Chapter 4 : "Clementine Vita" [Clementine's POV]

1855 Words
Binigyan ako ng trabaho ni Congressman Alexion at malaki ang sweldo. Kada isang fake news na maipapakalat ko tungkol sa katunggali niya sa pwesto ay meroon akong limang libo. Kumbaga ang puhunan ko sa trabahong ito ay ang laway pati na rin ang abilidad ko para magsinungaling sa mga ka-operatiba ko sa samahan ng mga Marites. Nakakaba lang minsan lalo na tuwing may makikita akong single o mutor na hihinto sa harap ng bahay nila Grace. Dito kasi ako nakikitira ngayon sa bahay nila dahil napalayas na naman ako sa inuupahan ko. Binibigyan ko si Aling Nena ng isang libo kada buwan para matahimik na siya at hindi na ako talakan ng sobra-sobra. Sa oras naman na makuha ko na ang una kong sweldo mula kay Congressman ay hahanap na ulit ako ng matinong uupahan tapos doon ako titira. O baka maisipan kong tumakas ang pumunta sa isang probinsya malayo sa lugar na ito. Oo at panatag akong gawin ang trabahong ito ngunit hindi maganda ang pakiramdam ko rito. Parang meroon'g mangyayaring masama at oras-oras pakiramdam ko ay hindi ligtas ang buhay ko. Gusto kong tumakbo paalis, pero gusto ko rin naman'g magkapera. Kaya no choice ang dito kung hindi ang mag go with the flow sa gustong mangyari ni Congressman. "Hoy alam niyo ba na meroon'g s*x scandal si mayor?" Wika ko sa babaeng katabi ko na kumakain ng fishball. Dito ko naisipang tumambay sa kanto, kung saan maraming mga home base na nanay na nag-aalaga ng kanilang mga anak habang hinihintay ang sahod ng kanilang mga mister. Madali silang makausap at mabigyan ng fake news dahil wala silang magawa sa kani-kanilang mga bahay maliban sa pagbi-binggo at tong its. "Ha?" Napaikot ang akin'g mga mata. "Hindi mo pa napapanood? Grabi sobrang dami ng nakapanood niyan!" "Totoo ba?" "Oo atsaka bukod sa scandal ang alam ko ay madalas din si mayor sa bahay aliwan." "Para nga'ng nababalitaan ko iyan." At doon na sila dumami ng dumami. Noon'g una ay kokonti lang ang nakapaligid sa akin, hanggang sa nagtaka na ang mga ito at isa-isang lumapit sa akin upang makinig sa mga kwentong barbera. "May link ka ba? Ipasa mo nga sa akin!" Singhal pa ng isang tricycle driver. Napanguso ako sabay turo sa kaniya ng stick ng fishball na nasa akin'g kamay. "Ayoko nga baka sabihin pa ng mga tao rito e manyak ako." Ismid ko sa kaniya. Palusot ko lang iyon dahil nanonood naman talaga ako. Napakamot sa ulo niya ang tricycle driver. "Paano mo nalaman na meroon'g scandal si Mayor eh hindi ka naman pala nanonood?" Patay! Bakit kasi hindi na lang siya maki chismiss tulad nitong mga kafederasyon. "Nakita ko lang sa isang social media app. Syempre tirik na tirik ang araw atsaka nasa pisonet lang ako, ala nga naman'g panoorin ko 'yon doon diba?" Napatango-tango sila. Habang mas lumalalim ang kwentuhan namin tungkol sa mga pangit na balita tungkol sa magiging kalaban ni congressman Alexion ay parami ng parami ang mga digits na binibilang ko sa akin'g isip. Konting fake news na lang ay kikita na ako at magkakaroon ng pambigay sa mga kapatid ko, malapit pa naman na ang birthday ni Rosal. Paniguradong manghihingi sa akin iyon ng pambili niya ng gamit sa school lalo na at wala pa naman'g trabaho 'yong mga magulang nila. "Sige na mga mare. Uuwi na ako sa bahay at inaantok na rin ako," Paalam ko sa kanila kahit na ang totoo niyan ay nagsisinungaling lang ako. Imbes na umuwi para makapag pahinga ay dadayo pa ako sa kabilang bayan para maghatid ng chismiss. Nang fake news, balita ko ay piyesta rin doon kaya makikikain na rin ako. Sumakay ako ng tricycle at bumaba sa kanto, naglakad-lakad ako at huminto sa tapat ng isang compound na meroon'g maraming tao. Magulo at maingay sa bayan na ito ngayon, meroon'g mosiko at banda. Paanong hindi magkakaroon eh ganado ang mga politiko ngayon, botohan na syempre dapat ay magpabango sila sa mga nasasakupan nila. Inis akong napaismid at napailing. Ganiyan naman ang kalakaran eh, pagbotohan lang nagsasaya ang mga tao. "Ate sino'ng naghanda ng mosiko rito?" Tanong ko sa matandang babae na naka tabi ko sa lamesa. Parehas na puno ang mga plato namin at meroon pa kaming ekstrang plato na dala-dala para sa desserts. "Si Congressman Alexion daw sabi nun'g kumare ko." Napatango-tango ako. "Buti pa si Congressman Alexion may pa ganito ano? Iyong mayor natin tulog pa rin ba hanggang ngayon?" Nakangisi kong wika. Punong-puno na ang bibig ko pero patuloy pa rin ako sa pakikipag chismisan, ang tawah dito ay multitasking. Talento ko na ito noon pa, lalo na noon'g nag-aaral pa ako. Hindi ko alam kung bakit ngunit biglang nalukot ang mukha ng matanda at inis itong napahampas sa lamesa. "Huwag kang magsasalita ng ganiyan tungkol kay Mayor. Ang dami ng naitulong niyon kumpara sa Alexion na iyan na puro pananakot ang ginagawa!" Napasimangot ako at lihim na napamura. Mukhang hindi ako swe-swertihin sa bayan na ito ah? Napakamot ako sa akin'g ulo at bago pa lumaki ang gulong ito ay humingi na ako ng paumanhin sa matanda. "Sa susunod sukatin mo 'yang mga salitang lumalabas sa bibig mo!" Inis niyang singhal. "Nag sorry na ako ah?!" Napailing lang ito. Imbes na pagalitan pa ako sabunin ng mapapangit na salita ay tinuon na lang ng matanda ang kaniyang atensyon sa ga-bundok na mga pagkain na nakahain sa kaniyang plato. Sobrang lalim ng pagkakanguso ng labi ko habang ngumunguya ng pagkain. Mukhang kailangan ko pang pumunta sa ibang lokasyon para magpakalat ng mas maraming chismiss. Parang anti-Alexion kasi ang mga tao rito. Nang matapos kong ubusib ang lahat ng pagkain na nasa akin'g plato ay pumunta naman ulit ako sa isang bahay. Medyo malaki at masasarap ang mga pagkain na nakahain sa lamesa nila kaya naparami ako ng kuha, nag take-out na rin ako para mamaya pag dumaan ako sa bahay ng mga kapatid ko ay mabibigyan ko sila ng pang-ulam hanggang bukas. Medyo maraming tao ang dumating sa bahay na huli kong pinuntahan kung kaya't marami-rami rin akong naichismiss. Hindi ko na namalayan ang oras, nang lumabas ako sa huling compound na akin'g pinasukan ay sumalubong sa akin ang madilim na kalangitan. Ilan'g araw pa bago ang botohan. Medyo maraming fake news pa aking dapat ipakalat. Naikuyom ko ang akin'g kamao at determinadong napatingin sa kalangitan, akmang hahakbang na ako upang makapaglakad na pauwi ng biglang may humintong kulay puting van sa akin'g harapan. Bumukas ang pinto, pagkakitang-pagkakita ko pa lang sa mga taong nasa loob nito ay mabilis na akong tumakbo paalis habang nagsisigaw na parang meroon'g nasusunog. "Ahhh tulong!" Umatras ang van habang naka bukas ang pinto nito. Meroon akong napanood na tricks sa social media kaya iyon ang ginawa ko. Nang umatras ito ay huminto ako sa pagtakbo at nag-iba ng reaksyon. Mahigpit kong hawak-hawak ang supot ng mga pagkain upang hindi ito matapon habang sapo-sapo ko naman ang dibdib ko dahil tuwing tatakbo ako ay umaalog ito. Oo. Fine-Flex ko pa ang dibdib ko habang hinahabol pa rin ako ng mga kidnapper. "Tulong!" Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa sobrang lakas ng sigaw ko. Hinabol nila ako ng hinabol, pero ng makakita ako ng masikip na eskenita ay pumasok ako rito dahilan upang mapahinto sila. Iyan ang hirap sa mga rich kid na kidnapper. Hindi nila maipapasok ang sasakyan nila sa ganitong klase jg eskenita. Malakas akong napahalakhak habang tumatakbo paalis. Buti nga sa kanila, akala nila ay maiisahan nila ako! Pero hindi pa rin ako dapat magpakampante. Sigurado akong hindi kay congressman ang mga taong iyon. Naalala ko yun'g sinabi sa akin noon ni Congressman Alexion. Malcolm could be pissed if he finds out that someone is working to ruin his image. Tinanong ko si Alexion kung ano ang dapat kong gawin sa oras na mangyari iyon at isa lang ang naging sagot niya sa akin. Don't let them catch you. Ako na raw ang bahalang dumiskarte kung paanong hindi ako mahuhuli nila Mayor Malcolm. Diyos ko, ngayon ko lang narealize kung anong klaseng kagagahan ang pinaggagawa ko! Nang medyo mapalayo na ako at masigurado kong wala ng sumusunod sa akin ay napahinto ako sa pagtakbo at hinihingal na napaupo sa isang gilid. Habol-habol ko pa ang aking hininga at halos marinig ko na ang t***k ng sarili kong puso. Hindi dapat ako magpahuli sa mga tauhan ni Mayor Malcolm dahil malilitinkan ako sa oras na mangyari iyon. _ Malamig ang simoy ng hangin at tahimik na ang gabi. Nang makarating ako sa harap ng bahay namin ay sunod-sunod na mura at mga sigaw agad ang bumungad sa akin. "Puro na lang pambabae at inom 'yang inaatupag mo!" "Paano pala kung lumayas na ako sa bwisit na bahay na ito? Ano'ng ipapakain mo sa mga bubwit na ito aber?!" Nag-aaway na naman sila. Malungkot akong napabuga ng hangin bago tahimik na lumakad papunta sa gilid ng bahay kung nasaan ang kwarto ng mga kapatid ko. Kinatok ko ang nakasarang bintana at wala pang ilang segundo ay bumukas na ito at niluwa ang pinaka bunso kong kapatid. "Ate!" "Shhh 'wag kang maingay!" Tikom ang bibig na napatango-tango ang bata. "Nasaan si Nene?" Bakit siya lang ang naka silip ngayon? Napanguso ito sabay turo sa kama nila. Tumingkayad ako upang makita kung ano ang nasa kama at ganoon na lang ang awa at lungkot na naramdaman ko ng makita ang balot na balot ng kumot na si Nene. "May sakit ba siya?" Tanong ko kay Vi. "Hindi po ate. Napalo po siya ni papa kasi hindi siya nakabenta ng kandila kanina sa simbahan..." Agad na nagliyab ang apoy sa akin'g puso. Gusto kong pumasok sa bahay at sapakon 'yong ama nila pero matagal na akong ban sa pamamahay na ito. Kaya hindi ko pwedeng gawin iyon. Baka ma-baranggay na naman ako pag nagpumilit akong pumasok sa bahay na ito. Malungkot akong napangiti kay Vi bago ko binigay sa kaniya ang isang supot na puno ng mga pagkain. "Ubosin niyo 'yan ni nene ha? 'wag niyo ng titirhan 'yong halimaw niyong mga magulang!" Napanguso ang maliit na bata. "Ate magulang mo rin naman si-" "No Vi. Don't say bad words, wala akong magulang." "Ate nama-" Bago pa matapos ni Vi ang susunod niyang sasabihin ay ginulo ko na ang buhok nito atsaka ko kinipa ang akin'g bulsa. Meroon pa akong natitirang isang daan kaya binigay ko na lang ito sa kaniya. "Baon mo sa school iyan. May trabaho na si Ate pero hindi pa ako sumusweldo kaya pagtiisan niyo muna 'yan ha?" Malungkot at dahan-dahang napatango ang bata. Naririnig ko na malapit ng matapos yun'g bakbakan nun'g dalawang musang kaya nagpaalam na ako kay Vi at sinara ko na ang bintana sa kwarto nila. Nang hindi ko na nakikita ang maamo at maliit na mukha ng nakababata kong kapatid ay doon ko lang naramdaman ang pagod at takot na kanina ko pa dapat maramdaman. Namanhid na yata ako haha. Buti na lang kung ganoon dahil siguro kung hindi ako bugbog sa karahasan at mga problema? Baka hindi ko na nasikmura itong pinatra-trabaho sa akin ni Congressman Alexion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD