Chapter 3 : "The Tyrant's will to catch a bird" [Clementine's POV]

1300 Words
Sobrang lamig ng temperatura sa madilim na kwartong 'to. Ang tanging karamay ko sa mga oras na ito ay ang isang piraso ng saging na nakuha ko sa kusina. Hindi ko alam kung flavor lang ba ito ng saging pero habang nginunguya ko ito ay pansin kong parang may pagka maasim ito, hindi tulad nun'g mga saging na nakukuha ko sa kusina nila Grace. Baka nga may flavor ang isang 'to. Nakanguso akong napatango bago muling pinagpatuloy ang pagpapak sa mahaba ay matabang saging. Bakit kaya ako pinadala rito ni Congressman Alexion? Meroon ba siyang ibibigay na extra money sa akin? Ang sabi kanina nun'g lightbulb na tauhan niya ay pinakuha ako nun'g butihing Congressman dahil natipuhan ako nito. Paano niya ako natipuhan kung ilan'g segundo lang naman kaming nagkatitigan sa isa't isa. Ang weird pala ni Congressman... Matapos ang ilang oras kong pagtunganga at paglilibot sa madilim na kwarto ay sa wakas meroon na akong narinig na kakaibang mga tunog. Noong una ay tunog na nanggagaling sa yabag ng mga tao lang ang naririnig ko. Nakaramdam ako ng takot dahil baka multo lang 'yon ngunit ng kumalansing ang bakal at kinakalawang ng pinto nitong kwarto ay doon na ako na buhayan ng loob. Walang multo ang kayang magbukas ng pinto, pwede silang tumagos sa kung ano-ano kaya bakit mag-aabala pa siyang magbukas ng pinto? Napangisi ako. Ang balat ng saging na kanina ko pa pinaglalaruan ay agad kong tinapon sa pinaka dulong parte nitong kwarto. Muling kumalansing ang pinto bago ito dahan-dahang bumukas. Nakakangilo ang tunog na nililikha nito dahil sumasayad sa maduming sahig ang puno ng kalawang nitong katawan. Hindi kasi yata marunong maglinis ang mga taong naka tira rito kaya ganito ang set-up ng place na 'to. So yuck and filthy. Nang tuluyan ng bumukas ang pinto ay pumasok ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa ilaw na nasa labas. Hindi iyon ganoong kaliwanag ngunit dahil na sanay na ang mga mata ko sa kadiliman ay nanibago ito at nasilaw agad. Napapikit ako't napa-iwas ng tingin dahil humapdi bigla ang mga mata ko. Urgh, killjoy naman oh! Paano ko malalaman kung sino ang nandito ngayon?! Kinusot ko ang aking mga mata ngunit hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa pigura na nasa harap ng pinto,ang tanging nakikita ko lang ay ang anino niya na nasa aking paanan. Malaki at matangkad ang taong ito. Hindi ko alam ngunit habang nakatitig ako sa anino niya ay nakaramdam ako ng panlalamig at kilabot. Sino siya? Parang ayoko ng malaman kung sino ang taong ito. Mas gugustuhin ko na lang na yumuko at tumitig sa anino niya hanggang sa makaalis na siya sa aking harapan. "I've heard that you're good at talking..." Ani ng malalim na boses ng isang lalaki. Napakalalim ng boses nito at napakalamig, ngunit kataka-taka na ang sarap sa tenga ng boses niya lalo na at meroon pa itong accent at English speaking pa. Kano siguro ang isang 'to, halata kasi sa pananalita at tono na malamig at diretso. "Well I want you to do me a favour," Ani muli ng lalaki. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin. Bawat pagdikit ng kaniyang mga paa sa sahig ay siyang pagtambol ng puso ko. Rinig na rinig ko ang kaniyang yabag at nararamdaman ko na ang nakakalunod na prisensya niya. Gusto kong makita ang mukha ng lalaking ito ngunit wala akong lakas upang igalaw man lang ang aking ulo upang tumingala. Natatakot ako... "What made you speechless?" Tanong ng lalaking sa akin. "Did my men scare you?" Balak ko na sanang ibuka ang aking bibig para hindi na siya mapahiya sa kakasalita niya ng bigla kong maramdaman ang napakalamig at napakatigas na palad sa aking baba, dahan-dahan akong pinatingala ng lalaki hanggang sa muling magtagpo ang aming mga mata. Muli ko na naman'g natitigan ang kulay itim nitong mga mata. Habang naka tuon ang aking pansin doon ay pakiramdam ko unti-unti akong nilalamon ng kadiliman. Mas lumakas at bumilis ang t***k ng puso ko. Si Congressman Alexion! Nasa harapan ko ngayon ang Congressman! Out of instinct for survival, I immediately take a step back. Umatras ako palayo sa nakakatakot na nilalang na nasa aking harapan. Sinubukan kong iiwas ang aking tingin sa kaniya ngunit tila nahuli na nito ang aking kaluluwa. Wala na akong magawa kung hindi ang hayaan siyang higupin pa ang natitirang katinuan na namamahay sa katawan ko. Mahinang napatawa si Congressman. Tawa na nagmistulang musika sa aking pandinig. Dahil sa ginawa kong pag-atras ay nabitawan niya ang aking baba, kung kaya't tinago na niya ang bakante niyang mga kamay sa malapad niyang likoran. Diretsong napatayo sa harapan ko ang napaka tangkad na lalaki. Sa sobrang laki ng kaniyang katawan ay nahaharangan na niya ang liwanag na nanggagaling sa labas. "I want to give you a job," Usal nito. Napapikit-pikit naman ako't naguguluhang napatitig sa perpekto niyang mukha. Anong trabaho ang ibibigay niya sa akin? Tiga hugas ng mga paa niya? Tiga samba niya o tiga masahe ng likoran pag pagod na siya? Kung ano man sa mga iyon ang iooffer niya ay malugod kong tatanggapin kahit na wala pang sweldo! Masaya akong maging alila ng ganito ka-gwapo at kabait na nilalang! "Hala Congressman! Ano pong trabaho?" Malaki po ba ang sweldo? Gusto kong itanong din iyon pero parang ang kapal naman na yata ng mukha ko kung idadagdag ko pa 'yon kaya nilulon ko na lang muna ang aking laway. "It's quite a hard job bu-" Hindi ko na siya pinatapos. "Kaya ko po iyan Congressman! Magaling po ako atsaka masipag. For sure overqualified ako para sa trabaho na 'yan!" Agad akong lumuhod sa kaniyang harapan at humawak sa mahahaba at matigas niyang binti. Hindi nagbago ang malamig na emosyong naka plaster sa mukha ng lalaki. Nanatili itong kasing lamig ng yelo habang nakababa ang tingin sa akin. Sagad naman akong napangiti bago ko hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang mga binti. May ibibigay na trabaho si Congressman! Good news ito, hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng oportunidad para makapag trabaho sa isang opisyal na katulad ni Congressman. Ang lambot at ang bango ng suot-suot niyang pants, sigurado akong mamahalin ito dahil kakaiba at napakaganda ng tela. Diyos ko makakaahon na ako sa hirap at maiiwanan ko na rin ang napakadaldal na si aling Nena na ina ni Grace. Kumikinang na sa saya ang aking mga mata at sagad na ang ngiti ko sa labi. Masasayahan na sana ako dahil sa hari na nasa harapan ko ng bigla kong maalala yun'g mga bulungan nun'g mga tao sa bayan namin. Si Congressman Alexion... May dahilan kung bakit kinatatakutan siya ng mga tao sa lugar namin. Hindi dapat ako natutuwa sa taong ito, hindi dapat ako masaya dahil may inaalok siya sa akin. Ang ngiting naka plaster sa aking mukha ay unti-unting nag-iba. Nabaluktot ito at naging mapait. Ang kanina'y mahigpit na pagkakakapit ko sa matigas at malakas na hita ng lalaki ay lumuwag hanggang sa lumayo na ng ilang distansya ang nanginginig kong mga kamay. Ano itong napasok ko? Napa-ismid si Congressman. Habang ako naman ay puno ng ingat na napaatras. Umatras ako, habang siya ay humakbang palapit sa akin. Paulit-ulit kong ginawa iyon habang paulit-ulit din naman siyang humakbang upang sundan ako. "Since you accept the job. I assume that you'll do whatever I want you to do," Wika ng lalaki ng ma-corner na ako nito. Napatigalgal ako't napatingala para pagmasdan ulit ang kaniyang mukha. Gusto kong tumutol at humindi, ngunit ng makita ko ang nakakakilabot na mga tingin na binabato niya sa akin? Wala na akong nagawa kung hindi kagatin na lang ang dila ko at taimtim na magdasal. Sa dami ng mga tao sa mundo bakit ako pa? Nandito lang ako para sa 500! Simula't sapul talaga ay sinusundan na ako ng kamalasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD