“My mother wants me to be your girlfriend! At sasabihin ko na sa iyo I don’t like that idea, I have my reasons kung bakit aayaw ko una may boyfriend ako na 'di hamak na mas gwapo sa iyo!” Na ikinangiti ko. “Bakit ka nakangiti?” umiling lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. “pangalawa alam ko may girlfriend ka. Pangatlo you’re not my type”. “You’re not my type either” sabi ko naman. “Good mabuti naman! Let’s help each other para matigil ang kabaliwang ito ng mga mother natin” sabay labas ng kanyang kamay and offer a shake hands and I accept it! Kung hindi niya ako gusto then be it. Hindi ko rin din naman siya gusto. Hindi ko ipagpapalit ang mahal kong pinsan sa malditang katulad niya! Pagkatapos naming mag shake hands ay umalis na lang ang dalaga ng walang paalam.
Samantala sa lugar ni Maan.
Second day ng seminar sa nasabing hall at maraming pinagawang activities si kuya Mark. May mga groupings tungkol sa mga activity na hindi puwedeng individual ang makakagawa kagaya nang pagsasalba kung sakaling mayroon sunog sa isang lugar. Ilang lang yan sa mga halimbawa nang ginawa namin at may kasama pang in actment. Pagkatapos ‘non ay ngkaroon naman ng mga palaro marami din na groupings at solohan na laro. Sumali lang ako sa larong pera o bayong kasi hinigit na lang ako ni Kristen sa isang tabi. Ayaw ko sanang makijoin kasi nakakapagod na. Mas gusto ko na lang na manood at makitawa sa mga kabataan. Hanggang sa dadalawang tao na lang ang natitira naubos na ang mga kasali sa laro. Napalingon ako sa natitirang kalaban at namukhaang kong si Henry ang kalaban ko. Pag lingon ko ay saktong kindat nang isang mata niya sa akin na ikinagulat ko.
“Ang tanong” wika ni kuya Mark na nakatingin sa kanyang kodigo. Maiingay ang paligid they cheer us! “Ika-ilang pangulo ng bansa natin si Manuel L. Quezon? A. una B. pangalawa C. pangatlo at D. pang-apat.. On my cue, Go” Sapagkat hindi ko naman kabisa kung ikailan nga si pangulong Quezon ay pumuwesto ako sa letrang C. Si Henry naman ay nasa letrang B. Sa aking kaliwa. Sigawan ang mga taong nakiki-usyo sa palaro. Maraming tao ang ipinagsisigawan na panalo na raw si Henry. Sa akin naman ay ayos lang. Mabuti ‘yun para makapahinga na din ako sa upuan..
“May mga nais ba kayong sabihin sa isa’t-isa bago ko sabihin kung sino ang nanalo?Kuya Mark said.
Napanganga ako kung bakit may paganay-on pang nalalaman ano? Kita kong dinala ni Kuya Mark ang mikropono kay Henry at ang mokong naman ay tinanggap.
“Hi Maan” wow ha matinandain pala ito natandaan ang pangalan ko?
“Alam ko hindi mo ako nakikilala dahil matagal na ng huli tayong nagkita nasa grade school pa tayo ‘non,” ako naman ay natamang nakikinig lang. kasi ang totoo ay parang namumukhaan ko nga siya pero hindi ko talaga matandaan kung saan ko siya nakita.
“Ako ‘yong batang tinulungan mo noon sa mga bully nating classmates” pagpapatuloy ni Henry.
”Ha?” sabi ko na lang. “ahh” sabi ko pa.
“Pwede ba kitang makausap mamaya’ sabi pa niya.
Dahil naka mikropono pa rin si Henry ay tukso ang inabot naming dalawa. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. At iniabot niya sa akin ang mikropono at sinabi ko naman na wala akong sasabihin. At ayon na nga hindi ako nanalo sa laro dahil mali ako nang sagot.
Narito kami ngayon ni Henry sa isang mesa nakaupo kami sa upuan. Malayo kami sa karamihan ng mga tao . Dahil patuloy pa rin sila sa paglalaro marami yatang baon na palaro si kuya Mark.
“Sino ka kamo?” panimula ko sa usapan namin ni Henry dahil ilang minuto na kaming nakaupo ay wala pa rin siyang sinasabi at ang ginagawa niya lang ay tumingin sa aking mukha na iki-naiilang ko.
“Napakaganda mo pa rin.”
“ha?” sagot ko naman may tililing yata ito ang tanong ko kung sino siya ang sagot maganda ako?
“I’m Henry Hernaez. Classmates tayo noong grade two pa tayo sa WES West Elementary School.” May dinukot siyang isang panyolito sa bulsa niya at ipinakita sa akin. Isang medyo luma nang panyo na may nakaprint na Winnie the Pooh. “eto natatandaan mo?” Umiling lang ako. “Ang natatandaan ko lang marami akong classmates noon na umaalis sa school nagpapalipat sila sa ibang eskwelahan.” Sabi ko.
“Isa ako doon sa mga estudyanteng ‘yon.”
“ahhh” sabi ko.
“Sabi mo iniligtas kita sa bully? Sa pagkakatanda ko marami akong nailigtas sa mga bully noon pero lahat sila ay babae. Dati ka bang babae?” tanong kong may ngisi sa aking mga labi. Kita kong napangiti naman si Henry.
“That’s the reason why they bullied me. Nang dahil sa mahaba kong buhok kaya binubully nila ako. Sinsabihan nila akong bakla.” Sabi ni Henry na ‘di inaalis ang mga tingin sa aking mata.
Ako naman ay nagkibit lang nang kanang balikat sa narinig sa kanya. Kung ako nga inakala na babae siya ‘yung mga bully pa kaya? Hindi ko naman inalam ang gender niya masyado pa akong bata para maisip ‘yon.
“Ano naman ang tungkol sa panyo?” tanong ko.
“Ang panyong ito ang tanging ala-ala ko sa iyo. Ang panyong ito ang saksi sa una kong pag-ibig.” Napanganga na lang ako sa mga sinasabi nitong mokong na ito.
“Totoo ‘yon paniwalaan mo sana ako Maan, ikaw ang una kong pag-ibig crush na kita noon pang unang araw ko sa eskwelahan at lalong gusto na kita noong ipinagtanggol mo ako sa mga kaeskwela natin. Kaya lang inilipat ako ni mommy ng school dahil nakitaan niya ako ng maraming pasa at mayroon pang isang sugat sa siko.’ Mahabang paliwanag ni Henry.
“Pasensya na hindi ko alam ang isasagot ko sa iyo. Naalala ko na kung sino ka. Awang-awa ako sa iyo 'nong makita kong may sugat ka sa siko kaya binalot ko kaagagd ng panyo. Pasensya ka na talaga kung hindi agad kita nakilala” sabi ko sa kanya.
“Ayos lang ang mahalaga naaalala mo na ako” si Henry.
Pagkuwan ay tiningnan ko ang aking mobile phone sa loob ng aking beltbag. I need to find a away para maiwasan si Henry hindi na ako mapakali sa 'king kinatatayuan dahil sa buong pag-uusap namin ay hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin. Bigla naalala ko ang mobile phone.
“May tawag ako, sagutin ko lang ha?” sabi ko kay Henry sabay tayo at layo sa kanya papunta sa aming kwarto ni Kristen. Wala naman akong tawag na natanggap kailangan ko lang lumayo. Hindi ko na kasi nagugustuhan ang tinatakbo nang usapan namin.