Chapter 2 : "The tyrant catches a bird" [Clementine's POV]

1978 Words
Nagtatalunan ang mga tao sa saya. Lahat ay sinisigaw ang pangalan niya ngunit ako lang ang nanatiling nakatayo, tulala habang pinagmamasdan kung paanong ang kulay itim niyang mga mata ay mariing tinitigan ang naluluha kong mga mata. Nagkalayo kami at maraming tao sa paligid namin ngunit pakiramdam ko ay parang kami lang ang tao rito. Pakiramdam ko ay hinahalungkat niya ang buo kong pagkatao sa pamamagitan ng nang-iintimida niyang mga titig. Hindi ko maiwasan ang kilabutan at manginig sa takot ng mapansin ko ang pagsenyas ng kaniyang kamay. Para 'yon sa gwardiya na nasa aking tabi kaya mas lalo akong kinain ng takot at kaba. Tumaas ang dulo ng kaniyang labi bago siya muling nagpatuloy sa pagsasalita. Puno ng katamisan ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig at naging dahilan 'yon upang mas lalong isigaw ng mga tao ang pangalan niya. "Congressman!" "Alexion!" Nakakabingi, wala na akong ibang marinig kung hindi ang pangalan niya at sa hindi ko malamang dahilan ay parang sinasakal ako niyon. Kailangan ko ng umalis. Ayoko na rito. Impit kong iyak sa aking sarili ng pagkatapos niyang suriin ang mga tao ay muling natuon ang matatalim niyang tingin sa akin. Ang sabi nila mabait siya. Handa siyang tumulong sa mga nangangailangan at maganda ang layunin niya sa pagtakbo bilang mayor ng amin'g bayan. Lahat ay tiwala sa kaniya at minamahal siya ng mga tao pero hindi makakalagpas sa aking pandinig ang masasama at puno ng takot na mga salitang lumalabas sa mga taong sumubok na banggain siya. "Maraming tauhan 'yan na nagkalat dito kaya mahirap banggain," "Naku ang sabi nila marami na raw naipapatay 'yan," "Sobrang yaman ng mga Silvestre, balita ko nga may binili itong babae sa isang bayan," Malakas akong napasinghap ng sa kalagitnaan ng aking pagtulala ay naramdaman ko ang pagpalupot ng matigas at puno ng kalyong mga kamay sa payat kong braso. Agad akong napatingin sa taong nagmamay-ari ng kamay at hindi ko na naiwasan ang mapa-ingit ng makitang ito yun'g kalbong gwardiya na nasa tabi ko kanina. "S-Sir?" Nanginginig ang boses kong tawag sa kaniya. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa braso ko pero mas malakas ito. Lumapit siya sa akin at dumukwang upang maitapat ang binig sa gilid ng aking tenga. "Pwede ka ba munang sumama sa amin?" Hindi iyon tanong, dahil utos 'yon. Hindi rin siya nag-iisa dahil ng tumingin ako sa likoran ay agad kong nakita ang isa pang lalaki na meroong malaking katawan at naka suot din ng uniporme na katulad ng sa mga gwardiya ni Congressman. "Be ano'ng nangyayari?" Nagtatakang tanong ni Grace ng mapansin nito ang lalaking nasa amin'g tabi. Kailangan kong makaalis dito. "Gra-" "Miss meroon kasing papremyo si Congressman. Napili itong kaibigan mo kaya kailangan lang niyang kunin 'yung prize niya," Palusot ni kuyang kalbo na nakahawak sa aking braso. Muli itong ngumisi sa amin at napangiwi na lang ako makita ang kulang-kulang at naninilaw niyang mga ngipin. "Grace hi-aray!" Nawalan na ako ng pagkakataon para ituloy ang susunod kong sasabihin dahil hinigpitan ng lalaki ang pagkakahawak niya sa aking braso. Sinubukan kong mustrahan si Grace upang ipaalam sa kaniya na hindi ko gusto ito ngunit dahil sadyang may pagka tanga ang kaibigan ko ay napangiti pa ito bago sunod-sunod na napatango. "Wow ang swerte mo be!" Masayang pa niyang sigaw sabay hampas sa akin. Napaikot na lang ang aking mga mata dahil sa sobrang inis. Alam kong tanga ang kaibigan ko pero hindi ko naman alam na aabot sa ganito ang katangahan niya. Napasapok ako sa aking noo. "Halika na," Madiing utos sa akin ng kalbong lalaki. Hindi na nga ako nagkaroon ng pagkakataon para makapagsalita dahil hinatak na ako nito palapit sa kaniya. "Huwag kang maingay kung ayaw mong mapahamak 'yang kaibigan mo," Kahit na tatanga-tanga si Grace at hindi maasahan ay tinikom ko pa rin ang aking bibig. Kaibigan ko pa rin ito at siya ang dahilan kung bakit ako may natitirhan ngayon. Labag man sa aking loob at natatakot sa kung ano ang pwedeng gawin sa akin ng mga tauhan ni Congressman ay wala na akong na gawa kung hindi ang sumama na lang sa kanila. Malungkot akong napatingin sa mga taong nasa paligid namin. Lahat sila abalang-abala sa kasisigaw sa pangalan ni Alexion, wala man lang nakapansin sa nanginginig at takot na takot kong pigura na hinihila palayo sa karamihan. "Behave miss," Natatawang bulong ng isang lalaki sa aking tenga ng makarating kami sa parte nitong hall kung saan wala masyadong tao. Mahigpit nila akong hinawakan sa aking mga braso at hindi ko na napigilan ang paglabas ng impit na angil dahil sa sakit na dulot niyon. Wala akong ginawang masama. Hindi ko naalala na naging sakit ako sa ulo ni Congressman! Pero inaamin ko na isa ako sa mga naging scholar niya noon. Bata pa ako noon at gustong-gusto kong makapagtapos, kaya nilapit ako nila mama sa kaniya. Hindi ko pa siya nakikita noon ngunit binigyan na niya ako agad ng scholarship. Nakapag-aral naman ako ngunit hindi nakapagtapos dahil sa katamaran, inaamin ko rin na bukod doon ay may kahinaan din ang utak ko kaya... Na sayang lang yun'g pagkakataon na binigay nila sa akin. Ito ba ang dahilan kaya pinahihila niya ako sa mga tauhan niya? Bago kami tuluyang makapasok sa madilim na pasilyo ay muli akong lumingon para sulyapan yun'g ta-tanga tanga kong kaibigan. Kung makakalabas man ako ng buhay dito sisiguraduhin ko na makakatikim siya sa akin ng mag-asawang sampal at tadyak. Nakakainit ng ulo lalo na ng makita ko kung paano siya sumampa sa stage para lang kamayan yun'g crush niyang hindi naman interisado sa kaniya. "Gaga talaga," Mahina kong bulong sa aking sarili ng makita ko kung paano niya pudpurin ng halik ang kamay ni kuyang chinito. Inis akong napaismid, sa sobrang inis ay hindi ko namalayan na natapakan ko na pala yun'g paa ng lalaking nakahawak sa braso ko. "Put-" Agad kong pinanlakihan ng mata si kuya. "Huwag kang maingay kuya. Sige ka malalaman nila na kinikidnap niyo ako," Nakangisi kong pananakot sa kaniya. Dahil sa takot na baka mapatingin sa amin yun'g nga nasa malapit ay wala siyang nagawa kung hindi ang lumunok ng hangin habang gigil na gigil na nakatitig sa akin. Oh hindi ko kasalanan na paharang-harang ang paa niya. Inis akong hinila-hila ni kuya na para akong isang manika. Pumasok kami sa madilim na hallway kasama ang mga tropa niya hanggang sa hindi ko na marinig ang mga tao at mapunta kami sa harapan ng isang napakalaking bahay. Sa harap ng bahay ay nakapalibot ang mga lalaking armado, may kani-kaniya silang pwesto. tuwid ang mga tindig at nakatuon ang buong atensyon sa paligid nila. Meroon bang importanteng taosa loob ng mansion na 'yan? Baka may artista sa loob? Hindi man lang ako nakapagdala ng ballpen atsaka papel, paano ako makakapag pa pirma niyan?! "Pinadadala ni boss sa loob," Singhal ni kuyang kalbo sa isa sa mga gwardiya na naka bantay sa malaking pinto nitong mansyon. Natuon sa akin ang tingin ng gwardiya, pinaningkitan niya ako ng tingin kaya ganoon din ang ginawa ko. Nagtaas siya ng kilay kaya ginaya ko rin. "Baliw ba 'yan?" Nagtatakang tanong ng gwardiya sa lalaking nakahawak sa akin. Inismiran ko silang dalawa. "Hoy hindi ko tinatanong kung bakit sin'g kinis ng pakwan 'yang ulo mo ah!" Singhal ko sa kalbong nakahawak sa akin ng akmang ibubuka na niya ang kaniyang bibig para sagotin yun'g tanong ng tropa niya. "Aba-" "Shut up!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Natahimik naman ang mga ito at napatikom ang mga bibig. "Dalhin niyo na ako sa boss niyo ng matapos na ang dapat taposin!" Madiing utos ko sa kanila. Naguguluhan man sa nangyayari at hindi makapaniwala sa aking inaasta ay sumunod pa rin naman ang dalawa. Pinapasok ako ng gwardiya habang si kuyang kalbo ay kinaladkad naman ako papasok. Hindi naman ako nagreklamo kasi makinis naman ang sahig nitong bahay. Manghang-mangha nga ako ng makita na sobrang ganda ng loob nito at puro mamahaling gamit. Kung meroon man talaga akong prize na nakuha, sana naman ito na lang yun'g ibigay nila. "Saan tayo pupunta?" Inosente kong tanong sa humihilahod sa akin ng malagpasan namin yun'g mahabang hagdan na papunta sa second floor. "Manahimik ka!" Tumahimik na lang ako. Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa kusina, akala ko ay kakain kami rito kaya nagning-ning agad ang aking mga mata ngunit na dismaya ako ng pati ang kusina ay malagpasan namin. Baka dalawa ang kusina rito? Doon kami kakain sa may maraming pagkain? "Ah hindi ba tayo kakain?" Hindi ako pinansin ni kuyang kalbo kaya habang hinihila niya ako ay kumuha ako ng saging na naka display sa isa sa mga lamesa na malapit sa exit nitong kusina. Medyo mahaba itong saging kaya tinago ko ito sa loob ng aking short. Kunwari ay wala akong kinuha kaya tumahimik na lang ako. Natigil bigla si kuya upang bigyan ako ng nagbabantang titig. "Bakit?!" Sigaw ko sa kaniya ng mas tumalim ang pagkakatitig niya sa akin. "Ano'ng ginawa mo?" Nang-aakusa niyang singhal. May mata ba sa batok ang taong ito? Paano niya nalaman na may kinuha ako? Nagkibit balikat ako bago nag-iwas ng tingin. "Ugh sasakit ang ulo namin sayong bata ka!" "Saan'g ulo?" Balik ko naman habang nagtataas baba pa ang aking mga kilay. Gigil na napahilamos si kuya sa kaniyang mukha bago ito yamot na yamot na nagpatuloy sa paghila sa akin. Tagumpay naman akong napangisi dahil hindi nito binawi yun'g saging na kinuha ko. Haha kala niya ah! Matapos ang ilang minutong paghila. Nakarating kami sa isang lugar na wala masyadong mga kagamitan, kapansin-pansin din na madilim sa parteng ito at walang masyadong tao. Maraming pinto at tapat-tapat ang mga ito. Para akong nasa abandonadong hotel pero ang kaibahan lang ay nasa ibaba kami. Pansin ko kasi na pababa ang daan kanina at bahagyang uminit ang temperatura sa parteng ito kaya hinulaan ko na lang na underground ang parteng ito ng bahay. Nakakamangha dahil ngayon lang ako nakakita ng ganitong klase ng set up. Para tuloy akong nasa loob ng isang horror movie. "Bakit dito niyo ko dinadala?" Takang tanong ko kay kuya. Umalingawngaw sa bawat sulok ng hallway ang aking boses at bahagya kaming napapikit dahil sa lakas niyon. "Natipuhan ka ni boss," Tipid at madiing sagot ng kalbong lalaki bago kami huminto sa tapat ng isa sa mga pinto. May nilabas siyang grupo ng mga susi at ginamit ang isa sa mga 'yon upang buksan ang pinto na nasa harap niya. Nagustuhan ako ni Alexion? Dahil ba ito sa mahaba kong pagtitig sa kaniya. Naagaw ko ang pansin niya dahil sa ginawa ko kanina! Muling bumalik yun'g kabang nararamdaman ko. Dapat kaninang may pagkakataon nagtatakbo na ako paalis pero hindi, mas pinili ko pang sumama sa mga lalaking ito knowing na hindi ligtas ang buhay ko. Ano'ng ginawa ko? Padabog na binuksan ng kalbong lalaki ang pinto ng kwarto. "Pasok!" Hindi pa ako nagkakaroon ng pagkakataon na makapagsalita ng agad na niya akong tinulak papasok sa madilim at mabahong silid. "Te-Teka!" Sobrang bilis ng mga pangyayari. Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng kwarto ay agad na sinara ni kuya ang pinto. Malakas ang tunog na nilikha niyon dahil gawasa metal ang pinto at sobrang tahimik ng buong lugar na 'to. Nakasara man ang pinto ay nilapitan ko pa rin ito at paulit-ulit na pinaghahampas. "Kuyang kalbo?!" Tawag ko sa lalaki na naghatid sa akin dito. "Kalbo!" Walang sumasagot kaya paulit-ulit ko 'yong sinigaw hanggang sa manuyo ang aking lalamunan at makaramdam ako ng takot dahil sa kadiliman na lumukob sa paligid. Walang ilaw dito sa loob ng kwarto, kaya wala akong makitang kahit ano. Wala rin'g ingay na maririnig maliban sa malalalim kong paghabol sa aking hininga at malakas na kabog ng aking puso. Kung alam ko lang na mangyayari sa akin ito, hindi na dapat ako pumunta pa rito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD