CHAPTER 7

1195 Words
LYANNAH POV singko pa lang nang umaga nang marating namin ang Maynila. Pagkababa na pagkababa ko ng van, agad na bumungad sa akin ang lamig ng hangin, ang usok ng sasakyan, at ang ingay ng lungsod malayo sa katahimikan ng isla. Kasama ko pa rin sina Rosenda at ang iba pang kababaihan na galing din sa amin; karamihan kababata ko, pero ngayon ko lang sila nakikitang ganito tahimik, kinakabahan, at pare-parehong hindi alam ang kakaharapin. Pagdating namin sa tinutukoy ni Rosenda, napakunot ako ng noo. Tinawag niya iyong “apartment,” pero ang bumungad ay parang malaking bahay na pinaghati-hati ang loob. May mahabang pasilyo, maraming pintuan sa magkabilang gilid, at amoy pintura at lumang kahoy. “Teka, apartment ba ’to?” bulong ng isa kong kababayan. Ngumiti lang si Rosenda at pumalakpak. “Okay! Makinig kayo, ha?” sabi niya, malakas at mabilis. “Dito muna kayo titira. Maraming kwarto, tig-dalawa kayo bawat isa. Doon kayo magpapahinga. Mamayang 3PM, gising kayo dahil preparation na natin. Night shift ang trabaho ninyo kaya masanay dapat kayo na gising sa gabi.” Nagkatinginan kami ng mga kasama ko. Night shift? Hindi niya naman sinabi iyon sa isla. Pero wala akong sinabi. Ito ang pinili ko pangarap ko makapagtrabaho at ngayon, nandito na ako. Isa-isa kaming tinuro sa mga kwarto. Nang ako naman ang turn, itinuro sa akin ni Rosenda ang pang-apat na pintuan sa kanan. “Diyan ka, Lyannah,” sabi niya. “Tapos ’yan ang kasama mo si Meryl,” sabay turo sa babaeng katabi ko. Si Meryl ay kababata ko rin, mas tahimik sa akin, mas mahinahon. Nginitian niya ako nang tipid at sabay kaming pumasok sa kwarto. Pagpasok namin, halos doon pa lang tuluyang bumagsak ang bigat ng pagod ko. Double deck ang higaan, may maliit na electric fan, at dalawang lumang aparador. Amoy kulob at bagong linis ang kwarto hindi nakasanayan pero puwede na. “Ako na sa taas, ha?” mahinang sabi ni Meryl. “Oo naman,” sagot ko at agad akong yumuko para ilapag ang bag ko sa sahig. Hindi ko na kayang mag-isip kung saan ko ilalagay ang mga gamit ko; para akong robot galaw lang ng galaw pero halos wala sa sarili. Naupo ako sa gilid ng higaan ko sa ibaba ng double-deck at parang doon ko biglang naramdaman ang lahat. Ang antok. Ang pagod. Ang lungkot. Ang kaba. Parang nanlalamig ang kamay ko habang iniisip ang mga pangyayari. Iniwan ko ang pamilya ko sa isla. Iniwan ko ang palengke. At ngayon, nasa Maynila na ako isang lugar na hindi ko alam kung magiging kaibigan ko… o magiging kalaban. Humiga ako, hindi man lang nagbihis, hindi naghilamos. Ramdam ko ang lagkit ng biyahe, ang usok na dumikit sa balat ko, pero mas matimbang ang bigat ng talukap ng mata ko. Tumingin ako sa kisame kahoy, may konting bitak, parang luma. “Ito na ba talaga ang simula ng pangarap ko?” “Kaya ko ba ’to?” Napapikit ako. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko o pananabik. Pero bago pa ako tuluyang lamunin ng antok, biglang sumagi sa isip ko ang mukha nina Nanay, Tatay, at ng mga kapatid ko. Iniwan ko sila para mangarap. Kung babalik ako, hindi dapat luhaan kundi may dala akong magandang balita. Humugot ako ng malalim na hininga. Para sa kanila… kakayanin ko ’to. At sa wakas, bumigay ang katawan ko. Unti-unting bumigat ang talukap ng mata ko, at nang tuluyan akong pumikit, para bang dahan-dahan akong nilamon ng antok at kadiliman. Hindi ko namalayan, tulog na pala ako bago pa man ako makapag-isip ng kahit ano pa. Nagising ako dahil sa malakas na pag-ungol ng sikmura ko. Para bang may kumakatok mula sa loob ng tiyan ko, pilit akong ginising. Napakunot ako ng noo at dahan-dahang iminulat ang mga mata ko. Madilim-dilim pa ang kwarto, pero may konting liwanag na pumapasok mula sa maliit na bintana. Napatingin ako sa gilid kung saan naroon ang digital clock na nakapatong sa lumang aparador. 