Malamig ang hangin sa rooftop lounge ng hotel habang tahimik na nakatayo si Lawrence sa gilid ng glass railing. Mula roon ay tanaw niya ang kumikislap na city lights sa ibaba—mga ilaw ng sasakyan na parang alon na gumagalaw sa mga kalsada, at ang mga street lamps na naglalatag ng gintong liwanag sa madilim na gabi. Sa ganoong katahimik na sandali, dapat sana’y payapa ang isip niya. Ngunit kabaligtaran ang nararamdaman niya. Mahigpit ang hawak niya sa baso ng wine, halos hindi niya namamalayan na matagal na pala siyang nakatitig sa iisang direksyon. Ang isip niya ay bumabalik sa mga nangyari kahapon. Kay Meriam. Sa halik na iyon. Isang halik na hindi niya inaasahan. Isang halik na hindi rin niya pinagsisihan. Napapikit siya sandali. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang lambot ng lab

