bc

Kabibeng Nakabuka ni Bebang (Palengke Chronicles)

book_age16+
5
FOLLOW
1K
READ
heir/heiress
blue collar
lighthearted
kicking
city
office/work place
small town
lies
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

DAMIEN

I’m Damien Alcantara—future CEO of a canned seafood empire built on tuna, sardines, and every branded tin my family name touches. I was raised in boardrooms, luxury kitchens, and spotless factories where nothing ever smells like fish unless it’s already packaged and profitable.

At nang utusan ako ng lolo ko na kailangan kong patunayan na karapat-dapat ako maging tagapagmana ng posisyon niya, ang ibig sabihin pala ay ilang buwan akong tatapak sa palengke para makita ang totoong business sa seafood na sinasabi niya.

I expect discomfort. I don’t expect hell.

The mud ruins my shoes. The noise splits my patience. The smell clings to everything I own. And worst of all, I met her—si Bebang, ang vendor na masyadong masama ang ugali dahil sinabi kong ang kabibe niya ay mabaho at bulok .

She thinks I’m just another rich man who looks down on people like her.

She isn’t entirely wrong.

At least, that’s what I believe… hanggang sa natikman ko ang kabibe niya na masarap pala.

At first, it’s for her oysters—always fresh, raw, and f*****g dangerously good.

Then for our banters.

Then for her laugh.

Then for her.

Ang gusto ni Lolo ay maintindihan ko ang lahat tungkol sa seafood. Hindi naman siya nag-warning na maaadik pala ako sa...

...sariwang kabibe ni Bebang.

****

BEBANG

Ako si Bebang, ang market vendor na ang pangunahing paninda ay mga seashells kasama ang mga alimango, sugpo, lobsters at iba pa.

Lahat ng customer ay kasundo ko. Kahit hinaharot ako ng maraming kalalakihan ay okay lang basta siguradong sure buyer naman.

Isang umaga ay nakilala ko ang mayabang na apo ni Sir Leon Alcantara—ang mabait na mayamang matanda—na tinulungan ko nang makita kong nahihilo at wala pa ang driver niya.

Mabait si Sir Leon, itong si Damien ay hindi.

Matapobre. Maarte.

Binuhusan ko nga ng mga talaba na nasa lagayan para madikitan ang kaniyang three-piece suit. Parang tanga, naka-three-piece suit ba naman sa gitna ng palengke.

Nagsagutan kami pagkatapos. At sa huli, sinabi ba namang mabaho ang kabibe ko kasi bulok!

Kinabukasan, himala na bumalik siya. Ayaw ko na siyang bentahan, pero pinakyaw niya ang lahat ng kabibe ko. Siyempre, pera ang kahinaan ko.

Araw-araw same scenario hanggang sa nakasanayan ko na siyang makita sa palengke para amoy-amuyin ang aking...

...kabibe.

chap-preview
Free preview
Prologue
DAMIEN Fuck* this task! Inis kong nilibot ang tingin sa buong palengke. Kung bakit naman kasi sa daming ipapagawa sa akin ay ganito pa. Ayaw na ayaw ko pa namang pumunta sa ganitong lugar na puro dugo ng mga isda at karne ang nakikita ko. Hindi ko gusto ang ingay ng mga tao. Hindi ko gusto ang halo-halong amoy na mabaho. At mas lalong hindi ko gusto ang mga putik na dumidikit sa sapatos ko mula sa madulas na sahig. Once magkamali na madulas ako, tiyak na ang mga mikrobyo—na siguradong wala pang nakaka-discover kung paano mapapatay—ay magbibigay sa akin ng malalang sakit. Pabuga akong huminga palabas ng hangin sa inis. Kung hindi lang talaga sa utos ni Lolo Leon ay buti kung papasok ako rito sa palengke para hanapin ang sinasabi niyang tao na maraming maituturo sa akin tungkol sa negosyo ng seafood. May binigay si Lolo sa akin na phone number ng kung sinong gusto niyang maging mentor ko, kaso… nawala ko. Malay ko ba kasi na seryoso siya sa utos. Sinabi niyang kung gusto kong maging tagapagmana ng posisyon niya bilang CEO ng Alcantara Seafood Industries, dapat ko raw aralin ang lahat tungkol sa produkto ng dagat. Okay lang sana kung sa dagat niya ako gustong pumunta, kaso dito pala sa palengke at nandito raw ang sigurado niyang magaling sa seafoods. Ang pangalan lang ang tanda ko sa taong hinahanap ko. Hahanapin ko na lang at ipagtatanong at imposible naman na hindi siya kilala ng mga vendor dito sa palengke. “Anong hanap mo, sir?” nakangiting tanong sa akin ng isang matandang babae. Maraming display na seafood siyang paninda. Napatingin ako sa pangalan ng puwesto niya. Bebang Fresh Kabibe Everyday. Mabibembang Ka Sa Sarap. That’s the name of my mentor! Siya na si Aleng Bebang! Nginitian ko siya. Hindi ko na pala kailangan magtanong at nakita ko na siya agad. “Pili na, sir!” She smiled again. “Kaaangkat lang itong mga talaba ng apo ko. Bagong kuha lang sa dagat kaya siguradong malinamnam.” Mukha naman siyang mabait. Kukutsabahin ko na lang na araw-araw kong papakyawin paninda niya tapos sasabihin niya kay Lolo Leon na natutunan ko na lahat tungkol sa seafoods na binebenta niya. “Aleng Bebang,” ani ko. “Ako po pala ang apo ni Leon Alcantara. Ibinigay po sa akin ang pangalan niyo. Pinapunta niya po ako rito para makilala kayo.” “Naku, amang…” Natawa nang mahina ang matanda. “Nagkakamali ka. Hindi ako si Bebang. Apo ko ‘yon…” I frowned. Kung apo niya si Bebang ay ibig sabihin kaedaran ko lang ang babaeng tinutukoy ni Lolo Leon na magtuturo sa akin tungkol sa seafood business. Oh, c’mon! Anong ituturo sa akin ng Bebang na ‘yon? Nakalimutan na ba ni Lolo na ang MBA ko ay mula pa sa Harvard? “Nasa’n po ang apo niyo, Lola?” tanong ko na lang. Curious na tuloy ako kay Bebang at paano siya nakilala ng lolo ko. “May kinita siyang supplier ng mga iba pang klase ng mga kabibe na maititinda kaya—” “Ayan na si Bebang!” malakas na hiyaw ng isang lalaki. Parang ipinapaalam na may parating na reyna ng seafood at dapat nilang ipagpugay. Puro pagsipol ang kasunod kong narinig habang lahat nakatingin sa iisang direksyon. Lalong lumalim ang kunot ng noo ko. Anong nangyayari sa mga tao rito? Tiningnan ko na rin si Bebang. I frowned. Maganda pala at sexy. Baka crush lang pala siya ni Lolo kaya akala ng isa ay puwede ko na maging mentor tungkol sa pagkilatis ng seafood? Habang palapit si Bebang ay hindi ko maiwasan na titigan siya dahil sa pusod niyang litaw. Naka-crop top lang siya at maiksing shorts na sa sobrang ikli ay konting tuwad lang niya ay masisilip na ang itinatago. Marungis siya at maraming buhangin sa puno ng mga dibdib na bumabakat dahil basa ang kaniyang pang-itaas na crop top. Namumula ang balat niya. Morena siya. And her face? Maganda. Mukhang Latina. All in all, kahit maraming duming nakadikit sa kaniya, kaakit-akit siya. “May customer pala tayo, La…” sabi ni Bebang at tumingin sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo. “Aba…” natawa siya. “Pormadong-pormado kayo, sir, ah…” komento niya. “Hindi ba kayo naligaw at napadpad lang dito sa palengke?” Napatingin ako sa ayos ko at sa mga ayos ng mga tao rito. She’s right. Mukha akong taga-ibang planeta at hindi bagay sa ganitong lugar. Nakasuot ako ng three-piece suit ko at leather shoes pa ang sapatos. “Mukha po kayong aircon na naligaw sa lugar ng mga kanal…” ani pa ni Bebang, sabay tawa na parang aliw sa kalituhan na nasa mga mata ko. Kung bakit ba hindi muna ako nagpalit ng damit bago pumunta rito. Nasa opisina kasi ako kanina at biglang pinatawag ni Lolo. Galit. Isang linggo na raw mula nang kausapin niya ako, pero hindi ko pa nasimulang magpakita rito kay Bebang. Paano raw siya maniniwala na kaya niyang iwan sa akin ang pamamalakad ng kumpanya kung simpleng utos ay hindi ko nagawa? “Damien Alcantara,” pakilala ko kay Bebang. “Ikaw ang sadya ko rito sa palengke.” Tumango siya. “Taga-resto ka po ba, sir?” tanong niya, pagkatapos ay tiningnan kung bakit tumunog ang phone niya. “Ano pong pangalan ng resto, sir? Mamaya pa kasi ako magde-deliver para sa mga resto. Pero dahil dito na kayo ay puwede niyo na rin kunin ang order niyo at...” She trailed off. Binasa ang kung anong message sa kaniya ng kung sinong nag-chat. “Um… hindi ako taga-resto,” wika ko. “Apo ako ni Leon Alcantara. Ang sabi niya ay hanapin kita at—” She laughed. Loud. And that stopped me from talking. Ako ba ang pinagtatawanan niya? Nasa mga mata niya na mukha akong tanga kanina pa pero ang pagtawanan niya ay… Umiling ako. Definitely, this woman cannot teach me anything about seafood. Akala lang ni Lolo na may matutulong ito sa akin, pero wala. Wala. ******** BEBANG “May nakakatawa?” tanong ng lalaki na nagpakilalang apo ni Sir Leon—ang mabait na mayamang matanda—na tinulungan ko noong makita kong nahihilo at nag-iisa sa tapat na building kasi wala pa ang driver na inaantay. Natigil ako sa pagtawa. May chat ang best friend kong si Piyaya kaya ako natawa. May sinasabi siya tungkol sa pinagtsitsismisan namin na si Milet. Nakita niya raw na may kasamang matandang lalaki. Ang walanghiyang iyon! Ako ang laging tsinitsismis na pumapatol sa matanda pero siya pala! “Ang sabi ko… May nakakatawa ba?” parang galit na ulit na tanong ng lalaki sa harap ko. Napakurap-kurap ako. Tumawa ako kasi may ka-chat ako at hindi dahil sa sinasabi niya, pero hindi naman rason iyon para angilan niya ako na parang bata. “Deliver ko lang po maya-maya ang order niyo, sir. Pakisulat lang po ang pangalan ng resto kung saan ang delivery…” pambubwisit ko, sabay abot ng papel at ballpen. Gusto kong isipin niyang hindi ko narinig ang sinabi niyang apo siya ni Sir Leon—ang mabait na mayamang matanda—na malayo ang ugali rito sa apo niya. Kailangan kong isipin ulit-ulit na mabait at mayamang matanda ang lolo niya at hindi gaya niya. Hmp! Kung makasungit ay parang hindi mukhang shunga na naka-three-piece suit sa loob ng palengke! Sumimangot ang lalaki. Napangisi ako. Mission accomplished. Hindi uobra sa akin ang mga pa-aircon niyang ugali. Natawa lang ako sa chat ni Piyaya, nagsungit na siya. Hindi niya ba naisip na siya ang may kailangan sa akin? Ako, wala. “Naku, sir…” dagdag kong pambuwisit pa. “Hindi na sana kayo pumunta rito at baka maputikan pa ka—Ay, bakla ka!” “f**k*!” mura niya habang nakatingin sa damit na nadikitan na ng mga dumi ng talaba na nabuhos mula sa lagayan na nakapatong sa puwesto ko. Nanlaki ang mga mata ko. Sinadya kong tabigin ang lalagyan ng talaba na ako ang nagpatong sa display-an ng puwesto ko, pero hindi ko sinasadya na mapasobra ang ginawa. Hindi lang kasi nabuhusan ang lalaki ng tubig galing sa lagayan; nadikitan pa ang mamahalin niyang coat at slacks ng mga nagpuputik na buhangin mula sa mga talaba na hindi ko pa nalinisan. “Hala! Sorry, sir!” Mabilis kong lapit para punasan ang damit niya. Nakonsensya naman ako kahit paano. Pagpunas na imbes makatulong ay lalong kumalat pa sa kaniya ang mga basang putik at buhangin. “Wui, Bebang!” ani Aleng Rochelle mula sa likuran ko. “Anong nangyari sa talaba mo? Bakit dumikit na sa customer mong guwapo?” natatawang tanong niya. “Nagulat kasi ako, Aleng Rochelle,” dahilan ko. “Natabig ko ang lagayan at— “Stop that!” galit na sabi ng lalaki at inalis ang kamay ko sa kakapunas sa pantalon niya. Umatras siya at diring-diri na inangat ang dalawang braso. Inilapit niya ang kanang braso sa ilong at inamoy ang nabasang parte ng manggas. “What the hell is this smell?! Ambaho!” “Smell ng talaba,” sagot ko. “O para mas maintindihan ng aircon na gaya mo… ‘Yan ang amoy ng kabibe kong fresh from the sea waters.” Siyempre, um-English ako. Baka akala niya palibhasa sa palengke lang ako ay hindi ko naiintindihan ang kanina pa puro mura na lumalabas sa bibig niya. Tinitigan niya ako ng masama. Itinago ko ang matawa. Napasobra ako kaya alam kong mali na ako roon. “Fresh?” aniya. “Sigurado ka bang fresh ang kabibe mo?” Asar siyang tumawa nang mahina. “Amuyin mo kaya ‘yang kabibe mo! I’m telling you, Miss Bebang. Bulok na ‘yang kabibe mo kaya mabaho!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
680.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.4M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
921.0K
bc

A Warrior's Second Chance

read
327.8K
bc

Not just, the Beta

read
330.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook