girl thing

667 Words
Henry’s point of view Unang araw ko pa lamang dito sa Unisan, Quezon ay nakilala at namukhaan ko na si Maan nang bahagyang mapatingin ako sa taong nalabas ng sasakyan. Sobrang saya ko nang sa wakas ay makakausap ko na siyang muli pero naghinatay pa ako nang panahon kasi baka mabigla siya at tama nga ang hinala ko ‘di niya ako natatandaan, Sabagay napaka bata pa namin nang mga panahong magkaklase kami sa WES (West Elementary School). Tinutukso na ako ng mga kaibigan ko dahil hindi ko maalis ang tingin ko kay Maan. First crush ko si Maan at first love na rin. Kahit bata pa lang ako ay alam kong mahal ko na siya. Sobra akong na-amaze sa kanya noong ipagtanggol niya ako sa mga bully. Kinailangan ko talagang gumawa ng paraan makausap ko lang siya. Kinutsaba ko si Kuya Mark tungkol sa mga tanong kaya kahit cheating ay ok lang basta makausap ko siya. Nagkataon naman na kaming dalawa lang ang natira sa paligsahan. Hiling ko lng naman kay Kuya Mark na sana ay ma-isa publiko ko ang nais na pagkausap kay Maan. Kaisa-isa kong pangarap na makasama ko ang aking mahal sa aking pagtanda. Pero para naman iniiwasan niya ako bigla nang sabihin ko sa kanya na may gusto ako sa kanya. Alam kong may pagka boyish siya bagay na nagustuhan ko rin sa kanya. Hindi ko rin iniisip na boyfriend niya ang tumatawag sa kanya. “sino kaya ang tumawag sa kanya?” Tanong ko sa sarili ko. Nagangawit na ako kakahintay ka Maan pero parang hindi na yata siya darating. Kaya naglakad ako patungo sa girl’s side gusto kong malaman kung ano nang nangyari bakit hindi na siya nakabalik. Agad ko naming Nakita ang name tag ni Maan sa pintuan ng isang kwarto. Kakatok pa lamang ako nang may magbukas na ng pintuan. “Hi is Maan inside?” tanong ko sa babaeng nagbukas ng pinto. “Oo kuya natutulog” sabay talikod n anito. Nakatulog na pala siya siguro hindi na talaga siya babalik. May kaunting sakit akong naramdaman. Pero okey lang ganoon siguro talaga kapag hindi pa kami close. Maan’ pov Bandang hapon na nang makarating kami sa aming barangay. Nang makaalis kami kanina ay patago akong pumasok sa Van na okupa namin dahil nakita kong papalapit si Henry sa kinaroroonan ko, ewan ko lang kung nahalata niya na iniiwasan ko siya. Hindi naman sa ayaw kong makipag kaibigan and sabi naman niya ay friend niya ako pero ayaw ko lang na may lalaking hindi ko pa naman lubos na kilala ang lalapit sa akin. Boyish lang ako pero babae pa rin ako, malay ko ba kung ginogoyo n’ya lang ako. Naku ha wag ako. Kakakita niya lang sakin sasabihin niya na gusto niya ako.. Naku wala siyang kadating dating sa akin. I love my cousin no? Hanggang sa nakatulogan ko na ang pag-iisip nang kung ano-ano.Di ko na Nakita si Kristen sa tabi ko .Pagkababang-pagkababa ko nang van ay dali-dali akong nagtungo sa bahay ni pinsan. Nag-aalala ako dahil dead bat na ako. Una kong madadaanan ang bahay niya sa bahay namin. Nang makasalubong ko si cherry ang kapatid ni Arvin. “Ate san ka galling dami mong dala?” si Cherry “Sa kabilang bayan, Kuya mo nandiyan na ba?” agad kong tanong “Wala pa sila ni Mommy ang sabi next week pa raw” si Cherry na umakmang aalis na dahil kita kong kinakawayan niya ang isang bababe sa may kanto. Nagsenyas na lang ako na "ok you can go" Hindi na lang ako nagtanong pa ulit. Nakakalungkot naman mis na mis ko na si pinsan ko. Hanggang sa nakarating na ako sa bahay namin. Papalapit na ako sa aming pintuan nang mapansin ko na parang nagtatalo sina Mama at Papa at pati na rin si Kuya? “Hindi ba puwedeng ibigay na lang nila sa atin si bunso?” Boses ni Kuya Kent . Anong ibigay, bakit ibibigay anong ibig sabihin ni Kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD