Mag-isa na ulit ako dito sa tabing dagat umalis na ang mag-ate. Hindi naman ako interesado sa magandang dalaga na ‘yon may mabigat akong pakiramdam na hindi kasing ganda nang mukha niya ang ugali niya. Dahil nakita kong nakaismid siya habang nakikipagkamay sa'kin. Nakapa ko tuloy ang aking mukha dahil baka may marumi sa akin.. Hindi ko man lang nakitang ngumiti. Ang tanging iniisip ko lang ay si pinsan nangungulila na talaga ako kay pinsan.
“Mamaya kukulitin kong umuwi na kami ni mommy.” Sabi ko sa aking sarili.
“Mom” tawag ko sa aking mommy nang makapasok ako sa loob ng inukopa naming na hotel suite dito sa Balesin Island.
“O hijo and’yan ka na pala” si Mommy.
Napansin kong may kasama pala si Mommy dito sa loob. Napatangin ako sa kasama ni Mommy. Siguro ito na ‘yung amiga ni Mommy mabuti naman para makauwi na kami. Napangiti ako sa isipin na ‘yun.
“Halika hijo ipakikilala ko sa iyo ang aking amiga, classmates ko siya noong kami ay nasa elementarya pa, isa ko siyang malapit na kaibigan.” Sabi ni Mommy.
Kung titingnan ko ang amiga ni mommy ay mukhang mayaman siya. Sa damit niya at sa kanyang kolorete sa mukha ay masasabi mong mayroon siya sa kanyang buhay isama mo na rin ang mga nag-didilawang mga alahas sa kanyang leeg, braso at tainga.
Nang makalapit na kami sa may sofa ay napadako ang aking tingin sa taong kagagaling lamang sa kusina. Kung hindi ako nag kakamali ay si Fran at Jillian ang nakikita ko. Kita kong may malaking ngiti sa mukha ng batang si Jillian. At ang dalaga ay as usual ganoon pa rin ang mukha, saan ba kaya pinaglihi ang dalagang ito? Tanong ko sa sarili ko at kunway napangiti ako. Na wrong move ko dahil nakita ni mommy na ako’y bahagyang napangiti. At kung titingnan ko si mommy ay may mas malawak na ngiti siya sa labi niya kaysa sa akin.
Umupo na ang magkapatid sa kalapit nang amiga ni mommy at ipinatong sa mesa ang sa tingin ko'y kinuha nila galing sa kusina. Ganoon na lamang ang panlalaki nang mata ko nang makita ko kung ano ang nasa platito na kinatatakaman ng batang si Jillian. Ang leche flan in llanera na aking ipapasalubong kay pinsan na paborito niya. Nasapo ko na lamang ang aking noo.
“Amiga ito ang tinutukoy ko sa iyo ang nagiisa kong anak na lalaki.” Si mommy ay ngiting-ngiti na para bang may hindi magandang plano akong nararamdaman sa kaniya. Hindi maiialis ni mommy na pag-isipan ko siya na parang ibinubugaw niya ako dahil nangyari na ito noong isang taon sa aming baryo. Napatingin ako kay Mommy. Aktong minulatan ako ni mommy para iparating na… ngumiti ka! Ganoon ang dating!
“Hi po Arvin po” sabi ko na lang nang nakangiti at nakaharap kay tita Francine.
She said she wants me to call her Tita Francine.
Narito na ako sa kwarto ko. Dalawa ang kwarto na kinuha namin ni mommy. Iniwan ko na sila roon sa salas dahil hindi ako nagkamali ng hinala ibinubugaw ako ni mommy. Mamaya itatanong ko kung anak pa ba ako ni mommy o hindi na. Hanggang sa nakatulogan ko na ang pag-iisip.
“Arvin anak let’s go kakain tayo sa baba masarap daw ang pagkain dito. Nagugutom na 'ko anak” si mommy na may kasamang pag katok.
Dali-dali akong lumabas.
“Mommy ikaw ba yan?”
“Nananaginip ka ba anak?”
“Ako pa ba ito mommy? Anak 'nyo po ba ako?”
“Ano banag pinagsasabi mong bata ka?”
“Kasi mommy pinag-aalokan mo ako eh, napakabata ko pa at saka….” Nagpapadyak pa ako na parang bata para lang ipakita na nagtatampo ako kay mommy.
“Hindi naman kita pinag-aalokan anak, ipinakikilala lang kita sa kaibigan ko. Ipinagmamalaki ko lang na may anak akong lalaki at gwapo na katulad mo.” Si mommy na itinaas ng konti para itama nang maayos ang kanyang salamin sa mata gamit ang hintuturo.
“Syanga pala tumawag ako kay Maan kasi nag text nangungumusta. sabi ko naman ay ayos lang tayo at ‘di mo malaman kung nasaan ang cellphone mo.” pag-iiba ni mommy nang usapan.
Sabay na kaming naglakad ni mommy patungo sa elevator ng gusali. Tahimik naman si mommy way niya ‘yun pag tipong nahuhuli siya sa mga gawain niya. Way niya na ibaling sa ibang usapin ang sitwasyon. Napabuntong hininga na lamang ako at napalingon si mommy. Ako naman ay lalong nadagdagan ang pag ka mis kay pinsan. Pagkapasok namin ni mommy sa resto ay nahagip agad ng mga mata ko ang kanina lamang ay mga bisita ni mommy.
Kumaway agad si Tita Francine nang makita kami. Agad naman akong hinila at iginiya ni mommy palapit sa mag-iina.
“Kuya” bati at ngiti ni Jillian.
“Hello” ngiti ko naman.
Si Fran ay parang walang nakikita sa kanyang paligid at patuloy lang sa pagkain. Agad umupo si mommy karatig si Tita Francine at wala nang ibang available na pwesto kundi ang karatig ni Fran sa kanan. Hinila ko ang upuan para ako’y makaupo ‘di nakaligtas sa mga mata ko ang pagtaas nang isang kilay ni Fran. Oppps maldita nga. Apply na kaya akong sidekick ni Madam Auring?
Natapos ang dinner na panay si mommy at amiga niya lang ang nagsasalita. Si Jillian naman ay bumalik na sa kanilang hotel suite at ang sabi mamahinga daw dahil napagod sa paglalaro kanina sa tabing-dagat. Tatayo na sana ako nang magsalita si mommy.
“Hijo dito ka muna paki samahan mo lang muna si Fran may pupuntahan lang kaming madali ni Tita mo.”
“Sige ‘my” sabi ko na lang at umusod ako sa bandang kaliwa ko.
Maya-maya ay dumating ang waitress may dalang dessert na good for two. Agad kinuha ni Fran ang isa at nilantakan. Nang makasubo ng isang kutsara ng dessert ay kumuha ng tissue at ipinunas sa kanyang labi.
“Usod ka” sabi niya.
Sa pagkakantanda ko ay umusod ako kaninang inayos ko ang upo ko. Ano kaya ang ibig ipahiwatig niya sa salitang umusod ako. Nasa lamesang bilog kami at may limang upuan. Nasa kanan ko ay isang upuan na bakante, sa kanan niyon ay si Fran ang nakaupo. Umusod ako ng isang upo pakanan, Na ikinamali ko dahil….
“Doon ka umusod sa kaliwa mo, ano ba?” si Fran na galit ang mga titig.
Nasabi ko bang mganda ang kanyang mukha? Na binabawi ko na dahil nagkamali ako. Hindi pala siya maganda. Maganda lang siyang kutusan sa noo!! Sinunod ko naman ang kanyang utos. Hindi ko ipinahalata na ako’y napahiya. Sa lakas ng boses niya ay tiyak marami ang nakarinig ng pagsusungit niya. At hindi nga ako nagkamali. May ilan na kalapit namin na nakatingin sa aming pwesto. Ginawa ko kinain ko na lang ang nakain na dessert pang paalis ng bad ambiance ba at baka mapitik ko ito!