2:08 PM Napahawak ako sa tiyan ko. “Kaya pala… gutom na gutom na ako,” mahina kong bulong. Hindi ko na namalayan na halos buong umaga pala akong himbing na himbing. Siguro dahil sa pagod ng biyahe at kaba na naramdaman ko kanina. Sa itaas ng double-deck, rinig ko ang mahinang paghilik ni Meryl mukhang knock out pa rin siya. Dahan-dahan akong bumangon, baka kasi magising ko. Hindi na ako nag-ayos ng buhok; hinawi ko lang ito sa likod at lumabas ng kwarto, dala ang lamig ng gutom at antok. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang ilang mga babae na hindi ko kasama sa van kanina. Mga bago sa paningin ko mas matatanda sa amin, halatang sanay na sa lugar. May tatlong babae na nakaupo sa mahabang upuan sa gilid ng hallway, magkakausap at nagtatawanan. Isa roon ay nakataas ang paa sa upuan, naka-shorts at may hawak na sigarilyo. May isa namang nagkakape habang nakatingin sa akin na parang sinusuri ako mula ulo hanggang paa. Yung isa, nakadikit sa pader, naka-earphones pero nakatingin sa akin ang isang mata. Lahat sila, sabay-sabay na napatingin nang lumabas ako. Para bang bago at kakaibang hayop na nakawala sa hawla. Ngumiti ako nang tipid, medyo awkward pero magalang. “Ah… magandang hapon po,” bati ko nang mahina. Nagkatinginan ang dalawa, bahagyang napangisi. “Aba, gising na ang bagong salta,” sabi nung babaeng naninigarilyo bago suminghot ng usok at ibuga iyon sa kabilang direksyon. “Ngayon ka lang nagising, ineng?” tanong nung nagkakape, nakataas ang kilay. “Kanina pa bumangon yung iba n’yo.” “Gutom ka? Wala pang luto d’yan. Si Ate Rosenda, nasa taas pa,” sabi nung isang nakadikit sa pader. Napakamot ako ng batok. “Oo… medyo gutom na po kasi ako.” Napailing yung naninigarilyo. “Sanayan lang ’yan. Ganyan din kami noong una. Hapon ka magigising, gabi ka magtatrabaho. Masasanay ka rin.” Gabi magtatrabaho… Bumalik agad sa isip ko yung sinabi ni Rosenda kanina. Night shift. Hindi pa rin malinaw kung anong klase ng trabaho iyon, pero kailangan ko pang kumain bago ako masiraan ng loob. “Pwede po bang bumili ng pagkain sa labas?” tanong ko, nagbabakasakaling makalabas kahit sandali. Nagkatinginan na naman sila. “Pwede naman,” sagot nung nagkakape, “pero siguraduhin mong alam mo ang daan pabalik. Baka maligaw ka. Manila ’to, hindi isla.” Tawa ulit sila. Ako naman, lumunok ng serbesa at tumango. “Alam ko naman po. Babalik agad ako.” Paglingon ko pa lang papunta sa pintuan ay bigla silang tumahimik, para bang may paparating. Ilang segundo lang, bumukas ang pintong nasa dulo ng hallway. At lumabas si Rosenda. Nakaayos na siya naka-makeup, pulang-pula ang labi, suot ang masikip na damit na hindi ko pa nakikita noong nasa isla kami. Pagkakita niya sa akin, tumaas ang isang kilay niya. “O, gising ka na pala, Lyannah.” Tapos sinipat niya ang orasan. “Ang bilis mo ring makatulog ah. Halika nga dito.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko. doon nagsimula ang pakiramdam na… baka hindi ganito kaganda ang trabahong pinasok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD