bc

MY ONE LAST TEARS & GOODBYE

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
revenge
love-triangle
HE
second chance
heir/heiress
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

blurb

“Hindi lahat ng luha ay dahil sa kahinaan. Minsan, iyon ang huling paraan para pakawalan ang sakit.”

Si Meriam Alfonso, dating simpleng babae na nagnahal nang totoo, ay iniwan at pinaniwalaang taksil. Ang lalaking minahal niya — si Lawrence Velasquez, ang kanyang kababata at unang pag-ibig — ay naniwala sa kasinungalingan ng iba, lalo na ng pinsang si Roselle.

Nasira ang pagkakaibigan, at nadurog ang pusong minsang puno ng pag-ibig at pag-asa. Pero matapos ang ilang taon ng pananahimik, bumalik si Meriam— hindi na ang babaeng minamaliit, kundi isang matagumpay na business tycoon na kayang iparamdam sa kanila kung gaano kasakit ang ipagkanulo.

Ngunit paano kung sa gitna ng paghihiganti, unti-unting magbalik ang damdaming pilit niyang nilimot?

Magtatagumpay ba siya sa paghihiganti, o pipiliin niyang pakinggan muli ang t***k ng pusong minsang nasugatan?

Sa pagitan ng huling luha at huling pamamaalam, may natitirang pag-ibig bang handang lumaban muli?

chap-preview
Free preview
chapter 1
“Yes!... yes!” Hindi napigilan ni Lawrence ang paglundag nang marinig ang salita at matamis na “oo” ni Meriam. Nasa tabi sila ng dagat ng hapong iyon, at halos abot ng tainga niya ang ngiti ni Lawrence. Matagal na niyang inaasam-asam ang sagot na iyon, at ngayon, opisyal na silang magkasintahan. “Lawrence, ang OA mo… kailangan ba talagang lumundag-lundag ka diyan?” nakangiting sabi ni Meriam. “Oo naman! Masaya lang ako… kung gusto mo, sisigaw pa ako!” sumigaw ito, habang dinudubog ang dalawang kamay sa gilid ng labi. “Ang saya-saya ko ngayon… Lord, thank you! Salamat dahil dininig mo ang matagal ko nang hinihiling at pinapanalangin sa’yo!” sigaw ni Lawrence, na ramdam ang sobrang saya sa bawat patak ng hangin sa tabing-dagat. “Uy! Tumahan ka na nga diyan! Baka masita pa tayo rito dahil sa ingay mo,” sabi ni Meriam, sabay halakhak. “Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko… hindi ako makapaniwala na tayo na!” paliwanag ni Lawrence. “Sige ka, pag hindi ka pa tumigil… babawiin ko ang sagot ko at papalitan ng—” hindi naituloy ni Meriam ang sasabihin, dahil tumigil na nga si Lawrence at umupo sa tabi niya. “Wag, grabe ka naman… gusto ko lang ilabas kung anong saya ang nararamdaman ko dahil ang tagal kitang sinuyo at ngayon ko lang nakuha ang matamis mong ‘oo’,” pahayag nito, saka humiga sa buhanginan, nilagay ang dalawang kamay sa ulo, at ipinatong ang mga palad habang nakangiting tumitingin sa langit. “Hindi talaga ako makapaniwala na tayo na,” bulong ni Lawrence habang muling bumangon at umupo, nakatingin sa malalim na asul ng dagat. “Ano kaya ang magiging tawagan natin?” nakangiting tanong niya. “Ikaw, ano ba ang gusto mo?” nakangiti na rin si Meriam. “Gusto ko yung salitang tatawagan natin… may meaning, yong may letra ng mga pangalan natin,” wika ni Lawrence. “Ah, alam ko na—‘Mahal’… oo, mahal. Kasi nga sa umpisa na letra ay ‘M’—Meriam, at sa huli ay ‘L’—Lawrence.” Nangingislap ang mga mata niya sa tuwa. Si Meriam ay tahimik lang, ngunit ramdam ang kilig sa dibdib niya. “Hmmm… bagay nga, maganda kung iyon ang tawagan natin, mahal,” nakangiting sagot ni Meriam. Inakbayan ni Lawrence si Meriam. “Oo nga, mahal,” wika rin niya, hindi maalis-alis ang ngiti sa labi. Yumuko si Meriam para tapihin at linisin ang buhangin sa kanyang mga paa. Napatigil si Lawrence habang titig sa maamong mukha ni Meriam, tila pinipilit ipinta sa memorya ang bawat detalye. Nang itaas ni Meriam ang mukha, napakunot ng bahagya ang noo ni Lawrence. “Bakit ganyan ka nakatingin?” tanong niya. Binaling ni Lawrence ang tingin sa asul na langit, nanatiling nakangiti. “Ang ganda ng tanawin, mahal… kasing ganda mo,” bulong niya. Napatigil silang dalawa nang makita si Roselle sa di kalayuan, naglalakad patungo sa kanila. Tumayo si Lawrence at kinapa ang likod ng shorts niya para alisin ang buhangin. “Sigurado ako na matutuwa si Roselle kapag nalaman niya na sinagot mo na ako,” ani Lawrence, sabay ngiti ng excited. “Hindi niya kaya alam na sinusuyo mo ako,” sagot ni Meriam, at tumayo rin, hintayin ang paglapit ni Roselle. “Hindi nga niya alam, pero kung makatukso sa ating dalawa… wagas,” wika ni Lawrence, sabay ngiti. Nginitian niya si Roselle nang malapit na ito sa kanila. “Mukha yatang may sekreto kayong pinag-uusapan?” tanong ni Roselle nang makalapit. “Anong sekreto? Sa ating tatlong magkakaibigan, hindi uso ang lihim… lahat lantad, at walang pagkukunwari…” sagot ni Lawrence, sabay ng makahulugang ngiti. “Parang may laman yata ang sinasabi mo, friend… ano ba meron?” tanong ni Roselle. “Friend, pagkatapos nating umalis dito, deretso tayo sa dating tambayan. Kung gusto natin ng bagong environment… medyo classy pag nag-celebrate tayo,” sagot ni Lawrence, lalong lumapad ang ngiti. “Treat ko kayo!” sabi niya. “Anong meron?” nagtatakang tanong ni Roselle, naguguluhan sa kilos ng kaibigan. Sina Meriam, Lawrence, at Roselle ay matalik na magkaibigan simula nang tumira si Meriam sa bahay ng mga magulang ni Roselle. Siyam na taong gulang pa lamang si Meriam nang doon siya manirahan. Bukod sa pagiging matalik na magkaibigan, magpinsan din sila. Kinuha at pinatira si Meriam sa bahay ng kanyang Auntie Giselle at Uncle Joven, dahil mahirap lamang siya. Nag-iisang anak si Meriam; nang maliit siya, tanging kasama niya ang kanyang ina dahil iniwan sila ng kanyang ama. Sa hirap ng buhay, pumayag ang kanyang ina na sa Auntie Giselle at Uncle Joven muna siya manirahan. Nangako rin ang mag-asawa na pag-aaralin siya at ibibigay ang magandang pamumuhay. Higit pang lumago ang pamumuhay dahil sa negosyo ni Uncle Joven. Nang tumira si Meriam doon, may isang anak ang mag-asawa, si Roselle, na kasing edad lang ni Meriam. Maganda ang pakikitungo ng pamilya kay Meriam; sa katunayan, parang tunay na anak ang turing nila sa pamangkin. Ngunit kahit na nasa Maynila siya at ang ina ay nasa Davao, hindi niya nakakalimutang bisitahin ito tuwing katapusan ng buwan. Nakilala ni Meriam si Lawrence nang minsang namumulot siya ng shells sa tabing-dagat. Naroroon din si Lawrence at sinita siya dahil pumupunta raw siya doon nang hindi nagpapaalam. Baguhan si Meriam roon, siyam na taong gulang pa lamang siya, at si Lawrence ay mas matanda sa kanya ng dalawang taon. Noong una, suplado pa si Lawrence, ngunit nag-iba ang pakikitungo nito nang malaman na pinsan ni Roselle si Meriam. Naging matalik na magkaibigan ang tatlo, hanggang sa high school at private school sila. First year college nang magsimulang magparamdam at sinuyuan ni Lawrence si Meriam nang hindi alam ni Roselle. Mahilig lang silang tuksuin ni Roselle, ngunit hindi sinabi ni Lawrence sa ibang kaibigan na may lihim siyang pagtingin kay Meriam. Nasa third year high school sila nang marinig ni Lawrence ang matamis na “oo” mula kay Meriam. “Ano ba ang meron?” ulit ni Roselle. Nagkatinginan sina Meriam at Lawrence, saka sabay na sabi, “Kami na…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook