bc

The Mayor's sinful Desire [Tagalog]

book_age18+
316
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
forced
manipulative
confident
boss
cheating
love at the first sight
affair
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Dala ng matinding panga-ngailangan at pagbabantang kaniyang nakuha mula sa isang makapangyarihang tao ay walang nagawa si Clementine kung hindi ang kumapit sa patilim.

Binunggo at siniraan niya ang mayor ng kanilang lugar upang pumangit ang imahe nito sa mata ng publiko. Akala ni Clementine ay magtatagumpay na siya at lilipas ang lahat ng walang problemang nangyayari pero ganoon na lang ang gulat niya ng sa isang iglap. Sa mga kamay na ng mayor na ito siya bumagsak.

Umiiyak at takot na takot habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa matatalim at malalamig nitong mga mata na hindi maalis-alis ang titig sa kaniya.

"I can use you in any way that I want."

Mas tumalim ang pagkakatitig sa kaniya ng mga mata nito bago tahimik na lumapit at huminto sa kaniya harapan.

"First, I could use your corpse to my farm."

Yumuko ang lalako at sinalo ang kaniyang panga upang pilit siya nitong patingalain.

"Second, I could use your dead body as a warning for those who will try to fight against me or..."

Biglang sumibol ang tipid na ngisi sa manipis nitong labi.

"You could be my slave and serve me in any way I want."

Kung ano man sa tatlong iyon ang pagpipilian niya? Sigurado si Clementine na wala na siyang kawala sa lalaking ito.

She will be forever trap with the mayor's sinful desire.

[TagalogEroticstory2023]

chap-preview
Free preview
Chapter 1 : "There was a deity amongst the humans" [Clementine's Pov]
Madilim na ang paligid at nagsisimula ng lumamig ang ihip ng hangin, tanging ang mga ilaw na nanggagaling sa stage at iilang sulok ng buong field ang tumatanglaw sa napakaraming tao na nagsidalo sa pa-event ng kasalukuyang congressman dito sa aming lugar. Malapit na kasi itong bumaba sa pwesto niya at naiisipan na tumakbo bilang mayor dito sa aming lugar kaya heto at nagtipon siya ng mga tao para ipakalat ang plataporma at maari niyang gawin dito sa aming bayan kung sakaling siya ay papalarin na manalo. Ito ang unang beses ko na pumunta sa mga ganitong klase ng event at hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba habang hinihintay kung ano ang mga susunod na mangyayari. Ang totoo nga niyan hindi dapat ako pupunta ngayon dito kasi gabing-gabi na at napakaraming tao pero dahil sabi nila na magkakaroon daw ng pamigay si congressman ay na-engganyo na rin akong pumunta kasama ng mga kaibigan ko. Aba't sino ba ang mahirap na hindi ma-eengganyong pumunta kung sa pagpasok mo pa lang ay makatatanggap ka na ng reward na 500 pesos. Oo, lahat ng pumapasok dito binibigyan nun'g mga gwardiya ng 500 pesos kaya tumuloy na ako. Balak ko pa nga sanang umulit-ulit kaya lang nahuli na ako at tinulak papunta rito sa pinaka gitna. Dito ba sa parte kung saan hindi ako makakalabas at makakapasok ulit para makakuha ng 500 pesos. Sayang din ito, pwede ko rin itong itabi para may pang birthday ako sa susunod na linggo. Malapit-lapit na rin kasi ang kaarawan ko at balak ko sanang sopresahin yun'g mga kapatid kong ilang buwan ko ng hindi nakikita. Ayaw kasi silang ipakita sa akin ng mga magulang namin dahil baka raw mahawahan ko ng kapalpakan at kamalasan sa buhay ang mga ito. Hindi naman ako ganoong kamalas at mas lalong hindi rin ako palpak! Sadyang may galit lang sa akin ang mundo upang pahirapan at ipahiya ako ng todo-todo. Hindi ko naman siya masisi dahil nakakainggit itong kagandahan ko. Baka naiinggit talaga ang kapalaran kaya naisipan nitong ibuhos lahat ng kamalasan at paghihirap sa pagmumukha ko habang ako'y sarap na sarap sa pagtulog. Sorry na lang siya kasi hindi ako mabilis na mapasuko. Magka-iyakan na sa gutom at paghihirap, pero hindi ko isusuko itong buhay ko! Minsan lang magkaroon ng ganito kagandang nilalang sa mundo kaya dapat sinusulit ko ang buhay ko. Malas man o hindi! Habang nililibot ko ang nanunuyo kong mga mata sa paligid ay hindi ko maiwasang mapahikab. Ni hindi ko inabala ang sarili na takpan ang aking bibig dahilan upang tignan ako ng masama ng babaeng katabi ko. Nag toothbrush ako kaya dapat ay magpasalamat siya. Malaking delubyo ang kahaharapin niya kung hindi ko naisipan na pasadahan ng toothpaste ang bibig ko. "Ang tagal naman yata nila?" Tanong ko kay Grace na nasa aking tabi at abalang-abala sa pakikibalita sa kabilang kampo gamit ang kaniyang cellphone. Bawal ang cellphone dito, muntik ng makuha yun'g sa akin kanina buti na lang talaga at may bra ako kaya doon ko ito naitago. Hindi ko lang sinasabi sa kaibigan ko na bawal para makuha yun'g cellphone niya. Wala kasi itong bra kaya sure ako na makukuha ng mga gwardiya iyang cellphone niyang ginagamit pa namin noon na pamato tuwing magpipiko kami. "Be 'wag ka ng magreklamo. Binigyan ka na ng 500 pesos kaya tikom mo na lang bibig mo," Naiiritang ani sa akin ni Grace na ikina-ismid ko. May kaanghangan din ang bibig ng best friend kong ito. Bagay siyang makipagtalakan sa mga gwardiya kaya pasimple kong tinawag yun'g guard na malapit sa amin. Malaki ang katawan ni kuya at matangkad din ito, sin'g kinis ng bolang crystal ang ulo niya at nagliliwanag 'yon dahil natatamaan ito ng ilaw na nanggaling sa stage. Ang cute niyang tignan, kulang na lang ay ibitin siya sa itaas para magmukha na siyang disco ball. Pwede rin naman na 'yon ang trabaho niya para naman maaliw-aliw ang mga tao rito sa pa-event nila. Sinisitsitan ko na siya ng paulit-ulit at marami-rami na rin ang laway na lumalabas sa aking labi dahil doon pero hindi pa rin ako nito naririnig. Bingi yata si kuya? Luminga-linga ito sa paligid na tila may pinagmamasdan, ganoon din naman ang ginagawa ng iba pang mga kasamahan niya pero wala naman'g kakaiba doon kasi trabaho naman talaga 'yon ng mga gwardiya diba? "Psst kuya!" Impit kong tawag sa lalaki pero hindi pa rin ako nito narinig. Akmang sisitsitan ko ulit ito ng biglang lumakas ang musika na tumutugtog sa entablado. Napuno ng nakakabinging hiyawan ang paligid bago nag-iba ang kulay na nagfla-flash sa buong field. Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil ang sakit niyon sa mata. Ano'ng nangyayari may artista ba?! Inis kong tinuon ang aking pansin sa entablado at napalaki ang aking mga mata ng makita ang pagpanik ng mga kandidato na nasa grupo ni congressman. Pati si Grace na abalang-abala sa pagcecellphone ay napatigil at saglit na napatingin sa stage bago nagtatalon at nagsisigaw na parang nakasalalay dito ang buhay niya. Ano'ng problema ng mga tao rito? Kumunot ang aking noo dahil wala pa rin akong ideya sa kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Upang hindi ma-out of place ay nagsimula na rin akong pumalakpak kahit na hindi ko naman alam kung ano'ng nangyayari. Basta gagayahin ko na lang kung ano ang ginagawa nila. "Mga kababayan pasensya na kung pinaghintay namin kayo pero magsisimula na tayo. Alam kong marami sainyo ang nanggaling pa sa malalayong lugar kaya bibilisan na natin ito!" Masayang sigaw ni kapitan sa mikroponong hawak niya. Bahagya pa nga'ng tumaas ang dulo ng labi ko kasi kahawig na kahawig ng boses ni kapitan yung speaker doon sa bingohan sa may perya. "Ngayon ay nandito tayo para pakinggan ang mga plataporma at nais iparating ng grupo ng ating minamahal na congressman. Syempre para malaman natin kung sino ang pipiliin natin sa susunod na botohan at hindi masayang ang pagkakataon na binigay sa atin upang maghalal ng taong karapat dapat para sa bawat posisyon na kailangan punan," Napatango-tango ako. Habang mas lalo naman'g lumakas ang mga sigaw at palakpak na nanggagaling sa mga taong nandito sa field. Hindi ko maiwang mapangiwi dahil sa ingay at gulo ng aking paligid. Ganito ba talaga ang nangyayari sa mga ganitong klase ng event? Or sadyang bet lang ng mga tao yun'g mga kakandidato sa partido ni Congressman? Balita ko nga ay malakas daw si Congressman dahil subok at kilala na ito ng nga tao, ayon pa nga sa mga chismiss meroon daw nagsasabi na bukod sa napakaraming kayamanan na pagmamay-ari ng pamilya ni congressman ay napakarami rin nitong koneksyon at tauhan na nakakalat sa paligid. Hindi ko alam. Baka itong katabi ko pala ay nagtra-trabaho sa kaniya at nandito lang para tignan kung gusto ba talaga ng tao na umattend dito sa pa-event niya. Baka bawiin nila sa akin yun'g 500 pag nakitang hindi naman talaga ako interisado sa lahat ng 'to kaya kahit na inaantok ako at wala sa mood na magsisigaw ay ginaya ko na lang ang mga taong nasa paligid ko. "Magsisimula tayo sa ating butihing mga konsehal!" Anunsyo ulit ni kapitan. Pagkatapos niyon ay isa-isa niyang tinawag ang mga kapartida ni cong. na nandito ngayon upang hingkayatin ang mga tao na iboto sila. Dahil nga ito ang unang beses ko sa mga ganitong klase ng bagay ay wala akong nakilala. Wala nga'ng tiga sa amin kaya mas lalo lang akong nayamot at nakaramdam ng antok. Dapat pala nun'g tinanggap ko yun'g 500 lumabas na ako at nagtatakbo pauwi sa bahay ni Grace. Muli akong naghikab bago ko tinapunan ng tingin si Grace na sayang-saya na sa panonood sa mga taong naka tuntong sa stage. Ang hilig talaga niya sa mga ganitong klase ng bagay. Hindi pa naman siya botante. Nang tinawag ni kapitan yung chinito at poging lalaki na tumatakbong konsehal ay mabilis pa sa hangin na tumayo si Grace at nagsisigaw. Nakakahiya dahil naagaw niya ang pansin ng halos lahat ng tao rito sa venue kaya napatingin silang lahat sa gawi namin. Ayts iba talag pag makapal mukha ng kaibigan no? Yun'g iba inirapan si Grace habang yun'g iba naman ay naiiling lang napatitig sa kaniya. Napatawa naman si chinitong konsehal bago nagpasalamat sa kaibigan kong muntik ng mawalan ng malay dahil sa sobrang kilig. Ang landi talaga. Kunwari pa na makikinig sa mga kumakandidato pero crush lang naman niya ang habol niya. Inis kong inirapan si Grace at akmang ipapaalala ko na sana sa kaniya na nasa tabi-tabi ang nanay niya at taimtim na nagmamasid sa kagagahan niya ng bigla akong makatanggap dito ng sunod-sunod at kinikilig na hampas sa braso. Muntik pang dumaplis yun'g isa at mapunta sa mukha ko kaya bago pa mangyari 'yon ay umiwas na ako sa pamamagitan ng pagyuko, dahilan upang tamaan yun'g panot na lalaki na nasa aming likoran. "Ay sorry!" Natatawang paghingi ni Grace ng paumanhin. Inismiran siya ng lalaki habang ako naman ay palihim na tumatawa dahil sa ginawa ng kaibigan ko. Deserve! Dahil sa kalandian mapapahamak siya. Hindi rin nagtagal at natapos na ang mga konsehal, nasundan iyon ng mga matataas na kandidato hanggang sa mas umingay ang paligid. Meroon silang isang pangalan na paulit-ulit sinisigaw at kilalang-kilala ko kung sino 'yon. Kilalang-kilala ng lahat kung sino siya... "Oh mga kaibigan 'wag na natin'g patagalin pa ito. Halina at pakinggan ang susunod na mayor ng ating bayan Congressman Alexion Miros Silvestre!" Kung kanina naka full volume ang speaker, ngayon naman kulang na lang ay sumabog ito dahil sa sobrang lakas. Miski ang boses ng mga taong nasa aking paligid at tumindi hanggang sa wala na akong ibang naririnig kung hindi ang pagtunog ng nakakabinging musika sa aking tenga. Biglang kumirot ang aking sentido at bahagyang naalis ang pansin ko sa entablado kung saan sumampa ang isang lalaki na kasing tangkad ng pinto namin sa bahay. "Good evening everyone!" Ani ng baritono ngunit napakalamig na boses ng isang lalaki. Namilog ang aking mga mata at tumaas ang lahat ng balahibo sa aking katawan dahil sa lamig na dulot niyon. Ngayon pa lang ako nakarinig ng ganito kagandang boses at kahit na sumasakit ang aking ulo dahil sa ingay na namamayani sa paligid, hindi ko na napigilan ang aking sarili na mag-angat ng tingin upang tapunan ng tingin ang lalaking nagmamay-ari sa malalim ngunit napakalamig na boses na 'yon. "I'm very pleased to see all of you here tonight," Dagdag pa ng lalaki habang nakatuon ang tingin ng kulay itim nitong mga mata sa mga taong nasa harapan niya. Wala sa sarili akong napasinghap at napasapo sa aking dibdib ng matapos niyang pasadahan ng tingin ang mga taong nasa paligid niya at sinisigaw ang elegante at nagmamalaki niyang pangalan ay nagtama ang aming mga tingin. Mas lalong dumilim ang kulay ng mga mata ng lalaki at bahagyang tumalim ang pagkakatingin niyon sa akin bago kumawala sa may kakapalan niyang labi ang ngiti na nagpanginig sa aking mga tuhod. Shit, bakit may anghel na naligaw dito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook