tingin sa akin kanina pa man na nasa kabilang lamesa pa kami.
Kumakain na kami nang magsalita si Kristen.
“Popogi nila ano?”
“Saang banda?” Sabi ko
“Ay may malabo ka palang mata” si Kristen na nakasimangot.
Hindi ko na muli siyang sinagot. Totoo lang ako sa sarili ko. Saang banada ba sila pogi? Walang ibang pogi sa mata ko kundi si pinsan!
At nag-dim ang ilaw sa paligid. Napatingin kami sa stage sapagkat doon lamang sa pwesto na ‘yon may linawag. Spot light ba. May artista yata.
“Take your time to eat guys mag uumpisa na ating program. Bawat baranggay ay may dalawang representatives. Isa-isa kayong magpapakilala rito sa unahan at kung ang iba sa inyo ay may hidden talent pwedeng ipakita. Bawal ang mahiyain ha.” si Kuya Mark. Nagpalakpakan ang mga tao sa loob nang hall.
Nagbalik na muli ang ilaw pero hindi naman ganoon kaliwanag hindi katulad kanina. Nag karoon na rin nang mga ilaw na naka tapat sa dance floor. Naalala ko ‘nung aming JSprom. Ganito rin kasi ang paligid noon.
Nagsimula nang tumawag si Kuya Mark ng mga mag papakilala sa unahan. Mayroong kumanta, sumayaw, tumula, at kung ano-ano pang talent na naipakita. Ano 'to talent contest? Napapangiti na lang ako. Ganito pala ang pakiramdam nang nasa mataong lugar at sa gabing oras. Naeenjoy ko naman nagkakaroon ako ng kakilala. Naramdaman ko ang pag vibrate ng telepono ko sa bulsa. Si mama nangungumusta. Sabi ko naman okey lang ako at huwag mag-alala. Ginamit ko na rin ang oras na ‘yon para I text back si pinsan ng isang pangungumusta. Naghintay ako nang response pero wala akong natanggap. Kaya lalagay ko na sana sa bulsa ko muli ang mobile ko nang tumawag si pinsan.
”Hello Maan si tita Maddy ‘to” Boses sa kabilang linya.
“Hello Tita musta po kayo? Si pinsan po? “ bakit kinakabahan ako habang kausap ko ang aking Tita dati namn ‘di ako ganito minsan pa nga nakikitulog ako sa kanila. sa tanghali hindi sa gabi. Papagalitan ako ni Mama.
“Naku nawala ang mobile ‘nya. Sabihin ko nangumusta ka. Okey lang naman kami hija. Matatagalan pa kami dito sa bakasyon. O paano ingat ka nalng hija ibababa ko na itong tawag.”
“ahmm sige po Tita ingat po kayo” pinatay ko na ang mobile ko. Why I feel un ease? Dati-rati ko nang nakakausap si Tita bakit parang may hindi maganda akong nararamdaman? Ipinag-walang bahala ko na lang. Bakit ba ako mag-aalala kasama naman ni pinsan ang Mommy niya.
“Tayo na ang tinatawag” untag ni Kristen sa akin.
Tumayo na kami para lumapit sa stage. Ito ang isang katangian ko walang kakyeme-kyeme kong magsasalita ako sa harapan ng maraming tao dahil na rin sa ilan taon na rin akong Sk Kagawad at sa tuwing may mga speech. Speech talaga? Kapag mayroong mahahabang paliwanag sa akin nakatoka ang ganoon. At sa amin sa Highschool ay ganoon din kaya sanay na ako.
Nauna nang umakyat sa stage si Kristen.
“She and I are from Baranggay Lalo.” Turo ni Maan sa akin. Ako naman ay kumaway lang.
“I’m Kristine Reyes 17 years old. I love to dance.” Sabi ni Kristen. Isang masigabong palakpalakan ang iginawad ng mga nanonood kay Kristen. Kinig kong parang may sumipol pa nga at kung hindi ako nagkakamali ay ang grupo ni Carl ang may gawa ‘non. Natapos na si Kristen kaya ako naman ang umakyat sa stage para magpakilala.