ALESSANDRO POV
Malalim akong huminga, pinakiramdaman ang bigat ng gabi. Tumingin ako sa salamin ng glass window ng kwarto ko habang hawak ang baso ng mamahaling alak isang tanawin ng Manila ang bumungad sa akin: malalaking building na kumikinang sa ilaw, mga sasakyang hindi nauubusan, at kalangitang tila laging puno ng usok at problema.
Ganito ang mundong ginagalawan ko magarang tingnan sa labas, pero bulok sa loob. Parang ako.
Inikot ko ang alak sa baso, pinipilit pakalmahin ang sarili. Sandaling napapikit ako, sinusubukang pakiramdaman ang katahimikang halos hindi ko maramdaman sa siyudad na ‘to.
TRRRRT… TRRRRT…
Tumunog ang cellphone ko.
Pagdilat ko, mas lalo lang sumama ang mood ko nang makita ko kung sino ang tumatawag.
Pierro.
Ang lalaking halimaw na akala niya ay may karapatan siyang agawin ang pwesto ko sa organisasyon. Ang una at pinakamasahol kong kalaban pareho kami ng dugo, ng lakas, ng yabang… pero magkaibang-magkaiba sa prinsipyo.
Pinindot ko ang decline, hindi ko bet makipag-usap.
Ngunit ilang segundo pa lang TRRRRT… TRRRRT…tumatawag na naman.
Tangina.
Inis kong ibinaba ang baso sa side table at saglit na pinisil ang tulay ng ilong ko. Hindi dahil natatakot ako. Kundi dahil sawang-sawa na ako sa pangungulit niya.
Pierro ang tipo ng tao na hindi makuntento. Palagi siyang naghahanap ng paraan para saktan, manggulo, at manggamit ng tao. At ngayon? May isa siyang pinipilit sa akin na matagal ko nang tinatanggihan.
“Mag-girlfriend ka na lang, Alessandro,” paulit-ulit niyang sinasabi.
“Kumuha ka ng babae. Ayusin mo ang imahe mo. Gawin mo ‘yon, at titigilan na kita.”
Bullshit.
Hindi ko kailangang maging genius para malaman na wala siyang planong tumigil kahit may babae pa ako o wala. Kahit may girlfriend ako, gagawa pa rin ‘yan ng paraan para wasakin ang buhay ko.
Isa pa…
Girlfriend? Para saan? Para mas maraming masaktan? Para may mas madali siyang targetin?
Hindi ko kailangan ng kahinaan sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng babae na magiging tanikala ko.
At higit sa lahat, hindi ako marunong magmahal. Hindi ako nagtatagal sa kahit sino.
I don’t do relationships.
I don’t do attachment.
Ang mga babaeng dumadaan sa buhay ko?
Isang gabi lang. Walang meaning. Walang halaga.
Walang emosyon.
Ginagamit ko sila para mapawi ang init, ang stress, ang pagkasuya ko sa mundong ginagalawan ko at pagkatapos, aalis sila na may perang pambayad sa tahimik nilang pag-alis.
Walang magtatagal.
At wala akong planong may magtagal.
Kinuha ko ulit ang baso ng alak at uminom.
Maalat. Maanghang. Mainit.
Parang ako.
Pero sa ilalim ng lahat ng kayabangan at kalupitan ko, may parte ng utak kong nag-iisip
Relasyon? Punyeta. Mas delikado pa ‘yon kaysa makarami ng kaaway sa mafia.
Inihagis ko ang cellphone sa kama. Ayoko nang marinig ang tawag niya.
Napapailing na ako habang patuloy sa pag-ingay ang cellphone ko sa mesa. Halos ilang minuto na itong nagvi-vibrate, at kahit gaano ko pa siya i-ignore, parang wala siyang balak tumigil. Si Pierro lang naman ang taong kayang manggulo sa araw ko nang ganito walang hiya, makulit, at akala mo kung sinong may-ari ng oras ko.
“Put—” napamura ako bago ko tuluyang sinagot ang tawag. Wala na, e. Nakakairita na ang ingay.
“Ayan! Sinagot mo rin sa wakas, Alessandro! Akala ko”
“Ano ba, Pierro? Wala ka na bang ibang pwedeng istorbohin? Kung wala kang sasabihin na mahalaga, ibababa ko na ’to.”
Pero kahit hindi ko makita ang mukha niya, ramdam ko ang pagngisi niya sa kabilang linya. ’Yung tipo ng ngising alam mong may kalokohan siyang dala. At gaya nang inaasahan kung ano-ano na naman ang daldal niya.
“Bro, seriously, kailangan mo na talagang magka-girlfriend. Ang lungkot ng”
“Tangina mo, Pierro. Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi ako interesado? Gusto mo ng girlfriend, ikaw ang maghanap. ’Wag mo kong idamay sa kabaliwan mo.”
Tinanggal ko na ang phone sa tenga ko, handa nang ibaba nang walang kahit anong pake… nang biglang magsalita siya at ang tono niya, biglang naging seryoso.
“At teka lang. Huwag mong ibaba. May sasabihin ako.”
Napahinto ako. Hindi dahil sa respeto kundi dahil bihira magseryoso ang hinayupak na ’to. At alam kong kapag ganito ang boses niya, may hindi magandang balitang kasunod.
“Uuwi na si Celestine.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Ang kamay kong nakahawak sa cellphone, biglang nanigas.
Saglit akong natigilan. Ang t***k ng puso ko biglang bumilis. Hindi ko alam kung dahil sa inis, sa galit, o sa… naaalala ko pa rin siya kahit ayaw ko na.
Si Celestine.
Ang babaeng minsan kong minahal.
Ang babaeng kumalabit sa parte ko na akala kong patay na pero sinaksak din ako sa likod at iniwan para piliin ang taong mas malaki ang maibibigay sa kanya. Oo, si Pierro rin ’yun. Ang gago.
Humigpit ang hawak ko sa baso ng alak. Halos mabasag na.
“Anong sinabi mo?” malamig kong tanong.
“Ayaw mo bang marinig? Uuwi na raw si Celestine mula Italy. At guess what”
“Pierro.” Mariin kong sinabi ang pangalan niya. Mabigat. Babala. “Huwag mo ’kong gagalitin.”
Pero tumawa lang siya nang mahina.
“Relax, Alessandro. Hindi ko naman sinasabing para sa’yo siya uuwi. Pero… alam ko namang hindi ka pa rin immune sa kanya.”
Napapikit ako. Hindi dahil sa sakit kundi sa matinding inis sa sarili kong nagreact pa.
Tama siya. Hindi ako immune. Galit ako, oo. Pero hindi ko kayang sabihing wala na talaga.
“Kung ako sa’yo,” bulong niya, “maghanda ka. Baka matalo ka na naman.”
At doon ko siya binabaan.
Hindi ko na hinayaang tapusin pa niya ang pang-aasar niya. Humigpit ang panga ko. Nanunuot ang sakit na matagal ko nang tinatakpan ng alak, babae, at bawat kaguluhang kaya kong pasukin para lang hindi siya maalala.
Pero ngayon bumabalik ang lahat.
At isang salita lang ang kaya kong sabihin.
“Celestine…”
At para bang may apoy na sumiklab sa dibdib ko galit, paghihiganti, at isang damdaming pilit kong pinapatay noon pa man.